Uploaded by Jameena Magallanes

Araling-Panlipunan-Reviewer-2nd-Quarter (1)

advertisement
Araling Panlipunan Reviewer
(2nd Quarter)
Lesson 1: Konsepto ng Demand
Lesson 2: Mga Salik na
Nakakaapekto sa Demand
Lesson 3: Konsepto ng Supply
Lesson 4: Mga Salik na
Nakakaapekto sa Supply
Lesson 5: Elastisidad ng Demand at
Supply
Lesson 6: Interaksyon ng Demand at
Supply
Lesson 7: Ang Pagkontrol ng Presyo
ng Pamahalaan
Lesson 8: Estruktura ng Pamilihan
Lesson 1: Konsepto ng Demand
Demand - Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo
na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa isang
takdang presyo at particular na panahon.
Ang kakayahan at kagustuhan ng tao na makamit at
bilhin ang isang produkto o serbisyo ang
nagtatakda ng kaniyang pangangailangan at
kagustuhan.
Ano ang kaugnayan ng presyo sa demand ng tao?
Sagot: Ang presyo pinakamahalagang nagtatakda
(determinant) sa dami ng demand.
Batas ng Demand
Kapag tumataas ang presyo, bumababa and dami
ng gusto at kayang bilhin, at kapag bumababa ang
presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang
bilhin. (ceteris paribus)
Ceteris Paribus - Ito ay nangangahulugang
ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded,
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakakaapekto rito.
Dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit
may magkasalungat o inverse o magkasalungat na
ugnayan sa pagitan presyo at quantity demanded
1. Substitution Effect
Ipinapahayag nito na kapag tumataas ang presyo
ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap
ng pamalit na mas mura. Sa ganon, mababawasan
ang dami ng mamimiling gustong bumili ng
produktong may mataas na presyo ng isang
produkto.
2. Income Effect
Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng
kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag
mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang
kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas
maraming produkto. Kapag tumaas naman ang
presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang
kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita
na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya
mababawasan ang dami ng mabibiling produkto
Mathematical Formula
Demand Function
isang matematikong pagpapakita o paglalahad sa
ugnayan ng presyo at quantity demanded sa
pamamagitan ng fomula (Qd). Qd = a – bP na kung
saan ang “QD” ay ang dami ng demand, ang” a “ay
dami ng demand kung ang presyo ay zero at ang (-b)
ay slope ng demand function samantalang ang P ay
presyo.
Demand Schedule
Isang tsart na nagpapakita ng bilang ng mga kalakal
o serbisyo na hinihiling sa mga tiyak na presyo. Sa
madaling salita, ito ay isang talahanayan na
nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo ng
mga kalakal at ang halaga ng mga kalakal na nais
bayaran ng mga mamimili sa kanila sa presyo na
iyon.
Demand Curve
Tumutukoy sa grapikong representasyon ng Batas ng
Demand.
Ito ay isang linya (tuwid o kurba) na nagpapakita ng
negatibong relasyon ng presyo ng isang produkto
at ang bilang ng produktong handang bilhin ng
mamimili.
Lesson 2: Mga Salik na
Nakakaapekto sa Demand
Kita ng mga Mamimili
Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng
ginawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita.
Ito ang basehan ng pagtatakda ng badyet sa
pamilya. Pinagkakasya ang kinikitang salapi sa
pagbili ng mga bagay na kailangang matamo.
Halimbawa, mula sa tinanggap na kita, malaking
porsiyento ang inilaan para sa demand sa pagkain,
nangangahulugan na maliit na porsiyento na
lamang ang nakalaan sa demand sa damit at ibang
bagay. Ang pagkakaroon ng malaki o maliit na kita
ng tao ay nakaaapekto sa pagtatakda ng demand.
Likas sa tao na kapag tumaas ang kita ay
naghahangad na makabili ng maraming produkto
kaysa sa dati niyang binibili.
Populasyon o Dami ng Mamimili
Ang populasyon ay potential market ng isang bansa.
Ang pagdami ng tao ay naglalarawan no pagdami
ng bilang ng mga mamimili na siyang nagtatakda ng
demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga
produkto ay tumataas ang demand sa iba't ibang
produkto. Maraming produkto ang kailangang
iprodyus upang matugunan ang demand ng mga
tao.
