Uploaded by Collado, Sunshine Mesa

Gawain 3)

advertisement
GAWAIN 3
RIZAL
Talakayin
1. Ano ang Noli? Kanino nya ito inialay?
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Sinimulan itong
isulat ni Rizal noong siya ay nasa Madrid taong 1884 at natapos noong siya’y nasa Berlin
taong 1887. Nailimbag ang nobela sa tulong ng kaibigan ni rizal na si Dr. Maximo Viola.
Pinapaksa nito ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang naging
inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang nobelang Uncle Tom’s Cabin
na tinatalakay ang kalupitang naranas ng mga negrong alipin mula sa mga puting
amerikano.
Inialay ni Rizal ang nobelang ito sa mga Pilipino at sa ating bansang Pilipinas.
Sumasalamin sa nobela ang buhay at ang lipunan natin noong tayo’y sinasakop ng mga
Kastila. Sa pamamagitan ng nobela na ito, namulat ang isipan ng mga Pilipino na
maghimagsik laban sa mga Kastila.
2. Sino ang Tumulong kay Rizal para mapalimbag ang Noli?
Ang kaibigan ni Rizal na si Dr. Maximo Viola ang tumulong sakanya para mailimbag
ang kanyang nobelang Noli Me Tangere. Si Viola ang unang nakabasa ng nobela na ito.
Matapos malaman ni Viola ang kalagayan ni Rizal sa Berlin, tinulungan niya ito na
mailimbag ang Noli me Tangere. Tinulungan nya din si Rizal na tustusan ang pang-arawaraw na pangangailangan nito. Ika-21 ng Pebrero taong 1887 ng matapos ni rizal ang
nobelang ito. Matapos mailimbag ang nobela at makatanggap ng salapi mula dito, agad
na binayaran ni Rizal ni Dr. Viola. Magkasama nila ang ibang bahagi ng Europa bago
tuluyang umuwi si Rizal pabalik ng Pilipinas.
3. Ano ang kalagayan ni Rizal sa berlin noong 1888?
Naging mahirap ang pamamalagi noon ni Jose Rizal sa Berlin. Taglamig noon sa
Berlin at walang wala siyang kahit na ano, miski pera, at hinang hina ang kanyang
katawan. Nagkasakit din sya at nagutom habang nandon. Ngunit hindi iyon naging
hadlang upang ipagpatuloy niya ang pagsulat ng kanyang nobelang Noli Me Tangere.
Tinulungan siya ng kanyang kaibigan na si Dr. Maximo Viola na tustusang ang kanyang
pang-araw-araw na pangangailangan at tinulungan nya din ito na mailathala ang nobelang
Noli Me Tangere.
4. Magsaliksik sa tungkol sa mga tauhan nito at ipakilala
Narito ang ilan sa mga tauhan ng nobelang Noli Me Tangere:
PANGUNAHING TAUHAN
 Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin (Crisostomo Ibarra) – isa siya sa mga
pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere. Nag-iisang anak siya ni Don Rafael





















Ibarra at kabiyak siya ni Maria Clara. Galing siya sa mayamang angkan at
nakapag-aral siya sa Europa.
Maria Clara de los Santos y Alba (Maria Clara) – Anak siya ni Doña Pia Alba kay
Padre Damaso. Siya ang iniibig ni Ibarra. Kilala siya sa San Diego dahil kanyang
angking ganda at kayumian. Kinakatawan niya ang mga dalagang Pilipino noong
panahon ng Kastila.
Don Santiago de los Santos (Kapitan Tiago) – asawa ni Doña Pia Alba at kinilalang
ama ni Maria Clara. Isa siyang mangangalakal galling sa Binondo.
Damaso Verdolagas (Padre Damaso) – pangunahing kontrabida ng nobela. Siya
ay Pransiskanong kura sa bayan ng San Diego. Ama siya ni Maria Clara.
Elias – isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kaniyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra.
Padre Bernardo Salvi – Siya ang pumalit sa posisyon ni Padre damaso bilang kura
paroko ng san Diego. May lihim na pagtingin kay Maria Clara.
Narcisa (Sisa) – siya ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin.
Pedro – iresponsable at mapanakit na asawa ni Sisa.
Basilio at Crispin – Magkapatid na anak nina Sisa at Pedro. Si Basilio ang
panganay at si Crispin naman ang bunso. Sila ay sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simabahan ng San Diego. Napagbintangan silang nagnakaw.
Don Anastasio (Pilosopo Tasyo) – naging kaibigan ng mag-amang Ibarra.
Matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña (Donya Victorina) – nagpapanggap
siyang mestikang Kastila. Kilala din siya sa pagiging malupit. Katipan siya ni Don
Tiburcio de Espadaña.
Donya Consolacion - isang Pilipina ikinakahiya niya ang pagiging Pilipino.
napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at paguugali.
IBA PANG TAUHAN
Donya Pia Alba – ina ni Maria Clara
Tiya Isabel – pinsan ni Kapitan Tiago; tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo Ibarra
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Don Tiburcio de Espadaña – asawa ni Donya Victorina
Alfonso Linares
 Inday, Sinang, Victoria, at
Andeng
Don Filipo
 Kapitan Heneral
Señor Nyor Juan
 Don Saturnino
Lucas
 Balat
Tarsilo at Bruno
 Don Pedro Elbarramendia
 Mang Pablo
 Padre Sibyla
 Kapitan Basilio
 Albino
 Tenyente Guevarra
 Kapitana Maria
5. Ipaliwanag Kung ano ang Noli
Ginamit ni Rizal na instrumento ang kanyang angking talino at panulat laban sa
mga Kastila. Gumawa sila ng mga iba’t ibang akda kagaya ng nobela, na siyang nagmulat
sa ating kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa kasamaang ginagawa satin ng mga Kastila. Isa
sa mga naisulat niyang nobela ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere (Huwag mo
Akong Salingin o Touch Me Not) ay isa sa mga nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Tinatalakay sa Noli Me Tangere ang naging buhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Espanyol, binabatikos ang mga bisyo ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng
Simbahang Katoliko noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
Umiikot ang nobela tungkol sa kwento ni Ibarra. Kauuwi lamang ni Ibarra sa
Pilipinas galing Europa nang malaman niyang pumanaw na ang kanyang ama. Nagpatuloy
ang kwento sa pagnanais niya na magpatayo ng paaralan na tinututulan naman ni Padre
Damaso. Mababasa din dito ang pag-iibigan nila ni Maria Clara.
Download