Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig D_GM_A_ _EN_RA_ P__E_S U__T_D _A_IO_ _N_A_G_I_ A_L__S UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG 1914-1918 • SUMIKLAB ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG NOONG AGOSTO 1914 • KUMPLIKADO ANG DAHILAN:UNA AY ANG PAG-AALYANSA NG MGA BANSANG EUROPA AT ANG PANGALAWA AY PAG-UUNAHAN NILA SA TERITORYO • Mga alyansa na nabuo: Central Powers, Allies, • Bukod sa mga alyansa ay naging mahalagang pangyayari rin ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand na tagapagmana ng trono bilang emperador sa Austria-Hungar. • Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Hindu at Muslim sa panahong iyon sa pangunguna ni Gandhi sa pamamagitan ng mapayapang paraan na “satyagraha” o non-violence. • Sa bansang Iran naman, ay inatake ang Ottoman Empire o imperyo ng mga Islam ng mga bansang Russia at Great Britain dahil sa pakikipag-alyado nito sa Germany. • Ngunit sa taong 1919, lumagda ang punong ministro ng Iran sa isang kasunduan na ibigay ang malawak na kapangyarihan sa bansang Great Britain sa pagkontrol ng ekonomiya, politika, at pangmilitar sa bansang Iran. Kaya naging protektadong bansa ito ng Great Britain. • Natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig noong natalo ang Central Powers sa Versailles, France. Kaya nagkaroon ng “Treaty of Versailles” na hudyat ng pormal na pagtatapos ng digmaan. • Ang Syria at Lebanon ang napasailalim sa mandato ng France at napasakamay naman sa mga Ingles ang mandato sa Palestine. Pinamamahlan ng mga dayuhan ang aspektong pang-ekonomiya ng ilan sa mga bansa sa Kanlurang Asya, ngunit may mga bansa pa rin na naging malaya, katulad ng pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia. • Noong ipinalabas ng mga Ingles ang Balfour Declaration noong 1917 na nagsaad ng pagbubukas ng Palestine para sa mga Jew o Israelites ay nagdulot ito ng hindi pagkakaunawaan ng mga Muslim at Jew. • Pagkatapos rin ng Unang Digmaang Pandaigdig, mas lalong umigting ang pagnanais ng bansang India sa kanilang kilusang nasyonalismo na siyang naging daan ng pagkakaisa ng mga pangkat ng Hindu at Muslim. MGA EPEKTO NG DIGMAANG PANDAIGDIG • Humina lahat ng mga bansang Europa ngunit ang United States( dahil malayo sila sa lugar) at Japan ay itinuring na mga superpowers. • Itinatag ang League of Nations noong June 28, 1919 matapos pirmahan ang kasunduan sa Versailles • Ang Japan lamang ang Asyano nasyon na kasali sa League of Nation IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG • Tulad ng Unang Digmaang Pandaigdig, nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe noong Setyembre 1939. • Naging pinakamadugong digmaan ito sapagkat mahigit 85 milyong katao ang namatay kung saan sangkot ang halos lahat ng bansa sa buong daigdig. Ang naglalaban dito ay ang dalawang alyansang militar • Allies, pinangungunahan ng Great Britain sa pamumuno ni Winston Churchill, ng Amerika sa pamumuno ni Franklin Roosevelt, at ng Soviet Union sa pamumuno ni Joseph Stalin. • Axis Powers, na tinawag ding BerlinRome Tokyo Axis Powers, pinangungunahan ito ng bansang Germany sa ilalim ng pamumuno ni Adolf Hitler, ng Italy sa pamumuno ni Benito Mussolini, at ng Japan sa pamumuno ni Emperor Hirohito • Bilang sagot sa mga protesta nagpalabas ng deklarasyon ang Japan na nagsasabing ang layunin nito ay ang pagbuo ng Bagong Kaayusan sa Asya na kung saan hangarin niyang bumuo ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na kung saan ang Asya ay para lamang sa mga Asyano at ang mga kanluranin ay dapat paalisin sa Asya • Kinailangan ng Japan ang Timog Silangang Asya dahil sa likas na yaman at iba pang agrikultural • Maraming mga digmaan at mga kasunduan ang naganap tulad ng paghahati ng mga teritoryo. Dito rin naganap ang pambobomba gamit ang makabago at mapaminsalang “Atomic Bomb”. Mga Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya: • Tehran Conference- Kasunduan na pinangunahan ng United States. Ito ay nagsasaad na lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya ang bansang ito. • May 1946- Inalis ng Russia ang kaniyang tropa sa Iran, ngunit nagdulot ito ng Azerbaijan Crisis. Ito ang unang dininig ng Security Council ng United Nations (UN). • Cold War- Ito ang kinasangkutan ng United States at ng kanyang mga kaalyado kontra sa Russia at ng mga kaalyado nitong bansa. • India- Bilang kolonya noon ng England, naaapektuhan din ang India matapos ang digmaan dahil binigyan nito ng suporta ang England sa pakikipagdigmaang kinasangkutan nito. • Gandhi- Isang Indian na nangunguna sa pagprotesta ukol sa pagbibigay suporta ng India sa England dahil ayaw nila ng digmaan. Ngunit muling hindi nagkasundo ang mga taga India matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil mas sumidhi pa ang kanilang pakikipaglaban sa kanilang kalayaan. • 1947- Nahati ang India sa dalawang pangkat, ang Hindu at Muslim. Ang India ay napasakamay sa mga Hindu, at ang Pakistan naman ay napasakamay sa mga Muslim. • Lumaya ang Pilipinas Noong Hulyo 4, 1946 • Pinagkaloob ang Malaysia at Burma ng kanilang kalayaan mula sa british • Dahil naarmasan sila sa pakikipaglaban sa mga hapones, nang bumalik ang mga kanluranin, maraming mga bansa sa timog-silangang asya ang handa nang makipagdigma para makamtan ang kalayaan