FILIPINO VI Pagbibigay ng Wakas sa Pinakinggang Teksto Gamit ang Dating Kaalaman PANGALAN: ____________________________ Baitang at Seksyon: _______________ Iskor: Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong. ML Ba Kamo? ni Merly F. Antonio “Hay naku, talaga! Hindi ba ninyo alam na tanghali na? Ang dami ko ng nagawa. Naglinis, naglaba, at ito nagluluto na. Aber nga! Cherie, ano ba ang pinagkakaabalahan mo d’yan? Puro ka na lang cellphone. Sa umaga cellphone, sa gabi ganun din. Di na ba matatapos iyan?” Wika ni Aling Lorna. “Naku! ‘Nay puro cellphone si Ate dahil lagi nalang nasa Mobile Legend (ML),” sagot ni Egscy. “Ano bang ML na ‘yan nakakain ba yan? Mabubusog ka ba d’yan? Di ba ang dami ng balita na nagkasakit dahil d’yan. Ano! hihintayin mo pa bang magkasakit?” Ang patuloy na pagsasalita ni Aling Lorna. “Ito na po, tapos na po. Bakit ba? Ano ba ang gagawin? Eh wala pa namang pasok,” padabog na sagot ni Cherie. “Aba, eh magligpit ka naman at maglinis ng gamit at kuwarto mo,” wika ni aling Lorna. “Sige po, huwag na po kayo manermon. Sandali lang naman po eh,” sagot ni Cherie. “Aba! Batang to ayaw napagsasabihan. Para sa’yo naman ang sinasabi ko para hindi ka magaya sa iba,” paliwanag ni aling Lorna. “Nakakainis kasi itong si Egscy, sumbungero. Eh siya din naman walang ginagawa,” pabulong ni Cherie. “Ayan pati kapatid mo sinisisi mo pa. Kapag narinig ka ng tatay mo na sasagot-sagot ka diyan, siguradong magagalit sa iyo ‘yon,” wika ni aling Lorna. “Hindi na po Nay, pasensya na po sa mga sinabi ko. Hindi na po mauulit. Ang ganda na po kasi ng laro ko. Sori na po ‘nay,” sagot ni Cherie. “Magkaroon ka kasi ng disiplina sa paggamit ng cellphone, hindi yong iyan nalang ang iyong pagtutuunan ng pansin puro ML lang. Bakit nauso yang ML? Tuloy ang mga kabataan ngayon wala ng ginawa kung hindi hawak mga cellphone at puro ML. Maaari naman kayo magML. ML ba kamo? ibig sabihin ML- MagLinis, MagLuto, MagLaba. Madami pala kayong puwedeng gawin sa ML,” pabirong wika ni aling Lorna. “He he he. Ayan ate marami ka ng magagawa sa ML,” wika ni Egscy. Pag-unawa sa binasa 1. Sino ang mga tauhan sa teksto? 2. Bakit hindi maabala si Cherie sa kaniyang ginagawa? 3. Ano ang ikinagagalit ni aling Lorna nang umagang iyon? 4. Tama ba ang mga katuwiran ni Cherie sa pagsagot sa kaniyang nanay? Bakit? 5. Kung ikaw si Cherie, paano mo kakausapin at ipapaliwanag sa nanay mo ang iyong atuwiran? 6. Ano ang maiuuganay mo na dating kaalaman sa napakinggang akda? 7. Magbigay ng sariling wakas sa pinakinggan (10 puntos).