Panlasa
Ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga imported na
produkto ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang
demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang
produkto ay dahilan din ng pagbabago sa demand
ng mamimili. Dito pumapasok ang prinsipyo ng
diminishing utility, kung saan ang kabuuang
kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo
ng produkto, ngunit kapag ito ay
nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o
marginal utility ay paliit nang palit bunga ng
pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang
produkto. Kaya, ang demand sa produkto ay
bumababa. Sa bawat paglipas ng panahon ay
nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao
na nagreresulta sa pagtaas o pagbaba ng demand
sa iba't ibang produkto.
Presyo ng Magkaugnay na Produkto sa Pagkonsumo
(Complementary at Substitute Products)
Mayroong tinatawag na substitute goods at
complementary goods. Ang substitute goods ay mga
produkto na pamalit sa ginagamit na produkto. Ang
pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit
ang nagtutulak sa mamimili na humanap ng kapalit
na produkto. Halimbawa, ang karne ng manok ang
ginagamit dati sa pagluto ng adobo, pero tumaas
ang presyo nito na nagresulta ng pagbaba ng
demand nito dahil ang mamimili ay bumili ng karne
ng baboy bilang pamalit, kaya ang demand sa
produktong ito ay tataas. Ibig sabihin, ang demand
ng substitute goods ay tumataas kapag tumaas ang
presyo ng produkto na dating binibili. Dahil sa
pagtaas ng demand ng substitute good, maaari din
tumaas ang presyo nito. Ang complementary goods
ay mga produkto na kinukonsumo nang sabay.
Mababawasan ang kapakinabangan ng isang
produkto kung gagamitin nang mag-isa. Ang
pagtaas ng presyo ng isang kakomplementaryong
produkto ay magiging dahilan ng pagbaba ng
demand sa dalawang produkto. Kapag tumaas ang
presyo ng asukal, kasunod na bababa ang demand
sa kape at ibang produktong ginagamitan ng asukal.
Inaasahan ng mga Mamimili sa Presyo sa Hinaharap
Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang
nangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig at sa
ating bansa, may kaguluhan at digmaan sa pagitan
ng mga bansa at hindi pagkakaunawaan sa pagitan
ng pamahalaan at mga rebelde, ang mga mamimili
ay nag-iisip na maaaring maapektuhan ang
kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay
maaaring maganap. Dahil sa ganitong sitwasyon,
ang mga mamimili ay nagpa-panic buying, lalo na
ang mga tao na may sapat at labis na salapi. Bunga
ng ganitong reaksiyon at espekulasyon,
ang demand sa mga produkto ay tataas, kaya't ang
presyo ay tataas din.
Okasyon
Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga
Pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibang okasyon na
dumarating. Pinahahalagahan natin ang
mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya sa
bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga
produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang.
Tulad halimbawa ng mga bulaklak at tsokolate kapag
Araw ng mga Puso, kaarawan, at anibersaryo;
bulaklak at kandila naman kung Araw ng mga Patay;
damit, sapatos, laruan, alahas, appliances, at
pagkain kapag sumasapit ang Kapaskuhan at
Bagong Taon; at masasarap na pagkain tuwing may
pista. Ang ganitong nakasanayan na gawain ng mga
tao ang dahilan sa pagtaas ng demand sa mga
nasabing produkto kapag may ibat ibang okasyon.
Panahon o Klima
May mga produkto na nababagay sa panahon ng
tag-init tulad ng ice cream, mga swimsuit, malalamig
na inumin at iba pa na maaaring di naaayon sa
malamig na panahon. Ang mga jacket, payong, rain
coat naman ang mga produktong mataas ang
demand sa panahon ng taglamig o tag-ulan na hindi
umaayon sa tag-init. Nag-iiba ang demand depende
sa panahon o klima, kung naaayon ba ang produkto
sa mainit o malamig na panahon.
Paglipat ng Demand Curve
Lesson 3: Konsepto ng Supply
Mathematical Formula
Supply/Panustos - Tumutukoy sa dami ng produkto o
serbisyo na gustong ibenta ng mga prodyuser sa
isang takdang presyo at partikular na panahon.
