CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE Catch-up Subject: Filipino Reading Theme: Pagmamahal sa Alagang Hayop Title: Ang Regalo Kay Lea Grade Level: 6 Date: January 19, 2024 60 mins (time allotment as per DO 21, s. 2019) Filipino 12:30 – 1:30 PM (schedule as per existing Class Program) Duration: Subject and Time: Pagkatapos ng Gawain, Session Objectives: - Nababasa ang kwento nang may pangunawa. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwento. Naipapakita ang pagmamahal sa alagang hayop. References: K to 12 Basic Education Curriculum Phil-IRI Package Materials: Pictures Copy of the Story Chart / PowerPoint Presentation Journal Notebook Components Preparation Settling In and Duration 5 mins Activities Umawit ng kantang may galaw. Mga Gawain: 1. Pagdikta ng mga salita na may kaugnayan sa kwentong babasahin. 2. Pamukaw na Tannong: -Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na mag-alaga ng hayop, anong ang gusto ninyong alagaan at bakit? -Sino ang may alagang hayop sa bahay? 3. Ipakita ang tsart ng kwentong babasahin. “ Ang Regalo kay Lea” -Babasahin ng guro ang kwento. -Ipabasa ng pangkatan. -Ipabasa sa mga bata ng tahimik. Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Dedicated Reading Time 25 mins Progress Monitoring through 15 mins Ang Regalo kay Lea May biglang sumigaw sa labas ng bahay nina Lea. Narinig niya ang malakas na ungol ni Dagul, ang alaga niyang tuta. Dumungaw si Lea sa bintana. Nakita niya ang kanyang tuta sa daan. Nakahiga at may dugo ito sa mukha. Tumakbo siya sa labas. “Patay na si Dagul. Nasagasaan siya ng dyip,” malungkot na sabi ng kanyang kapatid na si Bong “May bibilhin ako sa tindahan. Sumunod siya sa akin,” paliwanag ni Bong.Bumalik si Lea sa bahay. Ayaw niyang kumain at maglaro. Naiisip niya si Dagul. Kinabukasan ay Pasko na! Nagising si Lea sa ingay. Sa tabi niya ay may basket na may kard. Nakasulat sa kard ang “Para kay Lea, mula kina Daddy at Mommy.” Inalis ni Lea ang takip ng basket. Nakita niya ang isang magandang tuta. Ito ay katulad na katulad ni Dagul. Inakap ni Lea ang tuta Sagutin ang mga tanong. (Take note: Maaring ipasagot ang tanong ng walang pagpipilian) 1. Ano ang nangyari kay Dagul? Page 1 of 2 CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE Reflection and Sharing Wrap Up 15 mins a. natapakan ng bata b. nabundol ng kotse c. nasagasaan ng dyip d. nawala sa tindahan 2. Nasaan si Lea nang maaksidente ang tuta? a. nasa tabi ng sa tindahan b. nasa loob ng bahay c. nakasakay sa dyip d. nasa paaralan 3. Ano ang naramdaman ni Lea nang pumasok siya sa bahay? a. nagalit b. natakot c. nalungkot d. nangamba 4. Kailan nangyari ang aksidente? (Paghinuha) a. sa araw ng Pasko b. pagkatapos ng Pasko c. sa araw ng Bagong Taon d. isang araw bago mag-Pasko 5. Bakit kaya inisip ni Tatay regaluhan si Lea ng isa pang tuta? a. dahil ito ang nasa tindahan b. dahil mura lang bilhin ang tuta c. para maibigay kay Lea ang hiningi niya d. para makalimutan ni Lea ang nangyari Sumulat nang maikling talata sa iyong journal notebook tungkol sa mga sumusunod: a. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa alagang hayop at; b. pagpapasalamat sa regalong natanggap. Prepared by: GIRLIE B. VILLARBA Master Teacher I ARCADIA G. PEDREGOSA Principal MARICRIS N. SURIGAO Public Schools District Supervisor Page 2 of 2