“WALANG TAYO” Tayo Teka, wala nga palang “tayo”, Paano nga ba mabubuo ang TAYO? Kung ako lang naman ang nangbubuo ng salitang tayo Ako yung taong umibig ngunit muling nabigo, Minahal kita kahit walang tayo, Ilang beses ko ng sinubukang itigil ang nararamdaman ko sayo Ititigil na, kahit hindi naman kaya. Mahal kita, Mahal mo siya, Pero may mahal siyang iba. Bakit di nalang kasi ako? Bakit di nalang tayo? Kailan ba kita maaangkin? Yung mamahalin mo rin ako, gaya ng pagmamahal ko sayo Kailan ba ako magiging masaya sa piling mo? Yung hindi lang dahil sa isang motibo. Ang nais ko lang naman ay pasayahin ka, mahalin ka at alagaan ka. Gusto ko lang naman ay lumigaya ka, Nang dahil sakin, hindi dahil sa kaniya. Bakit ba mapagbiro ang tadhana? Pinagtagpo nga tayong dalawa, Hindi naman para sa isa’t isa, Dahil may mahal kang iba. Paano kung makikita mong masaya ang mahal mo sa piling ng iba? Yung akala mong ikaw ang nagpapasaya sa kanya ngunit hindi naman pala At sabay silang sumasayaw sa awit ng musika, Na para bang walang ikaw! Pasensya na kung masyado akong feeling, Feeling na halos malapit na sa pagkaassuming. Bakit ka ba kasi nagpakita ng motibo, Kung hindi mo naman kayang sumalo, lalo na kong ako. Bakit naman kasi kung kailan nahulog na ako, Tsaka kanang naglaho. Bigla nalang nawala na para bang walang nangyari Bakit hindi mo man lang ako mapansin? Alam kong hindi naman ako kapansin-pansin Nahulog ba naman ako sa isang tulad mo. Na mamahalin ko ng buong buo Akalain mo? Yung ako mismo bubuo ng mundo mo. Alam mo kung anong masakit don? Yung Nagmomove-on na ako kahit wala namang tayo. Umiyak ako kahit WALANG TAYO Ang sakit diba? Pero yun ang katotohanan. Na kailanman, Hindi na mabibigyan ng kahulugan. Ito ang tulang gusto kong mabigyan ng kahalagahan na ginawa ko para sayo, Dahil gusto kong ipadama ang lahat ng ito. Sa bawat pagsambit ng katagang “WALANG TAYO”