Ang pagpili na manirahan sa pamilyang tahanan ay nagbibigay daan sa pagtitipid sa gastusin sa tirahan at pagkain. Ang pagko-komyut ay nagbibigay ng dagdag na kaginhawaan sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng mga kagamitan sa bahay na di kailanagang magkaroon ng karagdagang gastos para sa labada, access sa internet, tubig, pagkain, at iba pa kaysa sa pagre-renta sa isang boarding house malapit sa paaralan. Bukod dito, ang kahalagahan ng hindi kinakailangang maglipat ng mga gamit at malapit pa ang mga estudyante sa kanilang mga pamilya at taga-suporta (Callo et.al, 2021). Kaakibat ng pananatili sa tahanan ay ang mga salik na nakaaapekto sa pagaaral ng mga mag-aaral. Karaniwan sa mga mag-aaral ay nagko-komyut sa pagpasok sa paaralan. Ang iba ay maagang umaalis ng tahanan upang mahabol ang napakaagang iskedyul ng kanilang pasok. Noong 2020, kahit bago pa lumitaw ang pandemya, nilalabanan na ng Metro Manila ang isang malaking hamon: ang urban traffic. Ang sitwasyon sa trapiko sa metro ay malawakang kinikilala bilang isa sa pinakamalala sa buong mundo (Tomtom, 2020). Sa pagsunod sa mga regulasyon ng paaralan para mapanatili ang mataas na marka, ang mga mag-aaral ay dumadaan sa karagdagang stress bukod sa mga presyon ng pangkaraniwang buhay akademiko kapag naipit sa trapiko ng lungsod. Ang pagiging late ay nagreresulta sa malaking kawalan ng mga aralin, na dumarami sa paglipas ng panahon at may negatibong epekto sa kanilang motibasyon sa pangmatagalan. Ang pag-uwi nang gabi ay nag-iiwan sa kanila ng kakulangan ng oras para sa pag-aaral ng mga aralin at pagtatapos ng mga takdang gawain. Sa ilang mga kaso, maaaring magpuyat ang mga mag-aaral, na nagreresulta sa panganib sa kanilang kalusugan (Lamudi, 2021). Kaugnay nito, ayon sa ulat ng Inquirer at ng Philippine Star noong 2019, ang mga mag-aaral, katulad ng mga nagtatrabaho na nagko-komyut papunta sa trabaho, ay nakakaranas ng mga pisikal na epekto ng problema sa trapiko sa bansa. Ang mahabang oras na inilalaan sa biyahe ay tiyak na magreresulta sa mga pagod na kalamnan, na nadadagdagan pa ng kognitibong stress mula sa pagtitiis ng ganitong mga karanasan. Ang kombinasyon ng mga bagay na ito ay nagdudulot ng pangkalahatang epekto sa pagkapagod. Katulad ng mga regular na manggagawa na nagkocommute papunta sa kanilang trabaho, kinakaharap din ng mga mag-aaral ang pisikal na epekto ng trapiko sa Pilipinas. Ang pagtitiis sa mahabang oras ng biyahe ay maaaring magdulot ng pagod sa mga kalamnan, na nagdadagdag sa kognitibong stress ng karanasan (Lamudi, 2021). Kaugnay sa problemang ito ay ang distansya o layo ng tahanan sa paaralan ang naituturing bilang isang salik na nakakaapekto sa kanilang akademikong performance (Peteros et.al., 2022). Maraming mag-aaral ang malayo ang tirahan mula sa lugar ng paaralan, kaya't kinakailangan nilang maglakad bilang kanilang paraan ng transportasyon. Ang mga mag-aaral na kailangang maglakad patungo sa paaralan ay naglalaan ng malaking oras sa kanilang biyahe, kadalasang dumating ng mas huli at nawawalan ng pagkakataon na maayos na ihanda ang sarili para sa mga aralin ng araw. Sa katunayan, higit na pinalala ng kawalan o kakulangan ng pinansiyal na suporta