Uploaded by Elaine Ecap

AP 8 Q3 Module 1 Renaissance

advertisement
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
SARILING LINANGAN KIT
8
ARALING PANLIPUNAN
PAMAGAT NG ARALIN:
ANG PANAHON NG RENAISSANCE
Pamanahunang Blg. 3
MELC Blg. 1
MELC:
Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko, at
sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance.
Pangalan ng Guro: GNG. FATIMA M. SONIDO
Paaralan: SISIM NATIONAL HIGH SCHOOL
Distrito: Cabugao
1
PAMANAHUNAN
BILANG
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO
BILANG
3
1
TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO
Isang magandang araw iyo minamahal kong mag-aaral! Narito ako
upang ikaw ay tulungan at gabayan sa ating araling Transpormasyon Tungo
sa Makabagong Panahon. Mula sa simula hanggang sa huli ay naririto ako
dahil nais kong marami pang matutunan. Inaasahan ko na marami kang
matututunan sa aralin na ito. Sana naman ay sa pamamagitan ng SelfLearning Kit na ito ay maibahagi ko sa iyo ang kasaysayan at maging sa
iyong sariling paraan ay magkaroon ka ng transpormasyon upang makatulong
sa pag-unlad ng ating bansa.
Narito ang simpleng gabay para sa inyong Self-Learning Kit:






Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto.
Sundin ng dahan-dahan ang mga dapat gawin.
Gawin ang mga naatasang gawain.
Basahin ang bawat aralin at gawin ang bawat kasanayan na para sa
inyo.
Gawin ang lahat ng gawain upang kayo at matulungan at magabayan
upang maunawaan ang bawat aralin.
Sagutan ang pagsusulit upang masukat ang inyong mga natutunan
buhat sa aralin.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga ambag ng Renaissance sa iba’t-ibang
larangan.
2. Napahahalagahan ang mga ambag ng Renaissance sa iba’t
ibang larangan
3. Nakaguguhit ng isang ambag ng Renaissance na may malaking
maitutulong sa sarili, sa komunidad, at sa bansa.
2
PAGTALAKAY SA ARALIN
BALIK-ARAL
Magandang araw sa iyo aking mag-aaral!
Panuto: Sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart, banggitin
ang mga mahahalagang salik sa paglakas ng Europe at
magbigay ng kaganapan sa bawat isa.
Mga Mahahalagang Salik
sa Paglakas ng Europe
1.
Mga Kaganapan
2.
3.
4.
5.
MAIKLING PAGTALAKAY
Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ko tinanong ang mga
mahahalagang salik sa paglakas ng Europe. Mayroong
malaking tulong ang mga bagay na ito sa pagkakaroon ng
transpormasyon ng daigdig. Basahin ang teksto sa ibaba
upang maunawaan ang naging papel nito sa paglakas ng
Europe.
PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Dahil sa pag-unlad sa agriluktura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at
paraan ng pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages.
Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng
mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsodestado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang sa
ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi
sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at
3
Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice,
Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na
ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung
nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila
sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa
Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker.
www.slideshare.net
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang
ang Renaissance.
 Ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan na nagmula
sa Europa mula ng ika-14 hanggang ika-16 na siglo.
 Ito ay nangangahulugag ‘muling pagsilang”.
 Binigyang kahalagahan nito ang muling pagkamulat sa kultural at klasikal
na kaalaman ng Greece at Rome na nagbigay kahalagahan sa tao.
 Ito ay pagbabalik-sigla ng makalumang interes mula sa pangangailangang
espiritwal noong Panahong Medieval.
DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN
 Bilang kilusang kultural o intelektuwal, nagtangka itong ibalik ang
kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng
pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
 Nagsilbi itong transisyon mula Middle Ages patungo sa Modernong
Panahon.
4
SAAN UMUSBONG ANG RENAISSANCE AT BAKIT DITO?
Mapa ng Italy
www.slideshare.net
MGA SALIK SA PAG-USBONG NG RENAISSANCE SA ITALY
Ang Renaissance ay umusbong sa Italya dahil:
 Maganda ang lokasyon nito lalo’t higit kung ang pag-uusapan ay sa
kalakalan. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na
makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe.
