Patakaran, Pondo, at Pambansang Pag-uusap: Ang Hamon Tungkol sa Karapatang Pantao at Aborsyon sa Kasalukuyang Panahon Ang pagpapalaglag o aborsyon ay isa sa mga kontrobersyal na isyu ngayon hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa maraming bansa. Tinutuklas nito ang mga maaring epektong maidulot kapag ginawang legal sa bansa ang pagpapalaglag ng babae ng embryo o fetus na nasa loob ng kanyang matres. Ito ay pwedeng magdulot ng alinman malaking prolema o benepisyo kaya’t kailangan na maingat at dahan-dahang pinag-uusapan ang ganitong paksa. Kadalasan itong pinagdedebatihan ng mga mamamayang mayroon ng iba’t ibang perspektibo ukol sa isyu. Ang kanilang paniniwala ay naiimpluwensyahan ng sariling, moralidad, relihiyon, at pananaw tungkol sa karapatan ng tao lalo’t na sa babae. Subalit para sa akin, ako’y naniniwala na mahalaga para sa bawat tao na maging bukas ang isipan tungkol sa aborsyon at isaalang-alang ang benepisyo ng pag-apruba sa pagsusulong ng kalusugan ng kababaihan kabilang na rin ang karapatan sa reproductive health care. Mahalagang isipin na mas nakalalamang ang mabuting epekto kapag ginawang legal ang aborsyon kumpara sa bigat ng rason sa hindi pagpa legal nito. Maraming mga balita ang nagpapatunay na karamihan pa sa ating bansa lalo’t na ang mga mambabatas o ibang sektor ng gobyerno ng Pilipinas ang hindi umaapruba sa pagpapa legal ng aborsyon. Ito ay maaring dahil sa rason na kasalanan ang pagpapalaglag batay sa turo ng kanilang relihiyon at sa paniniwalang kailangang pahalagahan ang buhay ng kahit sino man. Pati na rin ang kadahilanang may mga ihinahandog na alternatibong solusyon, kultural na pananaw, at iba pa. Tulad sa isang balita noong Nobyembre ng taong 2023 na nagpapahayag na pinagbabantaan ng mga mambabatas ng bansa ang national commission rights. Isinasabi sa balitang ito na maaring bawasan ang pondo ng Commision on Human Rights (CHR) dahil sa kanilang pagsuporta sa aborsyon. Ayon sa mga mamamayang nakumbinisng sumagot ng panayam, ang iilan na sumusporta sa aborsyon ay nagsasabing kinakailangan daw isaalang-alang ang pagpapalegal ng prosesosng ito dahil sa paniniwalang ito ang mas makakabuti o mas nararapat para sa karapatan at kalusugan ng mga kababaihan. Samantalang marami rin ang sumasalungat. Ayon naman sa opinyon ng iba, ang aborsyon ay isang krimen na pumapatay ng bata sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina at isa ring kasalan sa Diyos. Ngunit, ito nga ba talaga ay masasabing masama kung ito naman talaga ang nararapat at mas makabubuti sa kalagayan ng nasa sitwasyon? Ako ay sumasang-ayon sa ideyang mas nakakapagdulot ng mas mabuting epekto ang aborsyon lalo’t na sa karapatang pantao bukod-tangi na sa mga kababaihan na hindi pa handang magkaroon ng anak. Ang paggawang legal ng aborsyon ay nagpapahalaga sa karapatan ng kababaihan para sa kanyang katawan at pisikal o mental na kalusugan. Ito ay magbibigay oportunidad sa mga kababaihang nanganganib ang buhay dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis lalo na kung alam niya na ito ang mas makabubuti hindi lang sa kanyang sariling kinabukasan kundi pati na rin sa magiging anak. Hindi lahat ng nabubuntis ay ginusto ang nangyari sa kanila. Ang ilan ay biktima ng hindi makatarungang pangyayari tulad ng rape, incest, nakumbinsi dahil sa hindi sapat na kaalaman, at iba pa. Kaya naman ang aborsyon ay alternatibong solusyon para rito. Kung ang aborsyon ay gagawing legal, maaring bumaba ang kaso ng kahirapan pati na rin ang isyu sa labis na populasyon ng bansa sapagkat isang rason ang hindi planadong pagbubuntis sa mga problemang ito. Marami ang pamilyang naghihirap dahil sa rami ng kanilang anak na minsan ay hindi planado ngunit walang ibang magawa kundi buhayin ito kahit sila’y walang kakayanan. Base sa mga nalatag na argumento, katunayan, at opinyon tungkol sa aborsyon, ako ay kumbinsado sa pagsusuporta sa legalisasyon nito sa bansa. Kailangang isantabi ang mga paniniwala na hindi nagbibigay ng matalino at nakakakumbinsing rason kung bakit hindi ito maaring gawing legal. Mahalagang suportahan ang mga programa o aktbidad ng Commision on Human Rights at pagkatiwalaan ang solusyon na kanilang inaalok para sa pagpapalaganap ng karapatang pantao.