Uploaded by Felcher Layugan

Intro

advertisement
Intro
Dallot
Ano nga ba ang dallot?
Bahagi ng tradisydong oral ng mga Ilokano ang dállot, isang uri ng paawit na sagutan.
Isinasagawa ang dallot upang magkaroon ng mlas masaya at nakalilibang na sandal ang mga
nagsisipagtipon.
Karaniwang paksa ng dallot ang pagibig ng dalawang tao, karanasan ng táong hindi nasuklian ang pagibig na ibinibigay sa kaniyang kasintahan o kayâ’y pag-ibig na hinding-hindi maabot.
Isa sa mga naidokumento at napanatiling buháy na dallot ang Dallot ti Pangasasawa (dallot ng pagaasawa).
May apat itong bahagi: ang pauli (panliligaw), panangdarakdek ken panang-galot (pamamanhikan),
panang-ikamen (ritwal sa banig) at pammagbaga (paggabay).
Sa unang dalawang bahagi ng dallot, ipinapakita ang imahen ng isang tandang na gustong ligawan ang
inahin. Sa pauli, iniimbitahan ng pamilya ng babae ang pamilya ng lalaki sa bahay. Iinom ang dalawang
pamilya ng basi bago magsalita ang representante ng lalaki sa hangarin nitong maging asawa ang babae.
Magpapasubali ang pamilya ng babae na ibibigay lámang ang kamay kanilang kamag-anak kung
makapagbigay ng mga regalo ang pamilya ng lalaki. Sa dallot na ito, ang tono ng mga mannallot ay
seryoso o kayâ’y malungkot.
Sa susunod na pagkikita, isinasagawa ang panangdarakdek ken panang-galot at humihingi ng paumanhin
at tawad ang pamilya ng lalaki dahil bigo nitóng maibigay ang mga hiniling ng pamilya ng babae.
Magpaparinig ang pamilya ng babae sa nagawang pagkukulang at sa mga linyang ito, naipaparamdam na
ng mga mannallot ang tonong pabiro at mas magaan na pakiramdam kaysa seryoso at kalkuladong tono
ng naunang bahagi. Tatanggapin ng pamilya ng babae ang regalong bigas, bulak, niyog at bao ng niyog.
Kapag tinanggap na ng pamilya ng babae ang mga alahas na ibinigay sa kanila ng pamilya ng lalaki, tanda
ito na magkatipan na ang ang dalawa. Matapos ang kasal at kainan, isinasagawa ang ikatlong bahagi ng
Dallot ti Pangasasawa, ang panang-ikamen. Sa nasabing bahagi, inihahayag ng babae ang kaniyang naisin
na maprotektahan ang pamilyang sisimulan nilá ng kaniyang asawa. Matapos nitó, tatanggapin ang mga
bagong kasal ng kanilang mga pamilya. Nagkakaroon din ng dallot hinggil sa hindi kanais-nais na ugali ng
mga bagong kasal. Isa itong masayá at nakatutuwang bahagi kapag pinasasaringan ang masasamâng
ugali at itinutulad sa mga bulaklak na walang amoy, lupang tigang, at iba pa. Sa hulíng bahagi ng dallot,
ang pammagbaga, nagbibigay ng payo ang matandang babae at lalaki sa bagong kasal. Hábang
isinasagawa ang mga dallot, maaaring sabayan ito ng sayaw na tinatawag na arikenken.
Download