VILLA TEODORA ELEMENTARY SCHOOL Sta. Ines St. Villa Teodora Subd., Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 3 PANUTO: Basahin at unawain ang mga binigay na katanungan o pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. 1. Ano ang maaaring gamitin para mapadali ang paghahanap ng isang lugar? a. Direksyon b. Simbolo c. Mapa d. Pahayagan 2. Ano ang mga bagay na dapat tandaan para lalong madaling matunton ang hinahanap? a. Simbolo b. celpon c. Pahayagan d. Direksyon 3. Ang ______ ay isang instrumento na nakatutulong sa pagtukoy ng direksyon. a. compass b. iskala c. ordinal d. celpon Para sa bilang 4-5, tukuyin ang mga simbolo na makikita sa mapa 4. 5. a. bundok b. bulubundukin c. bulkan a. ilog b. karagatan c. lawa d. kapatagan d. talon Para sa bilang 6-10, tukuyin ang kinalalagyan ng mga Istruktura gamit ang pangunahing direksyon. 6. Ang paaralan ay nasa __________________ ng palengke. a. hilaga b. kanluran c. silangan d. timog 7. Ang palaruan ay nasa __________________ ng ospital. a. hilaga b. kanluran c. silangan d. timog 8. Ang munisipyo ay nasa __________________ ng palaruan. a. hilaga b. kanluran c. silangan d. timog 9. Ang munisipyo ay nasa ___________________ ng simbahan a. hilaga b. kanluran c. silangan d. timog 10. Anong istruktura ang nasa hilaga ng palaruan? a. ospital b. munisipyo c. palengke d. simbahan 11. Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng bilang ng mga taong naninirahan sa bawat pamayanan a. Bar Graph b. Mapa ng populasyon c. Pamayanan d. Populasyon 12. Ito ang tawag sa dami ng tao sa bawat lalawigan at rehiyon. a. Bar Graph b. Mapa ng populasyon c. Pamayanan d. Populasyon 13. Ito ay isang uri ng graph na nagpapakita ng dami ng tao sa iba’t-ibang pamayanan. a. Bar Graph b. Mapa ng populasyon c. Pamayanan d. Populasyon Para sa bilang 14-15, tignan ang populasyon ng Rehiyon III/ Gitnang Luzon 14. Anong lalawigan ang may pinakamalaking populasyon sa buong rehiyon? A. Bulacan C. Pampanga B. Nueva Ecija D. Tarlac 15. Anong lalawigan ang may pinakamaliit na populasyon sa buong rehiyon? A. Aurora C. Tarlac B. Bataan D. Zambales 16. Anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang may pinakamalawak na kapatagan sa buong rehiyon? a. Aurora b. Bataan c. Pampanga d. Zambales 17. Anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang nakaharap sa Karagatang Pasipiko kaya naman naggagandahan ang mga dalampasigan dito na dinarayo ng mga turista? a. Aurora b. Bataan c. Pampanga d. Zambales 18. Anong lalawigan sa Gitnang Luzon matatagpuan ang Subic Bay na nakaharap sa West Philippine Sea? a. Aurora b. Bataan c. Pampanga d. Zambales 19. Anong bulkan na matatagpuan sa pagitan ng mga lalawigan ng Zambales at Tarlac? a. Bulkang Bulusan b. Bulkang Kanlaon c. Bulkang Mayon d. Bulkang Pinatubo 20. Anong ang pinakamahabang ilog sa buong Gitnang Luzon? a. Ilog Agno b. Ilog Chico c. Ilog Pampanga d. Ilog Zambales 21. Ano ang pinakamahabang bulubundukin sa Luzon na sumasakop sa 10 lalawigan kasama na ang mga lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija? a. Caraballo b. Samat c. Sierra Madre d. Tekalawa 22. Saang lalawigan ng Gitnang Luzon matatagpuan ang crater ng Bulkang Pinatubo? a. Bulacan b. Pampanga c. Tarlac d. Zambales 23. Ano ang ibang tawag sa Ilog Pampanga? a. Rio Grande de Angat c. Rio Grande de Calumpang c. Rio Grande de Pampanga d. Rio Grande de Pilipinas 24. Saang lalawigan ng Gitnang Luzon na may peninsula na anyong lupa? a. Bataan b. Bulacan c. Tarlac d. Zambales 25. Anong anyong lupa ang karamihang makikita sa Gitnang Luzon? a. Kabundukan b. Kapatagan c. Lambak d. Talampas 26. Ang Bundok Arayat ay matatagpuan sa lalawigan ng a. Bulacan b. Pampanga . c. Tarlac d. Zambales 27. Ang Bundok Tekalawa at Bundok Damas ay matatagpuan sa lalawigan ng a. Bulacan b. Pampanga