SURING PELIKULA “REWIND” I: PAMAGAT: REWIND MAY AKDA: Joel Mercado •Enrico C. Santos GENRE: DRAMA , ROMANTIKO III: BUOD Si Jhon ay mayroong asawa na si Mary, mayroon silang anak na si Austin. Si Jhon ay isang mapagmalaki at makasariling ama at asawa. Isang araw nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kanyang asawa na nauwi sa aksidente, namatay si Mary at nalungkot ang buong pamilya nya lalo na si Jhon. Nang dahil sa kalungkutan ay palagi syang umiinom, kinakausap nya ang picture frame na pinangalanan Ng anak nya na si Lods noon, at laking gulat nya nang sumagot eto, ihiniling nya dito na ibalik sya sa nakaraan at itinupad namn namn ito ni Lods ngunit sa Isang kudisyon, na kapag bumalik sya sa nakaraan ay may mamamatay at sya iyon, nakipagkasundo si Jhon at bumalik nga eto. Doon ay nabago nya ang mga nangyari na, at higit sa lahat nailigtas nya Ang kanyang asawa, nagsisi sya sa pagiging makasarili at humingi Ng tawad sa mga nagawan nya ng kasalanan, isinakripisyo nya ang buhay para sa asawa't anak nya. III: PAKSA •Tungkol sa pagmamahal ng isang ama na handang magbagi at magsakripisyo para sa kaligtasan ng kanyang asawa't anak. IV:BISA (Sa isip, Sa damdamin) •Isip Naapektohan ang aming isip sa pinanood naming pelikula sa pamamagitan ng pag isip ng ikakabuti para aming mahal sa buhay huwag maging padalos-dalos sa pag desisyon dahil ito ay nakaka apekto rin sa ibang tao at mas lalong maging matured sa pag iisip lalo na pag dating sa pamilya •DamdaminHuwag dapat mag padala sa emosyon lalo na kapag mag desisyon dahil may malaking epekto ito sa atin at sa ibang tao. V: MENSAHE Ang mensahe na aming nakuha ay dapat itama na natin ngayon pa lng ang mga mali natin dahil walang rewind sa totong buhay, huwag natin sayangin ang oras na mayroon tayo, maikli lamang ang ating buhay kaya ipadama natin sa ating pamilya ang pagmamahal na nararapat sakanila. Iwasan natin ang pag dalos dalos sa pag desisyon at isipin ntin palagi ang makapag pabuti sa bawat isa. Ang buhay ng tao ay hindi hawak ng sinuman kundi ng Diyos lamang. Ang buhay ay mahalaga kung kaya't alagaan ito at tanggapin ang bunga ng mga pagdedesisyong ginawa. VI: TEORYANG GINAMIT: •Romantisismo, dahil pinahahalagahan dito ang damdamin at guniguni.