Masusing Banghay Aralin sa EPP IV I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahan na: a) nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat. b) nagagamit ang mga kagamitang Panukat ayon sa gamit nito. c) napahahalagahan ang kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito II. PAKSANG ARALIN Paksa: Mga Kagamitan sa Pagsusukat Sanggunian: (MELC Pahina 402), CODE: EPP4IA-0a-1 Kagamitan: Mga larawan, Tsart III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain Gawain ng mga mag- aaral a. Pagsasanay 1. Panalangin Magsitayo tayong lahat para sa ating panalangin. Panginoon po naming Diyos…AMEN. 2. Pagbati Magandang Umaga mga bata? Magandang Umaga po, Titser Magsiupo ang lahat. 3. Pagtala ng dumalo/lumiban sa klase Sino ang lumiban sa ating klase ngayon. b. Balik- Aral Noong nagdaan aralin tinalakay natin ang wastong paggamit ng mga kubyertos. Wala pong lumiban sa klase Titser Ngayon mga bata mayroon tayong gagawing aktibidad, ipapangkat ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo ang bibigyan ko ng pula at dilaw na flaglets. Ang gagawin niyo ay itaas ang pulang flaglets kung ang larawan na ipapakita ko ay wastong hakbang sa pag- aayos ng mga kubyertos. Itaas naman ang dilaw ng flaglets kung maling hakbang sa pag-aayos ng mga kubyertos. Naintindihan niyo ba mga bata? Opo, Titser. c. Pagganyak Ipakita sa mga bata ang mga larawan. Anu- ano ang inyong nakikta sa larawan? Ruler, Meterstick, Tape Measure, Pull – Push Rule, at T- Square po. May nakilala ba kayo sa mga ito? Opo, Titser. Ano kaya ang mga gamit nito? Gamit ito sa panukat. Magaling! B. Paglinang na Gawain 1. Paglalahad Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang tungkol sa “Uri ng Kagamitan sa Pagsusukat”. 2. Pamantayan Bago natin simulan ang ating talakayan, ano nga ang dapat gawin kapag ang guro ay nagtuturo o nagsasalita sa inyong harapan. Maaasahan ko ba yan sa inyo mga bata? Magaling! 3. Patatalakay MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT ISKWALA O ASERO Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa, at iba pa. 1.Umupo ng maayos 2.Makinig sa guro 3.Huwag maingay 4.Itaas lamang ang kamay kapag gustong sumagot. Opo, Titser METER STICK Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi, sa pagsusukat para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela. PULL- PUSH RULE Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan. Ang kasangkapag ito ay may gradasyon sa magkabilang tabi, ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro. PROTRAKTOR Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkiuha ng mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya. RULER AT TRIANGLE Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sad Drowing at iba pang maliliit na Gawain na nangangailangan ng sukat. T- SQUARE Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag nagdodrowing. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing na gagawin. TAPE MEASURE Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi ng damit, pantalon, palda, barong, gown, at iba pa. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Anu- ano ang mga kagamitan sa pagsusukat? Magaling mga bata! Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang kagamitan. Ang bawat kagamitan sa pagsususkat ay may mga angkop na bagay kung saan natin ito gagamitin. Bakit mahalagang makilala at malaman ang mga kagamitan sa pagsusukat? 2. Paglalapat Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa tatlong grupo, ang unang grupo sila ang pangkat ASUL, ang pangalawang grupo ay sila ang pangkat PULA, at ang pangatlong grupo sila ang pangkat DILAW. Ang grupo na unang makagawa ng mga gawain ang siyang tatanghaling panalo. Pero bago yan, nandito ang rubrics para sa inyong pangkatang Gawain RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN PUNTOS 5 4 3 Nasunod ang panutong inihanda ng tama, may kooperasyon Nasunod ang panutong inihanda ng tama, disiplinado Nasunod ang panutong inihanda ng tama, disiplinado at disiplinado ang myembro. ang grupo subalit may ilang myembro ang hindi nakilahok. at nakilahok ang myembro subalit hindi ito naipresenta ng maayos. UNANG GAWAIN Panuto: Tukuyin at isulat ang pangalan ng bawat kagamitang Panukat. METERSTICK TAPE MEASURE RULER AT TRIANGLE ISKWALANG ASERO 1. 2. 3. 4. 5. 6. T - SQUARE PULL- PUSH RULE PANGALAWANG GAWAIN Iskwalang Asero, Meter Stick, Pull- Push Rule, Ruler at Triangle, T- Square, Tape Measure po. Panuto: Buuin ang mga larawan. 3. Pagpapahalaga Bakit mahalagang makilala at malaman ang mga kagamitan sa pagsusukat? Upang maiwasan ang paggamit ng maling kasangkapan at magkaroon ng maling sukat na magiging sanhi ng pagkasira ng iyong proyekto. Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa Pagsusukat ayon sa gamit nito. HANAY A HANAY B 1. Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi ng damit. A. 2. Ito ay kasangkapan yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye at panukat ng mahahabang bagay. B. 3. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag nagdodrowing. 4. Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu’t C. limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan. 5. 6. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa Drowing at iba pang maliliit na Gawain na nangangailangan ng sukat. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa Drowing at iba pang maliliit na Gawain na nangangailangan ng sukat. 7. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi, sa pagsusukat para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela. 8. Ito ay ginagamit sa pagkiuha ng mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya. IV. PAGTATAYA D. E. F. G. H. V. TAKDANG ARALIN 1. Magtala ng mga bagay na makikita sa inyong tahanan na ginagamitan ng sistemang metrik at ingles. Isulat sa kartolina at iulat sa harap ng klase. 2. Ano- ano ang mga yunit ng pagsusukat sa bawat Sistema? Isulat sa kuwaderno ang sagot. ARIEL CABUSLAY Demonstrator MELBA SARAH C BARRIOS Observer