Uploaded by LeafyWeb G.

pilang.finale

advertisement
ABSTRAK
Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis, papel siyεντιρικο at teknikal, lektyur at mga report. Kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng pahina ng pamagat.
Naglalaman ito ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.
Layunin nitong magbibigay ng malinaw na larawan ng mga nilalaman ng pananaliksik,
magpabatid, manghikayat.
Ang abstrak ay karaniwang binubuo ng mga sumusunod:
Introduksyon: Maikli at makabuluhang pagsusuri ng konteksto o layunin ng pagsasaliksik.
Balangkas ng Pag-aaral: Pinaikling pagsusuri ng metodolohiya o estruktura ng pagsasaliksik.
Resulta: Maikling paglalarawan ng natuklasang impormasyon o datos mula sa pagsusuri.
Konklusyon: Buod ng mga pangunahing natuklasan at implikasyon ng pagsasaliksik.
Rekomendasyon: Opsiyonal na bahagi na naglalaman ng mga mungkahing hakbang o
direksyon para sa hinaharap.
Ang abstrak ay maikli ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
pagsasaliksik. Narito ang ilang katangian nito:
1.) Obhetibo (Sa isang layunin na hindi pansarili o biased na paraan, dapat ay
mayroong batayan sa mga nakikitang kaototohanan sa halip na damdamin o opinion
lamang.
2.) Ang haba ay karaniwang 100-250 salita depende sa disiplina o kahingian ng
palimbagan. (Kahit mayroong mga abstrak na umaabot ng higit pa sa 300 salita ay
kadalasang nirerekomenda lamang ay isang maikli ngunit makapangyarihang
abstrak sapagkat makakatulong ito sa iyong pananaliksik na makaakit ng mas
maraming mambabasa.)
3. ) Lohikal ang pagkakaayos na karaniwang laman ang apat na elemento. (Ang ibig
sabihin ang isang abstrak ay nararapat na mailarawan ang nilalaman nito sa isang
malinaw at maayos na
pangangatwiran na nilalaman ang apat na elementong
nabanggit ng unang pangkat, ito ay ang tuon, metodolohiya, resulta, pangunahin at
rekomendasyon ng isang pananaliksik.)
3.) Ang nilalaman ay matatagpuan rin sa pananaliksik at hindi gawa gawa lamang. (
Dahil ang isang abstrak ay ang buod ng iyong buong papel o pananaliksik, dapat ito
ay konektado sa nilalaman ng iyong papel o katulad sa mga nabanggit na katangian
kanina, dapat ay katotohanan ang nilalaman ng iyong abstrak at hindi gawa gawa
lamang.
4.) Nauunawaan ng mambabasa. (Kaya sa mga naunang katangian ng abstrak ay
nararapat na maging malinaw, maayos, at batay lamang sa katototohanan ang
pananaliksik ay upang mas
Maunawaan ito ng mga mambabasa.)
hakbang sa pagsulat ng abstrak:
1. Basahing muli ang buong papel.
2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto kahinaan. Ang anumang
4. I-proofread ang pinal na kopya.
Halimbawa ng Abstrak
Epekto ng Regular na Ehersisyo sa Kalusugan ng mga Kabataan”
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng regular na
ehersisyo sa kalusugan ng mga kabataan. Isinagawa ang pananaliksik sa isang pribadong
paaralan at kasama ang 100 estudyante. Ginamit ang eksperimental na disenyo at sinukat
ang mga
resulta gamit ang mga standar na pamamaraan ng kalusugan. Nakita na ang
mga kabataang regular na nag-eehersisyo ay may mas mataas na antas ng pisikal na
kondisyon at mas mababang bilang ng mga sakit. Sa kabuuan, nagpapahiwatig ang
pagsusuri na ang regular na ehersisyo ay may malaking benepisyo sa kalusugan ng
mga kabataan.
BIONOTE
Ang Bionote o Biography Note ay maituturing bilang isang suliting nagbibigay
ngimpormasyon at marketing tool na may tungkuling ipakikilala ang isang indibidwal
o angkatauhan ng isang awtor sa mga mambabasa o tagapakinig. Kadalasang ito ay makikita
salikurang ng pabalat ng libro na sinasamahan ng isang lirato ng awtor.
Layunin ng Bionote:
-
Ito ay naglalayong ipakilala ang isang tao sa pamamagitan ng maikli at impormatibong
pagsusuri ng kanyang buhay, karanasan, at mga nararapat na katangian.
Bahagi ng Bionote:
-
Pangalan: Pumapaksa sa buong pangalan ng tao.
Edad: Naglalaman ng kasalukuyang edad.
-
Edukasyon: Isinasaad ang background ng edukasyon at mga natapos na kurso.
Trabaho: Isinusulat ang kasalukuyang trabaho o propesyon.
Tagumpay: Maikling paglalarawan ng mga nakamtang tagumpay sa buhay.
Katangian ng Bionote:
- Maliit, ngunit puno ng kahalagahan at kasaysayan.
- Maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng impormasyon.
- May kaukulang estilo at tono na naaangkop sa layunin.
Paraan ng Pagsusulat ng Bionote:
- Simulan ito sa pangunahing impormasyon at unti-untiin ang pagbuo ng kwento.
- Gamitin ang tuwirang salita at iwasan ang labis na pamumuna o pagmamayabang.
Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Bionote:
- Layunin ng bionote.
- Angkop na tono at estilo.
- Maikli, ngunit kumpleto sa pagpapahayag ng buhay ng tao.
