Uploaded by LYCE MAE DUMAPIAS

BRAINS-PHIL-IRI (1)

advertisement
KASAYSAYAN NG TACLOBAN
Ang Tacloban ay kabisera ng lalawigan ng Leyte. Ang Leyte ay matatagpuan sa Rehiyon 8 ng Pilipinas
na bahagi ng Silangang Visayas.
Ang Tacloban ay unang nakilala bilang Kankabatok, na ang ibig sabihin ay “pag-aari ng mga Kabatok."
Kabatok ang tawag sa mga unang naninirahan dito. Mayaman sa yamang tubig ang lugar na ito. May
ginagamit silang isang uri ng basket na panghuli sa mga isda at alimango. Ang tawag nila dito ay
“Taklub." Kapag may mga darayo sa lugar, ang sinasabi nila ay pupunta sila sa “tarakluban." Pagtagal
ay tinawag din itong Tacloban.
Ang Tacloban ay nakilala dahil sa ginampanang papel nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Dito naganap ang tanyag na pagbabalik ni General Macarthur. Naganap ito sa baybayin ng “White
Beach” ng Tacloban. Dito rin nagtayo ng base militar ang pwersa ng mga Amerikano at ang bayang ito
ay ang unang napalaya mula sa mga puwersa ng mga Hapon. Naging pansamantala itong kapital ng
Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kapangyarihan pa ng mga Hapon.
Sa syudad na ito nanggaling ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos.
Ang Pamilya Romualdez ay isa sa mga kilalang pamilyang politiko sa lugar. Ang pangalan ng paliparan
sa Tacloban ay Romualdez airport.
Kakaunti lang ang nakakaalam kung kailan naging munisipalidad ang Tacloban dahil ang mga
dokumentong nakapagpapatunay rito ay nasira ng bagyo. Pero marami ang naniniwala na ang Tacloban
ay opisyal na naiproklamang munisipalidad noong 1770.
Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang Tacloban?
a. sa Kanlurang Visayas b. sa Silangang Visayas c. sa Hilagang Visayas d. sa Timog Visayas
2. Sino ang kilalang tao na dumako sa Tacloban noong Ikalawang Digmaang pandaigdig?
a. Imelda Marcos b. Emilio Aguinaldo c. Imelda Romualdez d. Douglas MacArthur
3. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nakapangasawa ng isang taga-Tacloban?
a. Pangulong Gloria Arroyo b. Pangulong Fidel Ramos c. Pangulong Ferdinand Marcos d. Pangulong
Diosdado Macapagal
4. Bakit naging kabisera ng Pilipinas ang Tacloban?
a. Marami ang may ayaw sa Maynila. b. Maraming tanyag na tao sa Tacloban. c. Ang Maynila ay
sinasakop pa ng mga Hapon. d. Maraming makapangyarihang politiko sa Tacloban.
5. Bakit kaya unang napalaya mula sa puwersa ng Hapon ang Tacloban?
a. Takot ang mga Hapon sa mga taga-Tacloban. b. Kilala kasi ang mga taga-Tacloban na matatapang.
c. Walang maraming sundalong Hapon sa Tacloban. d. Mayroong base militar ng mga Amerikano ang
Tacloban.
6. Ano ang ikinabubuhay ng mga taong taga-Tacloban?
a. pangingisda b. pagtatanim c. pagtitinda d. pagtutuba
7. Bakit kaya pinangalanang Romualdez airport ang paliparan sa Tacloban?
a. Malaki ang naitulong ng Romualdez sa lugar. b. Malaki ang pamilya ng Romualdez sa Tacloban. c.
Maraming Romualdez ang nasa lokal na gobyerno. d. Marami sa Romualdez ang madalas sumakay sa
eroplano.
8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
a. Nais nitong hikayatin ang mambabasa na bumisita sa Tacloban. b. Gusto nitong ipaalam ang
pinagmulan at naganap sa Tacloban.
c. Hangad nitong maghatid ng aliw sa mambabasa. d.
