MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL Korapsyon, Kalikasan, Tamang Pagtatapon ng Basura,Solid Waste Management, Pagbabago ng Klima at Pagkaubos ng Likas na Yaman, Kahirapan, Malnutrisyon at Usaping Pangkalusugan, Sakit sa Dengue at mga usaping Pabahay Layunin Sa pagkumpleto ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. b. c. Nakatatalakay sa mahalagang usaping pangwika na maglilinaw sa kabatiran ng maraming Pilipino mula sa iba-ibang larangan. Nakapaliliwanag sa mahahalagang gampanin ng mga isyung lokal at nasyonal. Nakapagbabahagi ng mga mabubuting programa ng piling ahensya ng pamahalaan na nagtataguyod ng pag-unlad. Korapsyon Paggamit ng kapangyarihan o katungkulan sa paraang labag sa moralidad o batas, karaniwang para sa pansariling kapakinabangan. Ito ay maaaring mangyari sa ibat-ibang anyo tulad ng pandaraya, pang-aabuso sa kapangyarihan, o pagtanggap ng suhol. Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman sa mga sumusunod: (1) Pag-abuso sa kapangyarihan; (2) Pakikipagsabwatan; (3)Pandaraya sa halalan; (4) Pagnanakaw sa kaban ng bayan; (5)Sistemang padrino o palakasan; (6)Korapsyon sa iba't ibang sangay ng gobyerno. Pag-abuso sa kapangyarihan; 01 Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin na inaasahan sa kanya ng mga tao hinggil kapaligiran. Kung wala ito, walang pwersang makapagbibigay para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na implimentasyon isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang kaparaanan, ministeryal na pagpapatupad at diskresyunal na pagpapatupad. Ang direksyunal na pagpapatupad ay kung ang isang tao ay nagtataglay ng awtoridad upang magbigay ng mga utos o gabay sa iba para gawin ang isang bagay Samantalang ang Ministeryal na pagpapatupad ay ang pagsasagawa ng mga Gawain o tungkulin na itinakda ng isang tao batay sa kanyang mga responsibilidad o trabaho ng walang malinaw na kapangyarihan na mag-utos o magtakda ng direksyon Halimbawa: 1. Pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kanyang asawa o mga anak bilang gabinete ng ehekutibo. Bagamat ang Pangulo ay may ekslusibong kapangyarihan na pumili ng mga taong kanyang makakatuwang sa pagpapatupad ng mahahalagang polisiya ng pamahalaan, ang pagtatalaga ng kanyang asawa o mga anak ay mariing ipinagbabawal ng ating Saligang Batas 1987 sa ilalim ng prinsipyo ng nepotismo. 2. Ang kapangyarihan ng pamahalaan na pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang mekanismo para sa episyente at epektibong paglilingkod sa bayan. Subalit ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan ay mga sirkumstansyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng taong bayan sa pamahalaan, lokal man o nasyunal. 3. Ang pagbili ng mga kagamitan o purchasing ay sistema sa isang pamamahala na nangangailangan ng masusing pagsunod sa proseso sapagkat ito ay maaaring maging ugat ng korapsyon sa gobyerno. 4. Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may kapalit na kabayaran. Pakikipagsab'watan 02 Ang sab'watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Ito ay Isang Krimen ng pandaraya, panloloko sa iba para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhikain na labag sa batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan. Halimbawa: Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa itinakdang presyo na nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa basikong karapatan katulad ng magpahayag (expression) at karampatang proseso na malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili (due proces). Halimbawa: Paggawad ng kontrata sa isang ahensya na may kaugnayan sa proyektong pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding. (ang bidding ay isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan. Mahalaga ito upang iwaksi ang maraming katiwalian sa pamimili o purchasing) Pandaraya sa Halalan Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga 03 pulitiko ang kinabukasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat balota ay sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisihan. Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon: Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy ito sa ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdadag ng boto sa pinapaborang pulitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho. Anumang akto na makaaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng boto sa nararapat na resulta ay maituturing din na pandaraya sa eleksyon, bagamat ang bawat bansa ay may kanya- kanyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng pandaraya ang mga karahasang katulad ng pagsupil ay pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang pananabotahe ng mga balota, at ang pagbili o panunuhol ng mga sa mga botante kapalit ng isang boto. Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation). Ito ay isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng demokrasya. Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon: Mahalaga ring matutunan ng mga mag-aaral ang konsepto ng disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto, isinasagawa ang metodong ito kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ng mga botante ay sumusuporta sa kalabang panig o partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na nagrehistro, o kung sakali man na nakapagrehistro na, ay ang tanggalin sila sa talaan ng mga botante sa pamamagitan ng animo ba legal na pagtanggal sa proseso ng korte. Manipulasyon ng demograpiya. Maraming mga pagkakataon na kayang kontrolin ng mga kinauukulan ang komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa sinusuportahang pulitiko. Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng 04 taong bayan sa mga pulitiko na kanilang inuluklok sa pwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga kayamanang dapat sana ay nakalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taong bayan. Ang suliraning ito ay matagal nang kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang ugat ng pagkakalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan. Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer) Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct bribery) ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sang-ayon sa paggawa ng isang akto na maituturing na kaugnay kanyang opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal, personal man o sa pamamagitan ng iba. Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ring ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi matuturing krimen, bagamat higit na mababang parusa ang katumbas nito. Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan Sa ilalim ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay binigyan ng depinisyon ang krimen ng maling paggamit ng pondo o arl-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang pagpapalagay (Presumption) sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari- arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pagiwan o kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan. Ang halaga na sangkot sa maling paggamit ng pondo ay esensyal sa pagtukoy ng angkop na parusa sa taong mapapatunayang gumawa ng krimeng ito. Ang pagkabigo ng opisyal ng gobyerno na mailabas o maipaliwanag ang pananalapi at ari-arian na nasa ilaim ng kanyang kustodiya kung ito ay tahasang hihingin ng awtorisadong opisyal ay itinuturing na prima facie na ebidensya na magpapatatag sa paniniwala na ang nawawalang pondo at ari-arian ay ginagamit sa personal na gamit. Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan Sa Kabilang dako, Isinasaad naman ng Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at arl-arian ng publiko. Tahakang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kanit sinong opisyal na gobyerno na gagamitin ang pondo at ariarian ng kanyang administrasyon sa pampublikong gamit bukod sa totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong technical malversation Upang matiyak ang gamit ng probisyon ng batas, ang opisyal ng gobyerno ay binigyan ng karampatang depinisyon ng Artikulo 203 ng Kodigo Penal ng Pilipinas. Ayon dito, ang opisyal ng gobyerno ay yaong mga tao na Sa pamamagitan ng direktang probisyon ng batas, popular na halalan o pagtatalaga ng kompitenteng kinauukulan, ay makikibahagi sa pagpapatupad ng tungkuling pampubiliko sa Gobyerno ng Pilipinas, o gampanan sa naturang gobyerno o sa kahit na anong sangay ang tungkuling pampubliko, bilang empleyado, ahente, o higit na nakababang opisyal, na kahit na anong ranggo o klase, ay tinatawag ring (shall be deemed) opisyal ng gobyerno. Pandarambong (Plunder) Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamanala sa Pilipinas. Sa bisa ng RA 7080 ay itinuturing na isang Krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan Sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunud-sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00). Reclusion perpetua hanggang kamatayan ang parusang naghihintay sa sinumang mapatutunayang magkakasala sa krimeng ito. Ang mga sumusunod ay mga espsipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong o plunder: Paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag- aasal sa mga pondong pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko; Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o Sa danilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opisyal ng publiko; llegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga i ng pamanalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyaryo nito; Pagkakamit, pagtanggap nang direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock, ekwided o anuamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes. Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan ugnayan, konesksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito na may pagsasawalang-bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa mamamayang Pilipino at Republika ng Pilipinas. Ang Graft at Korapsyon Ang konsepto ng graft at korapsyon ay mga usaping paulit-ulit na nagpapa sakit sa bawat Juan Dela Cruz. Ang usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa ring napaglalabanan. Ang graft at korapsyon ay dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo mula sa mga transaksyong pampamahalaan. Ang korapsyon ay tumutukoy sa maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Sa kabilang dako, ang graft ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensya para sa personal na benepisyo. Sa ilalim ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ay inisa-isa ang mga kasanayang may kaugnayan sa korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno at idineklara na labag sa batas. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa enumerasyon ng mga espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito: Himukin, ibuyo o impluwensyagan ang ibang opisyal ng gobyerno na magsagawa ng isang akto na lumalabag sa patakaran at regulasyong binigyan ng promulgasyon ng maaasahang awtoridad o isang paglabag na may kaugnayan sa opisyal na tungkulin ng opisyal ng gobyerno, o ang pahintulutan ang sarili na mahimok, mabuyo, o maimpluwensyahan na gumawa ng paglabag sa batas. Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo, bahagi, bahagdan, o benepisyo para sa kanya o para sa ibang tao, kaugnay ng kahit anong kontrata o transaksyon sa pagitan ng Gobyerno at iba, na kung saan ang opisyal ng gobyerno sa kanyang opisyal na kapasidad ay kailangang pumagitna sa ilalim ng batas. Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo o ibang may kaugnayan sa salapi o material na benepisyo para sa kanya o para sa ibang tao, mula sa kahit sinong tao na kung saan ang opisyal na gobyerno, sa anumang paraan o kapasidad, ay nakakuha o makakukukuha, ng kahit na anong permiso o lisensya sa Gobyerno, bilang konsiderasyon sa tulong na ibinigay o ibibigay. Pagtanggap o pagkakaroon ng kasapi ng pamilya na tumanggap ng trabaho sa pribadong kumpanya na nakabimbing kalakalan sa kanya sa mga panahon ng pagluluwato sa loob ng isang taon pagkatapos nito. Pagdudulot ng hindi nararapat na pinsala sa isang partido, kasama ang gobyerno, o