TABACO NATIONAL HIGH SCHOOL ARALING PANLIPUNAN 10 SECOND QUARTER KONTEMPORANEONG ISYU QUARTER 2- MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA Aralin 1 - Globalisasyon: Konsepto at Anyo Konsepto at Perspektibo Globalisasyon – ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Proseso ng interaksiyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang naitatag. Mga perennial na institusyon: 1. Pamilya 3. Pamahalaan 2. Simbahan 4. Paaralan Perpektibo at Pananaw: Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisayon 1.) Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007) Manipistasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipaglaban, magpakalat ng pananampalataya, manakop at maglakbay. 2.) Pangalawa– ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. (scholte 2005) 3.) Pangatlo– ang globalisasyon ay may 6 na “wave” o epoch o panahaon. (therborn). Para sa kanya, ito ay may tiyak na simula. 1. ika-4 hanggang 5-siglo– globalisasyon ng relihiyon(pagkalat ng Islam at kristiyanismo) 2. huling bahagi ng ika-15 siglo– pananakop ng mga Europeo. 3. huling bahagi ng ika 18– siglo hanggang unang bahagi ng ika 19-na siglo– digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay daan sa globalisasyon. 4. gitnang bahagi ng ika 19 na siglo hanggang 1918.- rurok ng impertalismong kanluranin. 5. post world war II– pagkahati ng daigdig sa 2 puwersang ideolohikal particular ang komunismo at kapitalismo. 6. post –cold war—pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbigay daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng U.S. 4.) Pang-apat-ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa pangyayaring naganap sa kasaysayan. Pananakop ng mga Romano bago pa man maipanganak si Kristo. Pag-usbong at paglaganap ng kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong roman. Paglaganap ng Islam noong ika 7-siglo. Paglakbay ng Vikings mula Europe patungong Iceland , Greenland at Hilagang Amerika. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon. Pagsimula ng pagbabangko sa mga siyudad estado sa Italya noong ika 12-siglo. 5.) ika-lima– nagsimula sa kalagitnaan ng ika 20-siglo. Pag usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang ika-2 digmaang pandaigdig. Paglitaw ng mga Multinational at Transnational Corporations. (MNC’s and TNC’s) Pagbagsak ng Soviet Union at pagtatapos ng cold war. Anyo ng Globalisasyon 1. Globalisasyong Ekonomiko- mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Paglaki ng mga korporasyon. Transnational Corporations (TNC’s)- ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang local. Halimbawa: kompanyang petrolyo, mga I.T.pharmaceutical (shell, TELUS International, at Glazo-smith klein). Multinational Corporations (MNC’s) – ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang local ng pamilihan. Halimbawa: Uniliver, Proctor at Gamble, Mc Donald’s Coca-cola, seven eleven at iba pa. Transnational Corporations (TNC) Multinational Corporations (MNC) Nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa Namumuhunang kompanya sa ibang bansa Ang produkto ay batay sa pangangailanagang Ang produkto ay hindi nakabatay sa lokal. pangangailangang lokal ng pamilihan. Hindi sentralisado ang pamamahala/ may May sentralisadong pamamahala/ may iisang sariling pamamahala o sistema. sistema. Walang subsidiary (daughter/sister company) May subsidiary Dinala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyong naging bahagi na ng pang araw araw na pamumumuhay ng mga Pilipino. Ang implikasyon nito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili. Nagtulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga produkto. Pagkalugi ng mga lokal n namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga MNC’s at TNC’sna may puhunan. Outsourcing- pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya. Halimbawa: paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit cards holder nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang. Business Process Outsourcing (BPO)- tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Knowledge Process Outsourcing (KPO) – tumutugon sa prosesong may mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal. 1. Offshoring- pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Halimbawa: Call center agent Top 100 outsourcing destinations (2016)- ang manila ang (2nd)pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo, Cebu City (7th), Davao City (66th) Note: Bangalore India and 1st . 