 Ito ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may
kaugnayan ang mga Italyano sa mga Romano kaysa sa alin mang bansa
sa Europa.
 Sinuportahan ng mga maharlikang angkan ang mga taong may kakayahan
sa sining at masigasig sa pag-aaral.
 Malaki ang naging gampanin ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at
napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teknolohiya at
pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.
MGA BUNGA NG RENAISSANCE
Pinagyaman ng Renaissance ang kabihasnan ng daigdig. Nagbunga ito ng
mga kahanga-hangang likha sa sining at panitikan na naging bahagi ng hindi
matutumbasang pamana ng sangkatauhan.
Pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagbigay-daan sa Rebolusyong
intelektwal. Ang imbensyon ng paglilimbag, ang mga isinulat ng mga humanista at
ang mga unibersidad ang gumIsing sa nahihimbing na isipan ng tao upang baguhin
ang maling paniniwala at pamahiin noong Medieval Period.
Nag-ambag din ang Renaissance ng malawak na kaalaman tungkol sa
daigdig. Nagbigay-sigla ang diwang Renaissance sa mga eksplorador na nakatuklas
ng mga bagong lupain tulad nina Christopher Columbus, Vasco da gama, Ferdinand
Magellan at iba pa.
Malaki ang naitulong ng Renaissance sa pagsulong at pagkakabuklod ng mga
bansa tulad ng England, France, at Portugal. Pinahina nito ang kapangyarihan ng
Papa at ang mga makapangyarihang maharlika tulad ng mga hari ng iba’t ibang
bansa.
5
ANG HUMANISMO
Humanismo- isang saloobin na nagnanasang gisingin at bigyang-halaga ang
kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano.
Hindi tinutulan ng humanismo ang Kristiyanismo. Ninais nito na buwagin ang
paniniwala na ang teolohiya ang pinakamahalagang aralin para sa lahat. Binigyangdiin nito ang pangangailangang materyal ng tao at ang kagandahan ng
makamundong pamumuhay.
Dahil sa humanismo ang nagpasiglang-buhay na muli sa kulturang klasikal ng
sinaunang Greece at Rome, nagsaliksik ang mga paham sa Italy sa mga manuskrito
ng mga manunulat na Griyego at Romano at isalin nila ang mga ito sa Latin.
Tumulong sa mga ito ang mga Papa, mga hari at mayayamang mangangalakal na
prinsipe. Dahil dito, lumaganap ang Renaissance sa Germany, Netherlands, Spain
at England.
ANG MGA HUMANISTA
Humanista – ang tawag sa mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal
na sibilisasyon ng Greece at Rome. Nagmula ito sa salitang Italyano na
nangangahulugang “guro ng humanidades”.
Ano ang pinag-aaralan ng mga humanista?
Pagtikular na pinag-aaralan dito ang wikang Latin at Greek, komposisyon,
retorika, kasaysayan, pilosopiya, matematika, at musika.
Halaw: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 220-221
Mga ambag ng mga pangunahing personalidad sa panahon ng Renaissance sa
iba’t-ibang larangan.
HUMANISMO
RUDOLF
AGRICOLA
Kauna-unahang nagpalaganap
humanismo sa labas ng Italy
ng
britannica.com
THOMAS MORE
en.wikipedia.com
6
Nagpakilala
sa
pag-aaral
ng
sangkatauhan sa mga unibersidad sa
England.
Isinulat niya ang Euthiopia
FRANCESCO
PETRARCH
(1304-1374)
Tinaguriang “AMA ng HUMANISMO.
Sinulat niya sa wikang Italyano ang
“SONGBOOK”, koleksyon ng sonata
ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang
si Laura.
GIOVANNI
BOCCACIO
(1313-1375)
Sinulat niya ang “DECAMERON” na
siyang
pinakamahusay
niyang
panitikang piyesa, naglalamn ito ng
isangdaang nakatatawang salaysay.
Matalik niyang kaibigan si Petrarch.
