Benjamin Velasco Bautista Sr. National High school Pagatpat, Mana, Malita Davao Occidental Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik Senior High School-Grade 11 I. Pagtatapat-tapat. Panuto: Pagtapin ang mga termino sa Kolum A sa deskripsiyon ng mga ito sa Kolum B. A ______1. Creative Nonfiction ______2. Diyalogo ______3. Deus ex Machina ______4. Foreshadowing ______5. Flashback ______6. Ellipsis ______7. In media res ______8. Resolusyon ______9. Oryentasyon ______10. Comic book death I. B a. kinahahantungan ng tunggalian o komplikasyon b. naglalarawan sa tauhan at setting c. malikhaing pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari d. mula sa dulo ang pagsasalaysay e. paraan ng narasyon kung saan pinapatay muna ang pangunahing tauhan ngunit lilitaw rin sa huli f. pag-uusap ng tauhan bilang paraan ng narasyon g. God from the machine h. pagbalik-tanaw ng tauhan sa mga nakaraang pangyayari i. pagbibigay ng pahiwatig o hint j. batay sa Iceberg theory ni Hemingway k. nagsisimula sa gitna ang narasyon l. may makabuluhan at mahalagang implikasyon sa mambabasa Pagtukoy sa uri ng Paglalarawan. Panuto: Isulat ang A kung obhetibo, direktang paglalarawan, at B kung subhetibo, maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan, ang sumusunod na paglalarawan. Hal. Si Maria Lorena ay may makintab at mahabang buhok sa kadahilanang ito ay kanyang ipanaayos sa isang sikat na parlorista sa kanilang bayan. (Sagot: A) ________1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Camille. ________2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Joy kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya. ________3. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso. ________4. Maliit ang yunit, mahina ang pagkakagawa, walang maayos na akses sa tubig at kuryente, at lugar na malayo sa trabaho ang karaniwang mga pabahay na ibinibigay sa mga mahihirap na biktima ng demolisyon. ________5. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay. ________6. Magaling magturo ang guro naming sa Araling Panlipunan. Malakas ang boses niya at mahusay magpaliwanag ng aralin. ________7. Nagging paborito ko ang asignaturang Kasaysayan dahil sa husay ng aming propesor sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado niya sa amin ang mga petsa, lugar, at pangalan ng mga bayani sa kasaysayan ng Pilipinas, mas binigyang-diin niya ang mahahalagang karanasan at aral mula rito. ________8. Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima ay binibigyan ako nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim na pag-isipan ang mga nangyayari sa aking buhay. ________9. Mahigit tatlong dekada ng buhay ni Caloy ay inialay niya sa paglilingkod sa kapwa. Maiksi man sa taon ang kaniyang buhay, hindi mapapasubalian na mahaba, malaman, mayaman, at may katuturan ang buhay ni Carlos Padolina. (Sipi mula sa “Parangal kay Kasamang Caloy” ni Judy Taguiwalo, Abril 20,2018) ________10. Dahil sa giyera, lalong nagging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan ng Marawi. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok sa paaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao. II. Pagsusuri sa Uri ng Teksto. Panuto: Suriin at isulat ang titik ng tamang sagot kung ang sumusunod na pahayag ay nabibilang o maiuugnay sa tekstong: a. Impormatibo b. Deskriptibo c. Persweysib 1. Para sa iyong kaalaman 2. Ano ang nangyari? 3. Paano kita mahihikayat? 4. Masining na pahayag 5. Paano ito naganap? 6. Makulay na paglalarawan 7. Sino ang mga sangkot? 8. Saan ito naganap? 9. Sang-ayon ka ba? 10. Mahusay na eksposisyon III. Pagpapaliwanag. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bigyang paliwanag ang kaisipang ito. Batayan ng Puntos: Pag-unawa at pagsasaayos ng mga ideya 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos Nakasusulat ng 5 ideya/pangungusap sa isang orihinal at maayos na paraan. Nakasusulat ng 4 ideya/pangungusap sa isang orihinal at maayos na paraan. Nakasusulat ng 3 ideya/pangungusap sa isang orihinal at maayos na paraan. Nakasusulat ng 2 ideya/pangungusap sa isang orihinal at maayos na paraan. Nakasusulat ng 1 ideya/pangungusap sa isang orihinal at maayos na paraan. 1. Sa tingin mo, mahalaga baa ng mahusay na paggamit ng wika upang makapangumbinsi? Ipaliwanag. 2. Hindi maiiwasan ang pagtatalo sa pagtalakay ng tesktong argumentatibo. Pabor ka ba sa pagtatalo? Ilista ang mga positibo at negatibong dulot ng pagtatalo. 3. Sa iyong palagay, ano-ano ang katangian ng isang mahusay na namumuno na makapanghikayat sa iyo na bumoto at suportahan ang kanyang kampanya? Itala at ipaliwanag ang mga ito. 4. Ano ang batayang pagkakaiba ng tekstong persuweysib sa tekstong argumentatibo? Good Luck & God Bless! Inihanda ni: Kristelle Dee D. Mijares