Uploaded by ROVELYN DONATO

LESSON PLAN COT January 2024

advertisement
Republic of the Philippines
Deparment of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
LIMULAN INTEGRATED SCHOOL
Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat
Enero 17, 2024
Semi-Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino X
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakabubuo ng mga halimbawa ng maikling sambitla.
2. Nagagamit ang mga halimbawa ng maikling sambitla sa pagbuo ng mga pangungusap.
3. Natutukoy ang mga maikling sambitla sa loob ng pangungusap.
II. PAKSANG – ARALIN
MAIKLING SAMBITLA
A. Sanggunian
 Filipino 10 Learner’s Material (Ikalawang Markahan- Yunit II)
 K to 12 Curriculum Guide (F10PN-IIa-b-71)
 Internet
B. Mga Kagamitan
 Laptop, Telebisyon, Video Clips, mga Pantulong Biswal
C. Subject Integration: Values, Mathematics
III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng mga lumiban sa klase
 Pagbabalik-aral
 Paghawan ng balakid
Ang sumusunod na mga salita ay bibigyang-pagpapakahulugan ayon sa
nilalaman ng paksang tatalakayin:
1. MAIKLING
2. SAMBITLA
3. PANTIG
: Panuto: Maghahanda ang guro ng mga titik na may kaugnay na
numero. Magbibigay ang guro ng mga numero na lalapatan ng bawat grupo ng kaugnay
na titik upang makabuo ng mga salita. Magpapaunahan ang bawat grupo na buuin ang
mga salita at ipapaskil ito sa pisara.
1.13+1+9+11+12+9- Maiksi o mababa
2.19+1+13+9+20+12+1 – Pagpapahayag ng damdamin o emosyon.
3.16+1+14+20+9+7- Bawat pagbuka ng bibig sa pagbigkas ng salita.
b. Pagganyak
Pagganyak 1: Mag-isip Tayo!
Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Maghahanda ang guro ng mga
salita at tutukuyin ito ng mga mag-aaral ayon sa wastong emosyon. Pipili ang bawat
grupo ng tatayo sa harapan na siyang magbitbit ng awtput ng bawat grupo at bawat
grupo ay magpapaunahan na lagyan ng tsek ang wastong emosyon na nakapaskil sa
harapan.
MGA EMOSYON






PAGHANGA
PAGKAGULAT
PAGKATAKOT
PAGKATUWA
PAGKAINIS/GALIT
NASAKTAN
MGA KATAGA







Aray!
Yehey!
Wow!
Hala!
Hoy!
Tulong!
Kainis!
c. Analisis
Batay sa ating gawain ano sa inyong sariling palagay ang ating paksang
tatalakayin ngayong araw?
d. Pagtatalakay
MAIKLING SAMBITLA- ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Ito ay maaaring paghanga,
pagkagulat, pagkatakot, pagkatuwa, pagkainis o pagkagalit at nasasasaktan.
Halimbawa:
Paghanga:
Wow!, Naks!, Galing!, Tumpak!, Grabe!
Pagkagulat:
Ay!, Naku!, Maryosep!, Bulaga!
Pagkatakot:
Tulong!, Sunog!
Pagkatuwa:
Yahoo!, Yehey!
Pagkainis at Pagkagalit:
Kainis!, Ano ba!, Talaga naman!, Kadiri!, Pake ko!, Malay mo!, Aba!,
Hoy!, Uy!
Nasaktan:
Aray!, Aruy!
e. Pagpapalawig
SAGUTIN NATIN:
A. Panuto: Bawat grupo ay magpapaunahan na bumuo ng halimbawa ng
pangungusap batay sa mga larawang ipapakita sa harapan. Ang grupo na
siyang mauuna ang siyang makakakuha ng puntos.
f. Aplikasyon
Pangkatang Gawain 1A: Hulaan Mo Ako!
Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo at bawat grupo ay pipili ng lider.
Maghahanda ang guro ng iba’t-ibang mga emosyon at tutukuyin ng mga mag-aaral ang
ipapakita sa harapan na mga kataga ayon wastong emosyon na aakma dito.
PAGSASANAY:
Aray!
1.
2.
3.
4.
5.
Pake ko!
Tulong!
Yehey!
Wow!
Hoy!
Pangkatang Gawain 1B: Pagpasa ng Mensahe (Message Relay)
Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo at bawat grupo ay pipili ng lider.
Ang bawat lider ng grupo ang siyang sasagot sa ipapakita sa harapan. Lalapatan ng
grupo ng wastong maikling sambitla upang mabuo ang pangungusap. Ipapasa ito ng
lider sa mga miyembro ng grupo ng tahimik at ang huling miyembro ng grupo ang
siyang magsusulat sa “Illustration Board”. Ang mauuna ang siyang makakakuha ng
puntos.
PAGSASANAY:
_____! ang ganda ng kanyang sapatos.
-Wow!
1. ______! nanalo ang aming grupo sa patimpalak.
-Yehey!
2. ______! ang sakit ng tiyan ko dahil sa kinain kong bayabas.
-Aray!
3. ______! ang sarap ng nilutong ulam ni nanay.
-Wow!
4. ______! nasunog ang aming bahay.
-Tulong! , Naku! , Hala!
5. ______! Nahulog ang bata sa puno ng papaya.
-Tulong! , Naku! , Hala!
Pangkatang Gawain 2: Magtulungan Tayo!
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong grupo. Bawat grupo ay pipili ng
tagaulat na siyang magpresenta sa awtput ng grupo.
UNANG GRUPO:
Bibigyan ng guro ang unang grupo iba’t-ibang emosyon. Kinakailangan
maipakita ito sa pamamagitan ng “Tableau Presentation”. Ipapaliwanag ng lider ang
awtput ng grupo. Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang grupo sa pagbuo ng sagot.