DESIDERIOUS
ERASMUS
(1466-1536)
“Prinsipe ng mga Humanista”. May
akda ng “In Praise of Folly” kung
saan tinuligsa niy” kung saan tinuligsa
niya ang hindi mabuting gawa ng mga
pari at mga karaniwang tao.
NICOLLO
MACHIAVELLI
(1469-1527)
Isang diplomatikong manunulat na
taga-florence, Italia. May akda ng “The
Prince”. Napapaloob sa aklat na ito
ang dalawang prinsipyo:
“Ang
layunin
ay
nagbibigay
matuwid sa pamamaraan.”
“Wasto ang nilikha ng lakas”
www.slideshare.net
www.slideshare.net
www.slideshare.net
www.slideshare.net
EDUKASYON
BALDASSARE
CASTIGLIONE
May-akda ng The Courtier na
naglalarawan ng isang tunay na ginoo
bilang mahusay na mandirigma at
mahusay sa larangan ng tula at
musika at nagtataglay ng mga
katangian ng isang paham.
en.wikipedia.org
JOHANNES
GUTENBERG
en.wikipedia.org
7
Nakaimbento ng movable press na
nagpadali sa paglilimbag ng mga aklat.
SINING AT
PAGPIPINTA
MICHELANGELO
BOUNAROTTI
(1475-1564)
www.slideshare.net
LEONARDO DA
VINCI
(1452-1519)
Ang pinakasikat na iskultor ng
Renaissance, ang una niyang obra
maestra ay ang Estatwa ni David. Sa
paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya
sa Sistine Chapel ng Katedral ng
Batikano ang kuwento sa Banal na
Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng
sandaigdaigan hanggang sa pagbaha.
Pinakamaganda
at
pinakabantog
niyang likha ang La Pieta, isang
estatwa kung saan hawak ni Maria ang
katawan ni Kristo pagkatapos ng
kaniyang Krusipiksiyon.
Ang hindi makakalimutang obra
maestra niyang “Huling Hapunan”
(The Last Supper), na nagpakita ng
huling hapunan ni Kristo kasama ang
kaniyang
labindalawang
disipulo.
Isang henyong maraming nalalaman
sa iba-ibang larangan. Hindi lang siya
kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto,
iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista,
musikero, at pilosoper.
www.slideshare.net
RAPHAEL SANTI
(1483-1520)
“Ganap na Pintor”, “Perpektong
Pintor”. Pinakamahusay na pintor
ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsisyon ng
kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang
tanyag na gawa ang obra maestrang
“Sistine Madonna”, “Madonna and
the Child”, at “Alba Madonna”.
www.slideshare.net
Pintor mula sa Venice na tanyag sa
kanyang The Crowning of Thorns at
Tribute
Money.
Dalubhasa
sa
paggamit ng kulay, lalo na ang puladilaw na tinatawag ngayong titian.
TITIAN
en.wikipedia.org
8
PANITIKAN
MIGUEL DE
CERVANTES
(1547-1616
www.slideshare.net
WILLIAM
SHAKESPEARE
(1564-1616)
Sa larangan ng panitikan, isinulat
niya ang nobelang “Don Quixote
de la Mancha”, aklat na kumukutya at ginagawang katawatawa
sa
kasaysayan
ang
kabayanihan ng mga kabalyero
noong Medieval Period.
Tinaguriang “Makata ng mga
Makata”. Isa siyang manunulat na
naging tanyag sa Ginintuang
Panahon ng England sa ilalim ni
Reyna Elizabeth I. Julius Caesar,
Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony
at Cleopatra, at Scarlet ang ilan
sa mga sinulat niyang walang
kamatayang dula.
www.slideshare.net
AGHAM/SIYENSYA
NICOLAS
COPERNICUS
(1473-1543)
www.slideshare.net
9
Inilahad ni Nicolas ang
Teoryang Heliocentric; “Ang
pag-ikot ng daigidg sa aksis nito,
kasabay ng ibang planeta at
umiikot din ito sa paligid ng
araw”, Pinasinungalingan ng
teoryang ito ang tradisyonal na
pag-iisip na ang mundo ang
sentro ng sansinukob, na
matagal ding tinangkilik ng
Simbahan.
