Uploaded by Avery Thompson

SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS

advertisement
Niña Alexa B. Gomez
3BAM5A
Title: Sucesos De Las Islas Filipinas
Halo-halong emosyon ang aking nadama matapos kong mabasa ang akdang isinulat ni
Antonio De Morga na “Sucesos De Las Islas Filipinas” noong 1609. Nariyan ang pagkalungkot,
pagkatuwa at pagkadismaya habang binabasa ko ang bawat kabanata. Sa pamamagitan ng sulatin
kong ito, nais kong ipahayag ang ilan sa aking mga naging reaksiyon bilang isang Pilipino na may
malasakit at pagmamahal sa aking sariling bansa.
Nakakatuwang isipin na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may sarili ng
pagkakakilanlan ang bansang Pilipinas. Sadyang masagana na ang ating bansa mula pa lamang sa
kultura, talento at tradisyon na mayroon tayo na siyang inilarawan ni Morga. Ito ay patunay lamang
na maunlad na ang ating bansa.
Bagaman naging matagumpay ang pagpapalaganap ng mga Kastila ng kanilang
impluwensiya, ito ang naging hudyat ng pananakop, kawalan ng kalayaan, pagdanas ng pang-aapi
at pagsasalin ng kultura sa paningin ng mga Pilipino. Sapilitan nilang tinanggap ang wikang
Espanyol, relihiyon at ang pamumuhay nito. Ang mga katutubong kaugalian, tradisyon, at
paniniwala ay pinipigil, na nagdulot ng paglaho ng kaalaman at pamana ng mga katutubo.
Napakasakit sa damdamin ang panghimasukan ng iba ang buhay na ating nakaugalian. Bukod pa
doon ay nagdulot lamang ito sa mga Pilipino ng pighati at labis na paghihirap sa kamay ng
mananakop.
Pagdating naman sa larangan ng ekonomiya, maituturing na isang tagumpay and paglago
ng kalakalan at komersyo noong panahon ng kolonyalismo. Ngunit para sa akin ay hindi ito
maituturing na tunay na tagumpay para sa bansa kung ito ay humantong sa pagsasamantala sa
kalakalan, hindi pantay na pagkakataon sa ekonomiya, at higit sa lahat ay nagresulta lamang ng
agwat ng yaman sa pagitan ng mga mananakop at mga lokal na mamamayan. Sila ay lumikha ng
isang sosyal na hirarkiya na nakatuon sa mga elitistang Kastila. Kailan ma’y hindi naging matuwid
ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin.
Sa kabuuan, ito ay nagpapaalala sa atin na ang kasaysayan ay hindi lamang isang koleksyon
ng mga katotohanan, kundi isang makapangyarihang kasangkapan para sa sariling pagsusuri, pagunawa, at pagtataguyod. Ang mga bakas na iniwan ng mga Kastila ay nananatili sa Pilipinas
hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, hangad ko ang pag-unlad ng ating bansa. Nawa’y
magsilbing kape and kapirasong papel na ito na siyang gigising sa bawat isa. Ingatan ang ating
kasaysayan at kultura, itaguyod ang kaunlaran at pagkakapantay-pantay, magkaroon ng matatag at
matalinong pamumuno, isulong ang katarungan at kapayapaan, at bigyang prayoridad ang
edukasyon at kaalaman. Ang mga aral na ito ay magsisilbing gabay para mapalalim ang ating
pambansang pagkakakilanlan, mangarap para sa kaunlaran, at magtrabaho tungo sa isang mas
maganda at mas mabuting kinabukasan para sa ating bansa.
Download