PAGHANGA
PAGKAGULAT



PAGKATAKOT
PAGKAINIS/GALIT
NASAKTAN
IKALAWANG GRUPO:
Bibigyan ng guro ang ikalawang grupo ng mga maikling sambitla. Bawat salita
ay gagawan ng halimbawa ng pangungusap. Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang
grupo sa pagbuo ng sagot. Sabay-sabay babasahin ng mga miyemro ng grupo at iuulat
ng lider sa harapan ang awtput kapag mabuo na ito.
1. Wow!
2. Aray!
3. Hala!
IKATLONG GRUPO:
Bibigyan ang ikatlong grupo ng mga pangungusap. Mula dito ay salungguhitan
ng grupo ang ginamit na maikling sambitla sa loob ng pangungusap. Ididikit ito sa
ilustrasyon na inihanda ng guro. Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang grupo sa
pagbuo ng sagot. Sabay-sabay babasahin ng mga miyemro ng grupo at iuulat ng lider
sa harapan ang awtput kapag mabuo na ito.
1. Dali! bilisan natin ang paglalakad at tayo ay huli na sa ating klase.
2. Huwag! iwasan mong kumain ng kendi upang di sumakit ang iyong ngipin.
3. Talaga! pagsusumikapan ko nang tumaas ang aking mga marka sa bawat
asignatura.
PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN
Mga Batayan
Deskripsyon
Bahagdan
1. Nilalaman
Naibibigay ng buong
husay ang hinihingi ng
takdang paksa sa pangkatang
sa gawain.
3
2. Presentasyon
Buong
husay
at
malikhaing
naiulat
at
naipaliwanag ang pangkatang
gawain sa klase.
3
3. Kooperasyon
Naipapamalas
ng
buong
miyembro
ang
pagkakaisa sa paggawa ng
pangkatang gawain.
2
4. Takdang oras
Natapos
ang
pangkatang gawain nang
buong husay sa loob ng
itinakdang oras.
2
KABUUAN
10
g. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan bakit kinakailangang pag-aralan ang maikling sambitla?
IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap at salungguhitan ang ginamit
na maikling sambitla.
1. Lagot! malapit na ang ating pagsusulit hindi pa ako nakapagsunog-kilay.
2. Yehey! may bago kaming kaklase.
3. Kainis! nakalimutan kong gumawa ng aking takdang-aralin.
4. Uy! kailangan na nating tapusin ang ating proyekto.
5. Naku! bumaba ang aking marka dahil marami akong liban sa aming klase.
B. Panuto: Gamitin sa pagbuo ng pangungusap ang maikling sambitla na salita sa
ibaba.
1. Aray!
2. Wow!
V. TAKDANG – ARALIN
Panuto: Isulat sa isang buong papel
Bumuo ng argumento hinggil sa iyong reaksiyon sa mapanood na napapanahong isyu o
balita sa telebisyon o di kaya’y marinig sa radyo. Gamitin sa pagbuo ng ang mga maikling
sambitla.
Halimbawa:
Naku! tataas na naman daw ang presyo ng ating mga bilihin.
Inihanda ni:
ROVELYN B. DONATO
Guro
Iniwasto ni:
IMEE B. OLIVEROS
Master Teacher I
Pinagtibay:
ARNEL P. ACUÑA
School Principal I
Download