c. Tarlac . d. Zambales 28. Anong lalawigan sa Rehiyon III matatagpuan ang Bundok Samal at Dambana ng Kagitingan? a. Aurora b. Bataan c. Pampanga d. Zambales 29. Anong lalawigan sa Rehiyon III matatagpuan ang Pantabangan Dam? a. Aurora b. Bataan c. Bulacan d. Nueva Ecija 30. Anong ilog na dumadaloy sa mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Zambales? a. Ilog Agno b. Ilog Chico c. Ilog Pampanga d. Ilog Zambales 31. Anong panganib na mararanasan ng mga nasa mababang lugar ng Pampanga at Bulacan kapag may malakas na ulan? a. Flashflood/ Baha b. Lindol c. Landslide/ Pagguho ng Lupa d. Storm Surge 32. Bukod sa Tsunami, anong kalamidad ang maaring makakaranas sa mga dalampasigan ng Aurora, Bataan, Zambales? a. Flashflood/ Baha b. Lindol c. Landslide/ Pagguho ng Lupa d. Storm Surge 33. Anong kalamidad ang maaring makakaranas sa mga lugar na malapit sa mga kabundukan lalo na kapag may bagyo o malakas na buhos ng ulan? a. Flashflood/ Baha b. Lindol c. Landslide/ Pagguho ng Lupa d. Storm Surge 34. Anong tawag sa mga bitak sa ilalim ng lupa na magdudulot ng lindol kapag ito ay gumalaw? a. Coastal Line b. Fault Line c. Land Line d. Zigzag Line 35. Bukod sa Dengue, anong sakit ang maaring makukuha sa mga lugar na apektado ng pagbaha? a. Lagnat b. Leptospirosis c. Osteoporosis d. Ubo Para sa bilang 36-40, basahin at unawain ang isinasaad ng mga pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung katotohanan ang nais nitong ipahayag. Isulat naman ang salitang MALI kung walang katotohanan ang isinasaad ng pangungusap sa sagutang papel.. 36. Ang mga likas na yaman ay biyaya ng Diyos sa mga tao. 37. Ang mga lalawigan ng Rehiyon III o Gitnang Luzon ay sagana sa iba’t ibang likas na yaman. 38. Ang mga likas na yaman ay dapat pangasiwaan ng wasto ng mga mamamayan. 39. Hindi nagbibigay ng kaunlaran sa mga lalawigan at rehiyon ang mga likas na yamang pinangangalagaan ng wasto. 40. Ang mga batang nag-aaral pa ay walang kakayahang makibahagi sa wastong pangangalaga ng likas na yaman. Inihanda ni: G. CRYSLER RAY D. TOBEN Guro sa Araling Panlipunan 3 TALAAN NG ISPESIPIKASYON UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN (IKATLONG BAITANG) Taong Pampaaralan: 2022-2023 Bilang ng Araw ng Pagtuturo Bilang ng Aytem % Pagsasaayos ng mga Aytem Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa sa tulong ng panuntunan (ei. katubigan, kabundukan, etc) AP3LAR- Ia-1 5 5 12.50% 1,2,3,4,5 Nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksyon 5 5 12.50% 6,7,8,9,10 Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b) kasarian; c) etnisidad; at 4) relihiyon 5 5 12.50% 11,12,13,14,15 5 5 12.50% 16,17,18,19,20 Natutukoy ang pagkakaugnay- ugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon 5 5 12.50% 21,22,23,24,25 Nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang anyong lupa at anyong tubig ng sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan nito AP3LAR- If-10 5 5 12.50% 26,27,28,29,30 Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topographiya nito AP3LAR- Ig-h-11 5 5 12.50% 31,32,33,34,35 Naipaliliwanag ang wastong pangangasiwa ng mga pangunahing likas na yaman ng sariling lalawigan at rehiyon 5 5 12.50% 36,37,38,39,40 40 40 100% 1-40 Mga Nilalaman Nasusuri ang iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang mapang topograpiya ng rehiyon AP3LAR- Ie-7 KABUUAN Inihanda ni: G. CRYSLER RAY D. TOBEN Guro sa Araling Panlipunan 3 Sinuri nina: ALBERTA C. MENDOZA REGINA ALELI P. VALENZUELA Dalubhasang Guro II Lider Pampaaralan sa LRMDS SUSI SA PAGWAWASTO 1. C 21. C 2. A 22. D 3. A 23. C 4. B 24. A 5. B 25. B 6. B 26. B 7. D 27. C 8. B 28. B 9. D 29. D 10. C 30. A 11. B 31. A 12. D 32. D 13. A 33. C 14. A 34. B 15. A 35. B 16. C 36. TAMA 17. A 37. TAMA 18. D 38. TAMA 19. D 39. MALI 20. C 40. MALI