Uploaded by Joshua Ortuoste

MSSD ABaKa Guidelines

advertisement
BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO
MINISTRY OF SOCIAL SERVICES & DEVELOPMENT
Uplifting Bangsamoro Lives
PAHAYAG NG MSSD TUNGKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE
Gusto pong linawin ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) na HINDI
nito saklaw ng isasagawang educational assistance ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD). Ang MSSD ay hindi kasama sa mga regional field offices ng
DSWD, kundi isang hiwalay na ahensya ng gobyerno na bahagi po ng Bangsamoro
Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bilang hiwalay na ahensya, ang MSSD ay mayroong sariling programang tumutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral na kabilang sa mahihirap na pamilya. Ito ay
tinatawag na Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan Program
(ABaKa).
Nagsimula ang implementasyon ng programang ito noong 2020. Sa ilalim ng programang
ito, ang mga kwalipikadong benepisyaryong mag-aaral ay maaring makatanggap ng
sumusunod na educational subsidy:
HALAGANG
MATATANGGAP
(2022)
PhP 2,000.00
Isang beses sa isang taon
Junior High School
PhP 3,000.00
Isang beses sa isang taon
Senior High School
PhP 3,000.00
Isang beses sa isang taon
Vocational-Technology
Courses
College
PhP 10,000.00
Isa bawat kurso
PhP 10,000.00
Isang beses sa isang taon
ANTAS SA PAG-AARAL
Kindergarten at Elementary
DALAS NG PAGTANGGAP
Paano ba sumali sa ABaKa Program?
1. Ang mga kwalipikadong mag-aaral ay maaaring makipag-ugnayan sa mga
MSSD Municipal Social Welfare Officers (MSWOs) ng kanilang munisipyo para
sa pagsusuri at balidasyon.
2. Dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
•
a
Valid identification card o ID ng benepisyaryong mag-aaral o ng kanyang
magulang/guardian.
BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO
MINISTRY OF SOCIAL SERVICES & DEVELOPMENT
Uplifting Bangsamoro Lives
•
Enrollment form/Certificate of Registration/valid na ID ng mag-aaral galing sa
eskwelahan. Ang mga College o Voc-Tech na mag-aaral ay kailangang
magsumite ng Statement of Account.
•
Barangay Certificate o Certificate na nagpapatunay na nangangailangan ang
mag-aaral ng pinansyal na tulong
•
Certificate of Indigency (para sa mga mag-aaral mula sa pribadong
eskwelahan).
Paalala: Lahat ng mga hindi orihinal na kopya ng mga dokumento ay
kinakailangang may tatak na "Certified True Copy". Ang mga orihinal na
kopya ng mga dokumento ay kailangang ipresenta sa social worker ng
munisipyo o lungsod para sa pagsusuri at balidasyon.
3. Magsasagawa ng balidasyon ang social worker sa mga natanggap na dokumento at
ng interbyu o maikling panayam upang masagutan ang General Intake Sheet at Score
Sheet. Maaari ring magpunta ang social worker sa mismong bahay ng benepisyaryo
kung kinakailangan.
4. Hintayin ang resulta ng aplikasyon kung ang mag-aaral ay kwalipikadong mapabilang
sa programa.
Sinu-sino ang prayoridad na mabigyan educational assistance ng MSSD sa ilalim ng
ABaKa Program?
•
•
•
•
•
•
Kabilang sa mahirap, bulnerable, at may maliit na kitang pamilya;
Working student;
Naka-enrol sa pampublikong paaralan, vocational-technical schools, state universities
and colleges o (SUCs);
Naka-enrol sa pribadong paaralan ngunit nasa ilalim ng scholarship program o walang
kakayahan ang pamilyang magpaaral;
Mula sa pamilyang lubos na apektado ng kaguluhan o kalamidad; at
Kapamilya ng isang breadwinner na nadeport o nakabalik sa BARMM o Pilipinas.
Sino ang mga hindi kwalipikadong mapabilang sa ABaKa program?
•
Mga mag-aaral na kabilang sa pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4Ps)
Ano ang batayan ng score sheet o ranking system?
Dahil sa pagkakaroon ng limitadong pondo at kakayahan ng ahensya, ang ABaKa
Program ay mayroong sinusunod na scoring at ranking system na syang batayan
sa pagpili ng kwalipikadong benepisyaryo base sa mga sumusunod:
a
BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO
MINISTRY OF SOCIAL SERVICES & DEVELOPMENT
Uplifting Bangsamoro Lives
KATEGORYA
I. Pinansyal na pangangailangan
A. Pinansyal na estado ng pamilya
PUNTOS
Mababa sa PhP 5,000 bawat buwan
PhP 5,000 – PhP 10,000 bawat buwan
Higit PhP 10,000 bawat buwan
5
3
1
Higit 5 ang kapatid na nag-aaral
3 - 4 ang kapatid na nag-aaral
2 ang kapatid na nag-aaral
Nag-iisang anak na nag-aaral
5
3
2
1
Higit 5 ang kapatid na hindi nag-aaral
3 - 4 ang kapatid na hindi nag-aaral
2 ang kapatid na hindi nag-aaral
Nag-iisang anak na hindi nag-aaral
5
3
2
1
Ang mag-aaral ay may kapansanan (pisikal, sa pag-iisip, psychosocial)
Ang mag-aaral ay apektado ng kaguluhan o kalamidad
Ang mag-aaral ay nakaligtas mula sa gender-based violence
Ang kapamilyang nag-iisang tumutostos sa pangangailangan ng
mag-aaral ay nadeport o nakabalik sa BARMM o Pilipinas
Ang magulang ng mag-aaral ay solo parent
5
May general weighted average (GWA) na 90 pataas
May general weighted average (GWA) na mula 80 hanggang 89
May general weighted average (GWA) na 79 at pababa
5
3
1
B. Dami ng mga kapatid na nag-aaral
C. Dami ng mga kapatid na hindi nakakapag-aral
II. Espesyal na pangangailangan
III. Akademikong pagganap ng bata
5
5
5
5
Hindi hihigit sa dalawang (2) kwalipikadong bata bawat pamilya ang maaring mag-apply
sa programa.
Muli po, hindi po kasali ang MSSD sa educational assistance ng DSWD. Bagkus,
mayroong sariling programa ang MSSD na tinatawag na ABaKa, na may sariling
kwalipikasyon para sa mga benepisyaryo, halaga ng tulong, at proseso ng pag-apply.
Maraming salamat po.
a
Download