Hatid nito ang isang mabuting halimbawa.
PAGSALUNGAT NI MACARIO SAKAY
Maraming mga bayani ang namatay sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Isa rito si Macario
Sakay. Isa siya sa orihinal na kasapi ng Katipunan na binuo noong panahon ng pananakop ng mga
Espanyol.
Si Macario Sakay ay salungat sa pakikipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano. Nagtatag siya ng
pamahalaan sa Katagalugan. Siya at ang kanyang mga kasama ay sumulat ng Saligang Batas na
nagtakda ng pamamaraan katulad ng sa unang Republika ng Pilipinas na itinatag ni Aguinaldo sa
Malolos. Ipinahayag niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano upang makamit ang kalayaan. Sa loob
ng apat na taon ay naging matagumpay ang kanyang kilusan at naging problema siya ng mga
Amerikano.
Ginamit ng mga Amerikano, sa pamumuno ni Gobernador-Heneral Henry C. Ide, ang isang kilalang
lider ng mga manggagawa upang himuking sumuko si Macario Sakay. Siya si Dominador Gomez, na
isang Pilipino. Nahimok ni Gomez si Sakay dahil sa pangakong hindi sila parurusahan at sinabing sa
kanyang pagsuko ay manunumbalik ang katahimikan ng bansa at magiging simula ito ng pagtatag ng
Asembleya ng Pilipinas. Naniwala si Sakay sa mga sinabi ni Gomez. Naniwala siya na ang kanyang
pagsuko ay makapagpapadali sa pagtatag ng asembleya na binubuo ng mga Pilipino. Nabigla si Sakay
nang ang kanyang pangkat ay arestuhin ng mga Amerikano at konstabularyang Pilipino sa isang
kasiyahan. Pinaratangan ng maraming kasalanan si Sakay ngunit di siya natinag. Ang tanging hangad
niya ay makamit ng bansa ang kalayaan. Hinatulan siya ng kamatayan at binitay noong Setyembre 13,
1907.
Mga Tanong:
1. Sino ang ayaw makipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano? a. Dominador Gomez b. Emilio
Aguinaldo c. Henry Ide d. Macario Sakay
2. Ano ang isinulat ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama? a. artikulo sa pahayagan b.
asembleya c. nobela d. Saligang batas
3. Bakit ayaw makipagkaibigan ni Macario Sakay sa sa pamahalaan ng Amerika? a. dahil Pilipino siya
b. gusto niyang makipag-away c. gusto niyang makamit ang kalayaan d. ayaw niyang pumunta sa
Amerika
4. Sa linyang “sa kanyang pagsuko ay manunumbalik ang katahimikan,” ang ibig sabihin ng salitang
manunumbalik ay a. magkakaroon muli b. maririnig ng lahat c. makukuha agad d. dapat maiipon
5. Paano mo ilalarawan ang plano na gamitin si Dominador Gomez para pasukuin si Macario Sakay?
a. mautak at tuso b. hindi pinag-isipan c. mapagmalaki at mayabang d. mabait at may pakundangan
6. Anong katangian ang ipinakita ni Macario Sakay?
a. makabayan b. matalino c. masinop d. masipag
7. Bakit kaya hangad ni Macario Sakay ang kalayaan ng Pilipinas?
a. galit siya sa mga Amerikano b. gusto niyang mamuno sa bansa c. mahal niya ang bansang Pilipinas
d. maraming makukuhang yaman sa bansa
8. Ang layunin ng talatang ito ay para ipaliwanag
a. ang dahilan ng pagkamatay ni Macario Sakay. b. ang layunin ng pagsapi ni Macario Sakay sa
Katipunan. c. ang hangarin ni Macario Sakay sa pagpunta sa Malolos. d. ang tungkulin ni Macario
Sakay sa mga pinunong Amerikano.
Download