GALILEO GALILEI
(1564-1642)
Isang astronomo at matematiko,
noong
1610.
Malaki
ang
naitulong
ng
kaniyang
naimbentong teleskopyo para
mapatotohanan ang Teoryang
Copernican.
www.slideshare.net
SIR ISAAC
NEWTON
(1642-1727)
www.slideshare.net
JOHANNES
KEPLER
Ang higante ng siyentipikong
Renaissance. Sang-ayon sa
kaniyang Batas ng Universal
Gravitation, ang bawat planeta
ay may kaniya-kaniyang lakas
ng grabitasyon at siyang dahilan
kung bakit nasa wastong lugar
ang
kanilang
pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang
grabitasyong ito ang dahilan
kung bakit bumabalik sa lupa
ang isang bagay na inihagis
pataas.
Nakatuklas ng mga alituntuning
pang matematika na tumutukoy
sa landas na tinatahak ng mga
planeta habang umiinig sa araw
ang mga ito.
en.wikipedia.org
MEDISINA
ANDREAS
VERSALIUS
britannica.com
10
Nagpasimulang anatomiya sa
kanyang Seven Structures of the
Human Body.
WILLIAM
HARVEY
Nakatuklas
dugo.
sa
sirkulasyon
ng
en.wikipedia.org
Ang mga kababaihan sa panahon ng Renaissance tulad sa kasalukuyang
panahon ay nagkaroon ng malaking papel sa lipunan. Hindi naging hadlang ang
kanilang pagiging babae upang sila ay makilala at magkaroon ng malaking ambag
sa panahon ng Renaissance. Narito ang ilan sa kanila:
ISOTTA
NOGAROLA
ng Verona
Isinulat niya ang Dialogue of
Adam and Eve (1451) at ang
Oration on the Life of St. Jerome
(1453) kung saan kakikitaan ng
kanyang kahusayan sa pagunawa ng isyung teolohikal.
LAURA CERETA
ng Brescia
Isinulong niya ang pagtatanggol
sa pag-aaral ng humanistiko para
sa kababaihan.
VERONICA
FRANCO ng
Venice
Naging tanyag sila sa pagsulat ng
mga tula.
commons.wikipedia.org
en.wikipedia.org
en.wikipedia.org
simple.wikipedia.org
VITTORIA
COLONNA ng
Rome
11
Tulad ni Veronica Franco ay isa
ring mahusay na manunulat ng
tula.
SOFONISBA
ANGUISSOLA
ng Cremona
Nagpinta ng Self-Portrait (1554).
employees.oneonta.edu
ARTEMISIA
GENTILESCHI
Naipinta niya ang Judith and Her
Maidservant with the Head of
Holoferness (1625) at Self-Portrait
as the Allegory of Painting (1630).
www.smithsonian
a
PAGSASANAY
Isang masigabong palakpakan para sa iyo aking minamahal na
mag-aaral! Isang karangalan sa akin na nakapaglingkod sa iyo!
Upang mabatid kung ikaw ay may natutunan sa talakayan,
kung maaari ay sagutan ang sumusunod na pagsasanay.
PAGSASANAY 1
3 PICS, ONE WORD
Pag-aralan ang grupo ng mga larawan sa ibaba, matapos nito ay ayusin ang
mga titik upang mabuo ang laranagan na tinutukoy nito. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
www.amazon.com
www.amazon.com
APTPNIGPAI
1. ___________________
12
www.slideshare.net
personneltoday.com
indiamart.com
www.slideshare.net
NEYSIAYS
2. ___________________
www.slideshare.net
britannica.com
fanpop.com
KINANPATI
3. ___________________
Shriyawaves.wordpress.com
en.wikipedia.org
en.wikipedia.org
NOYKUSADE
4. ___________________
PAGSASANAY 2
H-A-K TSART
Batay sa aralin, magbigay ng isang humanista/personalidad sa bawat larangan na
tumatak para sa iyo. Ibigay din ang kanilang ambag at ang kahalagahan nito sa
kasalukuyang panahon. Isulat ang sagot sa study notebook.
