Masusing Banghay Aralin sa EPP IV I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahan na: a.) nakikilala ang mga uri ng kasuotan b.) napapangalagaan ang sariling kasuotan c.) naiisa- isa ang mga pamaraan nang pagpapanatiling malinis ang kasoutan II. PAKSANG ARALIN Paksa: Pag- aalaga ng sariling kasuotan Sanggunian: (K to 12 MELC Pahina 401), CODE: EPP4HE-0b-3 Kagamitan: Powerpoint Presentation, Tsart, Larawan, III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral A. Panimulang Gawain A. Pagsasanay 1. Panalangin Magsitayo tayong lahat para sa ating panalangin. 2. Pagbati Magandang Umaga mga bata! Magsiupo ang lahat. Panginoon po naming Diyos……AMEN. Magandang Umaga naman po, Titser 3. Pagtala ng dumalo/lumiban sa klase Sino ang lumiban sa ating klase ngayon. B. Balik- Aral Ngayon mga bata bago tayo magsimula sa ating aralin, Ano nga ang tinalakay natin kahapon? Magaling! Wala pong lumiban sa klase Titser! Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol po sa wastong paraan ng pag- aayos at paglilinis sa sarili. Paano ba ang wastong pag-aayos at pag aalaga sa sarili? Pagligo araw araw, Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain, at saka po paglilinis ng mga kuko. Magaling! Dapat palagi nating pangalagaan at linisin ang ating sarili upang mapanatili nating maayos at malinis ang ating buong katawan. C. Bagong Aralin 1. Pagganyak Mga bata mayroon akong mga katanungan sa inyo. Ano nga ang inyong susuotin kapag kayo ay papasok sa paaralan? Uniporme po. Ano naman ang inyong gagawin para hindi ito madumihan? Wag uupo kahit saan, para di madumihan. Pag uwi Ninyo galing sa paaralan ano naman ang inyong gagawin sa inyong uniporme? Hubarin po kaagad at ito’y pahanginan. Magaling! 2. Paglalahad Ipakita ang iba’t-ibang uri ng mga kasuotan. 3. Pamantayan Bago natin simulan ang ating talakayan, ano nga ang dapat gawin kapag ang guro ay nagtuturo o nagsasalita sa inyong harapan. 1.Umupo ng maayos 2.Makinig sa guro 3.Huwag maingay 4.Itaas lamang ang kamay kapag gustong sumagot. Maaasahan ko ba yan sa inyo mga bata? Opo, Titser Magaling! 4. Patatalakay Ano ang kasuotan? Ito ay nagbibigay proteksyon sa ating katawan. Ito ay isinusuot upang isanggalang ang katawan sa init, ulan, at lamig. IBA’T IBANG URI NG KASUOTAN Damit Pambahay Ito ay maluwang at maginhawa sa katawan katulad ng daster, shorts, t-shirts, at mga lumang ngunit maayos pang damit. Halimbawa: Damit Pamasok Karaniwang blusa at palda para sa kababaihan, polo at pantalon o short Naman para sa kalalakihan gaya ng uniporme. Halimbawa: Damit Panlaro Ito ay ginagawang maluwang upang Malaya at maginhawa ang pagkilos ng katawan. Ito ay maaaring kamiseta, t-shirt, sando, shorts o bloomer. Halimbawa: Damit Pantulog Ang mga kasuotang ito ay maluwang din sa katawan katulad ng pajama, night gowns. Ang luma ngunit malinis na damit ay maaari ring gamitin. Halimbawa: Damit Pang- pormal Ito ay yari at naiibang damit gaya ng baro at saya. Ginagamit sa espesyal at pormal na selebrasyon, patitipon at programa. Halimbawa: ILANG PARAAN UPANG MAPANGALAGAAN ANG KASUOTAN 1. Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag itong hayaang magusot sa pag- upo. 2. Huwag umupo kung saan- saang lugar nang hindi marumihan ang damit at pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan. 3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito kaagad para madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa. 4. Magsuot ng angkop ayon sa Gawain. Huwag gawing panlaro ang damit pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay galing paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan. 5. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa pakiramdam. 6. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag- uwi sa bahay upang hindi ito lumaki. 7. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglagay ng mga ito sa tamang lagayan. 5. Paglalahat Ano ang kasuotan? Ito po ay nagbibigay proteksyon sa ating katawan. Ano- ano ang mga paraan ng pagaalaga ng inyong mga kasuotan? 1. Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag itong hayaang magusot sa pag- upo. 2. Huwag umupo kung saansaang lugar nang hindi marumihan ang damit at pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan. 3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito kaagad para madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa. 4. Magsuot ng angkop ayon sa Gawain. Huwag gawing panlaro ang damit pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay galing paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan. 5. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa pakiramdam. 6. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag- uwi sa bahay upang hindi ito lumaki Magaling mga bata 7. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglagay ng mga ito sa tamang lagayan. 6. Pagpapahalaga Bakit mahalagang pag- aralan natin ang wastong pangangalaga sa ating sariling mga kasuotan? Magaling! Para ang mga ito ay hindi madaling masira at magagamit pa ng mga taong sumusunod sa iyo. 7. Paglalapat Ngayon mga bata ay ipapangkat ko kayo sa tatlong grupo. May ibibigay akong mga larawan sa inyo, ang gagawin niyo ay alamin kung saan ito gagamitin, kung ito ba ay damit pambahay, damit pampasok, damit panlaro, damit pantulog, at damit pang porma, pagkatapos ay idikit ang mga larawan sa pisara. IV. PAGTATAYA Panuto: Piliin ang bawat sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit pantulog? A. B. C. 2. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit pambahay? A. B. C. 3. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit pang porma? A. B. C. 4. Alin sa mga sumusunod ang tamang pangangalaga ng damit? A. B. C. V. TAKDANG ARALIN 1. Pag-uwi mo sa bahay, tingnan mo ang iyong mga pansariling kagamitan. 2. Gumawa ka ng tseklist na katulad ng nasa baba. 3. Palagdaan ito sa iyong magulang. KAGAMITAN Mga damit Mga sapatos Marururming damit Nilabhan ang hinubad na panloob na damit INAAYOS HINDI INAAYOS