Filipino 5 Q3 Nasasabi ang simuno at sa pangungusa p panaguri Filipino 5 Q3 Week 6 Nasasabi ang simuno at sa pangungusa p panaguri I. Layunin A. Pamantayan ng Nilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan. I. Layunin B. Pamantayan Sa Pagganap Nakakagawa ng pangungusap gamit ng wasto ang simuno at panaguri I. Layunin C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap F5WGIIIi-j-8 II. Nilalaman Mga Bahagi ng Pangungusap III. Kagamitang Panturo A. Sanggunian Hiyas sa Wika 5 pp 2-10 III. Kagamitang Panturo B. Iba pang kagamitang panturo TG, LM, laptop, TV o projector, PowerPoint Presentation IV. Pamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin Tuklasin Natin! Basahin ang Tula Doon sa Lalawigan Pinakagusto ko ang Mayo Umuuwi kami sa probinsiya Sa bahay ng mga lola Bakasyon, masaya Sariwa nga hangin sa bukid Malamig, amoy pinipig Malinis na ilog, lagging sagana Sa talangka, tulya, isda Kung gabi ay maliwanag ang buwan Nagtutmbang preso sa bakuran Kuwentong katatakutan Dwende, aswang, takbuhan Piknik sa manggahan Sakay sa kariton hila ng kalabaw Nanunungkit, naghuhukay Tawanan, awitan Doon ang kapaligira’y dalisay Pakikisama’y tunay Hindi kaya magbago Sa tinagal-tagal, Sana.. Basahin ang mga pangungusap na nagpapahayag sa diwa ng unang saknong 1. Pinakagusto ko ang Mayo. 2. Umuuwi kami sa mga lola sa probinsiya. 3. Masaya ang bakasyon sa probinsiya. B. Paghahabi sa Layunin Talakayin ang Tula 1. bakit pinamagatan ang tula na “Doon sa Lalawigan” sa halip na “Bakasyon” o “Ang Pinakagusto kong Bagay”? 2. Ano ang inihahatid na mensahe ng bawat saknong? Ibigay sa dalawa o higit pang pangungusap ang pangunahing ideyang ibinibigay ng bawat saknong. B. Paghahabi sa Layunin Talakayin ang Tula 3. Pansinin ang pagkakasulat ng bawat saknong. Buo rin ba ang kahulugang inihahatid kahit kulang ang mga salita? Paano mo naibibigay ang kahulugan kahit kulang sa salita ang mga saknong? 4. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng huling salita ng tula? C) Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Pangganyak: Harapin ang inyong katabi at pag-usapan ang mga sumusunod: 1. Totoo bang ang mga bagay na binanggit ng may-akda sa tula? 2. Ibahagi ang mga karanasan kaugnay dito at ikwento sa kanya Ako, ang pinakagusto ay ang________ Bakit naman iyon ang gusto mo? D) Pagtalakay ng bagong konsepto sa paglalahad ng bagong kasanayan #1 Alam niyo ba na ang pangungusap ay may mga bahagi? Ano nga ba ang mga bahagi ng pangungusap? D) Pagtalakay ng bagong konsepto sa paglalahad ng bagong kasanayan #1 DALAWANG BAHAGI NG PANGUNGUSAP Ang Simuno Ang Panaguri SIMUNO Ito ay ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Maari itong pangngalan, panghalip, pang-uri o pandiwa. Ang simuno ay may dalawang uri: Payak na simuno *ang tiyakang simuno o paksa *binubuo ito ng isang salita na tumutukoy sa paksa Hal. Nakikinig sa ama ang matalinong bata Buong *tumutukoy sa lahat ng simuno salitang bumubuo sa paksang pinag-uusapan. Hal. Nakikinig sa ama ang matalinong bata. Buong simuno Nakikinig sa ama ang matalinong bata. Payak na simuno Nakikinig sa ama ang matalinong bata. Ang Panaguri ito naman ay nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa simuno. Ang panaguri ay may dalawang uri: Payak na *ang tiyakang panaguri panaguri *Pandiwa o salitang nasa anyong pangngalan, panghalip, pang-uri o pang-abay na nagsasabi tungkol sa simuno Hal. Nakikinig sa ama ang