Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO SCHOOLS DIVISION OF BUKIDNON IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SY 2023-2024 FILIPINO 7 Pangalan: ______Baitang at Seksyon: Guro: ___________________________ Petsa: SCORE ______ I. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang uri ng pagbibigay ng kahulugan ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig ng isang salita? a. intensity b. denotasyon c. pagkikilino d. konotasyon 2. Isaayos ang mga sumusunod na salita batay sa intensidad o antas ng mga ito; 1-hikbi, 2-nguyngoy, 3-hagulgol, 4-iyak a. 1,2,3,4 b. 4,1,2,3 c. 2,3,4,1 d. 2,4,3,1 3. Ano ang ibig sabihin ng salitang bulaklak sa pahayag na “Ang ganda ng mga bulaklak sa halamanan ni tita” ayon sa karaniwang kahulugan nito o batay sa diksyunaryo? a. si tita c. isang babae b. isang halaman d. ang halamanan 4. Alin sa mga sumusunod na kahulugan ang tinutukoy ng salitang bulaklak sa pahayag na “Maraming magagandang bulaklak na anak si Simon” ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap? a. anak ni Simon c. Magagandang anak b. babaeng anak ni Simon d. mga halaman ni Simon 5. Anong paraan ng pagbibigay kahulugan ang ginamit sa salitang balat-sibuyas=iyakin? a. Karaniwang kahulugan c. Ayon sa intensidad o tindi ng kahulugan b. Ayon sa pagkagamit sa pangungusap d. Pagbibigay kahulugan sa salitang patalinghaga 6. Ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. a. kultura c. anito b. alamat d. kuwento 7. Ang matatandang Alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong Alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga _______?. a. kultura c. anito b. alamat d. kuwento 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi batayan sa paglikha ng kaligirang pangkasaysayan. a. Mitolohiya c. Kultura b. Panrehiyon d. Teorya 9. Ang salitang Alamat o legend sa Ingles ay mula sa anong salitang latin? a. de facto c. legendus b. invicta d. heroicus 10. Aling bahagi ng banghay ang nag-iiwan ng mensahe sa mga mambabasa? a. Simula c. Katawan b. Tauhan d. wakas Para sa bilang 11-20. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-uring pahambing upang mabuo ang diwa ng talata. 11. (Lalong, Sing) tumaas ang kilo ng bigas sa panahon ngayon. 12. (Mas, Magkasing) maginhawa ang buhay kung ang bawat isa ay magtutulungan. 13. Si Nancy ay tumanggap ng (mas, sobra) maraming regalo sa pasko ngayon kaysa sa pasko ng nagdaang taon. 14. (Lubos, Parehong) nagtutulungan ang aking mga magulang sa paghahanap ng kabuhayan. 15. Ang magkakapatid na Balisco ay (kapwa,pinaka) matatalino sa larangan ng Matematika. 16. (Parehong, Lalong) mahirap ang buhay ngayon kumpara sa mga nagdaang taon. 17. (Kasing, Haring) ganda ng bahaghari ang mga pananim na bulaklak ni nanay. 18. (Pinaka, Mas) malaki ang tungkulin ng pangulo sap ag-unlad ng ating bansa. 19. (Di-gasinong, Lalong) malawak ang kaalaman ng mga kabataang naninirahan sa malayong probinsiya sa paggamit ng internet. 20. (Pareho, Mas) nakapanlulumo ang sinapit ng binate at dalaga. Para sa bilang 21-30. Suriin ang antas ng wika batay sa pormalidad ng mga salitang nakasalungguhit sa sumusunod na mga bahagi ng awiting-bayan. