WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik • Ang wikang Filipino ay may kapangyarihan na magdikta sa pangangailangang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral na kabilang sa iba’t ibang etnikong grupo. • Ang pagtangkilik sa wika ay nangangahulugan din ng pagkaunawa ng tao sa kapangyarihan nito. • Ingles ang wikang kinikilala sa pananaliksik at masusumpungan lamang ang Filipino sa mangilan-ngilang pagaaral sa mga mag-aaral na nasa erya ng pagpapakadalubhasa sa Filipino, at alternatibong wika naman ito sa mga pananaliksik sa Kasaysayan o history at sikolohiya. Mga Gawain upang Mapayabong ang Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik 1. Pagbuo ng diksiyonaryong Filipino upang maging kasangkapan sa mga saliksik. 2. Pag-aaral at pagbuo ng mga sulatin ng mga katutubong wika. 3. Pagbuo ng glosaryong akademiko. 4. Pagtitipon at pagpapayaman ng mga materyales at sanggunian sa saliksik pangwika. 5. Pagsasalin ng mga batayang aklat sa iba’t ibang larang akademiko. 6. Pagsusulong ng sining at agham ng pagsasalin. 7. Pagtataguyod sa mga saliksik pangwika at pangkultura sa Filipino. 8. Bumuo ng mga jornal sa iba’t ibang larang gamit ang wikang Filipino. Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pananaliksik 1. Ang pananaliksik sa Filipino ang magpapahayag at bubuhay sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. 2. Makaambag sa panitikan patungkol sa pinagsasaliksikan at maibahagi sa mga sumusunod pang mangangailangan nito. 3. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik gamit ang wikang Filipino, maibabahagi ang kaalaman ng mga Pilipino at magkakaroon ng pagkilala sa sarili at maipagmamalaki kung kaya nabubuhay ang damdaming makabayan. Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pananaliksik 4. Dahil sa wikang gamit sa pananaliksik, maski ang hindi marunong o hindi gaanong nakakaintindi sa Ingles ay maiintindihan ang naisagawang pananaliksik. 5. Maibabahagi natin sa bawat isa ang mga makabagong tuklas sa bawat larang sa lahat ng mga Pilipino dahil naiintindihan ng bawat isa ang wikang Filipino. Ano ang dahilan bakit mas pinipili ang wikang Ingles? 1. Ang wikang Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo kung kaya ang mga mag-aaral ay may magandang eksposyur sa pagkatuto ng Ingles; 2. Malimit na naging balakid sa mga mananaliksik ang pagsulat sa wikang Filipino. Kalimitan, ang pagbabaybay ng mga salita ang naging hadlang para makapagsulat ng tama. Marahil may kakulangan ang bawat isa sa bagong ortograpiyang Filipino. Ano ang dahilan bakit mas pinipili ang wikang Ingles? 3. Mas maraming mga aklat at pananaliksik na nasusulat sa Ingles kaya mas madalai sa mga mananaliksik ang maghanap ng mga panitikan at pag-aaral tungkol dito; 4. Halos lahat ng prestisyosong jornal ay nalilimbag sa Ingles. Kasama sa kanilang tuntunin ang paggamit ng partikular na varayti sa pagsulat ng Ingles upang mailimbag ito; Ano ang dahilan bakit mas pinipili ang wikang Ingles? 5. Ang wikang tinatangkilik sa pagpapalimbag sa internasyonal na larangan ng pananaliksik ay Ingles, kung kaya’t mahirap na makapagpalimbag ang isang mananaliksik ng artikulo na nasusulat sa Filipino. Ang mga propesyonal ay narapat sumunod sa tuntunin ng jornal upang sila’y makapagpalimbag ng kanilang pananaliksik. Ang Programang Filipino sa Akademikong Konteksto Ang pagsulong sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino at ang pagpupunyagi sa isang estandardisadong wika ay kanilang pinag-aralan at nilinang upang lalong mapasikhay ang gamit nito sa instruksyon at pananaliksik. Ang pangangailangan ng isang moderno, estandardisado, at intelektuwalisadong wikang Filipino ay nagsilbing direksyon upang ito ay maisama bilang asignatura sa lahat ng antas at naging kurikular na kurso sa kolehiyo. Ang Programang Filipino sa Akademikong Konteksto Ang programa sa Filipino ay hindi maihihiwalay sa kontekstong sosyokultural na naninindigan sa mahigpit na ugnayan ng lipunan at kultura ng mga mag-aaral” (Inalvez, 1999) “ SANGGUNIAN • https://www.studocu.com/ph/document/university-of-thephilippines-system/international-business/kabanata-1/14430893