ang mga magaaral. Ilan sa mga mag-aaral ay walang access sa maayos na transportasyon para makapunta sa paaralan, at kung mayroon man, hindi ito kanais-nais para sa lahat. Bukod dito, ang ilan sa mga ito ay gutom sapagkat kailangan nilang mag-aga para sa kanilang klase o kaya naman ay walang sapat na pera upang mabayaran ang pamasahe at pang-kain. Kaya pagdating ng paaralan, ang ilan ay masama ang kalagayan at pagod (Buenaflor et.al., 2023). Foreign Kaugnay ng mga naunang literatura, ang distansya ng paaralan at layo ng oras ng pagko-komyut din ang pangunahing salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral . Ayon kay Owoeye at Yara (2011), naapektuhan ang akademikong performance ng mga mag-aaral ng lokasyon ng kanilang paaralan. Ang mga rural na lugar, na kinasasakupan ng kakulangan sa imprastruktura ng paaralan, kakulangan ng mga daan na madadaanan, at hindi pagsipot ng mga mag-aaral sa paaralan dahil sa kanilang naiisoladong mga nayon, ay partikular na naaapekto. Kaugnay dito, ang mahabang biyahe papuntang paaralan ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalagayan ng mga mag-aaral, lalo na sa kanilang mga oras ng pagtulog at ehersisyo (Florida, 2019). Ang mga masamang epekto ay buhat ng pagdating ng mga mag-aaral sa paaralan na pisikal at mental na pagod dahil sa mahabang oras ng biyahe, na nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang kabuuang performance (Bashaiza, 2016). Bukod dito, ang mga mahahabang biyahe ay maaaring mag-ambag sa hindi regular na pagdalo ng mga mag-aaral sa paaralan, na nakakaapekto sa kanilang pakikilahok sa kanilang mga learning activities (Williams, 2010). Ang mga mag-aaral na sumasailalim sa mahabang paglalakad papuntang paaralan ay madalas na dumadating na pagod, na nagreresulta sa kakulangan ng konsentrasyon sa klase. Ang ganitong kalagayan ay nagiging hamon para sa kanila na maisiksik sa kanilang isipan ang mga aralin nang epektibo, sapagkat ang optimal na kondisyon sa pag-aaral ay nangangailangan ng kaluwagan sa mga mag-aaral at hindi nababahala ng mga panloob at panlabas na stimuli (David, 2014). Local https://www.researchgate.net/profile/EricMatriano/publication/350387740_CASE_ANALYSIS_OF_COLLEGE_STUDENTS_LIVING_ FAR_DISTANCE_FROM_SCHOOL/links/605d24d2299bf173676bab41/CASE-ANALYSISOF-COLLEGE-STUDENTS-LIVING-FAR-DISTANCE-FROM-SCHOOL.pdf https://lifestyle.inquirer.net/350213/the-daily-struggles-of-student-commuters/ https://www.lamudi.com.ph/journal/how-is-traffic-affecting-students-in-the-philippines/ https://cpbrd.congress.gov.ph/images/PDF%20Attachments/Facts%20in%20Figures/FF202146_Traffic_Congestion_in_Metro_Manila.pdf https://www.scirp.org/journal/paperinformation.aspx?paperid=114887 https://www.researchgate.net/publication/368821421_The_Lived_Experiences_and_Challenges_ Faced_by_Indigenous_High_School_Students_Amidst_the_New_Normal_of_Education Foreign https://www.researchgate.net/publication/350387740_CASE_ANALYSIS_OF_COLLEGE_STU DENTS_LIVING_FAR_DISTANCE_FROM_SCHOOL https://scirp.org/reference/referencespapers.aspx?referenceid=3162247 https://scirp.org/reference/referencespapers.aspx?referenceid=3162279 https://scirp.org/reference/referencespapers.aspx?referenceid=3162268