ang pagbibigay sa kahit na sinong pribadong partido ng hindi makatwirang benepisyo, pakinabang o pagkakataon na mamili sa pagpapatupad ng kanyang opisyal na administratibo at judisyal na tungkulin sa pamamagitan ng hayagang pagkiling, kasamaan o labis na hindi katangap-tanggap na kapabayaan... Pagpapabaya o pagtanggi, matapos ang nararapat na demand o pakikiusap, nang walang sapat na pagmamatuwid, pag-akto sa loob ng risonableng oras, sa kahit na anong pamamaraan kapalit ng pagtatamasa, direkta o hindi direkta, mula sa kahit na sinong tao na may interes sa pananalapi at mga materyal na benepisyo. Pagkatawan sa Gobyerno sa kahit na anong kontrata o transaksyon na nagpapakita o may matinding masamang dulot sa gobyerno, kahit na ang opisyal ng gobyerno ay nakinabango makikinabang dito. Direkta o di-direktang pagkakaroon ng pinansyal na Interes sa kalakalan, kontrata, o transaksyon na kaugnay ng kanyang paggitna sa pamamagitan ng kanyang opisyal na kapasidad, o kung siya ay hindi pinahihintulutan ng konstitusyon o ng kahit na anong batas na kung saan siya ay may interes. Pagkakaroon ng direkta o di-direktang interes sa mga personal na pakinabang sa mga transaksyong pinagpasyahan ng board o grupo na kung saan siya ay kasapi o kabilang. Pag-apruba o pagbibigay ng kahit na anong lisensya, permit, pribilehiyo, o benepisyo na pabor kahit na alam niyang ang taong binibigyan ng pabor ay hindi kwalipikado na makatanggap nito. Paglalabas ng mahahalagang impormasyon na konpidensyal, na nakuha ng kanyang tanggapan sa pamamagitan ng kanyang opisyal na posisyon sa isang hindi awtorisading tao, o ang paglalabas ng naturang impormasyon sa petsa na higit na maaga sa petsa na dapat itong ilabas. Sistemang Padrino o Palakasan Ang isa pang walang kamatayang isyu o 05 usapin sa larangan ng pamamahala ay ang sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang nagiging saksing bulag at bingi sa hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan lamang ang mga taong pinagkakautangan nila ng loob. Masasabi na ang nepotismo (nepotism) at kronyismo (cronism) ay kasama rin sa mga ugat ng padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang mga umiiral na batas, ang nepotismo o ang pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak na batas na makapagpaparusa sa kronyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagamat matindi itong kinukondina. Ang nepotismo at kronyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot. Mga Halimbawa ng Korapsyon sa Iba't Ibang Sangay ng Pamamahalaan Ang korapsyon ay isang epidemyang 06 pumapatay sa isang magandang SIstema ng pamamahala hindi lamang sa mga pangunahing mga sangay ng pamahalaan kundi maging sa mga malilit na yunit nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang pagtataya sa mga suliraning may kaugnayan dito: Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan Hindi ligtas ang mga kapulisan ang Hukbong Sandatahan sa usapin ng korapsyon. Nababalot din ng kontrobersiya ang kanilang mga pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung matatandaan ay naging laman ng maraming balita sa telebisyon at pahayagan ang mga akusasyon ng katiwalian sa dating hepe ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng depresyon sa pagkasira ng kanyang pangalan na matagal niyang iningatan ay pinagpasyahan niyang kitilin ang kanyang buhay sa harap ng libingan ng kanyang namayapang ina. Sa kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataon pa ring nilalabag ng mga kapulisan ang espisipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod: Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain, Maraming nagipanang mga establisyemento at mga gawaing tahasang lumalabang sa espisipikong probisyon ng batas at mga ordinansa ang hindi matinag-tinag dahil Sa lakas ng loob na ipagpatuloy ang operasyon nito epekto marahil ng proteksyon na kanilang natatanggap buhat sa mga kinauukulan-katulad ng kapulisan. Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pagakto sa isang kaso na kailangan niyang gawan ng aksyon. Pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu isang tiket kaugnay ng paglabag motorista sa batas pangtrapiko. Pagtatanim ng ebidensya (planting of evidence). Ang akto na ito ay karaniwang ginagawa ng kapulisan upang patibayin ang kaso laban sa isang indibidwal. Pinalalabas sa aktong ito na ang isang indibidwal ay may kasalanan gamit ang mga ebidensyang itinanim sa kanya, bagamat ang katotohanan, siya ay inosente at walang alam. Pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang nais na makuha. Kinikilala itong isang anyo ng pangingikil na lumalabag sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas. Paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen katulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at iba pa. Korapsyon sa Hudikatura Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno, kasama ng Ehekutibo (Executive), at Lehislatibo (Legislative). Mataas ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na may kapantay na kapangyarihan sa Ehukatibo at Lehislatibo. Ang Hudikatura ang sangay ng gobyerno na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad ng Ehekutibo. Ang Hudikatura ay hindi ligtas sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan. May mga kurakot din na hukom (judge) na tumatanggap ng suhol upang magbaba ng desisyong pumapanig sa nagbigay ng suhol. May ilang mga hukom na pinatatagal ang pagdesisyon sa isang kaso na nagbubunga ng inhustisya sa mga taong walang kasalanan. Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika (Code of Ethics) ay ang pagharap nila sa mga kasong administratibo o maaari rin namang pagtanggal sa kanila ng lisensya bilang mga abogado. Korapsyon sa Pamamhayag Ang pamamahayag ang isa sa mga basikong karapatang pantao na bibigyan ng proteksyon ng ating Saligang Batas, espisipiko sa Artikulo ll. Seksyon 4. Isinasaad dito na walang makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao ng magsalita, magpahayag, o ang karapatan ng tao na magtipuntipon sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang mga karaingan laban sa gobyerno. KABAYANIHAN AT ANG KONSEPTO NITO Ang kabayanihan ay inilalarawan ng kagitingan at katapangan sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa mga mitolihiya at mga kwentong bayan ay ipinakikita ng mga pangunahing tauhan ang kanilang pagsasakripisyo at paglalagay ng sariling buhay para isalba ang higit na nakararami. Ang kabayanihan ay nagpapakita ng katapangan na harapin ang panganib at kagipitan para sa kapakanan ng sangkatauhan. Sa paglipas ng panahon ay higit na naging malawak ang konsepto nito sa punto na hindi na lamang ito nakapokus sa pakikidigma bagkus ay ang pagsasama sa mas panlahat na kahusayang pangmoralidad. Rebolusyong Pangkalikasan Isa sa mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa ay ang pakikipagsapalaran ng tao sa hamon ng kalikasan na mahirap labanan kahit pa ito ay gamitan man ng mga makabagong kaalaman at teknolohiya. llang libong buhay ng tao ang nawawala at bilyun-bilyong halaga ng ariarian ang napipinsala sa tao at pamahalaan dahil sa mga paghagupit na iginaganti sa tao ng kalikasan, Walang pinipiling tao (bata o matanda; mayaman o mahirap matalino o mahina) at bansa (taga-Asya; Europa; Amerika o anumang kontinente) ang bagsik ng kalikasan. Ang mga kalamidad na kaakibat ng paggalaw ng mundo ay maaaring alinman sa mga subalit hindi limitado sa mga sumusunod na halimbawa: lindol, pagputok ng bulkan, at tsunami. Sa kasalukuyan ay wala pa ring teknolohiya na maaaring makatulong upang matukoy kung kailan darating ang mga sakunang ito. Ang tanging magagawa lamang ng tao ay maging handa o alerto kung sakali man na dumating ang panganib na ito sa kanilang buhay at masira ng kanilaang mga ari-arian. Sa ganitong pamamaraan ay maaaring mabawasan ang danyos sa mga ari-arian at pagkawala ng maraming ariarian, kung hindi man ito lubusang maiiwasan. Ang Kapitalismo at ang Kalikasan Kasabay ng modernisasyon, kaunlarang pangsosyal, at pang-ekonomiya ay ang walang habas na pananamantala ng tao sa paggamit ng kalikasan