Halimbawa ng Bionote:
Joanne Heidi B. Sheng
Si Joanne Heidi B. Sheng ay isang estudyante nag-aaral sa Xavier University
Senior High School Ateneo De Cagayan. Kasalukuyang na sa baitang labingdalawa (12) ng
Humanities and Social Sciences Strand. Ipinagpatuloy ang paglalaro ng Volleyball Sport at
isa sa mga miyembro ng Women’s Volleyball Team Varsity sa paaralan ng Xavier
University. Mahilig din makikipag debate dahil sa interest na maging isang abugado,
miyembro ng Debate Circle Organization. Lahat ng ito ay ipinagpatuloy habang nag-aaral
upang mabigya ng liwanag ang daan patungo sa pagtapos at pagtulong sa pamilya.
Pictorial Essay
Depinisyon:
- Ito ay isang uri ng sulating pang-biswal na naglalaman ng mga larawan at kaukulang
paliwanag.
- Layunin nito ay magbigay ng masusing pagsusuri o paglalahad sa isang paksa gamit
ang serye ng mga larawan.
Layunin:
- Ipaabot ang impormasyon o mensahe sa pamamagitan ng mga larawan.
- Pagtagumpayan ang pagsasanay sa pang-visual na pag-iisip.
Bahagi:
1. Introduksyon: Pambungad na pahayag o konteksto ng paksa.
2. Serye ng Larawan: Mahahalagang larawan na may kaugnayan sa paksa.
3. Pagsusuri: Paliwanag o interpretasyon sa bawat larawan.
4. Konklusyon: Paglalatag ng pangwakas na ideya o pagsusuri sa kabuuang mensahe.
Katangian:
- Biswal Apil: Atraktibo at maayos na pagkakalagay ng mga larawan.
- Kasaysayan: Maliwanag na kwento o pagkakasunod-sunod ng mga larawan.
- Komprehensibong Paliwanag: Masusing pagsusuri ng bawat larawan.
Paraan:
- Pagpili ng Larawan: Matiyak na ang mga larawan ay may malinaw na koneksyon sa
paksa.
- Pagsulat ng Paliwanag: Gumamit ng maikli at malinaw na mga teksto para magbigaykahulugan sa bawat larawan.
.
Dapat Isaalang-alang:
- Layunin: Siguruhing naisasakatuparan ang layunin ng pictorial essay.
- Kasaysayan: Ang bawat larawan ay may kaugnayan at nagtataglay ng kahulugan.
- Kasulatan: Iwasan ang sobra-sobrang teksto; magsanay sa pagsasalaysay gamit ang
mga larawan.
Halimbawa ng Pictorial Essay
Replektibong Sanaysay
Depinisyon: Ito ay isang uri ng sanaysay na naglalaman ng personal na karanasan, opinyon, o
repleksyon ng may-akda.
Layunin: Layunin nito ang pagbibigay daan para maipahayag ang sariling damdamin,
opinyon, o repleksyon hinggil sa isang partikular na paksa o karanasan.
Bahagi:
1. Introduksyon: Pambungad na bahagi kung saan inilalatag ang pangunahing ideya o
karanasan.
2. Katawan ng Sanaysay: Serye ng mga talata na naglalahad at naglalarawan ng personal na
karanasan, opinyon, o repleksyon.
3. Konklusyon: Pangwakas na bahagi na naglalaman ng buod ng kaisipan o repleksyon.
Katangian:
- Personal: Malalim na paglalahad ng sariling karanasan o damdamin.
- Maikli ngunit Masusing Pagsusuri: Hindi nagtatangi ng haba ngunit kumpleto sa
pagpapahayag ng kaisipan.
- Malinaw na Layunin: Maliwanag kung bakit ipinapahayag ang opinyon o repleksyon.
Paraan ng Pagsulat:
- Pagsusuri ng Damdamin: Sinusuri ang sariling damdamin at karanasan.
- Maka-indibidwal na Pananaw: Pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw sa isang pangyayari
o ideya.
Dapat Isaalang-alang:
- Katumpakan: Siguruhing tumpak ang mga detalye at pahayag na inilalabas.
- Sariling Pananaw: Ang replektibong sanaysay ay base sa sariling pananaw at karanasan.
- Tone at Estilo: Angkop na tono at istilo ayon sa layunin at tema ng sanaysay.
Halimbawa:
“Paglalakbay sa Kabundukan ng Buhay”
"Sa huling mga buwan, isang makabuluhang paglalakbay sa kabundukan ng buhay ang
aking naranasan. Parang bundok, puno ng mga pag-akyat at pagbaba, puno ng mga pag-subok
at tagumpay. Sa pagharap sa sarili at pagtahak sa mga masalimuot na bahagi ng buhay,
natutunan kong yakapin ang aking mga kahinaan at palakasin ang aking mga kakayahan.
Sa paglalakbay, napagtanto ko ang halaga ng simpleng bagay at pagtutulungan. Hindi
ako nag-iisa sa pag-akyat; kasama ko ang mga kaibigan na nagbibigay inspirasyon at suporta.
Ang paglalakbay ay nagbibigay saysay sa ating pag-iral, at sa bawat hakbang, mas
naiintindihan natin ang ating sarili at ang mga bagay na tunay na mahalaga.
Sa pagtatapos ng paglalakbay, puno ako ng pasasalamat sa mga pag-akyat at pagbaba
sa kabundukan ng buhay. Ang mga pagsubok ay nagiging gabay upang tayo'y maging mas
matatag at mas buo. Sa bawat pagtatapos, masasabi kong ang paglalakbay sa kabundukan ng
buhay ay nagbigay liwanag sa dilim ng kahulugan."
GABIANA, DWYNE B.
GRADE 12-QUARK
Download