Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools – Valenzuela DALANDANAN NATIONAL HIGH SCHOOL Guro Petsa/Oras PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO Jasmin D. Amad Enero 10, 2023/ 8:00-9:00AM/ Miyerkules Baitang/Asignatura Markahan MELCs: Napapatunayan na ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat at bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan. EsP9TT-IIh-8.3 I.LAYUNIN Tiyak: a. b. c. Nasusuri ang mga kaganapan sa lipunan na may aspekto ng pakikilahok at bolunterismo Nakabubuo ng isang programa o gawaing nagpapakita ng pakikilahok at bolunterismo. Napahahalagahan na ang bolunterismo ay paraan ng paglilingkod sa kapwa at Diyos. A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan. B. Pamantayan sa Pagganap Nakalalahok ang mag-aaral sa isang proyekto o gawain para sa barangay o mga sektor na may partikular na pangangailangan (hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga). C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang Code) II.NILALAMAN A. Napapatunayan na ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat at bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan. (EsP9TT-IIh-8.3) Aralin 8: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 63-66 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Pahina 111-115 25 G. Lazaro St., Dalandanan, Valenzuela City (02) 8373-0905 dalandanan.nhs@deped.gov.ph ESP 9 Ikalawa Annotations B. 3. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 110-119 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource ESP Self-Learning Module Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet, TV at Laptop, Lapel, Mini White Board, Marker, Balita III.PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. B. Paghahabi ng layunin ng aralin Picture Analysis: Pagmasdan ang mga larawan sa pisara. Pumili ng isa mula rito at suriin kung ano ang nais ipahayag at kaugnayan nito sa nakaraang aralin. Pagbabahagi ng layunin ng aralin batay sa naunang gawain. “Pakikilahok at Bolunterismo” “Emo’yon”: (Damdaming may Tunog) Panuto: Sabihin kung naranasan mo o hindi ang sumusunod na pangyayari sa pamamagitan ng pagsusulat ng emoji tulad ng đ âš. Sa bilang na tatlo ay ipapakita ang kasagutan na may kasamang tunog. đ Ayiee! âšA-ay! C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong araw **PPST 3.2.2 -Sa bahaging ito ng aralin masusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang saloobin batay sa kanilang pagkaunawa sa mga isyung panlipunan. ī§ ī§ ī§ ī§ Walang mahingahan ng sama ng loob Walang pambili ng mga kailangan sa paaralan May malubhang sakit ang isa sa pamilya Walang maituring na tapat na kaibigan **PPST 1.7.2 -Hinihikayat ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang damdamin patungkol sa mga sitwasyon na babanggitin gamit ang mga emoji’s. Mga katanungan: 1. Ano ang iyong nadama noong maranasan mo ito? 2. Paano mo ito nalampasan? #Kala-Basa (May Kaalaman sa Pagbasa) Pagbasa ng balita 1. 2. D. Pagtalakay ng Bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 3. 4. Bawat grupo ay mamimili ng balita na kanilang babasahin. Pagkatapos basahin ay pipili ng dalawang ka grupo na magbabasa nito sa klase sa istilong nagbabalita. Sa kanilang paumpisang pananalita ay maaaring gamitin ang nakasanayang pagbati lalo na kung sila ay lumaki sa probinsya. Sasagutin ang tanong na: Ang balita ba ay may aspekto ng Pakikilahok o Bolunterismo? Ipaliwanag. Gamit ang krayterya bilang pamantayan sa pagpupuntos ng pangkatang gawain, gamit ang mini white board, bawat grupo ay bibigyan ng score upang bigyang puntos ang ginawa ng kapwa kamag-aral. Ang mga puntos na naibigay ng bawat grupo ay pagsasamasamahin at kukunin ang average na siyang magiging pinal na puntos ng gawain. Krayterya: Kalinawan sa Pagbasa – 10 puntos Kasiglahan sa Pagbasa – 10 puntos Kasagutan sa Tanong – 10 puntos Total – 30 puntos **PPST 1.4.2 -Sa bahaging ito ng aralin masusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang bokabularyo sa mga balitang kanilang babasahin. **PPST 2.2.2 -Maipamamalas ng mga mag-aaral ang paggalang at pagiging patas sa pamamagitan ng pagbibigay ng marka para sa presentasyon ng kapwa kamag-aral. ** PPST 2.1.3 -Nagbigay ng mga panuntunan sa pangkatang gawain para sa maayos na daloy nito. Pangkatang Gawain: “PrograMayan” Mula, sa ibinigay na takdang aralin ng guro, pag-usapan at planuhin ang isang proyektong isasagawa sa pamayanan o sa paaralan. Magbahagihan sa grupo. Iharap sa klase ang plano upang masuri. Tiyaking ang plano ay maglalaman ng mga sumusunod: E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Bagong Kasanayan #2 Pangalan ng Proyekto: Mga Layunin: (3) Petsa at Oras ng Paglilingkod: Lugar: Mga Komite: (Talento): Budget: (Itala ang mga kakailanganing kagamitan) Krayterya: **PPST 1.4.2 -Maipapamalas ng mga mag-aaral ang kakayanang bumuo ng budget plan para sa gagawing proyekto o programa sa pamayanan. 1. Feeding Program 2. Medical Mission 3. Disaster Preparedness Seminar 4. Community Sports Tournament BiVer (Bible Verse) Mga Hebreo 13:16 RTPV05 “At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.” F. Paglinang sa kabihasaan Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang saloobin sa pahayag na ito mula sa Bibliya. Paano natin maipapakita ang ating pakikilahok at bolunterismo sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa? Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang naunawaan sa aralin at pangkatang gawain. G. Paglalahat ng Aralin PAKIKILAHOK May kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nagiging konsiderasyon ang PERSONAL NA INTERES o Tungkulin Kapag hindi mo ginawa ay mayroong mawawala sayo **PPST 1.5.2 -Sa bahaging ito masusukat ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa kabuuan ng pangkatang gawain at pag-uugnay sa layunin ng aralin. BOLUNTERISMO Paraan ng paglilingkod at pagmamahal sa kapwa at lipunan Pagbibigay sa sarili at walang hinahangad na kapalit Kapag hindi mo ginawa ay walang mawawala sayo ngunit ikaw ay mananagot sa iyong konsensya. **PPST 2.2.2 -Hinikayat ang mag-aaral na magbahagi ng kanilang opinyon nang may paggalang at pagsasaalang-alang sa opinyon ng iba. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat P kung ito ay nagpapakita ng PAKIKILAHOK o B kung ito ay BOLUNTERISMO sa inyong sagutang papel. H. Pagtataya ng Aralin ______ 1. Tungkulin na dapat isakatuparan ng lahat ng mamamayan. ______ 2. Pagbibigay ng sarili nang walang hinihintay na kapalit. ______ 3. Pagtulong sa lipunan ng bukal sa puso. ______ 4. Pagpunta sa pagpupulong ng barangay para pag-usapan ang itatayong proyekto. ______ 5. Pagbahagi ng kaalaman ng walang sahod. KEY: 1. P 2. B I. Karagdagang gawain para sa takdang aralin o kaya remediatition. 3. B 4. P 5. B Pumili ng dalawa o higit pang mga batang kapitbahay. Tulungan sila sa kanilang mga takdang aralin o mga gawaing pampaaralan tulad ng tutorial. Maaari ring ibang uri ng pagtulong o boluntaryong gawin ang iyong gagawin. Gawin ito ng maayos at ligtas. Inihanda ni: Binigyang pansin ni: JASMIN D. AMAD Teacher III ROSALINA D. ZURBANO Head Teacher VI