Uploaded by carmeladianedoma2

COT DLP ARALING PANLIPUNAN 1 BY TEACHER ESPERANZA P. LOZANO

advertisement
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1
Ikaapat na Kuwarter, Ikalawang na Linggo, Unang Araw
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling
kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.
B.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang
ginagalawan.
C.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan.
AP1KAP-1VB-3
Nailalarawan ang kabuuan at mga bahagi ng sariling tahanan at ang mga lokasyon nito.
II. NILALAMAN
ANG AKING PAG-UNAWA SA KONSEPTO NG DISTANSIYA
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina Gabay ng Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
TG pp. 74-77
LM pp. 197-205
Larawan, tsart, powerpoint
IV.
PAMAMARAAN
Magbigay ng mga bagay na nakikita sa itaas at ibaba ng pisara, sa harap at likuran
ng mesa ng guro.
Ibigay ang ngalan ng kaklase mo na nasa kaliwa at kanan mo, gayundin ang nasa
harap at likuran mo.
A. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pangkatang Gawain. Pagbuo ng puzzle.
Ang bawat grupo ay bibigyan ng puzzle. Paunahan silang bumuo o magdikit nito.
Pagkatapos nito, sila ay await ng bahay kubo.
Pagbasa ng isang tugma.
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Magpakita ng larawan ng bahay sa loob at labas.
Tingnan ang mga larawan.
C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ano-anong mga baahagi ng bahay ang nakita mo? Ilarawan ito.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Saan naroon ang sala,silid- tulugan, silid-kainan. kusina at palikuran?
E. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
Pangkatang Gawain:
Isagawa ang pangkatang Gawain.
Pangkat I
Tukuyin ang lokasyon ng bawat bahagi ng tahanan.
Pangkat II
Isulat ang mga bahagi ng tahanan.
Pangkat III
Idikit ang mga bahagi ng tahanan sa tamang lokasyon nito.
Pangkat IV
Iguhit ang inyong tahanan at kulayan ito.
F. Pag-uugnay sa pang araw-araw na buhay
Dumating ka galing paaralan, nais mong kumain dahil gutom na gutom ka. Ano bahagi
ng tahanan ang pupuntahan mo?
G. Paglalahat ng Aralin
Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan? Isa-isahin natin ang mga ito.
Tandaan:
Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga lugar na may kani-kaniyang lokasyon.
Bahagi ng Tahanan
1. Sala
- Ito ang pinakasentro ng maraming gawain
2.
Dito tumatanggap ng panauhin
Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin
Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon
Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain
Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral,
nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog
3. Silid-Kainan
- Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng almusal, tanghalian at hapunan.
- Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak kapag may salu-salo
- Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya
4. Palikuran
- Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak
- Ito ay may inodoro, salamin, at lababo
5. Kusina
- Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod:
- pagluluto ng pagkain
- imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina
-hugasan ng mga pinggan
- paghahanda ng ihahaing pagkain
H. Pagtataya ng Aralin
I.
Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation
Gumuhit ng isa sa bahagi ng tahanan.
Inihanda ni :
ESPERANZA P. LOZANO
Teacher III/Grade 1 A
File Submitted by DepEd Club Member – depedclub.com
Download