Ano ang kaugnayan ng presyo sa supply ng mga
produkto?
Sagot: Ang presyo pinakamahalagang nagtatakda
(determinant) sa dami ng supply.
Supply Schedule
Talahanayang nagpapakita kung gaano karaming
produkto o serbisyo ang nais gawin ng mga
prodyuser.
Batas ng Supply
Kapag tumataas ang presyo, tataas ang dami ng
gusto at kayang ibenta, at kapag bumababa ang
presyo, bababa naman ang dami ng gusto at kayang
ibenta. (ceteris paribus)
Supply Curve
Grapikong representasyon kung gaano karaming
produkto o serbisyo ang nais gawin ng mga
prodyuser.
Ceteris Paribus - Ito ay nangangahulugang
ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity supplied,
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakakaapekto rito.
Supply Function
Isang mathematical equation na nagpapakita
sa relasyon ng dami ng supply at presyo.
Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon
May iba't ibang gastusin ang nakapaloob sa
paglikha ng mga produkto. Isa na rito ang buwis. Ito
ang kontribusyon na ipinapataw ng pamahalaan sa
mga tao at kompanya. Kapag tumaas ang sisingiling
buwis, ito ay karagdagang gastos para sa mga
negosyante. Ang paghingi ng dagdag na sahod ng
mga manggagawa ay nakapagpapataas din ng
gastusin ng mga prodyuser. Kapag mataas ang
gastusin ng negosyante ay binabawasan ang dami
ng lilikhaing produkto na nagbubunga ng pagbaba
ng supply ng produkto. Kapag maliit ang gastusin sa
produksiyon ay dumarami ang supply ng mga
produkto.
Lesson 4: Mga Salik na
Nakakaapekto sa Supply
Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
Ang dami ng tindera ng isang produkto ay dahilan
ng pagdami ng supply ng nasabing produkto.
Halimbawa, kapag dumarami ang nagtitinda ng
lansones, kahit walang pagbabago sa presyo, ang
supply ay dumarami rin. Ang dami ng nagtitinda ay
isang palatandaan ng maraming supply ng
produkto. Kaya, ang mga mamimili ay may
pagkakataon na makapili ng de-kalidad na produkto.
Pagbabago sa teknolohiya
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong
kaalaman at kagamitan sa paglikha ng mga
produkto. Nagiging mabilis ang paglikha ng mga
produkto sanhing mga makabagong makinarya at
pamamaraan. Dumarami ang mga nalilikhang
produkto para masigurado na magkakaroon ng
supply. Ito ay kailangan din ng mga prodyuser
upang mapabuti nila ang ipoprodyus na mga
produkto. Ang mga magsasakang gumagamit ng
mataas na uri ng binhi at may sapat na irigasyon ay
nakaaaning maraming produktong agrikultural.
Nagkakaroon din ng modernong pasilidad para may
mapag-imbakan ng mga produkto.
Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
(Complementary at Substitute Products)
Kapag ang presyo ng produkto ay tumaas, ang mga
supplier ay nagaganyak na magbili ng nasabing
produkto. Tulad halimbawang ponkan, kapag mataas
ang presyo nito ay dumadami ang supply nito kahit
ito ay maraming pamalit na produkto. Kapag ang
presyo ng kakomplementaryo na produkto ay
tumaas, ang supply ng kakomplementaryong
produkto ay dumarami. Kaya, masasabi na ang
pagtaas ng presyo ng ibang produkto ay
nakapagpaparami ng supply sa kakomplementaryo
na produkto.
Ekspektasyon ng presyo at Kalamidad
Dahil sa inaasahan na pagtaas ng presyo sa
darating na araw bunga ng mga pangyayari sa
kapaligiran, tulad ng kaguluhang pampolitika,
digmaan ng mga bansa, at pagkakaroon ng
kalamidad, ang mga prodyuser ay nagbabawas ng
supply ng produkto na nagiging dahilan ng
pagbaba ng supply. Isinasagawa ng mga prodyuser
ang hoarding: ito ang pagtatago ng mga produkto
upang hintayin ang pagtaas ng presyo. Sa sandaling
tumaas ang presyo ay sasagana ang supply ng
produkto.
