Uploaded by Juan De la Cruz

FIL-12-LA-Q2-Module 1 final

advertisement
12
12
SENIOR HIGH SCHOOL
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
SINTESIS / BUOD
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sintesis / Buod
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rustom R. Nonato
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V
Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD
Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE
Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address:
Tel #:
E-mail Address:
Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
(035) 225 2376 / 541 1117
negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan–Modyul 1:
SINTESIS / BUOD
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang
Filipino 12
Mode (ADM) Modyul para sa araling Sintesis / Buod!
ng Alternative Delivery
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y
naglalaman
ng
mga
paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa
Filipino 12
Modyul ukol sa Sintesis / Buod!
ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito
ay
naglalaman
ng
gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay
na
mga
kompetensi.
Kaya
mo
ito!
iv
ALAMIN
SINTESIS / BUOD
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng
katitikan ng pulong at sintesis. CS_FA11/12PN-0j-l-92
PANIMULA
Magandang araw! Kumusta?
Ang sintesis ay ang pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
Paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin. Pagsasamang iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akda
nakapag-uugnay.
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo po ay:
1. Nakapagpapaliwanag tungkol sa pagusulat ng sintesis o buod.
2. Nakasusulat ng organisadong sintesis o buod.
3. Nilalahad ang sintesis o buod nang may pagkukusa.
1
SUBUKIN
PANIMULANG
PAGTATAYA
I. Panuto: Isaayos ang titik sa bawat bilang upang mabuo ang salitang hinihingi.
A. Dalawang Anyo ng sintesis.
1. ______________
atrgmenauIvt
2. ______________
yrepxlaonat
B. Mga Uri ng sintesis
3. ______________
gkcabdnuor
4. ______________
ehtiss
5. ______________
turearetIl
II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot
sa bawat bilang sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod
A. Literature B. Sintesis C. Background Synthesis D. Thesis Statement
2. Ano ang pagsasama ng iba’t ibang akda upang mkabuo ng isang akda
nakapag-uugnay.
A. Literature B. Sintesis C. Background Synthesis D. Thesis Statement
3. Ito ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin.
A. Literature B. Sintesis C. Background Synthesis D. Thesis Statement
4. Isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsamasamahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa.
A. Literature B. Sintesis C. Background Synthesis D. Thesis Statement
5. Karaniwan itong isinasaayos ayon sat ema at hindi ayon sa sanggunian.
A. Literature B. Sintesis C. Background Synthesis D. Thesis Statement
6. Halos katulad ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa
pagtutuon.
A. Literature B. Sintesis C. Background Synthesis D. Thesis Statement
2
7. Sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakillala at paglalahad
ng paksa ang kailangan.
A. Literature
C. Background Synthesis
B. Thesis-driven synthesis
D. Thesis Statement
8. Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
A. Synthesis for the Literature
C. Background Synthesis
B. Thesis-driven synthesis
D. Thesis Statement
9. Karaniwang isinasaayos ito batay sa mga sanggunian.
A. Synthesis for the Literature
C. Background Synthesis
B. Thesis-driven synthesis
D. Thesis Statement
10. Piliin sa sumusunod ang hindi kasama sa hakbang sa pagsulat ng tesis.
A. Isulat ang unang burador
C. Rebisahin ang sintesis
B. Ilista ang mga sanggunian
D. kompyutin ang sanggunian
Magaling! Nasubukan mong gawin
ang Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad
ng bagong kaalaman…
TUKLASIN
3
GAWAIN 1
Panuto: Gamit ang concept map magibigay ng iyong sariling ideya tungkol sa
Buod/Sintesis.
BUOD/SINTESIS
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang iyong opinyon tungkol sa buod/sintesis?
2. Saan kaya natin pueding gamitin ang buod/ sintesis?
3. Sa iyong palagay makatutulong ba ito sa iyong pag-aaral? Ipaliwanag ang
sagot.
SURIIN
PAGSUSURI
1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa concept map?
2. Ano-ano ang iyong mga naisalang alang sa pagsagot ng concept map?
4
3. Ano kaya ang miaambag ng iyong pagsagot sa concept map bilang
pangkalahatang konsepto ng paksa natatalakayin?
PAGYAMANIN
PAGLALAHAD
SINTESIS
- pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
- paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
akda o sulatin
- pagsasamang iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda
nakapag-uugnay.
Mga Uri ng Sintesis
1. Background synthesis
- Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin
ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan
itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian
Halimbawa:
Pamagat: Cyberbullying
Uri: Background Synthesis
Anyo: Explanatory
Pamamaraan: Pagbubuod, Paghahalimbawa, Pagdadahilan
Layunin: Layunin ng sintesis na ito mapatunayan na nakasasama
ang bullying.
Thesis Statement: Ang bullying ay magdudulot ng malaking epekto
sa mga biktima.
5
2. Thesis-driven synthesis
- Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit
nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng
sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng
paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw nap ag-uugnay ng
mga punto sa tesis ng sulatin.
