PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN SA DI-BERBAL NA PARAAN Ang pagpapahayag ng damdamin ay mahalaga lalo na at makatutulong ito sa paglilinaw ng mga isyu, paglutas ng mga suliranin at pagkakaroon ng magandang samahan, maging ito ay sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan Dalawang paraan ng pagpapahayag ng damdamin: 1. BERBAL NA PAGSASALITA ito ay ang direktang sinasabi ng isang tao ang kanyang damdamin sa paraan ng pagsasalita. 2. DI-BERBAL NA PAGSASALITA ito ay ang paggamit ng ekspresyon ng mukha, tamang kilos o galaw ng mga kamay at iba pang bahagi ng katawan o maging isang katahimikan.