STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL FILIPINO 9 Unang Markahan Aralin 1.1 Inihanda ni : Marijoy B. Gupaal Teacher I Guro sa Filipino-Baitang 9 Baguio City High School PAMATNUBAY / GUIDE CARD Magandang buhay sa iyo, kaibigan. Kumusta ang iyong pag-aaral? Gusto mo bang lalong matuto sa City High? Halika na at simulan nating samahan si Jayna bibiyahe sa mundo ng wikang puno ng hiwaga. Sa mundo ng gramatika at wika, nariyan ang mga pangungusap .Upang makabuo ng isang mabisa at mahusay na salaysay, kailangan ang mga pangatnig / transitional devices. Para maging kapana-panabik ang iyong trip sa eskwela.Narito ang iyong gabay. Unang Biyahe ay ang PAMATNUBAY (GUIDE CARD) Sa biyaheng ito matutunghayan ang aralin at ang layunin na ating pagtutuunan ng pansin. Ikalawang Biyahe ay ang PAGSUBOK (ACTIVITY CARD) Ito naman ay kinapapalooban ng gawain na susubok sa iyong kasanayan o kakayahan at pagkamalikhain upang matamo mo ang iyong layunin. Ikatlong Biyahe ay ang PAGTATAYA (ASSESMENT CARD) May mga katanungan dito na iyong sasagutan. Ang mga katanungan na makikita sa bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang mapalawak pa ang iyong kaalaman. Ikaapat na Biyahe ay ang PAGPAPALAWAK (ENRICHMENT CARD). Makikita rito ang mga gawain na lalong magpapaunlad sa iyong pagkatuto sa paksa. Ikalimang Biyahe ay ang BONUS (REFERENCE CARD) Matutunghayan mo rito ang pinakahuling gawain na higit na magpapayaman sa iyong pagiging mapamaraan. 2 Nilalaman ng bahaging ito ang pamantayang pangnilalaman at ang layunin na dapat na matamo at matutunan ng mga mag-aaral tungkol sa pangatnig o transitional devices. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga pangatnig /transitional devices sa paglalahad ng sariling karanasan. LAYUNIN: . Nabibigyang-kahulugan ang pangatnig / transitional devices. 1 2. Nakikilala ang mga pangatnig / transitional devices at ang mga uri nito. 3. Nagagamit ang angkop na pangatnig/ transitional devices sa pag-uugnay ng mga pangungusap. 3 PAGSUBOK / ACTIVITY CARD Sa biyaheng ito, susubukin ang iyong kakayahan sa pagtukoy sakahuluganat halimbawa ng mga pangatnig / transitional devices. Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga katanungan sa Hanay A. Isulat ang sagot sa bawat patlang bago ang bilang. Sabi nga nila, maging handa sa anumang pagsubok na darating sa buhay kaya’t heto subukin ang gawaing nasa ibaba. Go, go, go…Kaya mo iyan kaibigan! HANAY A HANAY B _____1. Mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay. _____2. Ginagamit na pantuwang kung saan pinag-uugnay ang magkapantay na kaisipan. ____ 3. Ginagamit na pananhi na nagsasaad ng kadahilanan. _____4. Nagbabadya ng pagwawakas. ____5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat. ____6. Nagsasaad ng paglilinaw. ____7. Ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa unahan ng pangungusap. ____8. Nagsasaad ng kondisyon. ____9. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain. ____10. Nagsasaad ng pangangatuwiran. A. SUBALIT B. SAMANTALA C. DAHIL SA D. SA WAKAS E. KUNG GAYON F. KUNG G. PANGATNIG H. SA AKING PALAGAY I. PALIBHASA J. UNA Panuto: Bilugan ang pangatnig na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa. 2. Nagkasundo na ang magkaklase, kung gayon magkasama na silang muli. 3. Sa wakas, kinakitaan na rin ng pagbabago ang ama. 4. Pumasa ako sa unang markahang pagsusulit dahil sa aking sipag at tiyaga. 5. Nagbabasa ang lahat samantalang ikaw ay naglalaro. Tingnan ang sagot sa sa pahina 7 … Wow! Napamangha mo ako sa iyong galing. Sige, ipagpatuloy mo iyan… 4 PAGTATAYA / ASSESSMENT CARD Ang biyaheng ito ay matataya at mapag-iibayo ang iyong kaalaman sa pagpili nang tama o akmang gamit ng mga pangatnig / transitional devices sa pangungusap. Lubos mo akong napahanga kaibigan sa iyong ipinakitang galing kaya dahil diyan isang malakas na palakpak ang para sa iyo… Panuto: Bilugan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong. 1. Marami na akong nalalaman, (ngunit, subalit,datapwat) tila kulang pa ito. 2. Tumawag ang nanay ni Joy (marahil, dahil, ngunit) hindi pa raw umuuwi galing sa eskwelahan. 3. Kumakain na siya (saka, samantalang, kaya ) hindi pa natatapos ang proyekto nilang lahat. 4. (Sa lahat ng ito, sa wakas, bilang pangwakas), nakakuha na rin siya ng perpektong iskor sa pagsusulit sa pagrerepaso ng aralin gabi-gabi. 5. Walang pasok bukas (kung gayon, kaya) pwede ka ng umuwi sa bahay ng lola mo. Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungusap na nasa ibaba gamit ang mga pangatnig/ transitional devices na nasa loob ng kahon. Sa wakas kahit kung sapagkat kaya dahil sa bagaman kung gayon ngunit samantalang 1. ______ hindi nila pag-iingat sa paggawa ng desisyon ay lalo silang nabaon sa utang. 2. Ako ay nagbabasa ________ siya ay nagsusulat. 3. Mabuti siyang makitungo sa mahihirap ______ siya’y isang mataas na pinuno. 4. Matalino ang iyong kaibigan _______ suplada naman. 