MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA MGA LAYUNIN: ❏ Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mapanuring pagbasa ❏ Nauunawaan ang mga katangian ng estratehiya sa mapanuring pagbasa ❏ Natutukoy ang paksang tinalakay sa teksto ❏ Naisasagawa ang pagsulat ng sariling teksto at mga gawaing inihanda kaugnay ng aralin Ang Mapanuring Pagbasa ❖ Naibabahagi ang sariling paninindigan ❖ Naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto ❖ Mahalagang bahagi ng proseso ng pagsulat ❖ Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamatotohanan ng impormasyong nakalahad sa teksto Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ➢ Ayon sa aklat ng Sicat et al.(2016) ay may iba’t ibang kasanayan na dapat paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng pagbasa ay mga sumusunod: Bago Magbasa ➢ Sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong babasahin upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng teksto.Kinakapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat. Habang Nagbabasa ➢ Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto.May mga prediksiyon bago magbasa ang pinanghahawakan upang panatilihin ang pokus sa aktibong pang-unawa sa binasa.Kabilang sa mga pamamaraan upang maging epektibo ang pagbabasa ay ang pagtantiya sa bilis ng pagbasa, biswalisasyon ng binasa,pagbuo ng koneksyon, paghihinuha, pagsubaybay sa komprehensiyon, muling pagbasa, at pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Pagkatapos Magbasa ➢ Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa ng komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng sintesis at ebalwasyon upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pagalala sa teksto. MGA ESTRATEHIYA ❖ Skimming ❖ Scanning ❖ Brainstorming ❖ Previewing ❖ Contextualizing ❖ Questioning ❖ Pagbubuod SKIMMING ❖ mabilisang pagbasa na ang layunin ay upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. SCANNING ❖ mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay upang hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago magbasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. BRAINSTORMING ❖ Ito ang kalayaan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro at magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto. PREVIEWING ❖ Tumutukoy ito sa panganagalap ng maraming impormasyon hinggil sa teksto bago pa man ito basahin. CONTEXTUALIZING ❖Ito ay ang pagsasaayos ng teksto sa paarang historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural. ❖ ❖ QUESTIONING Naglalaan ng mga katanungan para sa mas malalimang pagkakaintindi sa teksto. Ito ay ang pagsasaad ng tanong tungkol sa nilalaman ng teksto. PAGBUBUOD ❖ Kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto ❖ Isang paraan upang malaman kung naunawan ang ang tekstong binasa ❖ Ginagamit upang mapaikli ang anumang teskto Tanong? ★ Bakit mahalagang matutuhan ang mga kasanayan/estratehiya sa mapanuring pagbasa ng isang teksto? Pagnilayan! Ang pagiging mapanuri ay napakahalaga sapagkat _____________ Maraming Salamat sa Pakikinig!