Subsidiya o Tulong mula sa Pamahalaan
Ang subsidy ay tulong na ipinag-kakaloob ng
pamahalaan sa maliliit na negosyante at mga
magsasaka upang paramihin ang kanilang
produksiyon at pataasin ang supply ng mga
produkto. Sa pamamagitan nito ay makabibili ang
maliliit na negosyante at magsasaka ng mga
kagamitan na makatutulong upang mapabuti ang
pagpapatakbo ng kanilang negosyo at paninda.
Panahon o Klima
Ang supply ng produkto ay naaayon sa kalagayan ng
panahon sa isang lugar, lalo na sa mga produktong
agrikultural. Kapag ang klima o panahon ay
naaangkop sa pangangailangan ng mga prodyuser,
maaaring dumami o kumonti ang supply. Halimbawa,
sa mga magsasaka, ang pag-ulan ay nakatutulong
sa mga pananim na magbibigay-daan sa
pagkakaroon ng masaganang ani. Kapag umiral ang
epekto ng El Niño ay maraming pananim ang
maaapektuhan, kaya nagkukulang ang supply ng
produkto sa pamilian.
Iba pang mga salik:
● Dali ng Pagkasira o Pagkabulok ng isang
Produkto
● Okasyon/Tradisyon
Ang Paglipat ng Supply Curve
Lesson 5: Elastisidad ng Demand
Di-elastic
at Supply
Elastisidad - Ito ay pamamaraan upang masukat ang
pagtugon ng mga mamimili at nagtitinda sa
pagbabago ng presyo
Elastisidad ng Demand (Ed) - Ito ay pagsukat ng
prosiyento ng pagtugon ng mamimili sa bawat
porsyento ng pagbabago ng presyo.
Elastisidad ng Supply (Es) - Ito ay pagsukat ng
prosiyento ng pagtugon ng nagtitinda sa bawat
porsyento ng pagbabago ng presyo.
URI NG ELASTISIDAD
Elastic
Unitary
Ganap na Elastik
Ganap na Di-elastik
Lesson 6: Interaksyon ng Demand
at Supply
Equilibrium - Ito ay isang kalagayan na walang
sinuman sa mamimili at nagbibili ang gustong
baguhin ang kasalukuyang sitwasyon sa pamilihan.
Ipinapakita ng ekwilibriyo ang pagkakasundo ng
bumibili at nagbibili sa isang takdang presyo at
dami ng produkto.
Newton’s Third Law of Motion states that to every
action, there is an equal and opposite reaction.
Kaugnayan ng Elastisidad ng Demand at Supply sa
Presyo at Paglilingkod
● Elastisidad ng Demand - Ang kurba ng
demand ay pabulusok kapag mababa ang
halaga ng produkto maraming konsyumer ang
makabibili kaya’t maraming produkto at
serbisyo ang mabibili. Subalit kapag ang
presyo ay mataas, mababa ang kakayahang
makabili o hindi na makabili ang maraming
konsyumer. Kapag mababa ang presyo malaki
ang demand, subalit kapag mataas ang
presyo ay nanaisin na lamang na bumili ng
alternatibong pamalit.
● Elastisidad ng Supply - Kapag mataas ang
presyo ng isang bilihin tataas ang dami ng
produktong handing ipagbili sa isang takdang
panahon. Kapag mababa ang isang presyo ng
bilihin, bababa rin ang presyo ng produktong
nais ipagbili sa isang takdang panahon.
Disequilibrium - Ang dami ng demand ay maaaring
kulang o sobra sa dami ng supply
Dami ng Demand = Dami ng Supply
Surplus - Ang dami ng supply ay mas marami
kung ihahambing sa dami ng demand
Dami ng Demand < Dami ng Supply
Shortage - Ang dami ng demand ay mas marami
kung ihahambing sa dami ng supply
Dami ng Demand > Dami ng Supply
Lesson 7: Ang Pagkontrol ng
Presyo ng Pamahalaan
Price Control - Ang pagtatadhana ng pamahalaan ng
pinakamababa at pinakamataas na presyong
maaaring itakda sa mga produkto at serbisyo
Republic Act 7581
- kilala sa tawag na Price Control Act
- layunin na maisagawa ng pamahalaan ang
pagkontrol sa presyo ng mga bilihin
National Price Coordination Council - Ito ay may
layunin na mabantayan ang presyo ng mga
produkto pagkatapos magpalabas ng price ceiling
ang pamahalaan
Price Ceiling
- Ito ay ang pinakamataas na presyong itinakda ng
pamahalaan upang ipagbili ang mga produkto.