Halimbawa:
Pamagat:
Gender Equality sa Pilipinas
Uri at Anyo:
Thesis-Driven Synthesis
Explanatory Synthesis
Layunin:
Matukoy kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin
naisasakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa bansa.
Thesis Statement:
Ang gender equality
naisasakatuparan sa bansa.
ay
hindi
pa
lubos
na
Pagbubuod:
Bagamat may batas ng nagpoprotekta sa karapatan ng
mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT ay maraming
estudyante parin ang kadalasan kinukutya Thoreson(2017). At
hindi pa rin natitigil ang karahasan sa kababaihan
Angelo(2017).
3. Synthesis for the literature
- Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian
ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik – tanaw o pagrebyu
sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. Karaniwang
isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin
namang ayusin ito batay sa paksa.
6
Bigyang pansin ang mga sumusunod:
1. Tamang impormasyon mula sa pinaghanguan/sanggunian
2. Organisasyon ng teksto
3. Napagtitibay ang ang nilalaman at napapailalim ang pagunawang nagbabasa
Mga Hakbang sa pagsulat ng sintesis
1. Linawin ang layunin
2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
3. Buuin ang tesis nulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na tesis
7
Mga Gawain
Panuto: Ibigay ang kahingian ng diagram batay sa balita na nasa baba.
Pangunahing Ideya
Pangtulong na Detalye
Pangulong Duterte duda sa kahandaan ng Pilipinas para sa online learning
Duda si Pangulong Duterte sa kahandaan ng Pilipinas na magsagawa ng
online classes. May magagamit mang teknolohiya, duda ang Pangulo na
maipatutupad ang online classes sa buong Pilipinas. Nanindigan naman ang DepEd
na kahit kulang sa access sa technology ay may ibibigay namang printed learning
materials sa mga mag-aaral. Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na handa na ang
Pilipinas para sa pagsasagawa ng online classes bilang alternatibong paraan ng
pag-aaral sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19.
Sa pinakahuli niyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na may
magandang programang inihanda si Department of Education (DepEd) Secretary
Leonor Briones upang ang mga mag-aaral ay makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral
habang nananatili sa kanilang mga tahanan.
Subalit duda ang Pangulo na handa na ang bansa na maayos na maipatupad
ang nasabing programa. “Secretary Briones is insisting there should be an
alternative there and she has a very good program for that. Parang
teleconferencing,” sabi ni Pangulong Duterte sa televised public address niya.
Naniniwala ang Presidente na mayroong magandang teknolohiya na maaaring
magamit para sa programa ng DepEd, pero duda siya kung kaya itong ipatupad sa
buong Pilipinas.
“The technology is good but I don’t know if we’re ready for that. Meaning to
say, if we have enough of those na gamitin para sa whole of the Philippines,” aniya.
Sabi pa ng Pangulo, kung naririyan na ang teknolohiya at kung kakayanin ng
pamahalaan na bumili ng equipment ay maaari nang ituloy ng DepEd ang plano
8
nitong online classes.
“We’re talking students, meron ba siya? If she has, if we can afford it, we’ll buy it and
she can proceed with her novel idea on how the children will continue with their
education,” anang Pangulo.
Dahil sa nararamdamang pagdududa sa kakayahan na maipatupad ang online
classes sa buong Pilipinas, muling inulit ni Pangulong Duterte ang nauna na niyang
sinabi noon na hindi niya papayagan ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral
hanggang wala pang bakuna sa COVID-19.
“We have to wait for the vaccine. Maghintay talaga tayo sa vaccine. Sabi ko sa
inyo walang vaccine, walang eskuwela,” aniya.
Samantala, nanindigan naman ang DepEd na ang kakulangan sa access sa
tehnology ay hindi problema dahil ang mga paaralan ay magbibigay naman ng mga
printed learning materials sa mga mag-aaral.
https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2020/06/pangulong-duterte-duda-sa-kahandaan-ngpilipinas-para-sa-online-learning/
ISAISIP
Mahalagang ideya!
Isulat ang unang burador gamit ang
napiling Teknik, isulat ang unang burador
ng sintesis. Ilista ang mga sanggunian
gamit ang pormat na pinepreskrayb ng
guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na
sanggunian.
AnAAng
ISAGAWA
9
PAGLALAPAT
Panuto: Gumawa ng isang halimbawa ng isang Sintesis. Pumili lamang sa mga uri
nito. Maaaring pumili ng paksa batay sa sumusunod:
a. Napanood na Teleserye
b. Napanood na balita o issue sa telebisyon o social media.
c. Nabasang artikulo sa dyaryo o social media.
d. Napakinggang balita sa radyo.
