QUARTER 1 SUMMATIVE ASSESSMENT Filipino sa Piling Larang-Akademik SY 2023-2024 Pangalan: ____________________________________ Antas:_______________________________________ Petsa:___________________ Iskor: ___________________ I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Isang akademikong sulatin na nagtatalaga ng mga mahahalagang diskusyon at desisyon. a. Katitikan ng pulong c. Sanaysay b. Panukalang proyekto d. Posisyong Papel 2. Uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. a. Katitikan ng pulong c. Sanaysay b. Panukalang proyekto d. Posisyong Papel 3. Layunin nitong mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan. a. Katitikan ng pulong c. Sanaysay b. Panukalang proyekto d. Posisyong Papel 4. Isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa. a. Talumpati c. Buod b. Katitikan ng Pulong d. Posisyong Papel 5. Pagpapaikli sa isang mahabang sulatin o pelikula. a. Talumpati c. Buod b. Katitikan ng Pulong d. Abstrak 6. Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos ng pag-aaral. Ito ay kabuuang nilalaman ng papel. a. Bionote c. Buod b. Katitikan ng Pulong d. Abstrak 7. Isang maikling tala ng personal na impormasyon tungkol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan. a. Bionote c. Buod b. Lakbay sanaysay d. Abstrak 8. Uri ng sulatin na kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kanyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa ginawang paglalakbay. a. Bionote c. Buod b. Lakbay sanaysay d. Abstrak 9. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. a. Panlibang c. Panghikayat b. Parangal d. Pagbibigay-galang 10. Matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o pagtanggap. a. Panlibang c. Panghikayat b. Parangal d. Pagbibigay-galang 11. Ilan sa mga halimbawa nito ay ay tulad sa simbahan, sa kongreso, sa pangangampanya ng mga politiko, ganun din ang abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman. Hinihikayat nito ang mga tagapakinig upang paniwalaan ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng mga pangangatuwiran at pagpapakita ng mga ebidensiya. a. Panlibang c. Panghikayat b. Parangal d. Pagbibigay-galang 12. Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito. a. Panlibang c. Panghikayat b. Parangal d. Pagbibigay-galang 13. Isa sa mga akademikong pagsulat na nililinang ng isang mag-aaral upang siya ay maging mahusay sa pakikipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan. a. Tula c. Talumpati b. Sanaysay d. Bionote 14. Ito ay pinaghahandaan, sinusulat, at binabasa ng nagtatalumpati. Binibigyan ng sapat na oras upang maghanda ang tagasalita. a. Impromptu c. Pasaulo b. Pabasa d. Panghihikayat 15. Ito ay talumpating sinulat o minemorya pa. Hinahandaan muna ang talumpati at pinag-eensayo muna bago gawin. a. Impromptu c. Pasaulo b. Pabasa d. Panghihikayat 16. Mahalagang matiyak ng isang mananalumpati ang __________ ng pagdiriwang bilang gabay sa pagbuo ng talumpati. a. Tema o paksa c. Tagapakinig b. Hulwaran o Balangkas d. Buod 17. Dapat mabatid ng mananalumpati ang edad at kasarian ng mga _____________ sapagkat kailangang magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng mga ____________. a. Tema o paksa c. Tagapakinig b. Hulwaran o Balangkas d. Buod 18. Sa bahaging ito pumupukaw ang atensyon ng mga tagapakinig upang ipabatid sa kanila ang mensahe ng talumpati maaaring sumipi ng mga anekdota, pahayag, kasabihan, awitin at mga nakatatawag pansing pangyayari na maiuugnay sa pangunahing ideya ng talumpati. a. Pangunahing ideya c. Katawan b. Introduksiyon d. Paninindigan 19. Sa bahaging ito, ipinapahayag ang katuwiran hinggil sa isyu. Layunin nito ang hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob ito sa _________ ng talumpati. a. Pangunahing ideya c. Katawan b. Introduksiyon d. Paninindigan 20. Wikang pambansa ng Pilipinas. a. Pilipino b. Filipino c. Tagalog d. Ingles 21. Ama ng Wikang Pambansa. a. Jose Rizal b. Andres Bonifacio c. Henry Gleason d. Manuel Quezon 22. Lahat ay ginagamit bilang wikang panturo, maliban sa isa: a. Pilipino b. Filipino c. Mother Tongue d. Ingles 23. Paggamit ng isang wika lamang. a. Multilingguwal b. Monolingguwal c. Bilingguwal d. Heterogenous 24. Ginagamit upang makapagbigkas ng mga salita. a. Salita b. dila c. lalamunan d. bibig 25. Kahulugan ng salitang Latin na lengua. a. Teorya b. kamay c. wika d. dila 26. Ginagamit biang lungua franca ng buong mundo. a. Pilipino b. Filipino c. Mother Tongue d. Ingles 27. Ginagamit sa pormal na edukasyon. a. Wikang panturo b. Wikang Opisyal c. Wikang Pambansa d. Katutubong wika 28. Wikang ginagamit mula Kindergarten hanggang Ikatlong Baitang. a. Filipino b.Ingles c. Mother Tongue d. Mandarin 29. Ginagamit na wika sa Ikaapat na baitang hanggang Sekondarya. a. Filipino b. Ingles c. Mother Tongue d. Mandarin 30. Anyo ng pagsulat ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat. a. Paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. Pangangatwiran