LARANGAN
PERSONALIDAD
AMBAG
KAHALAGAHAN
Sining/Pagpipinta
Agham
Panitikan
Medisina
Edukasyon
13
PAGSASANAY 3
AMBAG NIYA, WORTH BA SA ‘YO!
Ang mga humanista/personalidad ay maraming ambag sa atin na hanggang
ngayon ay ating pinag-aaralan at ginagamit. Gumuhit ng larawan ng isang ambag ng
mga humanista na sa iyong palagay ay may malaking maitutulong sa iyo, sa
komunidad, at sa bansa. Gumamit ng isang malinis na pad paper para sa gawaing
ito. Gawing gabay ang rubrik na nasa ibaba.
RUBRIK SA PAGGUHIT NG LARAWAN
MGA
KRAYTERYA
Pagkamalikhain
Kalinisan
Kaangkupan sa
Paksa
5
3
2
Lubos na
nagpamalas ng
pagkamalikhain
Naging
malikhain
Hindi gaanong
naging malikhain
Napakalinis ang
pagkakaguhit ng
larawan
Malinis ang
pagkakaguhit
ng larawan
Hindi gaanong
malinis ang
pagkakaguhit
Angkop na
angkop ang
larawan sa paksa
Angkop ang
larawan sa
paksa
Hindi gaanong
angkop ang larawan
sa paksa
PUNTOS
Kabuuang Puntos
PAGLALAGOM
Aking minamahal na mag-aaral laging tandaan na ang ating
daigdig ay patuloy sa pagbabago. Mula pa man noon
hanggang ngayon at ang tanging permanente sa daigdig ay
ang PAGBABAGO. Narito ang ilan sa mga aral na dapat
nating tandaan.

Ang Renaissance ay tumutukoy sa kilusang intelektuwal o kultural na
nagtangkang mapantayan ang rurok ng kabihasnang Greek at Roman sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at wikang Greek at Romano. Tinutukoy
rin nito ang panahon ng transisyon mula Middle Ages tungo sa modernong
panahon. Ang mga tagapagtaguyod ng Renaissance ay nakilala bilang mga
humanista dahil ang pinagtuunan nila ng pansin ay ang mga asignatura sa
humanidades gaya ng wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika,
kasaysayan, at pilosopiya, maging ng matematika at musika. Pinagtuunan ng
pansin ng Renaissance ang kakayahan ng taong maabot ang pinakamataas na
potensiyal nito sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at talento. Sa
pagkakaimbento sa palimbagan noong unang bahagi ng dekada 1450 ay
nakatulong nang malaki sa paglaganap ng kulturang Renissance.
14
APLIKASYON
TALENTO MO, IPAKITA MO!
Alam kong talentado kang bata at dahil bilib ako sa iyo, nais kong
gumawa ka ng isang pasasalamat sa mga nai-ambag ng mga
humanista. Maaari kang gumawa ng kanta, tula, sanaysay,
paglalarawan o guhit, o iba pang midyum. I-video ito at ipadala sa
Messenger o Group Chat na gagawin ng guro. Gamiting gabay
ang kraytirya sa ibaba.
PAMANTAYAN
LAANG MARKA
NILALAMAN
Naipakita nang buong husay ang
pagpapasalamat sa pamamagitan
ng
pagpapakita
ng
sariling
kakayahan.
PAGKAMALIKHAIN
at
PAGKAMAKASINING
Maliwanag at angkop ang mensahe
sa pagpapakita ng pasasalamat sa
mga ambag ng mga Humanista.
KABUUANG PRESENTASYON
Maayos at may kahusayan sa
pagpapakita ng sariling talento para
mapasalamatan
ang
mga
Humanista.
KABUUANG MARKA
5
MARKA NG GURO
5
5
15
PAGTATAYA
PAGTATAYA 1
PANUTO: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan na nagmula sa Europa mula ng ika-14
hanggang ika-16 na siglo.