Ang gagawing Sintesis ay pagbabatayan sa sumusunod na pamantayan:
Kategorya
Diskusyon
Organisas
yon ng
mga Ideya
Konklusyon
Gamit
Higit na
Inaasahan
(5)
Nakamit
ang
Inaasahan
(4)
Bahagyan
g Nakamit
ang
Inaasahan
(3)
Hindi
Nakamit
ang
Inaasahan
(2)
Walang
napatuna
yan
Makabuluhan ang
bawat talata dahil
sa husay na
pagpapaliwanag
at pagtalakay
tungkol sa paksa.
Lohikal at
mahusay ang
pagkakasunudsunod ng mga
ideya; gumamit
din ng mga
transisyunal na
pantulong tungo
sa kalinawan ng
mga ideya.
Nakapanghaha
mon ang
konklusyon at
naipapakita
ang
pangkalahatan
g palagay o
paksa batay sa
katibayan at
mga katwirang
inisa-isa sa
bahaging gitna.
Bawat
talata ay
may sapat
na detalye
May
kakulangan
sa detalye
Hindi
nadebelop
ang mga
pangunahi
ng ideya
Hindi Nakita
sa
ginawang
sintesis
Naipakita
ang
debelopment
ng mga talata
subalit hindi
makinis ang
pagkakalaha
d
Lohikal ang
pagkakaay
os ng mga
talata
subalit ang
mga ideya
ay hindi
ganap na
nadebelop.
Walang
patunay na
organisado
ang
pagkakala
had ng
sanaysay.
Hindi Nakita
sa
ginawang
sintesis
Naipakikita
ang
pangkalahat
ang palagay
o pasya
tungkol sa
paksa batay
sa mga
katibayan at
mga
katwirang
inisa-isa sa
bahaging
gitna.
May
kakulanga
n at
walang
pokus ang
konklusyo
n
Hindi Nakita
sa
ginawang
sintesis
Walang
Halos
Hindi ganap
na naipakita
ang
pangkalahat
ang palagay
o pasya
tungkol sa
paksa batay
sa mga
katibayan at
mga
katwirang
inisa-isa sa
bahaging
gitna.
Maraming
Napakara
Hindi Nakita
10
Isk
or
pagkakamali sa
estruktura ng
mga
pangungusap
at gamit ng
mga salita.
walang
pagkakama
li sa
estruktura
ng mga
pangungus
ap at gamit
ng mga
salita
pagkakama
li sa
estruktura
ng mga
pangungus
ap at gamit
ng mga
salita.
mi at
nakagugul
o ang
pagkakam
ali sa
estruktura
ng mga
pangungus
ap at gamit
ng mga
salita.
sa
ginawang
sintesis
KARAGDAGANG
GAWAIN
REFLEKSIYON
Panuto: BIlang isang mag – aaral paano nakatutulong ang sintesis sa
maayos na paglalahad ng iyong ideya patungkol sa isang akda?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________.
TAYAHIN
11
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahin ng maayos ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsamasamahin ang mga
sanligang impormasyon
A. Background Synthesis
C. Thesis-driven Synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
2. Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang
sila sa pagtutuon.
A. Background Synthesis
C. Thesis-driven Synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
3. Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
A. Background Synthesis
C. Thesis-driven Synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
4. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik- tanaw o
rebyu.
A. Background Synthesis
C. Thesis-driven Synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
5. Karaniwan itong inaayos ayon sat ema at hindi ayon sa sanggunian
A. Background Synthesis
C. Thesis-driven Synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
6. Ito ay hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang
kailangan
A. Background Synthesis
C. Thesis-driven Synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
I. Tama o Mali
1. Ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod?
2. Ito ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda
o sulatin?
II. Panuto: Isaayos ang titik sa bawat bilang upang mabuo ang salitang
hinihingi.
Dalawang Anyo ng sintesis.
1.
______________ a t r g m e n a u I v t
2.
______________ y r e p x l a o n a t
12
13
PANIMULANG PAGTATAYA
I.
A. Dalawang Anyo ng sintesis.
1. argumentative
2. explanatory
B. Mga Uri ng sintesis
3. background
4. thesis
5. literature
II.
1. B
2. B
3. B
4. C
5. C
6. B
7. B
8. A
9. A 10. D
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
A
C
B
B
A
C.
II. Tama o Mali
1. Tama
2. Tama
III.
1. argumentative
2. explanatory
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN
Arrhiane Mohinog. “Pagsulat ng Buod at Sintesis.” July 24, 2017.
https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-sintesis/?fallback=1
Bb. Hazel Donnabelle Fontanilla / G. Mark Janperson Datumanong. “SIntesis.” August 12,
2018.
https://janpersonb.wordpress.com/2018/08/12/sintesi
14
RUSTOM R. NONATO. Siya ay nagtapos sa kursong BSED –
Filipino mula sa Negros Oriental State University (NORSU) –
Bayawan- Sta. Catalina Campus. Kumukuha din siya ng units
ng MAEd sa Unibersidad ng Foundation Dumaguete City.
Kasalukuyan siyang Filipino Senior High School Teacher.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net
Download