- Ito ay isinasagawa ng pamahalaan upang tulungan
at bigyang proteksyon ang mga mamimili laban sa
mga abusado at mapagsamantalang mga
negosyante
- Itinatakda ito na mas mababa sa equilibrium price
na umiiral sa pamilihan.
Price Support - Ito ay isinasagawa ng pamahalaan
upang tulungan at bigyang proteksyon ang mga
prodyuser upang mabayaran ang mga gastos ng
produksyon.
Floor Price
- Ito ay ang pinakamababa na presyong itinakda ng
pamahalaan upang ipagbili ang mga produkto.
- Itinatakda ito na mas mataas sa equilibrium price
na umiiral sa pamilihan.
Lesson 8: Estruktura ng
Pamilihan
Pamilihan - Ito ang nagsisilbing lugar kung saan
nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng mga produkto at serbisyong
handa at kaya niyang ikonsumo
Pagkakaiba ng mga Anyo/Uri ng Pamilihan
● Bilang at laki ng prodyuser o konsyumer
● Uri ng produkto o serbisyo
● Kontrol sa presyo
● Kontrol sa pagpasok sa pamilihan
● Paggamit ng di-presyong kompetisyon
Uri ng Pamilihan
★ Lokal
★ Panrehiyon
★ Pambansa
★ Pandaigdigan
Pagkakaiba ng mga Anyo/Uri ng Pamilihan
● Bilang at laki ng prodyuser o konsumer
● Uri ng produkto o serbisyo
● Kontrol sa pagpasok sa pamilihan
● Kontrol sa Presyo
● Paggamit ng di-presyong kompetisyon
Uri ng Pamilihan
● Lokal
● Panrehiyon
● Pambansa
● Pandaigdigan
Estruktura ng Pamilihan
★ Ganap na Kompetisyon
1. Maraming konsyumer at prodyuser sa
industriya
2. Ang mga produkto ng mga kalakalan sa
industriya ay magkakatulad
3. Ang mga kalakalan sa industriya ay tinatawag
na price takers
4. Malayang nakapapasok at nakalalabas ang
mga kalakalan sa produksyon
★ Di-ganap na Kompetisyon
- Isang estrukturang pampamilihan na
kung saan ang indibidwal na kalakalan
ay may kontrol sa presyo ng kalakal
a. Monopolyo
1. Iisa ang prodyuser
2. Ang produkto ay walang malapit na
kapalit
3. Ang monopolista price maker ng
produkto
4. Napakahirap ang pagpasok ng mga
bagong prodyuser sa ganitong
pamilihan
5. Ang pag-aanunsyo sa produkto ay
maaaring gamitin o hindi
b. Oligopoly
1. Kakaunti lamang ang mga prodyuser sa
____________ industriya
2. Ang mga produkto ay maaaring
—------------ magkakatulad o magkakaiba
3. Malaki ang kontrol ng mga kalakalan
—-------------pagdating sa presyo
4. Mahirap ang pagpasok ng mga bagong
—-------------prodyuser sa ganitong pamilihan
5. Gumagastos ng malaki ang mga
—--------------kalakalan sa pag-aanunsyo,
—--------------pananaliksik at pag-unlad
c. Monopolistic Competition
1. May katamtamang dami ng mga
—------------_prodyuser at konsyumer
2. Ang mga industriya ay agresibong
—-------_nakikipagkompetensya sa isa’t isa
3. Mayroong malawakang pag-aanunsyo
4. May kaunting control sa presyo dahilan sa
—-------- pagkakaiba-iba ng produkto
5. Madali ang pagpasok ng mga bagong
—---------prodyuser kung ikukumpara sa monopolyo
—---------at oligopolyo
d. Monopsony
1. Mayroon lamang iisang konsyumer ngunit
_- maraming prodyuser ng produkto at —- – —— serbisyo
2. May kapangyarihan ang konsyumer na
—-maimpluwensiyahan ang presyo sa
—-pamilihan
JMP
Download