Uploaded by Princess Rhandyl Lingaolingao

pictorial-essay-SEASONS

advertisement
“KAPANAHUNANG SIMBOLO
PAGBABAGO AT PAG-USBONG
BUHAY”
NG
NG
Sa paglipas ng panahon, isang mahalagang bahagi ng ating buhay ang nakatutok sa mga
pagbabago sa klima at panahon. Ang tatlong pangunahing panahon taglagas, tagsibol at tag-init, ay
nagdadala ng hindi lamang pisikal na pagbabago sa kapaligiran kundi pati na rin ng makabuluhang
pagbabago sa ating sariling pag-iisip, damdamin at buhay.
Sa pagpasok ng taglagas o fall, nararamdaman natin ang pagbabago ng kulay ng mga puno at ang
pagtatanggal ng mga dahon mula sa kanilang mga sanga. Ito ay simbolo ng paglisan ng lumipas na
panahon at paghahanda para sa pagdating ng malamig na panahon. Katulad ng puno, tayo rin ay
makararanas ng labis na kabiguan, kawalan at nangangailangan ng pagtatapon ng mga bagay na hindi
na natin kailangan sa ating buhay. Ang taglagas ay nagtuturo sa atin na tanggapin ang mga pagbabago
at paglisan ng mga bagay at maging handa sa mga darating na hamon sa buhay.
Ang tagsibol o spring ay panahon ng pag-usbong at pag-umpisa ng bagong yugto. Ito ay
nagbibigay inspirasyon sa atin, na sa kahit ano mang hamon sa buhay, tayo ay may pag- asang
makabangon at ito ay ating malampasan. Tulad ng mga bulaklak na unti-unting bumubukadkad, tayo ay
may pag- asang tumingkad at umunlad. Sa pagtangkilik sa kahalagahan ng pag-asa at pag-usbong,
nagiging mas handa tayo na harapin ang mga hamon na mayroon pa sa ating hinaharap. Kaya tayo ay
magkaroon ng pananampalataya sa sarili at maglaan ng oras para sa sariling pag-unlad.
Sa pagdating ng tag-init o summer, nararanasan natin ang mainit na klima at masiglang enerhiya
ng araw. Pakatapos nating malampasan ang mga hamon, dito na nating maramdaman ang kaginhawaan
sa buhay. Ito ay panahon ng kasayahan, paglilibang, at pagpapahinga. Gayundin, ito ay pagkakataon na
pagtuunan ang sariling pangangailangan at pahalagahan ang mga simpleng kasiyahan sa buhay. Sa
pagtatanim ng mga seeds ng kasiyahan at kagalakan, natutunan natin kung paano maging bukas sa mga
magagandang bagay na naghihintay sa ating hinaharap.
Sa pangkalahatan, ang pagbabago ng panahon ay naglalakbay kasabay ng pag-unlad ng ating
sariling pagkatao. Tulad ng mga pagbabago sa klima, ang ating mga personal na pag-usbong ay may
mga yugto. Sa bawat yugto, mayroong mga pag-aalok, paglisan, pag-usbong, at kasiyahan na nagiging
bahagi ng ating paglalakbay.
Dapat nating tandaan na ang pagbabago ng panahon ay hindi lamang isang pisikal na kaganapan
kundi isang paglalakbay na puno ng kahulugan at aral. Ito ay nagbibigay inspirasyon sa atin na maging
handa sa pagbabago, maglaan ng oras para sa sariling pag-unlad, at pahalagahan ang mga simpleng
kasiyahan sa bawat yugto ng ating buhay. Sa pagtangkilik sa mga pagbabago, natutunan natin kung
paano maging mas matatag at mas maligaya sa harap ng mga hamon ng buhay.
Isinumite ni:
Ailyn Tanghinan
Princess Rhandyl Lingaolingao
GRADE 12 ABM GATES
Download