matalinong bata. Buong panaguri tumutuloy sa lahat ng salitang bumubuo sa panaguri Hal. Nakikinig sa ama ang matalinong bata. Buong Panaguri Nakikinig sa ama ang matalinong bata. Payak na Panaguri Nakikinig sa ama ang matalinong bata. E) Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatang Gawain (Babae vs Lalake) Panuto: Basahin ang pangungusap sa powerpoint. Sabihin kung simuno o panaguri ang may salungguhit. Unahan ang pagtaas ng kamay bago sumagot. Ang pinakamaraming makukuhang puntos ang siyang panalo. 1 Mabait ang aming guro. simuno panaguri 1 Mabait ang aming guro. simuno panaguri 2 Ang bata ay umiyak buong gabi. simuno panaguri 2 Ang bata ay umiyak buong gabi. simuno panaguri 3 Ang mga kaibigan ni kuya ay matatalino. simuno panaguri 3 Ang mga kaibigan ni kuya ay matatalino. simuno panaguri 4 Magaling maglaro ng football sina Ferdie at John. simuno panaguri 4 Magaling maglaro ng football sina Ferdie at John. simuno panaguri 5 Masarap maligo sa dagat. simuno panaguri 5 5. Masarap maligo sa dagat. simuno panaguri 6 Sariwa ang hangin sa probinsiya simuno panaguri 6 Sariwa ang hangin sa probinsiya simuno panaguri 7 Maliwanag ang buwan simuno panaguri 7 Maliwanag ang buwan simuno panaguri 8 Masayang maglaro ng tumbang preso. simuno panaguri 8 Masayang maglaro ng tumbang preso. simuno panaguri 9 Dalisay ang kapaligiran sa lalawigan. simuno panaguri 9 Dalisay ang kapaligiran sa lalawigan. simuno panaguri 10 Sariwa ang mga gulay sa bakuran. simuno panaguri 10 Sariwa ang mga gulay sa bakuran. simuno panaguri F) Paglinang ng kabihasaan (tungo sa Formative Assessment) Pangkatang Gawain (5) Gumawa ng maiksing tula at ibahagi sa klase, suriin ito at gumamit ng mga simuno at panaguri. (Kahit anong pamagat na ayon sa gusto ng guro) G) Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Pangkatang Gawain (6) Gumawa ng Diyalogo tungkol sa usaping paggamit ng “Pedestrian Lane” -pag-usapan ang kahalagahan nito sa inyo bilang isang mag-aaral at mamamayan . Huwang kalimutan gumamit ng simuno at panaguri sa pangungusap. H) Paglalahat Tandaan Natin Ang dalawang bahagi ng pangungusap ay simuno at panaguri. Ang simuno ang siyang pinag-uusapan at ang panaguri naman ay nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa simuno. H) Paglalahat Tandaan Natin Ang simuno ay may dalawang klase ang Payak na simuno ito ng isang salita na tumutukoy sa paksa at ang buong simuno tumutukoy sa lahat ng salitang bumubuo sa paksang pinag-uusapan H) Paglalahat Tandaan Natin Ang Panaguri naman ay may dalawang klase ang Payak na panaguri ito ay ang Pandiwa o salitang nasa anyong pangngalan, panghalip, pang-uri o pang-abay na nagsasabi tungkol sa simuno at ang buong panaguri tumutukoy sa lahat ng salitang bumubuo sa panaguri. I) Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang angkop na simuno o panaguri ng bawat pangungusap. I) Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang angkop na simuno o panaguri ng bawat pangungusap. 1. ________________________ang ating kapaligiran. 2. ________________________ ang dating malinis na ilog. 3. Ang mga isda sa ilog ay __________________________. 4. Hindi nagtatagal at __________ ang mga ____________ 5. Dapat iligtas ___________________________________. J) Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation Pag-aralan ang bawat larawan. Sumulat ng pangungusap tungkol dito at tiyaking may simuno at panaguri ang mga pangungusap 4 1 3 2 5