A. Humanismo
B. Renaissance
C. Enlightenment
D. Rebolusyong Industriyal
2. Ano ang kahulugan ng salitang renaissance?
A. Muling pagbangon B. Muling pag-angat
C. Muling pagsikat
D. Muling pagsilang
3. Isang saloobin na nagnanasang gisingin at bigyang-halaga ang kulturang klasikal ng mga
Griyego at Romano.
A. Humanismo
B. Industriyalismo
C. Merkantilismo
D. Kapitalismo
15
4. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit sa Italy umusbong ang renaissance maliban
sa isa.
A. Maganda ang lokasyon nito lalo na kung ang pag-uusapan ay kalakalan
B. Malaki ang naging gampanin ng mga Unibersidad sa Italy
C. Hindi sinuportahan ng mga maharlikang angkan ang mga taong may kakayahan
sa sining.
D.I to ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan
ang mga Italyano sa mga Romano kaysa sa alin mang bansa sa Europa.
5. Ang renaissance ang nagbigay kahalagahan sa muling pagkamulat sa kultural at klasikal
na kaalaman. Anong mga bansa ang namulat sa kaalamang ito?
A. Rome at France
B. Greece at France
C. Greece at Rome
D. England at Spain
PAGTATAYA 2
Pagtutugma
PANUTO: Hanapin mula sa mga salita sa hanay B ang katugma ng nasa hanay A.
Isulat sa kuwaderno ang letra ng tamang sagot.
Hanay A
Hanay B
1. Giovanni Boccacio
2. Nicollo machiavelli
3. Francesco Petrarch
4. Titian
5. Sofonisba Anguissola
6. Raphael Santi
7. Desiderius Erasmus
8. Baldassar Castiglione
9. Miguel de Cervantes
10. Michelangelo Bounarotti
A. Self-Portrait
B. The Courtier
C. Sistine Madonna
D. Decameron
E. Don Quixote de la Mancha
F. Song Book
G. Estatwa ni David
H. In Praise of Folly
I. The Prince
J. The Crowning of Thorns
PAGTATAYA 3
PANUTO: Basahin ang pangungusap at kilalanin ang tinutukoy nito. Isulat ang
wastong sagot sa iyong kuwaderno.
______________1.Tawag sa mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome.
______________2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Humanismo”.
_____________ 3. Dito umusbong ang Renaissance.
_____________ 4. Siya ang sumulat ng “Dialogue of Adam and Eve”.
_____________ 5. Ito ang teorya ni Nicolas Copernicus na ang daigdig ay umiikot sa
kanyang aksis kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw.
_____________ 6. Siya ang may teorya ng Batas ng Universal Gravitation.
_____________ 7. Sino ang nakadiskubre ng teleskopyo?
_____________ 8. Ito ang sinasabing dahilan ni Sir Isaac Newton kung bakit bumabalik ang
isang bagay na inihagis sa itaas.
_____________ 9. Ito ang hindi makalimutang obra maestra ni Leonardo da Vinci.
_____________ 10. Isinulong niya ang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral ng
humanistiko para sa kababaihan noong Panahon ng Renaissance.