2. Nearshoring- tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. 3. Onshoring – (domestic outsourcing), pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. Malaki ang naitulong ng industriyang ito sa pag-angat sa ekonomiya ng Pilipinas. Pangalawa ng BPO sa pinagkukunan ng dolyar ng bansa. 2. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL. mabilis na binago at binabago ng Cellphones, computer at internet ang buhay ng maraming gumagamit nito. Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking site. Ayon sa pag aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuring ang CP bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring extensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling mahiwalay ito sa kanila. Nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo. Tulad ng e-mail, napapabilis ang pag apply sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit, pagkuha ng impormasyon at balita,pagbili ng produkto o serbisyo. (e-commerce/on-line selling) Pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa. Halimbawa n lang dito ang impluwensiya ng kultura ng Koreans dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, k-pop culture at mga kauri nito. Naipapakita ang kanilang talent at talino sa paglikha ng music, videos, documentaries at iba pa na nagiging viral. Subalit, kaakibat din nito ay mgasuliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng mga files na nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan. Nakakagawa ng intellectual dishonesty dahil sa madaling pag copy ang paste ng mga impormasyon mula sa internet.Paglaganap ng cyber bullying. Pambansang siguridad -ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito. 3. GLOBALISASYONG POLITIKAL-mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig: 1. Guarded Globalization- pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyan sila ng proteksiyon upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at seribisyong nagmumula sa ibang bansa. Pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga lokal na namumuhunan.(tulong pinansyal) 2. Patas o Pantay na kalakalan (Fair Trade)-layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang ekolohikal at panlipunan. 3. Pagtulong sa “Bottom Billion”- Pagtulong sa bilyong bilyong mahihirap. Aralin 2: Mga isyu sa Paggawa Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng: 1. Mababang pasahod 2. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya 3. Job mismatch o job skills mismatch 4. Kontraktuwalisasyon 5. Mura at flexible labor. Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggwa ay ang mga sumusunod: 1. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggwa ng globally standard. 2. Mabibigyan ng pgkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan. 3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, compute/ IT programs, complex mahines at iba pang makabagong kagamitan. 4. Dahil sa mura’t mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na mag presyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal. Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa Kasanayan para sa ika 21st siglo- Deped 2012 1. Media & Technology Skills 2. Learning ang Innovation Skills 3. Communication Skills 4. Life and Career Skills Enhanced Basic Education Act of 2013 (K to 12)- RA 10533 Apat na Haligi para sa isang Disente at Marangal na Paggawa. (DOLE, 2016) 1-. Employment Pillar - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa 2-Worker’s Rights Pillar - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. 3-Social protection Pillar- Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at opotunidad. 4-Social Dialogue Pillar- Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit. = paglikha ng mga samahan o unyon (labor union). Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang sektor A. Sektor ng Agrikultura - Kakulangan sa patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may mga nanalasang sakuna, Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls at pabrika na siyang naging daahilan ng pagkasira ng biodiversity, pagkawasak ng kagubatan at nasira ang mga mabubuting lupa. B. Sektor ng Industriya (mga manggagawa sa minahan, konstruksyon, elektrisidad) Pang abuso sa Karapatan ng mga manggagawa: *mahabang oras sa trabaho *mababang pasahod *hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado *kawalan ng seguridad C. Sektor ng Serbisyo (pananalapi, komersiyo,insurance, kalakalang pakyawan at pagtingi, transportasyon, pag iimbak, komunikasyon, libangan, medikal , turismo, BPO, edukasyon) Mga suliranin: 1. over-worked 2. Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa mga call center agent. 3. Patuloy na pagbabang bahagdan ng small-medium enterprises. (SME’s) Iskemang Subcontracting- ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya(principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. 2 anyo ng subcontracting: Labor-only contracting-ang sub-contractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Job-contracting– sub contractor ay sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Unemployment at Underemployment - Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho sa ating bansa, isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas ng bansa taon taon. Sa ngayon, ang OFW na ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa. -paglaki ng ng job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng mga kompanya sa bansa. -Self employed without any paid employee ay mga trabahong para-paraan o sinasabing vulnerable employment. Mura at Flexible Labor- ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Mga karapatan ng mga Manggagawa ayon sa International Labor Organization (ILO) Halaw sa ILO, teksbuk sa Ekonomics, DepED Aralin 3: Migrasyon Migrasyon- tumutukoy sa proseso ng pag alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Mga termino sa Migrasyon: Flow (inflow, entries,immigration)- tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandararayuhang pumapasok sa siang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Outflow (departures, emigration) - bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa. Net Migration- pagbawas sa bilang ng umaalis sa bilang ng pumapasok. Stock- bilang ng nandarayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Dahilan: - hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita. - paghahanap ng ligtas na tirahan - panghikayat ng mga kapamilya o kamag anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. - pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman. Push Factor- ay mga negatibong salim na nagtutulak sa tao para mangarayuhan at lisanin ang tinitirhang lugar. Halimbawa:kaguluhan/war at kalamidad Pull factor- ay mga positibong salik na humikayat sa tao na mandarayuhan sa ibang lugar. Mga Salik na Tumutulak at humihila sa bawat Aspekto ng Migrasyon Salik na Tutumutulak (Push factor) Salik na Humihila (Pull Factor) Aspekto Pang-Ekonomiya Maaaring maglipat pook kung walang Maaaring maakit ang isang tao na oportunidad na makapaghanapbuhay mas mataas na kita sa ibang lungsod ang isang tao sa kanyang tinitirhang o ibang bansa kaya siya maglilipat pamayanan pook. Panlipunan Laganap ang krimen sa lungsod na Payapa at tahimik sa lalawigin kaya tinitirhan ng isnag pamilya kaya doon na lumipat ng tirahan ang isang nagpasiya sila na lumipat sa ibang pamilya. lungsod. Pang-kapaligiran Maaaring dahil sa madalas tamaan ng Maaaring lumipat dahil sa ganda ng bagyo ang isang lugar kaya tanawin at sariwang hangin. Epekto ng Migrasyong Panloob sa Pilipinas MABUTI DI-MABUTI Nagkakaroon ng panustos sa pang arawaraw na pangangailangan ang isang taong makahahanap ng hanapbuhay sa kanyang paglipat ng lugar. Labis na dami ng tao sa iisang lugar at nagsisikip ang mga tao sa lungsod. Nahihirapan ang gobyerno na magbigay ng serbisyo sa dmaraming bilang ng tao sa lungsod. EPEKTO NG MIGRASYONG PANLABAS SA PILIPINAS EPEKTO NG MIGRASYON SA EKONOMIYA • Ayon sa bangko sentral ng pilipinas, malaki ang naitutulong ng remittances ng OFWs sa paglago ng ekonomiya ng bansa EPEKTO NG MIGRASYON SA KARATAPANG PANTAO • Pagsasakripisyo ng mga Filipino OFW • Pang-abuso ng mga recruitment agency • Nagiging biktima ng international syndicate o organized crime syndicate • Illegal recruitment EPEKTO NG MIGRASYON SA EDUKASYON • Malaking demand para sa mga skilled workers at mga propesyunal. • Maraming kabataang ang nahihikayat na kumuha ng kurso tulad ng Engineering, Marine Transportation, Marine Engineering, atbp. dahil mataas ang demand nito. EPEKTO NG MIGRASYON SA POLITIKA • R.A. No. 9189 o Absentee Voting Act of 2003 • R.A. No. 8042 o Migrant Worker and other Filipinos Act of 1995 upang lalong maprotektahan ang mga migrating OFW. -------------------------------------------------------------GOODLUCK------------------------------------------------------------Prepared by: AP 10 Teachers TNHS