sa kabila ng regulasyong may kaugnayan dito. Upang makapagtayo ng hotel, resort Casino, at iba pang kaugnay na establisyimento ay kailangang isaalangalang ang pagputol sa mga nakatanim na puno at pagpapatag ng mga bulubunduking lupa. TAMANG PAGTAPON NG BASURA Kaakibat pa rin ng pag-unlad mg mundo, pataas ng population at pag-angat ng ekonomiya ay ang pag-angat ng basura na kailangan ng tao. Ang suliraning ito ay hindi lamang sa Pilipinas kinakaharap sapagkat maging da ibang bansa man ay suliranin din nila ito. Isangdaan at tatlong container van ng mga basura mula sa Canada ang itinapon sa Maynila noong 2013 na nagsilbing siga sa pagpupuyos ng damadamin ng mga pangkat o grupo na may adbokasiyang pangalagaan ang kapaligiran. Bunga nito ay ang paghahain ng Resolution 533 ni Senador Pimentel upang isagawa ang imbestigasyon para sa pagsasagawa ng batas (Senate Inquiry in Aid of Legislation). Alinsunod sa polisiya mg ating pamahalaan sa ilalalim mg Saligang-Batas, Artikulo 11, Seksyon 16, ang estado ay binigyan ng mandato na bigyan ng proteksyon ang karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng isang balanse at malusog na ekolohiya batay sa ritmo at harmonya ng kalikasan. Matindi ang pakikibaka mg mundo sa hamon ng mga usaping kinakaharap ng mga tao sa wastong pagtatapon mg basura. Ang mga solidong basura ay karaniwang itinatapon o ibibabaon as mga landfill sites na maaaring maging makapaminsala nang labis sa kapaligiran; Ang mga nabubulok na basura naman ay maaaring magbunga ng mikrobyo, masangsang na amoy o di kaya ay simsimin ng tubig sa ilalim ng lupa; Ang usok na nagmumula sa mga sinusunog na basura ay nakapagdadagdag din ng polusyon sa ating kapaligiran. ANG BASURA NA SOLIDO (SOLID WASTE) Alinsunod sa Republic Act. No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na kabalikat amg lokal na pamahalaan na may pangunahing responsibilidad sa tamang pamamahala ng basura. Tayong mga mamamayan ay kaisa as tungkuling tumulong sa pagpapanatili sa kalikasan at kaayusan sa paligid sa pamamagitan ng tamang pagtatapon at pagbukukod ng basura. Nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Solid Waste Management Act of 2000 noong ika-26 ng Enero, 2001. Isinasaad ng akto na ito ang maayos na programa para sa ecological solid waste management, pagbuo ng mga mekanismo at insentibong pang-institusyon, deklarasyon ng mga espisipikong akto na hindi dapat gawin at paglaanan ng pondo at iba pang layunin para dito. PAGBABAGO NG KLIMA O CLIMATE CHANGE Dalawang itinuturong dahilan sa pagbabago ng klima sa mundo 1. 2. Likas na Pagbabago- tinutukoy nito ang sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagiging dahilan ng pagtaas ng temperature sa hangin sa nakabalot sa mundo. Greenhouse gases- karaniwang sanhi nito ay ang paggamit ng mga kemikal sa mga produktong ginagamit ng tao, pagbuga ng carbon dioxide buhat sa mga puno na siyang pananggalang sa carbon dioxide at iba pa. PAGKAUBOS NG LIKAS NA YAMAN Nakasalalay sa pangangailangan ng tao ang patuloy na pagsalaula ng mga kapitalista sa likas na kayamanan. Dahil sa taas ng pangangailangan (demand), ang mga kapitalista ay patuloy na sumusugal sa paglikha na makilala sa merkado at makakuha ng malaking tubo ay nagbubunga ng napakabilis na pagsalaula sa mga kayamanang likas sa mundo. Ang walang pakundangang pagmimina na pinamumuhunan ng mga higanteng kapitalista sa kabila ng banta sa buhay ng mga minero ay mga salik din na nakaaapekto sa ating kalikasan. Bunga ng mga pananamantalang ito ay ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. Madalas at higit na mga mapamuksang ulan Pagbaha Pagguho ng putik at lupa Pagkasira ng ozone layer, at Marami pang iba. KAHIRAPAN Isa sa mga sakit ng lipunan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nalulunasanay ang kahirapan. Inilalarawan nito ang kawalan ng pag-aaring material o salapi na maaaring material niyang gamitin upang magkaroon ng maayos o kaigaigayang pamumuhay. DALAWANG KATEGORYA NG KAHIRAPAN Ganap Na Kahirapan- tinutukoy nito ang mga sitwasyon na ang isang