16
SANGGUNIAN
Books:
Grace Estela C. Mateo, Ph.D.,Rosita D. Tadena, Ph.D., Mary Dorothy dl. Jose,
Celinia E. Balonso, Ph.D., Celestina P. Boncan, Ph.D., John N. Ponsaran,
Jerome A. Ong, pahina 218- 225. Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat
para sa Ikatlong Taon, pahina. 166-168. Modyul ng Mag-aaral Araling
Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig, pahina 300-308
Online References:
Online
References:www.pinterest.com,
en.wikipedia.org,
anastpaul.com,
alchetron.com, wikipedia.com, www.medievalist.com, www.employees.oneonta.edu,
lgucabugao.blogspot,
emaze.com,
eatbulsga.fandom.com,
unicsi24.com,
primer.com.ph,
business.mb.com.ph,
filamstar.com,
travelwithtoni.com,
beliefnet.com, dreamstime.com, facebook.com, www.amazon.com, en.wikipedia.org,
personneltoday.com,
indiamart.com,
activewild.com,
britannica.com,
fanpop.com,shriyawaves.wordpress.com
17
18
PAGSASANAY 2 (Mga inaasahang sagot)
Movable
Press
Johannes
Gutenberg
Edukasyon
Blood
Circulation
William
Harvey
Medisina
Romeo and
Juliet
William
Shakespeare
Panitikan
Teleskopyo
Galileo Galilei
Agham
The Last
Supper
Leonardo da
Vinci
Sining/Pagpipinta
Personalidad Ambag
Larangan
PAGSASANAY 3
Kahalagahan
Mahalaga dahil ito ay
naglalarawan sa huling
hapunan ni Jesus
Mahalagang kasangkapan na
nagtitipon at nagtutuon ng
liwanag
Akdang pampanitikan na
pinag-aaralan sa mga
paaralan hanggang sa
ngayon
Mahalaga dahil dito nalaman
kung paano dumaloy ang
dugo sa katawan
Mahalaga dahil mas
napapabilis ang paglilimbag
PAGSASANAY 1
1. Pagpipinta
2. Siyensya
3. Panitikan
4. Edukasyon
(Mga inaasahang sagot)
Iginuhit na larawan ng Teleskopyo
BALIK-ARAL
Mga Mahahalagang Salik
sa Paglakas ng Europe
1. Pag-usbong ng
Bourgeoisie
2. Pag-iral ng
Merkantelismo
3. Pagtatatag ng National
Monarchy
4. Pag-usbong ng Nationstate
5. Paglakas ng Simbahan
Mga Kaganapan
Nakipag-alyansa sila sa mga hari laban sa
panginoong maylupa.
Pagiging makapangyarihan ng isang bansa batay
sa dami ng ginto at pilak, mangyayari ito kung sila
ay mananakop ng mga lupain.
Naging makapangyarihan ang mga hari sa
pakikipagtulungan nila sa mga bourgeoisie laban
sa mga panginoong maylupa. At unti-unti silang
naging makapangyarihan, nakapagpalawak ng
teritoryo at bumuo ng metatag at sentralisadong
pamahalaan.
Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa
ilalim ng pambansang monarkiya na may
kakayahan at kapangyarihang magpatupad ng
batas sa buong nasasakupan. Nakapagpalawig din
sila ng mga teritoryo na siyang tutustos sa hukbong
sandatahan.
Tinuligsa ng simbahan ang pang-aabuso ng mga
hari at siyang naging dahilan ng paglakas nito.
SUSI SA PAGWAWASTO
19
PAGTATAYA 3
1. Humanista
2. Francesco Petrarch
3. Italya/ Italy
4. Isotta Nogarola
5. Teoryang Heliocentric
6. Sir Isaac Newton
7. Galileo Galilei
8. grabitasyon
9. Huling Hapunan o The Last Supper
10. Laura Cereta
PAGTATAYA 1
PAGTATAYA 2
10. G
5. A
9. E
4. J
8. B
3. F
7. H
2. I
6. C
1. D
1. B
2. D
3. A
4. C
5. C
20
PAGSASANAY A
H-A-K TSART
Ang sagot ay nakabatay sa sagot na ibibigay ng mag-aaral.
PAGSASANAY B
1. PAGPIPINTA
2. SIYENTIPIKO
3. MANUNULAT
PAGSASANAY C
Ang sagot ay nakabatay paglalarawan ng mag-aaral (mayroong rubrik
para sa iskor).
APLIKASYON
Ang sagot ay nakabatay paglalarawan ng mag-aaral (mayroong rubrik
para sa iskor).
PAGTATAYA 1
1. Humanista
6. Sir Isaac Newton
2. Francesco Petrarch
7. Galileo Galilei
3. Italya/ Italy
8. grabitasyon
4. Isotta Nogarola
9. Huling Hapunan o The Last Supper
5. Teoryang Heliocentric
10. Laura Cereta
PAGTATAYA 2
Mga inaasahang sagot: dating kahoy na tulay-naging sementadong tulay,
paggamit ng araro noon- gumagamit na ng traktor sa bukid ngayon.
PAGSASANAY 3
Ang sagot ay nakabatay pagpapaliwanag ng mag-aaral (mayroong rubrik
para sa iskor).
Download