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot. a. Balbal b. Lalawiganin c. kolokyal d. pormal _____ 21. “Ang Dalagang Pilipina” “Bebot” _____ 22. Ang dalagang Pilipina, (21) parang tala sa umaga. Bebot, (26) bebot, be _____ 23. Kung tanawin ay nakaliligaya, may (22) ningning na tangi Bebot, bebot, be _____ 24. At dakilang ganda. Ikaw ay akin _____ 25. “Dandansoy” _____ 26. “Magtanim ay ‘di Biro” Dandansoy, (23) bayaan ta ikaw, (24) pauli ako sa payaw (27) Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko _____ 27. Ug galing kung ikaw (25) hidlawon, ang payaw imo lang Di man lang (28) makaupo, di man lang makatayo _____ 28. lantawon Braso ko’y namamanhid, (29) bewang ko’y nangangawit _____ 29. (30) Binti ko’y namimitig, sa pagkababad sa tubig _____ 30. Para sa bilang 31-40. Basahin at unawain ang mga pahayag at piliin ang angkop na digri ng mga salitang nakasalungguhit. 31. Maagang pumalaot si Felimon sa karagatan upang mangisda. a. lumangoy sa dagat c. namangka sa gitna ng dagat b. nagpunta sa dagat d. umalis sa dagat 32. Humagulgol ng si Maria ng malaman niyang pumanaw ang kaniyang alagang aso. a. tumawa ng malakas c. tumawa ng malakas b. umiyak ng malakas d. umiyak ng tahimik 33. Siya ay nanlumo nang makita niyang nalanta ang kaniyang mga halaman a. nagsaya c. nagalit b. nagtaka d. nanghina 34. Isang kapirasong tela ang ibinigkis niya sa kaniyang paa. a. itinali c. inihampas b. ipinunas d. inilagay 35. Hindi na nagbabayad ng matrikula ang mga magulang ni Kris sapagkat siya ay isang iskolar. a. mayamang bata c. matalinong bata b. mabait na bata d. mapagbigay na bata 36. Masamang damo lang ang nagtataksil sa bayan. a. mabait na tao c. matalinong tao b. masamang tao d. mangmang na tao 37. Nagpuputok ang butse ni Anna nang makita niyang punit ang kaniyang papel sa takdang-aralin. a. malungkot na malungkot c. galit na galit b. masayang-masayang d. iyak nang iyak 38. Nagtataingang-kawali si Bea kaya hindi niya pinakinggan ang utos ng kaniyang mga magulong. a. bingi c. maliit na tainga b. Malaki na tainga d. nagbibingi-bingihan 39. Si Karlo ay nagbibilang ng poste. a. walang trabaho c. mahusay magtrabaho b. ayaw magtrabaho d. naghahanap ng trabaho 40. Si Barbara ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. a. mahirap c. mapanukso b. mabait d. mayaman Para sa bilang 41-50. Piliin ang titik na naglalaman ng kaisipang nais iparating ng awiting-bayan at bulong. 41. Dandansoy, bayaan ta ikaw. Pauli ako sa payaw, ugaling kung ikaw hidlawon. Ang payaw imo lang lantawon. a. mahirap makalimutan ang minamahal mo b. dapat bisaitahin ang pook na tipanan ng magkasintahan c. pinaglalapit ng isang awit ang dalawang nagmamahalan d. mahirap sa kalooban kapag nagkakalayo ang dalawang nagmamahalan 42. Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba. Ang halin puros kura, igo ra gipanuba. a. paborito ni Pelimon ang tuba b. ang tauhan ay nag nenegosyo ng tuba c. madalas pumupunta si Pelimon sa mercado upang uminom ng tuba d. maliban sa hanapbuhay, libangan din ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda 43. Ili-ili tulog anay, wala diri imong nanay. Kadto tienda bakal papay, ili-ili tulog anay. a. aawitan talaga ng ina ang kaniyang sanggol na anak b. ang pag-awit sa sanggol ay paraan upang maging mahusay sa pag-awit. c. ipinadama ng ina ang pagmamahal sa anak sa pamamagitan ng pag-awit d. ang pag-awit para sa pagpapatulog ng sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya 44. Si Pilemon, si Pilemon, namasol sa kadagatan. Nakakuha, nakakuha ug isdang tambasakan. a. tambasakan ang nakukuha sa pangingisda b. paborito ni Pilemon ang isdang tambasakan c. mahilig manguha ng isdang tambasakan si Pilemon d. