Uploaded by Althaia

pdfcoffee.com modyul-21-techvoc-1-pdf-free

advertisement
Senior High School
FILIPINO SA PILING LARANG:
TECH-VOC
Kuwarter 3- Modyul 1
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Filipino-Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 - Modyul 1: Ang Teknikal-Bokasyunal na Sulatin: Kahulugan,
Layunin, Gamit, Katangian, Anyo at Target na Gagamit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Jenelin S. Enero
Ma. Angelie A. Bitoon
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor
Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Alicia E. Anghay, PhD, CESE
Pumapangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD
Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMDS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Departamento ng Edukasyon – Dibisiyon ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048 E-mail Address:
cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School
FILIPINO SA PILING LARANG:
TECH-VOC
Kuwarter 3- Modyul 1
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at
sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong
paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng
inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon
sa depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at
mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman
Para Saan ang Modyul Na Ito ………………………………………………………….i
Paano Mo Matutunan …………………………………………………………………...i
Mga Icon ng Modyul ……………………………………………………………………..ii
Alamin ………………………………………………………………………………………1
Mga Layunin ……………………………………………………………………………..1
Kabuuang Panuto ………………………………………………………………………..1
Subukin …………………………………………………………………………………….2
Aralin 1 ……………………………………………………………………………………..2
Balikan ……………………………………………………………………………………..3
Tuklasin …………………………………………………………………………………….4
Suriin ………………………………………………………………………………………..4
Pagyamanin ………………………………………………………………………………..6
Isaisip …………………………………………………………………………………….....7
Isagawa ……………………………………………………………………………………..9
Tayahin ……………………………………………………………………………………..10
Karagdagang Gawain …………………………………………………………………….11
Susi sa Pagwawasto ………………………………………………………………………12
Sanggunian …………………………………………………………………………………12
Para Saan ang Modyul na Ito
Malugod na pagtanggap sa FILIPINO SA PILING LARANG TECH VOC ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Teknikal-Bokasyunal na
Sulatin: Kahulugan, Layunin, Gamit, Katangian, Anyo at Target na Gagamit
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at
layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Paano mo Matutunan
Pangkalahatang-Ideya
Ang modyul ay isang kagamitan sa pansariling pagkatuto ng mga aralin
sa Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal (Tech-Voc). Sa tulong ng mga
tiyak na takdang gawain sa pagkatuto ng maayos ang pagkabuo at kalakip ang
nga kaugnay na nakaraang gawain sa pagkatuto ay inilalahad at itinuturo ang
mga aralin.
Tatalakayin dito ang iba’t ibang uri at anyo ng sulating nilinang sa mga
kakayahahng magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na
pagsusulat sa piniling larangan (Tech-Voc).
Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat serye
ay iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang matuto sa
isang makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang
magiging handa sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.
Mga Icon ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Alamin
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga kaalaman ukol sa
teknikal-bokasyunal na sulatin. Matatalakay din dito ang kaibahan nito sa
ibang uri ng sulatin, katangian, anyo, at proseso ng pagsulat.
Inaasahan na matapos mabasa ang bahaging ito, ang mga
estudyante ay makasusulat ng halimbawa ng teknikal-bokasyunal na sulatin
na sumusunod sa layunin, gamit, katangian, anyo at target na gagamit ng
akdang susulatin.
Mga Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan
(CS_FTV11/12PB-0a-c-105)
ang
teknikal
at
bokasyunal
na
sulatin
2. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa :
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikalbokasyunal (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)
Kabuuang Panuto
Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing
kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.
Subukin…
Gawain 1:
PAGKILALA: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagsulat na ito ay sumasaklaw sa mga sulating inihanda ng isang
mag-aaral kaugnay sa kanyang pag-aaral gaya ng report, reaksyong papel,
konseptong papel, jornal at pamanahong papel.
a. Akademik
b. Jornalistik
c. Teknikal
d. Referensyal
2. Ang larangang ito ng pagsulat ay sumasaklaw sa paghahanda ng mga
sulating may kinalaman sa komersyo o empleyo.
a. Jornalistik
b. Akademik
c. Teknikal
d. Referensyal
3. Ito ang mga katangian ng pagsulat ng Teknikal Bokasyunal na sulatin
MALIBAN sa:
a. Malinaw
b. Maunawaan
c. Maligoy
d. Kumpleto
4. Ang mga sumusunod ay gamit ng Teknikal Bokasyunal na sulatin
MALIBAN sa:
a. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
b. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
c. Upang magpaliwanag ng mga teknik o paraan sa paggawa
d. Upang magtamo ng mataas na marka sa akademiko
5. Tumutukoy ito sa isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na
isinusulat upang manlibang, magpabatid o makipagtalo.
a. Akademik
b. Lathalain
c. Bokasyunal
d. Jornalistik
ARALIN Ang Teknikal-Bokasyunal na Sulatin:
Kahulugan, Layunin, Gamit, Katangian,
1
Anyo at Target na Gagamit
Baitang
: 12
Panahong Igugugol : Unang Linggo
Markahan : Una
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Nabibigyang-kahulugan
(CS_FTV11/12PB-0a-c-105)
ang
teknikal
at
bokasyunal
na
sulatin
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay,
ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan
ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t
kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Balikan…
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay
kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan
ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok
sa ating isipan.
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at ang
sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na
pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o
magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay
iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang dipormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal
ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang
pormal.
Mga Uri ng Pagsulat:
1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng
impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang
manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang espesyalisadong
uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng
mga korespondensyang pampangangalakal.Gumagamit ng mga teknikal na
terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology.
Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
2. Referensyal na Pagsulat– isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag,
nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang
impormasyon batay sa katotohanan. Naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang
manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes. Madalas
itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
3. Jornalistik na Pagsulat– isang uri ng pagsulat ng balita.
Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,
kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at
magazin.
4. Malikhaing Pagsusulat – Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng
panitikan o literatura. Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin
nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin
ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela,
maikling katha, dula at sanaysay.
5. Akademikong Pagsulat– ito ay may sinusunod na particular na
kumbensyon. Ito layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o
pananaliksik na ginawa. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab
report,
eksperimento,
konseptong
papel, term paper o
pamanahong
papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na
pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga estudyante sa paaralan.
Tuklasin…
Alam mo ba na may iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat? Para sa
iba ito ay nagsisilbing aliw sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila
sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili at
kaakit-akit para sa kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang karaniwang
dahilan ng pagsusulat ay matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral
bilang bahagi sa pagtatamo ng kakayahan at kasanayan.
Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Sa iyong sariling pananaw, ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat at ng
pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Sanaysay
– 10 puntos
Kawastuan sa Kramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya
– 5 puntos
Kabuuang Puntos
- 20 puntos
Suriin…
Ang Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
Ito ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong
bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham
pangkalusugan
Karamihan sa teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa
pagbibigay ng panuto.
Ito ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng teksto na
mauunawaan nang malinaw.
Ito ay kailangang maging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang
binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal,
walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang
kayarian.
Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
Upang magbigay alam.
Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
 Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
 Upang magbigay ng kailangang impormasyon
 Upang magbigay ng intruksyon
 Upang magpaliwanag ng teknik
 Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
 Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
 Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
 Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
 Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya
 Upang makabuo ng produkto
 Upang makapagbigay ng serbisyo
 Upang makalikha ng proposal

Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
May espesyalisadong bokabularyo
Tiyak
Tumpak
Malinaw
Nauunawaan
Kumpleto ang impormasyon
Walang kamaliang gramatikal
Walang kamalian sa bantas
Angkop na pamantayang kayarian
Obhetibo
Layunin ng Tek-Bok na Sulatin
 Magbahagi ng impormasyon
 Manghikayat ng mambabasa
Pagyamanin…
Gawain 3:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat
bilang)
1. Ano kahulugan ng teknikal-bokasyunal na pagsulat batay sa iyong binasa?
2. Ano ang ipinagkaiba ng teknikal-bokasyunal na sulatin sa iba pang uri ng
sulatin? Patunayan ang sagot.
3. Alin sa mga gamit ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ang iyong nagamit
na noong ikaw na nasa Grade 11 pa lamang? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
4. Sa mga nabanggit na layunin ng pasulat ng teknikal-bokasyunal na
sulatin, alin dito para sa iyo ang pinakamahalaga? at bakit?
5. Sa mga uri ng pagsulat, alin sa mga ito ang pinakaangkop gamitin ngayong
ikaw ay nasa Grade 12 na? Patunayan ang sagot.
Isaisip…
Gawain 4:
Panuto: Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita
pang mabuo ang pangungusap nito. (2 puntos bawat bilang)
1. Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay komunikasyong _______ sa
larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera,
teknolohiya, at agham pangkalusugan
2. Karamihan sa teknikal na pasulat ay _____ at tumpak lalo na sa pagbibigay
ng panuto.
3. Ito ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng ______ na mauunawaan
nang malinaw.
4. Ito ay kailangang maging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang binibigay
na impormasyon. Kailangan ding walang maling __________, walang
pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.
5. Ang mga layunin ng pagsulat nito ay upang magbigay-alam, _________ ng
mga pangyayari at implikasyon nito, at upang makahikayat at mangimpluwensya ng desisyon.
Gawain 5.
Panuto: Gamit ang concept map, ibigay ang mga katangian ng TeknikalBokasyunal na Pagsulat at magtala ng maikling paliwanag sa bawat
katangian.
Mga
Katangian
ng TekBok na
Pagsulat
Pagpapaliwanag:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Isagawa…
Gawain 6:
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawang akda ng Teknikal-Bokasyunal
na Sulatin at suriin ito gamit ang balangkas sa ibaba.
Pamagat: _________________________________________
Nilalaman ng Akda:
Layunin ng Akda:
Mga katangiang taglay ng akda:
Sanggunian:
Tayahin…
Gawain 7.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ayon sa nabanggit na pagpapakahulugan ng teknikal-bokasyonal,
ipaliwanag kung bakit ito’y tinatawag na komunikasyong pasulat sa
larangang agham, inhinyera, teknolohiya at agham pangkalusugan? (40
kabuuang puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________
2. Bakit mahalagang malaman ang kahulugan ng teknikal-bokasyonal na
sulatin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________
__________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Sanaysay
– 10 puntos
Kawastuan sa Kramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya
– 5 puntos
Kabuuang Puntos
- 20 puntos
Karagdagang Gawain…
Gawain 8:
Panuto: Gumawa ng Blog Account at mag-post ng isang halimbawa ng
teknikal-bokasyunal na sulatin at mag-anyaya ng 5 kaklase para
magbigay ng komento sa naging post. Magiging batayan sa komento ay
ang iba’t ibang katangian ng pagsulat ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin.
Ipasa ang link ng Blog Post sa Group Chat ng klase.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Blog
– 40 puntos
Kawastuan sa Kramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya
– 5 puntos
Kabuuang Puntos
- 50 puntos
Sanggunian:
Bandril, L. T. at Villanueva, V. M. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan (Isport at Teknikal-Bokasyonal. Davao City: Vibal Group, Inc.
Galang, T. T., et al. (2009). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Manila, Publishing: Rex Book Store.
Download