5. Malinis na ang buong kapaligiran ng City High _____ walang dengue na aaligid. 6. Sasama ako sa iyo _______ tuturuan mo ako sa asignaturang Filipino. 7. Namaos ang boses niya _______ matagal siyang nagsasalita sa harap ng kanyang mga mag-aaral. 8. Nakatapos siya sa pagiging abogado______ magsasaka ang kanyang mga magulang. 9. ______, makakapagtapos na rin ako. 10. _____, mananatili kang mahirap at patuloy na magdildil ng asin sa buong buhay mo. Tingnan ang sagot sa pahina 7… Kaibigan, dumako kang muli sa susunod na gawain para mas lalong mahasa ang iyong katalinuhan. 5 PAGPAPALAWAK / ENRICHMENT CARD Sa bahaging ito, mapapalalim at tatalas ang iyong isipan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga pangungusap at talata na ginagamitan ng angkop na pangatnig / transitional devices. Sabi ko sa’yo eh, it’s more fun sa City High. Dahil marami kang matutunan liban sa nakakatuwa rito. Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga pangatnig na: DAHIL SA SAMANTALANGKUNG GAYON SA LAHAT NG ITO SUBALIT 1._________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. 2._________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. 3._________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. 4._________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. 5._________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ _______________________ Oh, di ba matagumpay mong natapos ang mga pagsasanay. BINABATI KITA! Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na pahina . 6 Narito pa ang kasunod na gawain na magpapakita ng iyong kahusayan sa pagbuo ng talata gamit ang mga pangatnig / transitional devices. Panuto: Sumulat ng isang talata gamit ang mga pangatnig / transitional devices tungkol sa binasang kwentong “Ang Ama”. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ __________________________ Maaari ka ng dumako sa susunod na gawain. 7 BONUS / REFERENCE CARD Matutunghayan mo rito ang susi ng pagwawasto sa bawat biyaheng iyong pinuntahan na sumubok sa iyong kakayahang umunawa sa paksang pangatnig / transitional devices. PAGSUBOK (ACTIVITY CARD) PAGTATAYA (ASSESSMENT CARD) PAGPAPALAWAK (ENRICHMENT CARD) 1. G 1. ngunit 2. B 2. dahil Tandaan: magkakaiba 3. C 3. samantalang Ang mga sagot dahil 4. D 4. sa wakas bubuo sila ng sariling 5. H 5. kaya Pangungusap. 6. E 7. A 1. dahil sa 8. F 2. samantalang 9. J 3. kahit 10. I 4. ngunit 11. sa lahat ng ito 5. kaya 12. kung gayon 6. kung 13. sa wakas 7. sapagkat 14. dahil sa 8. bagaman 15. samantala 9. sa wakas 10. kung gayon Sa muling biyahe, kaibigan. Adios! 8 Peralta, Romulo N. et al. (2014) Panitikang Asyano(Modyul sa Filipino).Pasig City. Vidal Group, Inc. pp. 25-26 http://www.slideshare.net/marcomed/deped-grade-9learners-material-in-filipino. retreived July 17, 2016 http://hannaleahrabang.blogspot.com/2014/09/paniti kang-asyano-modyul.html.retrieved July 17, 2016 http://blognicindy.blogspot.com/2014/07/aralin-11pangatnig-at-transitional.html.retrieved July 15, 2017 9 Nakapaloob dito ang ilang impormasyon na makatutulong sa iyo upang maging gabay at mas mapapadali ang iyong pagkatuto sa ating paksang pangatnig / transitional devices. Ang mga pangatnig / transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari atiba pa sa paglalahad. Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig / transitional devices na karaniwang ginagamit sa Filipino: Mga Pangatnig: 1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamitna sa unahan ng pangungusap. Mga Halimbawa: a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan. b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito. c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito. 2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang O, napakadali di ba? Magpatuloy pa sa susunod na pahina upang lalong maintindihan ang pangatnig / transitional devices. 10 Narito pa ang ilang kaalamang magpapaintindi sa iyo nang lubusan sa ating paksang-aralin. Mga Halimbawa: a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa. b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa. 3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi Mga Halimbawa: a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan. b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap. niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral. Transitional Devices: 1. sa wakas, sa lahat ng ito – panapos Mga Halimbawa: a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak. b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal namahal ng kanilang ama. 2. kung gayon – panlinaw Mga Halimbawa: a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyangpagbutihin ang kaniyang pag-aaral. Kaibigan, nagagalak ako at nauunawaan mo kung ano ang pangatnig / transitional devices. Alam ko na hand aka na sa anumang pagsubok na iyong kakaharapin. Maaari ka nang magpunta sa mga pahina na kinapapalooban ng mga biyaheng susubok sa iyong katatagan at katalinuhan. 11