“Gurodemya” Sir. Erald Mark V. Napoles Unang pasok na may dalang takot na di bumalik sa normal ang unang paglalakbay sa panibagong yugto ng pagtuturo Sa landasing di tiyak kung maydadatnang karamdaman o walang lamang silid aralan Nagtataka’t nagtatanong kung ang karunungan ay mawawala ba sa kaisipan ng mga musmos na walang muwang Sa mata ng isang taga kita na nagmumulat sa panahong normal ng mga maliliit na puslit tila ba na iba ang takbo ng lahat Nasaan ang mga ingay ng silid na bumabasa at gumuguhit ng karunungan na mula sa bibig ng umaakay na pangalawang ina at ama Nanibago ang lahat na ang antas ng kaalaman ay tila nahinto dulot ng nakakahawang kaaway Pero di tumigil ang mga dakilang maestra sa panahon ng maykaaway na pilit pumipigil sa pagunlad ng kaisipan Dalay sipag at tapang na suungin ang hirap na ang sandatang taglay ay kaligtasan at karunungan Saludo kong ipapahayag ang gawa mong kamangha-mangha na di alintana ang bultong pagsubok at dusa Malamnan lang ang gutom na kaisipan ng mga batang nahihirapan na ituwid ang panulat at dila Gayon pa man nagbabalik na ang lahat pero magpapatuloy pa rin ang bayaning masikap sa pagawang dakila Gamit man ay moderno o tradisyonal na pamamaraan na linangin ang kamangmangan Mayngiti at lakas ng loob kong sasabihin sa lahat at taas noo kong ipapahayag guro ako sa panahon ng pandemya !!!