Uploaded by Andre Sarausa

BALITA Guro-sa-Kindergarten

advertisement
Guro sa Kindergarten, Nabiyayaan ng Telebisyon
Maswerteng ituring dahil isa sa maraming guro si Gng. Jovencia
A. Lumingo sa paaralang ito ang nakatanggap ng 50 inches SMART
na telebisyon. Ito ay mula sa programa ng Gobernador ng probinsya
ng Zamboanga del, Gov. Victor Yu at ng mga kongresista sa
nasabing probinsya Congresswoman Divina Grace C. Yu at
Congresswoman Victoria C. Yu. Layunin nito ay ang makatulong sa
mga paaralan katulad ng Special Science Program SSES at STE, guro
ng kindergarten at lalo na sa paaralan na maigi ang pagsasanay sa
pagbabasa ng mga kabataan.
Idinaos ang pamimigay ng nasabing programa noong Marso
17, 2023 sa Pavilion Hotel PGC, Dao, Pagadian City. Masayang
nakihalubilo ang punungguro na si Gng. Nylileth C. Alcomendras
kasama si Gng. Lumingo sa ibang guro na tumanggap rin ng
kasangkapan sa pagtuturo.
Taglay ni Gng. Lumingo ang masayang mukha sa
pagkatanggap niya ng biyayang ito dahil malaking tulong niya ito sa
araw-araw niyang klase. Kailangan ng mga munting bata sa
kindergarten ang katulad na ganoong kalaking telebisyon upang
lubos nilang maintintidan at mahasa sa mga pagsasanay na angkop
sa kanilang edad at kaalaman.
Lubos na pasasalamat sa mga taong nasa likod
ng
programang ito upang tugunan ang mga pangangailangan sa
edukasyon ng ating mga kabataan.
Download