Republic of the Philippines NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY Concepcion Campus D.B Oñate St. Concepcion, Iloilo Reg. No. 97Q19783 FIL 209 Panimulang Linggwistika Ang Pagsasalita at Ponolohiya WENDELLENE V. HUERVAS Propesor Alam mo ba? Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog. Makabuluhan ang mga tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang layunin, intensyon, at saloobin ng nagsasalita. Layunin sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin, bilang guro sa hinaharap ay dapat na: Naipakikita ang kaalaman sa pagkilala sa mga ponemang segmental sa Filipino. Naipakikita ang kaalaman sa wastong pagbigkas ng mga salita at pahayag na may pagsasaalangalang sa mga ponemang suprasegmental. Magsimula na Tayo! Panuto: Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit. A. Totoo? Maganda siya? Totoo! Maganda siya. 2. Magagaling? Sila? Magagaling sila. •Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? •Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at A2? B. • 1. May bisita tayo bukas? 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari? May bisita tayo bukas. Ikaw ang may-sala sa nangyari. •Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa B1 at B2? •Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa B1 at B2? Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing nais ibigay ng bawat pahayag. Gaano kahalaga ang pagbigkas ng tama ng isang salita? Ang Pagsasalita Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pagaaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa taguring OSCAR. Ulo ni OSCAR Ang bibig ng tao (tignan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog. Dila at panga (sa ibaba) Ngipin at labi (sa unahan) Matigas na ngalangala (sa itaas) Malambot na ngalangala (sa likod) Salik upang makapagsalita ang tao: •Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya •Ang kumakatal na bagay o artikulador •Ang patunugan o resonador Pagkontrol sa Tono ng Tinig • Kwerdas Pantinig (Vocal Cords) Ang dalas ng pagpalag ng mga kwerdas pantinig ay nakokontrol sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng tensyon ng mga ito. • Pumapalag na Kwerdas Pantinig Dahil sa kinokontrol nito ang lumalabas na hangin mula sa ating baga (lungs) during Phonation. • Phonatory Process/Phonation Ang proseso na kung saan ang ating Kwerdas Pantinig ay nakalilikha ng tunog sa pamamagitan ng “vibration”. Sa ibang larangan ng mga Phoneticians gaya ng Linguistic Phonetics, ay Voicing ang kanilang tawag sa prosesong ito. • Nangyayari sa tuwing ang hangin na nalilikha o napapalabas natin sa ating diaphragm na dumadaan sa ating baga na napapalabas sa pamamagitan ng ating glottis ay kung saan nakakalikha ng presyon ng hangin sa ating laringhe at yun ang nagiging dahilan ng pagpapapalag ng ating mga kwerdas pantinig. • Ang pagpalag ng ating mga kwerdas pantinig ay ang nagsisilbing taga ayos/adjust ng presyon at daloy ng hangin sa pamamagitan ng ating laringhe, at ang hanging ito ay ang pangunahing sangkap sa proseso ng Voicing. • • Ang pinagmulan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita ay ang presyon ng palabas na hininga. • Pumapalag na mga bagay ay ang kwerdas pantinig na matatagpuan sa laringhe. • Hanging mula sa baga ay nakakaabot sa laringhe sa pamamagitan ng pagdaraan sa Trakya. • Laringhe ay binubuo ng kartilago o lamad. • Glottis ang tawag sa daanan ng hangin sa pagitan ng kwerdas pantinig. • Kung tayo’y humihinga ng karaniwan, ang glottis ay bukas na bukas. Bahagyang bubukas at magkakaroon ng tensyon kung tayo nama’y magsasalita. Presyon ng palabas na hininga ang siyang nagpapapalag sa mga kwerdas pantinig. Napapadalas o napapabagal ang pagpalag ng mga kwerdas pantinig sa pamamagitan ng pagpapalakas o pagpapahina sa tensyon ng mga ito. • Karagdagan: (Pagkakaiba ng mga Kwerdas Pantinig) Babae • Magkaibang laki ng kwerdas pantinig • between 1.25 cm and 1.75 cm (approx 0.5" to 0.75") in length. • May mas maputing kwerdas pantinig • Dahilan kung bakit magkaiba ang tono ng babae at lalaki dahil sa magkaibang haba at kapal ng kanilang mga kwerdas pantinig • Lalaki • Magkaibang laki ng kwerdas pantinig • between 1.75 cm and 2.5 cm (approx 0.75" to 1.0") in length. • May mas mababang tono dahil sa mas mahaba at makapal na mga kwerdas pantinig • Ang ating mga kwerdas pantinig ay bumubukas sa tuwing tayo ay lumalanghap (inhale). • Sumasara sa tuwing tayo ay nagpipigil ng hininga, at pumapalag sa tuwing tayo’y • nagsasalita o kumakanta (440 times per second sa tuwing kumakanta. • Aralin 2 • Puti ang kulay ng ating mga kwerdas pantinig dahil sa scant blood circulation Ang Ponolohiya Ang Fonoloji o ponolohiya (Palatunugan)- ay pag-aaral ng mga makabuluhang tunog. Ang tunog na nagbibigay kahulugan sapagkat dito matutunan ang tamang bigkas ng mga ponema. • Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ang tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas. • Ponema – ang tawag sa pinakamaliit yunit ng tunog ng isang wika na nakapagpapaiba ng kahulugan. • (Phoneme) phone-tunog eme-makabuluhan • Ponema - tumutukoy ito sa makabuluhang tunog. Ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita PONEMANG SEGMENTAL • Ang ponema o ponemang segmental ay ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog. Ito ay makabuluhang tunog sapagkat nakapagpapaiba ng kahulugan ng mga salita ang pagbabagong magaganap sa pag-papalit ng ponema sa parehong kaligiran. • Ang ponemang Filipino ay may 21 ponema. Ang 16 na ponemang katinig kabilang na rito ang impit na tunog o glotal (?), ang tunog na ginagawa sa pagsasara ng glottis.Ito ay walang katumbas na titik ngunit kumakatawan sa anyong pasalita o pabigkas at 5 na ponemang patinig. • Ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema– / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, • /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ/, /’/, /‛/ • Punto ng Artikulasyon • Ito ay tumutukoy kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng bawat ponemang katinig. • Panlabi- ito ay tunog na ginagawa nang nakasara o nakatikom ang bibig. • Pangipin-kapag ang dulo ng dila ay tumatama sa likod ng ngipin sa itaas. • Panggilagid- ang itaas ng dulong dila ay tumatama sa punong gilagid. • Palatal- kung ang dila ay lumalapit sa matigas na bahagi ng ngalangala. • Velar- kapag ang dila ay lumalapit sa malambot na ngalangala. • Glottal-ang mga babagtingang tinig ay lumalapit upang harangin ang presyon ng papalabas na hinihinga upang lumikha ng paimpit na tunog. • Paraan ng Artikulasyon • Ito ay naglalarawan kung paano lumalabas ang hininga (sa Bibig o ilong ) sa pagbigkas ng bawat ponemang katinig. • Pasara -kapag ang hangin ay harang na harang. • Pailong -ang bibig ay nakasara upang ang hangin ay lumabas sa ilong. • Pasutsot –ang hangin ay lumalabas sa o dumaraan sa makipot na pagitan ng dila at ngalangala. • Pagilid -ang hangin aylumalabas sa gilid ng dila. • Pakatal –kung ang hangin ay hinarang at pinalabas sa pamamagitan ng ilang beses na pag palag ng nakaarkong dila. • Malapatinig -ito ay paggalaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon. •Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa kastila at English. Tsart ng Segmental ng Ponemang Patinig •Ponemang Malayang Nagpapalitan – ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita. •HALIMBAWA: •babai - babae bukol-bokol •lalaki - lalake tono-tuno • Diptonggo/Malapatinig • tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,i,o,u / at tunog ng isang malapatinig/w,y/ sa iisang pantig. (aw,iw,ow,ay,ey,oy,uy) HALIMBAWA: araw ayaw baboy aliw sisiw kahoy tuloy sawsaw kasuy bahay kulay gulay • Klaster o Kambal Katinig • ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa inisyal, sentral, pinal. • HALIMBAWA: • Blusa kwento • Transportasyon traysikel •Pares Minimal •magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema •HALIMBAWA: •Pala-bala hari-pari tali-bali •PONEMANG SUPRASEGMENTAL -pag-aaral ng tamang bigkas ng mga salita upang maibigay ang ibayong kahulugan at ang pagggamit nito sa pangungusap. MGA URI NG PONEMEMANG SUPRASEGMENTAL • Haba at Diin -Tumutukoy ang haba sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Tumutukoy naman ang diin sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. • Notasyong Ponemiko - Ito ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas. Kung hindi sa katinig nagsisimula ang pagsulat ng salita, nagsisimula ito sa /?/ at kung hindi naman nagtatapos sa katinig, nagtatapos ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Ang /./ ay nangangahulugang paghahaba ng patinig. • Halimbawa: • /pa.ko?/ nail /pako?/ fern • /tu.boh/ pipe /tubo h/ sugar cane • /paso?/ flower pot /paso h/ overdue • /?a.soh / dog / ?aso h/ smoke • /ga.bih/ rootcrops /gabi h/ night • /buhay/ alive /bu.hay/ life •Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /? sa pagitan ng mga ito. •Halimbawa: •/ka?ibi.gan/ friend /ka?ibigan/ sweetheart •/kalaya.?an/ freedom /pagtiti?is/ suffering • Tono at Intonasyon -Ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.Bawat •tao’y may kani- kaniyang paraan ng pagbigkas ngunit may kinakailangan ding norm sa pagsasalita upang higit na maiparating ang mensahe (Gonzales , 1992). •Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang. • Antala/Hinto • -ang saglit na pagtigil sa pagsasalita. Ginagamit ito upang maunawaan at maging mabisa ang nais ipahayag ng taong nagsasalita sa kausap. • Upang maipakita sa puntong, ito ang hinto o antala, ginamit sa pagsulat, ang mga bantas na kumakatawan dito ay maaaring kuwit,tutuldok, tuldok-tuldok atbp. • Halimbawa • Hindi pula. • Hindi, pula. • Hindi sya si G. Carlos. • Hindi, siya si G. Carlos. • Hindi siya, si G. Carlos. Pagsasanay I. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito. • /BU:kas/= • /LI:gaw/= • /GA:lah/= • 4./PU:la?/= • 5./BU:koh/= / bu:KAS/ = / li:GAW/ = / ga:LAH /= / pu:LAH/ = / bu:KOH/ = II. Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas. • 1. / SA:ka/ / sa:KA/ • 2. / BU:hay// bu:HAY/• 3./ki:tah/ - / ki:TA?/• 4. /ta:lah/- /ta:la?/ • 5./ba:lah/- /ba.la?/ III. Panuto: Paghahambing sa ponemang segmental at suprasegmental sa pamamagitan ng venn diagram at pagbubuod sa kaligiran ng dalawang ponema. Pamantayan •Marka •Kaayusan ng Konsepto (10%) •Nilalaman (80%) •Kaugnayan ng Nilalaman (10%) •KABUUAN (100%) Kahulugan ng Pagsasalita 1. Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kaniyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kaniyang kausap. 2. Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap. Kahalagahan ng Pagsasalita 1. Naipapaabit sa kausap ang kaisipan at damdaming niloob ng nagsasalita. 2. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng tao. 3. Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig. 4. Naibubulalas sa publiko ang opinion at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at estratehiya sa pagpapatupad ng mga ito? 5. Madaling nakakukuha ng respeto sa ibang tao. Mga Pinuno 1. Abraham Lincoln - Dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nag-iwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo. “Hindi mataas ang pinagaralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang. Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig. 2. Franklin Delano Roosevelt Nanatali sa White House ng apat na sunudsunod na termino mula 1923-1945. Nilinang niya ang kaniyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita. Halos lahat ng kaniyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan. Maging ang kaniyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kaniyang impluwensya sa kanyang tagapakinig. 3. John F. Kennedy – Ika-35 Presidente ng Estados Unidos. Isa sa mga susi ng kaniyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng mga programang pantelebisyon. Siya ang ikalawang pinakabatang naging pangulo ng United States at siya rin ang unang katolikong pangulo at tanging pangulo na nakakuha ng Pulitzer Prize. Dahil sa kaniyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan. Tanyag na isang dakilang orador. Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan. Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita. Mga Pangangailangan Sa Mabisang Pagsasalita “Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon”. 1. Kaalaman “Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.” Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan. Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika. Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap. 2. Kasanayan “Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan kung kaya’t ito ay isang kasanayang maaaring linangin.” Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di- berbal. Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. 3. Tiwala Sa Sarili Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe. Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig. Kasangkapan Sa Pagsasalita “Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kaniyang tagapakinig sa kaniyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sa kaniya”. Ngunit paano nga ba maging isang mahusay na tagapagsalita? Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kaniyang mga kasangkapan sa pagsasalita. 1. Tinig Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita. Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig. Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon ding pababa. Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din. 2. Bigkas Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig. Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito. Kailangang bigyang pansin ng tagapagsalita ang bigkas ng mga salita kasama kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensidad, bilis, intonasyon, diin, bagal at hinto ng pagsasalita. 3. Tindig Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may magandang tindig. Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin. Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig. Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siya’y maging higit na mapanghikayat. 4. Kumpas Kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot ngunit ang pagkumpas ay kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit. Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas. Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas. Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o alanganing kumpas ng kamay. 5. Kilos at Ekspresiyon Ang emosyon ng nagsasalita ay nailalahad sa kilos ng katawan at ekspresyon ng mukha. Siguraduhing angkop ang kilos at ekspresiyon habang nagsasalita upang ito ay hindimagdulot ng kalituhan sa mga tagapakinig. Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw. Mga mata, balikat, paa, at ulo. – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita. Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap. Maraming Salamat