Zashie: hayss sa wakas andito narin tayo. Lyra: Syempre hindi 'to pwede mawala Zashie: Nasaan ba tayo? Vina: Fort Santiago Lyra: Ang fort Santiago sinimulang itayô noong 1590 at natapos noong 1739 sa dating lugar na kinalalagyan ng matandang Maynilad na matatagpuan sa bunganga ng Ilog Pasig. Bahagi ito ng mga estrukturang bumubuo sa siyudad ng Intramuros, ang itinuturing na“Lungsod Maynila” noong panahon ng mga Español. Pinangalanan ito ni Gobernador Santiago de Vera bilang parangal sa kaniyang patron na si Santiago. Ang pader na nakapalibot dito at nagsisilbing proteksiyon ay may kapal na walong talampakan at taas na dalawampu’t dalawang talampakan. Vina: Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Fort Santiago ang nagsilbing punòng himpilan ni Heneral Douglas MacArthur at mula dito niya pinamunuan ang hukbong FilipinoAmericano laban sa mga mananakop na Hapones. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, ang Fort Santiago ay naging kasingkahulugan ng kamatayan para sa mga Filipino.