Uploaded by RICA G. SARMIENTO

2ND QUARTER - LONG TEST ESP

advertisement
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
STO. DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL
Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija
MAHABANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG MARKAHAN
S.Y. 2023-2024
Pangalan:_____________________________________ Marka:_________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________
Lagda ng Magulang: _____________________
I. MARAMING PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Suriin itong maigi at alamin ang sagot sa bawat tanong. Isulat ang
letra ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.
_____1. Ano ang kakambal ng kalayaan?
a. paghahangad
b. pananagutan
c. pagsusumikap
d. pagnanais
_____2. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang ________________.
a. dignidad
b. isip
c. kilos-loob
d. konsensya
_____3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masabi ang kanyang mga hinanakit
b. nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.
c. nakokonsensya si Matilde sa kanyang ginagawang pangongopya habang nagsusulit.
d. hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya nakainom ng alak.
_____4. Paano mo malalaman kung napanagutan mo ang paggamit ng kalayaan?
a. nagagawa ang lahat ng gusto mo.
b. nagagawa mong salungatin ang Batas-Moral.
c. nakahanda kang harapin ang kahihinatnan ng iyong pagpapasiya.
d. nagagawa mong salungatin ang Batas-Moral.
_____5. Ang kasalungat ng Kalayaan ay ______________.
a. pag-aalpas
b. pagkakulong c. pagkawala
d. pagtakas
_____6. Piliin ang TAMANG paraan sa pagpapahayag nang malaya sa sariling kalooban o damdamin.
a. pagsasabi sa iba ng mga mapanirang balita tungkol sa pangyayari.
b. pagpapahayag ng damdamin sa mahinahon, magalang na paraan at may katotohanan.
c. pagpapahayag ng mga hinaing sa pamahalaan sa social media.
d. pag-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga fake news mula sa social media.
_____7. Ano ang maidudulot ng paggamit ng tao sa maling konsensiya?
a. maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
b. masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. hindi na nakokonsiyensiya sa paggawa ng maling gawain.
d. makakamit ng tao ang kabanalan.
_____8. Ayon kay Esther Esteban (1990) ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral.
Ano ang ibig sabihin nito?
a. ang kalayaan ay nasa Batas-Moral
b. ang kalayaan ay nakabatay sa pagsunod sa Batas -Moral
c. nakatakda ang kalayaan sa Batas –Moral
d. sumunod tayo sa batas para maging malaya.
_____9. Ano ang nagbibigay ng direksyon sa kalayaan?
a. batas-moral b. dignidad
c. isip
d. konsensya
_____10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa Batas-Moral?
a. pakikipagrelasyon sa may asawa
c. pakikipag-usap sa mga hindi kakilala
b. pakikihalubilo sa iba
d. pakikipag-usap sa mga kakilala
_____11. Ito ang kaakibat ng Kalayaan.
a. batas-Moral b. kakayahan
c. responsibilidad
d. puso
_____12. Nakakulong ka sa pansarili mong interes. Anong ugali ang ipinakita ng tao sa pahayag na ito?
a. magiliw
b. mahabagin
c. makasarili
d. matapang
_____13. Sobra ang sukli na natanggap ni Jose nang bumili siya ng pagkain sa isang karinderya. Alam niyang kulang
na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng
konsiyensiya ang ginamit ni Jose?
a. tamang konsiyensiya
c. maling konsiyensiya
b. purong konsiyensiya
d. mabuting konsiyensiya
_____14. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita nang dapat at malayang pagpapahayag sa sariling kalooban
maliban sa ____________________.
a. pagsasabi ng may buong paggalang sa kausap.
b. pagpapahayag ng pagsang-ayon sa fake news mula sa social media.
c. pagpapahayag ng damdamin sa mahinahong paraan.
d. pagsasabi ng damdamin o saloobin ng may buong katotohanan.
_____15. Nakapasok ang pusa sa inyong bahay at kinain ang inyong mga ulam sa mesa. Ano ang dapat mong gawin?
a. pagpapapaluin ang pusa kapag nahuli.
b. isara ang maaaring daanan ng pusa at takpan ang mga ulam na natira sa mesa.
c. itapon ang pusa sa malayong lugar.
d. walang anomang gagawin sa pangyayari.
II. Panuto: Isulat ang TAMA sa iyong sagutang papel kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung ang pahayag
ay hindi wasto:
_____1. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos dahil ang tao ay may katangiang taglay Niya.
_____2. Malaya tayong sabihin ang lahat ng nais natin mabuti man ito o nakakasakit ng ating kapwa.
_____3. May kakayahan ang taong buuin ang kanyang sariling pagkatao.
_____4. Ang tao ay kumikilos batay sa sinasabi o idinidikta ng kanyang isip.
_____5. Ang pag-iisip ng hayop ay katulad ng pag-iisip ng tao.
_____6. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
_____7. Nalalaman ng tao ang kahihinatnan niya mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang paglaki.
_____8. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao.
_____9. May kakayahan ang tao na piliin o kontrolin ang kanyang gagawin.
_____10. Ang kilos-loob ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni.
III. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung anong sangkap ng tao ang umiiral sa mga ito. Iguhit ang
kung puso
ang umiiral,
kung kamay ang umiiral, at
kung isip ang umiiral.
_____1. Lubos ang iyong ligaya nang magkakasama ang inyong buong pamilya ngayong pasko.
_____2. Naipasok mo ang bola sa ring ng basketball.
_____3. ikaw ay nakakita ng isang babala at ito ay iyong sinunod.
_____4. Umiyak ang iyong nakababatang kapatid nang mahulog ang kanyang tinapay.
_____5. Ikaw ay nanalo sa patimpalak ng Matematika.
_____6. Tinulungan mong tumayo ang batang nadapa.
_____7. Nalungkot ka nang umalis ang iyong ama patungong Saudi para maghanapbuhay.
_____8. Nabuo mo ang puzzle game ng iyong kapatid.
_____9. Tumulong ka sa nanay mo sa pagluluto ng pananghalian.
_____10. Tuwang- tuwa ka nang makatanggap ka ng regalo mula sa iyong mga magulang.
IV. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
nagpapakita ng paggalang at pagmamahal at isulat naman ang MALI kung hindi.
________1. Pagliban sa klase dahil sa pagdalo ng birthday party ng iyong kaibigan.
________2. Pagmamano sa mga nakakatanda.
________3. Pangangalaga sa kapaligiran.
________4. Pagsunod sa utos ng magulang.
________5. Pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan.
Address:
Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija
Tel. No.:
Email Address: tradeschoolsdnts@gmail.com
Facebook Page: Sto. Domingo National Trade School
Webpage:
Download