indibidwal ay napagkakaitan ng mga payak o basikong pangangailangan pantao katulad ng maiinom natubig, maaayos nakasuotan, maginhawang tirahan, pangangalagang pangkalusugan. Relatibong Kahirapan- inilalarawan ng sitwasyon o pagkakataong ang tao ay may di sapat nasalapi kung ihahambing sa ibang tao o kapaligiran. Ang mapagkukunan o suplay at naapektuhan ng mga balakid katulad ng lantarang pagnanakaw o korapsyon sa gobyerno, mga hindi makatwirang kondisyon ng pagpapautang ng gobyerno, at marami pang iba. DALAWANG KILALANG TEORYA KAUGNAY SA KAHIRAPAN INDIBIDWALISTIKO Sa indibidwalistikong pananaw, ang kahirapan ay sinisisi sa indibidwal nakakayahan napagbangon sa kahirapan katulad ng: katamaran; kawalan ng sapat na edukasyon; kamangmangan; mababang pagtingin sasarili. ISTRUKTURAL Sa pananaw na ang kahirapan ay isang istrukturang panlipunan, nakikita ng taon ang kanilang pagkakasadlak sa kahirapan ay bunsod ng sistemang pang-ekonomiya na lalong pinaiigting ng kakulangan sa kanilang kita. MALNUTRISYON Isa pa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ay ang malnutrisyon na bunga ng kawalan ng sapat na sustansya ng pagkaing kinakain sa pang-araw-araw na pamumuhay at ang kahirapan na maipamahagiang mga nararapat na pagkain sa buong populasyon. Dagdag ditto ang kawalan ng sapat nakaalaman ng tao sa kahalagahan ng nutrisyon sa kanila. Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasasagawa rin ng tinatawag na feeding program ang pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon. USAPING PANGKALUSUGAN Ano ang HIV? HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS (HIV)- pangunahing usapin sa larangan ng kalusugan. Ito ay isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng human immunodeficiency virus. Walang makikitang sintomas ng sakit ng taong may inspeksyon nito maliban sa simpleng trangkaso. Habang patuloy na kumakalat ang inspeksyon, higit nitong sinasala kayang immune system, na lalong nagpapataas sa tsansa ng pagkakaraon ng karaniwang inspeksyon katulad ng tuberculosis, opportunistic infections, at tumor na bihirang dumadapo sa isang tao na may maayos na immune system. Tinatawag na AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome ang inspeksyon sa pinakahuling estado nito nakaraniwang kinasasangkutan ng hindi inaasahang pagbaba ng timbang. Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain: 1. Pakikipagtalik nawalang proteksyon (anal at oral); 2. Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo; 3. Hypodermic na karayom 4. Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina; 5. Pagpapasuso Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng mga sumusunod sa pamamaraan: 1. 2. 3. 4. Ligtas na pakikipagtalik; Programa sa pagpapalitan ng karayom; Paggagamot; Pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na ito ay ipinagbubuntis. Tandaan na ang antiretroviral nagamutan ay makatutulong lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang normal na pamumuhay ang bata. Tinatayang nasa 36.7 na milyong katao noong 2006 ang mayroong HIV na nagresulta sa kamatayan ng nasa isang milyon. SAKIT SA DENGUE nanggaling sa virus na dengue nadala ng kagat ng lamok sa isang tropikong bansa na katulad ng Pilipinas. Ang simptomas nito na karaniwang makikita simula sa tatlo hanggang labingapat na araw matapos ang inspeksyon ay ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. Mataas na lagnat; Pananakit ng ulo; Pagsusuka; Pananakit ng laman at mga kasu-kasuan. MGA USAPIN NG PABAHAY Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning matagal ng kinakaharap sa buong mundo. Sumasailalim ito mukha ng kahirapan na hindi madaling solusyunan dahil sa maraming kadahilanan katulad ng kawalan ng inisyatibo buhat sa pamahalaan, kawalan ng disiplina buhat sa bahagi ng mga maralita na magsasagawa ng paraan upang maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan. Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apatnapu’t apat nabahagdan ng mga Pilipino ang nananatiling walang maayos natirahan ang matatagpuan sa Metro Manila