Uploaded by ARGIE DEJECASION

2nd-periodical-test-esp10

advertisement
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Lungsod ng Kidapawan
Lungsod ng Kidapawan
E.S.P 10
Ikalawang Markahan
S.Y. 2022-2023
Pangalan: _________________________________ Baitang/Pangkat: ______________________
Petsa: ______________
Iskor: ______________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
______1. Alin ang tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao?
a. Makataong kilos
b. Kilos ng tao
c. Kilos-loob
d. Mabuting kilos
_____ 2. Anong uri ng kilos ang nagpapakita na ang tao ay may kaalaman at pagsang-ayon sa
sitwasyong nagaganap?
a. Walang Kusang-loob
b. Di Kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos-loob
_____ 3. Ano ang indikasyon na ito ay ginusto at sinadya?
a. Imputable
b. Accountability
c. Voluntary act
d. Paglalayon
_____ 4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa Makataong Kilos?
a. Karahasan
b. Takot
c. Gawi
d. Kaalaman
_____ 5. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapanagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensya sa kilos c. Dahil sa kahinaan ng isang tao
b. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilosloob
_____ 6. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit
ng kapwa dahil sa galit bilang reaksyon sa panloloko sa kanya?
a. Walang Kusang-loob
b. Di Kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos-loob
_____ 7. Alin ang kilos dahil sa takot?
a. Pagnanakaw ng kotse
b. Pagsisinungaling sa tunay na sakit
c. Pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera
d. Pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
_____ 8. Alin sa mga ito ang hindi matuturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong
b. Pagsusugal
c. Pangpasok nang maaga
d. Maalimpungatan sa gabi
_____ 9. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang kapanagutan dahil sa damdamin?
a.
b.
c.
d.
Panliligaw sa Crush
Pagbatok sa barkada dahil sabiglaang panloloko
Pagsugod sa bahay ng kaalitan
Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na marking nakuha.
_____10. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at
nakakapagbigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _______ niya ay nakatuon at
kumikiling sa mabuti sa kaniya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip
b. Kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad
_____ 11. Isang matandang babae ang nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit
walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman
dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik
ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
a. Takot
b. Kamangmangan
c. Karahasan
d. Masidhing damdamin
_____ 12. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang
aralin ang kanilang guro
b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi pinapasok
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang
kanilang guro
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na
iyon.
_____ 13. Masipag at matalinong mag-aaral si Andi. Sa talakayan at pangkatang Gawain ay hindi
siya nagpapahuli. Marami siyang mga Gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil
dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nagbibigyan ng papuri sa
magandang ginawa niya. May pananagutan ba si Andi kung bakit nasa kaniya ang
paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
a.
b.
c.
d.
OO, dahil siya lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot
OO, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot
Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral
Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
_____14. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang
mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng
pagkakataon?
a.
b.
c.
d.
Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan
nito ay magdadala ng isang maling bunga.
_____ 15. Ito ang bunga n gating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. Pasiya
b. Kakayahan
c. Kilos
d. Damdamin
_____16. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin.
a. Layunin
b. Sirkumstansya
c. Kilos
d. Kahihinatnan
_____ 17. Ang makataong kilos ay nagsasabi ng katangian ng tao at ito ay bunga ng:
a. Isi pang kagustuhan
b. Impluwensya ng iba
c. Damdamin
d. Isip
_____ 18. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang
panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ang panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos
c. Dahil hindi magiging maganda ang kakalabasan ng lahat ng kilos
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
_____ 19. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos
maliban sa ____.
a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at kaakibat na
pananagutan.
b. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat
isaalang-alang.
_____ 20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
a.
b.
c.
d.
Ito ay tumutukoy sqa panloob na kilos
Ito ang pinakatunguhin ng kilos
Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos
Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
_____ 21. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansya?
a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginagawa ay
nakaaapekto sa kabutihan
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
_____ 22. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel
ng kilos-loob?
a.
b.
c.
d.
Umunawa at magsuri ng impormasyon.
Tumungo sa layunin o intension ng isip
Tumulong sa kilos ng isang tao
Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
____ 23. Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal
siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan,
na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa
kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Jimmy?
a.
b.
c.
d.
Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong
Mali, dahil kahit hindi ,mabuti ang kaniyang panlabas na kilos, nababalewala par in ang
panloob na kilos.
_____ 24. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas
de Aquino?
a.
b.
c.
d.
Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
Sapagkat napagpapasiya ito nang naayon sa tamang katwiran.
Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
Sapagkat napatunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama
_____ 25. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bern ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera nila.
Ang pagkuha ni Bern ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang
kaniyang ginawa dahil________?
a.
b.
c.
d.
Kinuha niya ito ng walang paalam.
Kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng respeto
_____ 26. Si Garry ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung
anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng gamot
na kaniyang ibibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga
salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Garry?
a. Layunin
b. Sirkumstansya
c. Kilos
d. Kahihinatnan
_____ 27. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakakaapekto sa makataong kilos maliban sa isa:
a. Kamangmangan
b. Gawi
c. Takot
d. Kaalaman
_____ 28. Ayon kay Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakikita sa pagpapahalaga natin sa
bagay, gawi at kilos?
a. Isip
c. Damdamin
b. Kilos-loob
d. Saloobin
_____ 29. Anong uri ng pagkilos ng tao ang ginagawa ang tungkulin alang- alas a tungkulin?
a. Golden Rule
c. Kautusang walang pasubali
b. Pagpapahalaga sa gawa
d. Pagnanais
_____ 30. Ayon kay Confucius, “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ito ay
tumutukoy sa batas na makikita sa________?
a. Golden Rule
c. Kautusang walang pasubali
b. Pagpapahalaga sa gawa
d. Pagnanais
_____ 31. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa
pananaw ni Immanuel kant?
a. Ang mabuting bunga ng kilos
b. Ang layunin ng isang mabuting tao
c. Ang Makita ang kilos bilang isang tungkulin
d. Ang pagsunod a mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
_____32. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon
b. Ang pagtulong sa kapwa ng may hinihintay na kapalit
c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
_____33. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tama dang isang tao na mag-aaral?
a. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan
b. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman
c. Ang pag-aaral ay nakakatulong sa pagtuklas.
d. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan
_____ 34. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay
Scheler?
a.
b.
c.
d.
Nakalikha ng iba pang halaga
Nagbabago sa pagdaan ng panahon
Mahirap o di mabawasan ang kalidad
Malaya sa organismong dumaranas nito
_____ 35. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
a.
b.
c.
d.
Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring Gawain din sa iyo.
Lahat ng nabanggit.
_____ 36. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
a.
b.
c.
d.
Ang pagtulong sa kapwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
Ang pagtulong sa kapwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili
Ang pagtulong sa kapwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod
Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama
_____37. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler, ang pangongoya ay?
a.
b.
c.
d.
Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa.
Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumagawa
Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan
Mali, dahil maaari kang mapagalitan ng guro.
_____ 38. Kaarawan ni Levi, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at silay nagsaya. Humiram sila ng
Videoke at silay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling araw. Naiinis an ang
kaniyang mga kapitbahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano ang kaniyang prinsipyo ang
sumasakop sa sirkumstanyang makikita rito?
a.
b.
c.
d.
Maaaring gawing mabuting kilos ang masama
Maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama
Maaaring gawing mabuti ang masama
Lumikha ng mabuti o masamang kilos
_____ 39. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Eli. Simula sa araw nang siya ay nanalo,
ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang
prinsipyong sumasakop sa sirkumstasya ng kilos ang makikita rito?
a. Maaaring lumikha ng mabuti o masama
b. Maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang
hangarin sa masamang kilos
c. Maaaring makalikha ng mabuti o masama
d. Hindi maaaring gawing mabuti ang masama
____ 40. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin?
a. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong
tangkilikin.
b. Isang driver na nagbibigay sa discount o libreng sakay sa mga matatanda
c. Isang lingcod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang
maalala siya sa panahon ng halalan
d. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa paninda
_____ 41. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino?
a. Isip at kilos-loob
b. Intensyon at Layunin
c. Paghuhusga at Pagpili
d. Sanhi at bunga
_____ 42. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya ?
a.
b.
c.
d.
Tingnan ang Kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa at magtiwala sa Diyos
____ 43. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong
gagawin ?
a.
b.
c.
d.
Tingnan ang Kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa at magtiwala sa Diyos
____ 44. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Kaycee ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang
kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong
palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Kaycee
a.
b.
c.
d.
Tingnan ang Kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa at magtiwala sa Diyos
____ 45. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensya at binibigyang halaga mo
kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng
Hakbang Moral sa Pagpapasiya?
a.
b.
c.
d.
Magkalap ng patunay
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Umasa at magtiwala sa Diyos
____ 46. Niyaya ni Alfred ang kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang
sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinagisipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung
sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginmit ni Alfred?
a. Isaisip ang posibilidad
b. Magkalap ng patunay
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Tingnan ang kalooban
_____ 47. Habang naglalakad sa mall si Rebecca ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang
gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan
siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos Rebecca?
a.
b.
c.
d.
Intensyon at layunin
Nais ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Praktikal na paghuhusga sa pagpili
_____ 48. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a.
b.
c.
d.
Dahil itoy nagsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buahy.
Dahil itoy nakatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos
Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
_____ 49. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasiya ang tao?
a.
b.
c.
d.
Upang magsilbing gabay sa buhay
Upang magsilbing paalala sa mga gagawin
Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin
Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili
_____ 50. Bakit mahalagang mahubog ang konsensya ng tao?
a. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kailangan niya upang magamit niya nang tama
ang kaniyang kalayaan
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali
c. Upang matiyakna palaging tamang konsensya ang ginagamit
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
Inihanda ni: ARGIE B. DEJECASION
Guro
Download