Uploaded by dj corpuz

sanhi at bunga

advertisement
SANHI AT
BUNGA
SAWIKAPICS
Panuto:
Hulaan ang salawikain na
ipinapakita ng larawan.
1. Kung may tiyaga,
may nilaga.
2. Kung may itinanim, may aanihin.
3. Kapag may isinuksok, may madudukot.
4. Ang taong gipit, sa patalim kumakapit.
DAHILAN
RESULTA
Pansinin ang larawan:
Pansinin ang larawan:
ANSIH
SANHI
UBGAN
BUNGA
Ano nga ba ang SANHI at BUNGA?
SANHI
 ay tumutukoy sa pinagmulan o
dahilan ng isang pangyayari.
 ito ay nagsasabi ng mga
kadahilanan ng mga pangyayari
 kadalasang pinangungunahan ngg
mga pangatnig na kasi, dahil at
sapagkat
BUNGA
 resulta o kinalabasan dulot ng
pangyayari.
 ito ang epekto ng kadahilanan ng
pangyayari
Halimbawa:
 Nagpuyat si Lita kagabi kaya inaantok
siya sa klase.
Nagpuyat si Lita Kagabi – Sanhi
Kaya inaantok siya sa klase- Bunga
Mga Hudyat na nagpapahayag ng SANHI
 Sapagkat
 Dahil/ dahil sa/ dahilan sa
 Palibhasa
 Ngunit
 Kasi
Halimbawa:
1. Nalalason ang mga isda sa dagat at
nagkakaroon ng mga baha (bunga) dahil sa
walang disiplinang pagtatapon ng basura
kung saan saan (sanhi)
2. Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan
sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral
siyang mabuti (sanhi).
Mga Hudyat na nagpapahayag ng BUNGA
 Kaya/ kaya naman
 Kung/ kung kaya
 Bunga nito
 Tuloy
Halimbawa:
1. Magdamag na umiiyak ang sanggol sa
loob ng bahay (sanhi) kaya hindi nakatulog
nang maayos si Aling Ester (bunga).
2. Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang
cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad
(bunga).
3. Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya
mataas ang nakuha niya sa pagsusulit
(bunga)
PANGKATANG
GAWAIN
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik
ng may tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang
epekto ng kadalinanan ng pangyayari.
A. sanhi
B. bunga C.resulta D. lahat ng nabanggit
2. Ito ay tumutuoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay
nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
A. sanhi
B. bunga C.resulta
D. wala sa nabanggit
3. Sa taglay niyang kagandahan siya _
ang kinuha bilang
Bb.Urdaneta.
A. dahil
B. kaya
C. dahil sa D.tuloy
4. Palagi siyang nag nag-aaral ____________ nito madali niyang
nauunawaan ang mga leksyon.
A. bunga
B. kaya
C. sapagkat D.kaya naman
5. _____________ magaling siya, natapos niyang maaga ang kanyang mga
gawain.
A. pagkat
B. kaya
C. palibhasa D. dahil
6. Nagkaroon ng bagyo ______________ di natuloy ang High
School Night.
A. dahil
B. kaya
C. dahil sa
D. tuloy
7. Nagkaroon ng brown-out sa Calegu _______________ sa
nasunog ang poste.
A. pagkat B. kaya
C. palibhasa
D. dahil
8. Maganda ang kanyang hangarin ___________ lang masama parin
ang tingin ng iba.
A.kaya
B. kaya naman
C.dahil
D.tuloy
9. __________________nasira ang iyong relasyon hindi mo kasi
iningatan ng maayos.
A. kaya
B. kaya naman
C. dahil
D.tuloy
10.Si Hanna ay masipag sa pag aaral ______________________
naging With Honors siya.
A. sapagkat
B.palibhasa
C.kaya naman
D. kaya
Tandaan: Sa paglalahad ng
sanhi
at
bunga
nangangailanan ng tamang
paggamit ng mga hudyat.
Ginagamit ito upang mas
mapadali ang pagkilala sa
sanhi at bunga.
PAGSASANAY:
PAGSASANAY:
Maraming Salamat sa Pakikinig 
Download