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ay ang pangingisda 45. Pagaling ka amang, mahirap ang may karamdaman. a. sa panahon ngayon, bawal magkasakit b. hindi pinababayaan ng anak ang magulang c. maalalahanin ang anak sa kaniyang magulang d. nag-alala ang anak sa gagastusin kapag nagkasakit ang ama 46. Maya, Maya nganong nalipay ka? Nalipay ko kay ting-ani na. Ting-ani sa pulang humay, pulang humay na akong kalipay. a. masaya ang ibong maya b. mapupula ang mga palay b. ting-ani na naman ng pulang palay b. isa sa mga hanapbuhay ng mga Bisaya ay ang pagtatanim ng palay 47. Amping kanunay, tabi-tabi. Maagi lang kami, kami patawaron kon kamo masalapay namon. a. nakikidaan ang tao b. ipinapaingat ang mga dumadaan c. nanghihingi ng tawad sa ibang nilalang d. naniniwala ang mga Bisaya sa mga lamang-lupa at iba pang nilalang. 48. Ilaga nga gamay, Ilagan ga gamay. Ibta akong ngipon, nga guba ug daot. Ilisi ug bag-o. a. maliliit ang mga daga ng mga Bisaya b. maraming paniniwala ang mga Bisaya c. nakikipag-usap ang mga Bisaya sa mga daga d. mula sa mga daga ang mga ngipin ng mga tao. 49. Mutya ka Baliling sa katahum. Timgas pa sa puti nga baybayon, sa kasing-kasing ka panganduyon. Perlas ka nga angay gyud angkonon. a. magaganda ang mga kababaihan b. isang perlas para sa mga lalaki ang mga babae c. ikinukumpara ang kagandahan ng isang babae sa isang baybayin d. malaki ang pagpapahalaga ng mga Bisaya sa kanilang kababaihan 50. Ang dalaga naman ay biglang umiyak, luha ay tumulo sa dibdib pumatak. Binata’y naawa lumuhod kaagad, nagmakaamo at humingi ng patawad. Anong magandang kaugalian ang makikita sa bahaging ito? a. matiisin ang binata b. iyakin ang mga babaeng nasasaktan c. kailangan pang umiyak ng isang tao bago hingan ng patawad d. marunong humingi ng patawad ang taong nagmamaghal ng totoo 51. Anong uri ng awiting-bayan ang inaawit kapag nagtatagumapay ang isang tao o pangkat? a. Oyayi b. Dalit c. Sambotani d. Diona 52. Ito ay madalas inaawit bilang panghele o pampatulog ng bata o sanggol. Anong uri ng awiting-bayan ito? a. Oyayi b. Dalit c. Sambotani d. Diona 53. Anong awiting-bayan ang awit ng pag-ibig o awit panghaharana ng mga binata? a. Oyayi b. Dalit c. Kundiman d. Diona 54. Awiting-bayan na nagpapakita ng pagdakila sa Maykapal. a. Oyayi b. Dalit c. Kundiman d. Diona 55. Anong awiting-bayan ang karaniwang inaawit sa tuwing may ikinakasal? a. Oyayi b. Dalit c. Kundiman d. Diona 56. Ito ay mga paniniwala, opinion o kostumbre na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila? a. Tradisyon c. Araw ng mga Manggagawa b. Araw ng mga Patay d. Pamahiin 57. Ito ay isang kasanayan na kadalasang hindi batay sa dahilan at walang pang-agham o siyentipikong batayan. a. Tradisyon c. Araw ng mga Manggagawa b. Araw ng mga Patay d. Pamahiin 58. Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw, sasabihin pa sa kay Inang nang malaman. Anong kaugalian ang nangingibabaw sa taludtod? a. pagkamatatakutin c. pagmamayabang b. pagiging matapat d. paggalang sa magulang 59. Pugad ng pag-ibig at kaligayahan, ang mga puso ay pilit magmahalan. Anong damdamin sa taludtod ng awiting-bayang Lawiswis Kawayan ang nangingibabaw? a. takot at kaba c. pag-aalinlangan b. lungkot at pag-aalala d. pilit na pagmamahal 60. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan sa paghahatol o pagmamatuwid? a. isang pamahiin o tradisyon b. makapagpahayag ng kaniyang saloobin c. magbigay-linaw sa mga isyu o mahalagang usapin d. makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao.