Uploaded by EDELYN SARIOLA

SDO GR9-2NDQ-AP-LOCALIZED-SLEM

advertisement
SDO MALABON CITY
9
ARALING
PANLIPUNAN
Project L.E.N Localized and Engaging Note
Ikalawang Markahan
Ekonomiks
Ika-siyam na
Linggo Aralin1.1
Demand
INAASAHAN
Ang aralin na ito ay tatalakay sa pag-aaral ng isa sa pangunahing sangay ng
Ekonomiks - ang Maykorekonomiks (Microeconomics).
Layunin nito na
maunawaan ang maliliit na aspeto ng ekonomiya tulad ng Sambahayan - demand
at Bahay Kalakal - supply. Sinusuri nito ang kilos, gawi at ugali ng bawat mamimili
at
prodyuser gayundin ang galaw ng pamilihan
Inihanda ang aralin na ito upang lalong maunawaan ang kahulugan at mga
mahahalagang konsepto ng Demand sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain tulad
ng pagsusuri ng teksto, pagsagot sa maikling mga pagsasanay na lilinang sa
inyong kaalaman.
Sa araling ito, inaasahan na:
• nailalahad ang kahulugan ng Demand;
• naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto ng Demand; at
• nasusuri ang bahaging ginampanan ng Demand sa pang araw-araw na pamumuhay
bilang mag aaral at bahagi ng pamilya.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang
sagot.
___1. Ano ang tumutukoy sa dami ng mga produkto at serbisyo na gusto at
kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon?
A. Alokasyon
B. Ceteris Paribus
C. Demand
D. Pamilihan
___2. Ano ang salitang Latin na ipinagpapalagay na tanging ang presyo lamang
ang maaaring makapagpabago sa dami ng produkto na gusto at kayang bilhin ng
mga mamimili?
A. Alokasyon
B. Ceteris Paribus
C. Demand
D. Per diem
___3. Ano ang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at dami ng bibilhing
produkto?
A. Batas ng Demand B.Demand
C.Demand Curve
D.Demand Function
___4. Ano ang tawag sa mathematical equation na nagpapahayag ng ugnayan ng
presyo at demand?
A. Batas ng Demand B.Demand
C.Demand Curve
D.Demand Function
___5. Ano ang tawag sa isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto
na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo?
A. Batas ng Demand
B. Demand Curve
C. Demand Function
D. Demand Schedule
___6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa Batas ng Demand?
A. Ang presyo at dami ng bibilhing produkto ay walang kaugnayan.
B. Ang presyo at dami ng bibilhing produkto ay magkapantay sa bilang.
C. Ang presyo at dami ng bibilhing produkto ay may tuwirang ugnayan.
D. Ang presyo at dami ng bibilhing produkto ay may hindi-tuwirang ugnayan.
___7. Paano mailalarawan ang linya ng Demand Curve?
A. Downward Sloping Curve
C. Upward Sloping Curve
B. Intersecting Curve
D. Multiple Curve
___8. Ano ang tawag sa terminolohiya na mas malaki ang halaga ng kinikita ng
isang indibidwal kapag mas mababa ang presyo ng mga produkto at serbisyo?
A. Demand
B. Demand Curve
C. Income Effect D. Substitution Effect
___9. Ano ang tawag sa termonolihiya na kapag tumaas ang presyo ng mga
produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit na produkto na mas mura.
A. Demand
B. Demand Curve
C. Income Effect
D. Substitution Effect
___10. Sino ang tumutugon sa kanyang mga pangangailangan sa pamamagitan ng
pagbili?
A. Bahay Kalakal
B. Konsyumer
C. Prodyuser
D Sambahayan
BALIK TANAW
Sa nagdaang aralin, natalakay na ang mga pangunahing konsepto na
dapat malaman sa pag-aaral ng Ekonomiks. Naaalala mo pa kaya? Halina’t
balikan natin ang araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa isang gawain na
pinamagatang Text Twist.
TEXT TWIST!
Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang makabuo ng isang salita. Gawing
gabay sa pagsagot ang mga pangungusap.
1. Ito ay ang tumutukoy sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang
bagay kapalit ng ibang bagay.
____________________________
2. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang mga
tao
upang mabuhay. ____________________________
3. Ito ay ang suliranin na kung saan ang mga pinagkukunang
yaman ay limitado upang matugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
____________________________
4. Ito ay ang mekanismo ng distribusyon o pamamahagi ng
pinagkukunang yaman,produkto o serbisyo.
____________________________
5. Ito ay ang paglikha ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan ng tao.
_______________________
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Malaking bahagi ng ating pang araw-araw na pamumuhay ang pagtugon sa ating
mga pangangailangan at kagustuhan. Nakasalalay ang ating pagtugon sa ating
mga pangangailangan ayon sa ating kakayahan na bumili. Ang pamilihan ay isang
mahalagang lugar upang matugunan ang ating mga pangangailangan at demand.
Ano nga ba ang Demand? Sa araling ito, matututuhan natin ang kahulugan ng
Demand at ang mga mahahalagang konsepto nito. Matatalakay rin ang bahaging
ginampanan ng Demand sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at
bahagi ng pamilya.
DEMAND
Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon upang
tugunan ang kanyang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan.
Upang maunawaan ng mas mabuti ang demand, may iba’t ibang konsepto na dapat
matutuhan. Ito ay ang mga sumusunod;
A.
B.
C.
D.
E.
Batas ng Demand
Ceteris Paribus
Demand Schedule
Demand Curve
Demand Function
MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG DEMAND
PAGSASALARAWAN
KAHULUGAN
BATAS NG DEMAND
Isinasaad ng Batas ng Demand na kapag
tumaas ang presyo ng produkto, bumababa
ang dami ng bibilhing produkto ng mamimili.
Ngunit, kapag ang presyo ay bumaba,
dumarami ang produkto na bibilhin ng mamimili
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
Ang Ceteris Paribus ay nangangahulugang
ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quantity demanded, habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakaaapekto rito.
(Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral,p.115)
DEMAND SCHEDULE
Demand Schedule ng Bubble
Gum
Presyo
Quantity
Demanded
(Qd)
Php 1
5
Php 2
40
Php 3
30
Php 4
20
Php 5
10
DEMAND CURVE
P
R
Ang Demand Schedule ay isang talahanayan
na nagpapakita ng dami ng handa at kayang
bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
(Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral,p.121)
Qd- Quantity Demanded
Ang Demand Curve ay kurba na nagpapakita
ng hindi tuwirang relasyon ng presyo at
quantity demanded (Qd). Makikita na ang
nabuong linya o kurba ay downward sloping
curve.
E
(Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral,p.116)
S
Y
O
Quantity Demanded
DEMAND FUNCTION
Qd = f (P)
Ang Demand Function ay isang mathematical
equation na nagpapakita ng kaugnayan ng
Quantity demanded (Qd) at Presyo.
Ang Qd o quantity demanded ang
tumatayong dependent variable,
at ang presyo (P) naman ang
independent variable.
Sinasabing ang kaugnayan o relasyon ng presyo at quantity demanded ay
magkasalungat o hindi tuwiran tulad ng isinasaad ng Batas ng Demand dahil sa
konsepto ng Ceteris Paribus.
Isa pa sa masasabing dahilan ay ang: Income Effect at Substitution
Effect. Ipinapahayag sa Income Effect na mas malaki ang halaga ng kinikita ng
isang indibidwal kapag mas mababa ang presyo ng mga produkto at serbisyo.
Habang sa Substitution Effect, kapag tumaas ang presyo ng mga produkto, ang
mamimili ay hahanap ng pamalit dito na mas mura. Sa madaling salita, mas marami
ang kanyang mabibili at pantugon sa kanyang mga pangangailangan. (Ekonomiks,
Modyul para sa Mag-aaral, p.116)
Ang Demand sa Pang araw-araw na Buhay
Mahalaga na alamin ng mga mamimili ang kanilang mga pangangailangan
upang ito ay higit na mabigyan ng pansin sa pagtatakda ng kanyang demand.
Nararapat na bigyang prayoridad ang mga pangunahing pangangailangan kaysa
sa mga kagustuhan lalo na sa panahon ng kagipitan at krisis. Inaasahan din na
ang mga mamimili ay magiging matalino sa kanilang pagpili at pagbili.
Sa mga mag-aaral, mahalaga na matukoy ang iyong mga pangunahing
pangangailangan sa paaralan ng matugunan ito nang maayos. Ito ay
makakatulong sa iyong pag-aaral gamit ang iyong limitadong baon o allowance.
Malaking tulong sa inyong pamilya ang bawat sentimo na iyong matitipid at
maitatabi.
Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa isa hanggang dalawang
pangungusap.
1. Bakit mahalaga ang kaalaman sa Demand sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay?
2. Paano makakatulong sa iyo ang kaalaman sa mga konsepto ng Demand bilang
isang mag-aaral?
GAWAIN
I-GRAPH MO!
Panuto: Gamit ang Demand Schedule ng Face Mask, iguhit ang Demand Curve sa
kahon na nasa katabi nito.
Demand Schedule ng Face Mask
Presyo
Quantity Demanded
(Qd)
Php 10
50
Php 20
40
Php 30
30
Php 40
20
Php 50
10
Demand Curve ng Face Mask
TANDAAN
Nakasalalay sa matalinong pagdedesisyon ng isang indibidwal ang
pagtatakda ng kanyang demand sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalaga
na matukoy ang mga pangunahing pangangailangan o basic needs upang
matugunan ito at makamtam ang kapakinabangan.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Gawain: CROSSWORD PUZZLE
Panuto: Sagutin ang crossword puzzle sa tulong ng mga clue sa ibaba.
1
2.
7.
8.
3.
4.
5.
6.
PAHALANG
1. __________ effect ang nagsasaad na kapag tumaas ang presyo ng mga
produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit dito na mas mura.
2. __________ Sloping Curve ang linya na mabubuo sa pagguhit ng Demand
Curve.
3. __________ ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang
bilihin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
4. Demand___________ ang tawag sa kurba na nagpapakita ng hindi tuwirang
relasyon ng presyo at quantity demanded.
5. Hindi __________ ang kaugnayan ng presyo at quantity demanded ayon sa
Batas ng Demand.
6. Ipinapahayag sa .__________ effect na mas malaki ang halaga ng kinikita ng
isang indibidwal kapag mas mababa ang presyo ng mga produkto at serbisyo
PABABA
7. Demand __________ ay isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng handa at
kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
8. Demand __________ ay isang mathematical equation na nagpapakita ng
kaugnayan ng Quantity demanded (Qd) at Presyo.
__________ Paribus ang pagpapalagay na ang presyo lamang ang tanging
salik na maaaring makapagpapabago sa quantity demanded.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
FACT o BLUFF
Panuto: Isulat ang FACT kung ang pangungusap ay tama at BLUFF naman kung
mali.
Kung Bluff, itama ang salitang nakasalungguhit na nagpamali sa
pangungusap.
________ 1. Ang Maykroekonomiks ay nakatuon sa pagsusuri ng maliliit na bahagi
ng ekonomiya tulad ng demand.
_______ 2. Ang Demand ay ang dami ng produkto at serbisyo na kaya at gustong
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
_______ 3. Ayon sa Batas ng Demand, habang tumataas ang presyo ng mga
bilihin ay tumataas din ang dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang bilhin
ng mga mamimili.
_______ 4. Ipinagpapalagay sa Ceteris Paribus na tanging ang presyo lamang ang
maaaring makapagpabago sa dami ng produkto na gusto at kayang bilhin ng
mamimili
_______ 5. Ang Demand Curve ay nagpapakita ng kurba na pababa o
downward sloping curve.
______ 6. Ang Demand Function ay ang talahanayan na nagpapakita ng dami ng
handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
_______ 7. Sa Demand Function, ang Qd o quantity demanded ang tumatayong
independent variable.
_______ 8. Ang presyo at dami ng bibilhing produkto ay may hindi-tuwirang ugnayan.
_______ 9. Ipinapahayag sa Income Effect na mas malaki ang halaga ng kinikita
ng isang indibidwal kapag mas mababa ang presyo ng mga produkto at
serbisyo.
_______ 10. Ayon sa Substitution Effect, kapag tumaas ang presyo ng mga
produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit dito na mas mura.
Ika-siyam na
Linggo Aralin
1.2
Demand Function
INAASAHAN
Ang aralin na ito ay nakatuon sa pagtalakay sa paraan ng pagkokompyut ng
demand gamit ang Demand Function. Sa pamamagitan nito, maipapakita ang
ugnayan ng presyo at ng quantity demanded (Qd) sa pamamagitan ng
Mathematical
Equation.
Ito rin ay tutulong sa iyo upang higit na malinang ang iyong kakayahan sa
pagkokompyut at upang higit pang maunawaan ang mga konsepto ng demand na
mahalaga sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa araling ito, inaasahan na:
• natutukoy ang kahulugan ng Demand Function;
• nakokompyut ang demand at presyo gamit ang Demand Function; at
• nailalahad ang bahaging ginampanan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
___1. Ano ang tawag sa mathematical equation na nagpapahayag ng ugnayan ng
presyo at demand?
A. Batas ng Demand B.Demand C. Demand Curve
D.Demand Function
___2. Ano ang tumatayong independent variable sa demand function?
A. Demand
B. Demand Schedule
C. Presyo
D. Quantity Demanded
___3. Ano naman ang tumatayong dependent variable sa demand function?
A. Demand
B. Demand Schedule
C. Presyo
D. Quantity Demanded
___ 4. Ano ang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at dami ng bibilhing
produkto.
A. Batas ng Demand B.Demand
C.Demand Curve
D.Demand Function
___5. Ano ang ginagamit na mathematical sign sa demand function upang ipakita
ang hindi tuwirang kaugnayan ng presyo at demand?
A. + (plus)
B. – (minus)
C. X (multiply)
D. ÷ (divide)
BALIK TANAW
Sa nagdaang aralin, natalakay ang Demand at ang mga pangunahing
konsepto nito. Naaalala mo pa kaya? Halina’t balikan natin ang araling ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa isang gawain na tinawag na Picture Analysis.
PICTURE ANALYSIS
Panuto: Suriin at tukuyin ang mga larawan na may kaugnayan sa mga konsepto ng demand.
Ilagay ang sagot sa patlang.
1.
2.
_________________
3.
_______________
4.
_________________
________________
5.
_________________
Ceteris Paribus
Demand Schedule
Batas ng Demand
Demand Curve
Demand
Demand Function
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Sa nakaraang aralin natutuhan ang kahulugan ng demand at ang mga
mahahalagang konsepto nito tulad ng Batas ng Demand, Ceteris Paribus, Demand
Curve at Demand Schedule. Natutuhan din ang kahalagahan ng kaalaman sa
Demand sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at bahagi ng
pamilya. Sa pagkakataon na ito, lilinangin pa ang iyong kaalaman ukol sa isa sa
mga mahalagang konsepto ng Demand, ang Demand Function.
DEMAND FUNCTION
Ang Demand Function ay isang mathematical equation na nagpapakita ng
ugnayan ng presyo at demand. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng dalawang
variables: ang Quantity demanded (Qd) na dependent variable at Presyo (P) na
independent variable. Ang Quantity demanded (Qd) ay nagbabago, maaaring
tumaas o bumaba sa bawat pagbabago ng Presyo (P).
Gamit ang Demand Function ay maaaring makuha ang dami ng quantity
demanded kung may given na presyo o vice versa. Ito ang ginagamit na
mathematical equation sa demand function;
I-substitute ang presyo na piso (P1.00) sa variable na P at i-multiply ito sa slope
na -20. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 100. Mula rito ay makukuha ang
sagot na 80 na quantity demanded.
Qd= 100 – 20P
P= 1
Qd=?
Qd= 100 – 20 (1)
Qd= 100 – 20
Qd= 80
Sa pagkakataon naman na ang hinahanap ay ang Presyo, i-substitute ang
quantity demanded na 80 at kompyutin gamit ang given na Demand Function.
Magkakaroon ng paglilipat o transposition of values at ilalapat ang rule of
transposition na magbabago ang sign ng mga inilipat na variables. Ito ang isang
halimbawa.
Qd= 100 – 20P
P= ?
Qd= 80
Qd= 100 – 20P
80 = 100 – 20P
2 0P = 100 – 80
Transposition
20P = 20
20P = 20
20
20
P= 1
Ipinapakita ng resulta, sa halagang P1.00, walumpu (80) ang quantity demanded ng
mamimili gamit ang Demand Function na Qd= 100 – 20P.
Sa pamamagitan ng pagkompyut, matatanto ang dami ng gusto at kayang bilhin
na mga produkto at serbisyo ng mga mamimili.
Pamprosesong Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isa hanggang dalawang
pangungusap.
1. Bakit mahalaga ang pagkompyut ng demand gamit ang Demand Function?
2. Paano makakatulong sa iyo ang kaalaman sa pagkompyut nito bilang
magaaral at bahagi ng pamilya?
GAWAIN
MAGCOMPUTE TAYO!
Panuto: Gamit ang Demand Function, kompyutin ang Presyo at Quantity Demanded
na nakatala sa Demand Schedule.
Demand Schedule ng Tinapay
Qd= 60 – 3P
Presyo
Quantity Demanded
Php 6
_____
Php _____
33
Php 12
_____
Php _____
15
Php 18
_____
TANDAAN
Ang Demand Function ay nagpapakita ng hindi tuwirang kaugnayan ng
Demand at Presyo sa pamamagitan ng isang mathematical equation. Nakasalalay
pa rin sa presyo ang dami ng produkto at serbisyo na kayang bilhin ng mga
mamimili. Sa kabila nito, dapat isaalang-alang ng bawat indibidwal ang kanyang
mga prayoridad o kinakailangan sa bawat pagbili at pagkonsumo. Laging isaisip
ang konsepto ng needs over wants upang matugunan ang lahat ng
pangangailangan lalo na sa panahon ng kagipitan, pagsubok, kalamidad at
pandemya.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN COMPUTE and GRAPH
Panuto: Gamit ang Demand Function, kompyutin ang Presyo at Quantity
Demanded na nasa Demand Schedule. Makatapos sagutan, ilapat ang Demand
Curve gamit ang mga datos sa talahanayan.
A.
Demand Schedule ng Mangga
Qd= 200 – 5P
Presyo
Quantity Demanded
Php _____
Php 10
175
_____
Php _____
125
Php 20
_____
Php _____
75
B.
Iguhit sa loob ng kahon ang Demand Curve ng Demand Schedule
ng mangga na nakuha sa naunang Gawain.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
SANG-AYON o HINDI SANG-AYON
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung Sang-ayon ka sa pangungusap at (X) naman kung HindiSang-ayon.
Sang-ayon
1. Ang Demand Function ay isang
mathematical equation na ginagamit
upang maipakita ang relasyon ng presyo
at dami ng demand.
2. Ang Quantity demanded sa demand
function ay tumatayong independent
variable.
3. Negative (-) ang sign sa demand function
upang maipakita ang hindi tuwiran na
kaugnayan ng presyo at quantity
demanded.
4. Ang presyo sa demand function ay
tumatayong dependent variable.
5. Sa pagkompyut ng demand function,
presyo ang maaaring makapagpabago
sa quantity demand.
Hindi Sang-ayon
Ika-sampung
Linggo Aralin 2.1
Mga Salik na nakakaapekto sa
Demand at Paglipat ng Demand
Curve
INAASAHAN
Sa nakaraang aralin, natalakay ang kahulugan ng Demand at ang iba’t ibang
konsepto nito. Natutuhan din na nakasalalay sa matalinong pagdedesisyon ng
isang indibidwal ang pagtatakda ng kanyang Demand sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Mahalaga na matukoy ang mga pangunahing pangangailangan o
basic needs upang
matugunan ito at makamtam ang pinakamataas na kapakinabangan.
Ang aralin na ito ay nakatuon naman sa pagtalakay ng iba pang mga salik na
nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo. Matutuhan din ang iba’t ibang
konsepto na kaugnay nito. Tatalakayin din ang paglipat ng kurba o Demand Curve
dahil sa iba’t ibang salik ng Demand.
Sa araling ito, inaasahan na:
• naiisa-isa ang mga salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo;
• naipaliliwanag ang iba’t ibang paggalaw ng Demand Curve; at
• naiuugnay ang Elastisidad ng Demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
___1. Alin sa mga sumusunod ang mga produktong itinuturing na komplementaryo?
A. sapatos at medyas
C. toothpaste at toothbrush
B. radyo at pahayagan
D. cellphone at wifi
___2. Anong salik na nakakaapekto sa demand ang tinutukoy sa pahayag.
“Sinasabing tumataas ang demand ng isang tao kapag gusto o hilig nya ang
isang produkto o serbisyo.”
A. Inaasahan
B. Kita
C. Panlasa
D. Presyo
___3. Ano ang tawag sa kabayaran na tinatanggap ng isang tao kapalit ng
kanyang ginawang produkto o serbisyo at batayan ng dami ng produkto at serbisyo
na maaaring mabili?
A. Demand
B. Inaasahan
C. Kita
D. Presyo
___4. Ano ang tawag sa isang nakagawian na nahihikayat ang isang indibidwal na
bumili ng produkto kapag marami ang bumibili o tumatangkilik nito?
A. Bandwagon Effect
B. Kita
C. Inaasahan
D. Panlasa
___5. Ano ang tawag sa produkto na pamalit o alternatibo sa ginagamit na produkto?
A. Complementary Goods
C. Normal Goods
B. Inferior Goods
D. Substitute Goods
___6. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa
pagtaas ng kita?
A. Complementary Goods
C. Normal Goods
B. Inferior Goods
D. Substitute Goods
___7. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa
pagbaba ng kita?
A. Complementary Goods
C. Normal Goods
B. Inferior Goods
D. Substitute Goods
___8. Anong salik ng demand ang tinutukoy sa pahayag na ito? “Nahihikayat na
bumili ang isang mamimili kapag nakikita niya na marami ang tumatangkilik sa
isang produkto.”
A. Dami ng Mamimili
B. Kita
C. Inaasahan
D. Panlasa
___9. Alin sa mga Demand Curve ang nagpapakita ng pagtaas ng demand?
A.
B.
C.
D.
___10. Alin sa mga Demand Curve ang nagpapakita ng pagbaba ng demand?
A.
B.
C.
D.
BALIKTANAW
Sa nagdaang aralin, natalakay ang mga Demand at ang mga pangunahing
konsepto ng Demand na dapat matutuhan. Naaalala mo pa kaya? Halina’t balikan
natin ang araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa isang gawain na Crack the
Code
CRACK THE CODE!
Panuto: Buuin ang mga salita sa bawat bilang. Maging gabay sa pagsagot ang alpabetong
Pilipino. (A-1, B-2, C-3, D-4, E-5 at iba pa)
Halimbawa:
E
5
K O N O M I K S
11 15 14 15 13 9 11 19
1. Ito ay sangay ng Ekonomiks na nakatuon sa maliit na bahagi ng ekonomiya.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
13 1 25 11 18 15 5 11 15 14 15 13 9 11 19
2. Dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
___ ___ ___ ___ ___ ___
4 5 13 1 14 4
3. Ipinapahayag nito na hindi tuwiran o salungat ang ugnayan ng presyo at ng demand.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
2 1 20 1 19
14 7
4 5 13 1 14 4
4. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at demand
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
4 5 13 1 14 4
3 21 18 22 5
5. Ito ay isang talahanayan na nagpapakita ng presyo at quantity demanded.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
4 5 13 1 14 4
19 3 8 5 4 21 12 5
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Natalakay sa nakaraang aralin ang konsepto ng Ceteris Paribus na
ipinagpapalagay na tanging ang presyo lamang ang salik na maaring
makapagpabago sa Demand. Ngunit, maliban dito, may iba pang mga salik na
maituturing na maaaring makapagpabago sa dami ng produkto at serbisyo na gusto
at kayang bilhin ng mga mamimili.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND
Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. May iba’t
ibang salik na nakakaapekto sa dami ng produkto na maaaring bilhin ng mga
mamimili. At ito ang mga sumusunod.
MGA SALIK
1. KITA
KAHULUGAN
Ang Kita ay ang kabayaran na
tinatanggap ng isang tao kapalit ng
kanyang ginawang produkto o serbisyo.
Ito ang nagiging batayan sa pagtatakda
ng kanyang badyet.
Itinuturing na likas sa isang
indibidwal na kapag tumaas ang
kanyang kita ay tataas din ang kanyang
paghahangad na makabili ng mas
maraming produkto.
May
dalawang
konsepto
na magkaugnay ang kita at
demand.
Kapag dumadami ang demand sa
mga produkto dahil sa pagtaas ng kita,
ang mga produktong ito ay maituturing
na normal goods. Samantala, ang
inferior goods naman ang tawag sa
mga produktong tumataas ang demand
kasabay sa pagbaba ng kita.
2. PANLASA
Sinasabing tumataas ang demand ng
isang tao kapag gusto o hilig nya ang
isang produkto o serbisyo. Halimbawa,
mas naaayon sa iyong panlasa ang milk
tea kesa sa fruit juice. Samakatuwid,
mas marami ang maiinom mo nito kesa
sa fruit juice.
(Ekonomiks, Modyul para sa Magaaral,
p.121)
3. DAMI NG MAMIMILI
Nahihikayat na bumili ang isang
mamimili kapag nakikita niya na marami
ang tumatangkilik sa isang produkto o
serbisyo. Ang tawag sa
konsepto na ito ay bandwagon effect.
Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng
demand ng isang produkto o serbsiyo.
(Ekonomiks, Modyul para sa Magaaral,
p.121)
4. PRESYO NG MGA MAGKAKAUGNAY
NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO
Itinuturing na magkaugnay ang
mga
produkto
kung
ito
ay
komplementaryo o pamalit sa isa’t isa.
Ang mga komplementaryo ay mga
produktong sabay na ginagamit, ibig
sabihin hindi magagamit ang isang
produkto kung wala ang complement
nito.
Halimbawa, kape at asukal,
toothpaste at toothbrush. Kapag
tumaas
ang
presyo
ng
komplementaryong produktong ito ay
magiging dahilan ng pagbaba ng
demand sa produkto.
Sa kabilang banda, ang substitute
goods ay ang mga produkto na pamalit
sa ginagamit na produkto. Ang pagtaas
ng presyo ng produkto na dating
ginagamit ang nagtutulak sa mamimili
na humanap ng kapalit na produkto.
Halimbawa, ang panlabang sabon na
palagi mong ginagamit ay nagtaas ng
presyo at nagresulta sa pagbaba ng
demand nito dahil ang mamimili ay
bumili ng ibang brand pamalit sa
produktong ito. Tumaas naman ang
demand sa produktong ipinalit.
(Ekonomiks, Modyul para sa
Mag-aaral, p.121)
5. INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA May mga pangyayari sa hinaharap
PRESYO SA HINAHARAP
na hindi inaasahan na maaaring
magtulak sa pagtaas o pagbaba ng
presyo. Dahil dito, maaaring tumaas o
bumaba rin ang demand.
Halimbawa, ibinalita na may pagtaas
sa presyo ng produktong petrolyo sa
susunod na araw, asahan na tataas
ang demand ng nasabing produkto sa
kasalukuyan habang mababa pa ang
presyo nito.
Sa
kabilang
banda,
kung
inaasahan ng mga mamimili na bababa
ang presyo ng isang produkto, hindi na
muna bibili ng marami ang mga tao sa
kasalukuyan. Maghihintay na lamang
sila na bumaba ang presyo bago bumili
ulit ng marami.
(Ekonomiks, Modyul para sa Magaaral,
p.121)
PAGLIPAT NG DEMAND CURVE
Sa nakaraang aralin ay natalakay ang konsepto ng Demand Curve. Ito ay isang
grapikong paglalarawan ng kaugnayan ng presyo at ng quantity demanded. Ang
kurba ay inilalarawan bilang downward sloping curve upang ipakita ang hindi
tuwiran na relasyon ng presyo at ng quantity demanded.
Ang mga salik na natalakay ay maaaring makapagpabago o makaapekto sa
galaw ng kurba ng demand o ng demand curve. May dalawang paggalaw ang
demand curve, papuntang kanan o kaliwa.
Paglipat ng Demand Curve sa Kanan
Paglipat ng Demand Curve sa Kaliwa
Ang pagtaas ng demand ay
makapagdudulot ng paglipat ng kurba
ng demand sa kanan. Mangyayari ang
paglipat ng demand sa kanan kung ang
mga pagbabago ng salik na hindi
presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng
demand.
Ang pagbaba ng demand ay
makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng
demand sa kaliwa.
Mangyayari ang
paglipat ng demand sa kaliwa kung ang
mga pagbabago ng salik na hindi presyo
ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand.
(Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral,
p.122)
(Ekonomiks, Modyul para sa Magaaral,
p.122)
Pamprosesong Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isa hanggang dalawang pangungusap.
1. Ano ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa Demand?
2. Paano nakakaapekto ang mga salik ng demand sa pagtaas at sa pagbaba nito?
GAWAIN
Gawain 1: Fill me up!
Panuto: Buuin ang salitang nasa loob ng kahon. Gawing gabay sa pagsagot ang
mga pangungusap sa bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa mga produktong sabay na ginagamit.
K
M
E
E
T
Y
2. Ito ang tawag sa pagdami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng
kita.
O
M
L
G
O
S
3. Isa itong kagawian na nahihikayat ang isang indibdwal na bumili ng produkto
kapag marami ang bumibili o tumatangkilik nito.
B
N
W
G
N
F
E
T
4. Ito ang tawag sa mga produkto na pamalit o alternatibo sa ginagamit na
produkto.
S
B
T
I
U
E
G
O
S
5. Ito ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba
ng kita.
N
F
R
O
G
O
S
Gawain 2: Arrow Up or Arrow Down
Panuto: Isulat ang
kung tataas ang Demand
kung bababa ang Demand.
_______ 1. Hinihikayat ang mga mamamayan na magsuot ng facemask upang
maiwasan ang COVID-19.
_______ 2. May bagong istilo ng mga damit sa pamilihan.
_______ 3. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit.
_______ 4. Inaprubahan ang hiling na taas-sweldo ng mga manggagawa.
_______ 5. Usong-uso ngayon at kinahihiligan ang ube cheese pandesal.
TANDAAN
Ang pagbabago sa Demand (pagtaas at pagbaba) ay nakabatay sa
iba’tibang salik tulad ng Kita, Panlasa, Dami ng Mamimili, Presyo ng Magkaugnay
na Produkto sa pagkonsumo at ang Inaasahan ng Mamimilili sa Presyo sa
hinaharap. Maaari rin nitong mabago ang paggalaw ng demand curve papuntang
kanan o kaliwa.
Nakasalalay pa rin sa mga mamimili ang kanyang matalinong pagpapasya
sa dami ng produkto at serbisyo na bibilhin. Nararapat din na isaisip ang
kasalukuyang sitwasyon o pangyayari upang matugunan ang lahat ng kanyang
mga pangangailangan. Sa panahon ng kalamidad, krisis o pandemya, mabuti na
unahin na tugunan ang mga pangunahing pangagailangan kaysa sa mga
kagustuhan.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN Gawain: Matching Type
Panuto: Tukuyin kung tataas o bababa ang demand ng mga salitang nakasalungguhit.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Hanay A
Hanay B
_____ 1. Iniutos ng DOH ang pagsusuot ng face shield
sa mga pampublikong sasakyan.
_____ 2. Tumaas ang presyo ng toothpaste na komplementaryo
Ng toothbrush.
_____ 3. Nag anunsyo ng pansamantalang pagsasara
ang pabrika ng sardinas.
_____ 4. May price roll back sa mga produktong petrolyo
ngayong araw.
_____ 5. May promo na libreng call at text
sa bawat pagbili ng sabong panlaba
A.
B.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Lagyan ng tsek (( ) ang kolum ng TAMA, kung sang-ayon ka sa pahayag
ukol sa salik ng Demand at lagyan naman ng (X) ang kolum ng MALI kung hindi
ka sang-ayon.
PAHAYAG
TAMA MALI
1. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang
kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.
2. Ang complementary goods ay mga produktong maaaring
magkaroon ng alternatibo.
3. Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o
linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing
produkto sa kasalukuyan.
4. Ang demand curve na papunta sa kanan ay nagpapakita
ng pagbaba ng demand.
5. Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, inaasahan
na bababa ang demand ng komplementaryo nito.
6. Nahihikayat na bumili ang isang mamimili kapag nakikita
niya na marami ang tumatangkilik sa isang produkto o
serbisyo. Ang tawag sa konsepto na ito ay bandawagon
effect.
7. Sa pagbaba ng kita, ang kakayahang bumili ng produkto
ay nababawasan din.
8. Ang demand curve na papunta sa kaliwa ay nagpapakita
ng pagtaas ng demand
9. Normal goods ang tawag sa mga produktong tumataas
ang Demand kasabay sa pagbaba ng kita.
10. Tanging ang presyo lamang ang nakakaapekto sa
Demand.
Ika-sampung
Linggo Aralin 2.2
Elastisidad ng Demand
INAASAHAN
Ang aralin na ito ay nakatuon sa pagtalakay ng Elastisidad ng Demand,
kahulugan at ang mga uri nito. Matutuhan sa aralin na ito ang pagkompyut ng
Elastisidad ng Demand. Tatalakayin din sa aralin na ito ang kaugnayan ng
Elastisidad ng Demand sa mga produkto at serbisyo na bahagi ng araw-araw na
pamumuhay.
Sa araling ito, inaasahan na:
• nailalahad ang kahulugan ng Elastisidad ng Demand;
• naipaliliwanag ang iba’t-ibang uri ng Elastisidad ng Demand;
• nakokompyut ang Elastisidad ng Demand; at
• naiuugnay ang Elastisidad ng Demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
____1. Anong elastisidad na may pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo
sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
_____ 2. Anong uri ng Elastisidad ang mga produktong walang pamalit tulad ng
bigas, asukal, langis at iba pa?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 3. Anong uri ng Elastisidad ang may mas malaki ang naging bahagdan ng
pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng
presyo?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 4. Anong uri ng Elastisidad na mas maliit ang naging bahagdan ng
pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago sa presyo?
A. Elastic
B. Elastisidad ng Demand C. Inelastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 5. Ano ang tawag sa pagsukat ng bahagdan ng pagtugon ng mamimili sa
bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo?
A. Elastic
B. Elastisidad ng Demand
C. Inelastic
D. Perfectly Inelastic
_____6. Anong uri ng Elastisidad na sa iisang presyo, ang quantity demanded ay
hindi matanto o mabilang?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
_____ 7. Anong uri ng Elastisidad na pareho ang bahagdan ng pagbabago ng
presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
____ 8. Saan kabilang na uri ng Elastisidad ang mga produktong maliit lamang
ang kinokonsumo ng mga mamimili tulad ng kendi, asin, kandila, karayom,
aspile at iba pa?
A. Inelastic
B. Perfectly Elastic
C. Perfectly Inelastic
D. Unitary
_____ 9. Anong uri ng Elastisidad ang nagpapakita na ang quantity demanded ay
hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo?
A. Elastic
B. Elastisidad ng Demand C. Inelastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 10. Saan kabilang na uri ng Elastisidad ang mga produktong may pamalit o
alternatibo ay sumasalamin sa anong uri ng elastsidad?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
BALIK TANAW
Sa nakaraang aralin, natalakay ang mga salik na nakakaapekto sa Demand
at ang paglipat ng Demand Curve sa kanan o kaliwa. Naaalala mo pa kaya?
Halina’t balikan natin ang araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa isang gawain
na tinawag na Graph it Up!
GRAPH it UP!
Panuto: Iguhit ang paglipat ng Demand Curve sa kanan o kaliwa batay sa
mga sumusunod na sitwasyon.
SITWASYON
1. Pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa.
2. Isang kilalang artista ang ginawang modelo ng
isang brand ng kape.
3. Pagtaas ng presyo ng asukal. (demand sa
kape)
4. May mahabang pila sa bagong bukas na
Chocolate Store.
5. Ibinalita ang pagpasok ng isang malakas na
bagyo sa bansa. (demand sa bigas)
DEMAND CURVE
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Natalakay sa nakaraang aralin ang mga salik na nakakaapekto sa Demand
maliban sa presyo at ang paglipat ng Demand Curve. May mga pagkakataon na
tumataas at bumaba ang Demand bunga ng mga salik, lalo na ang presyo. Ngunit,
mahalaga na malaman kung gaano kalaki o kaliit ang magiging pagbabago ng
demand sa bawat pagtaas at pagbaba ng presyo.
PRICE ELASTICITY OF DEMAND
Ang Price Elasticity of Demand ay tumutukoy sa paraan na ginagamit
upang masukat ang pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng quantity
demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.
Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng mga
produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa ibaba. ((Ekonomiks, Modyul para
sa Mag-aaral, p.131)
ɛd = %ΔQd
Kung saan:
ɛd = Price Elasticity of Demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Quantity Demanded
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
%ΔP
ɛd = %ΔQd
%ΔP
%ΔQd
%ΔP
= Q2 – Q1 x 100
100 Q1 + Q2
2
= P2 - P1 _ x
P1 + P2
2
Halimbawa:
Nakagawian nang bumili ng pang almusal na puto si Jen sa palengke sa
halagang Php 5.00 bawat isa. Sa presyong ito, nakakabili siya ng 10 piraso.
Ngunit, biglang nagtaas ang presyo ng puto sa halagang Php 8.00 bawat isa.
Nakakabili na lamang siya ng 7 piraso ng puto sa bago nitong presyo.
Kompyutin ang Elastisidad ng Demand.
Qd1= 10
P1= 5
Qd2= 7
P2= 8
%ΔQd
= 7 – 10_
%ΔP
= 8–5
x 100
10 + 7
=
=
2
-3_
17
2
-3_
8.5
x 100
5+8
2
= _3_ x 100
13
2
x 100
x 100
= _3_ x 100
6.5
= -0.35.29 x 100
%ΔQd= - 35.29 %
= 0.4615 x 100
%ΔP = 46.15 %
ɛd = %ΔQd = -35.29%
%ΔP
46.15 %
ɛd= I -0.76 % I - Inelastic
Ang resulta ay nagpapakita na ang demand ay Price Inelastic. Ang demand ay
masasabing Price Inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago
ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. Ibig sabihin, ang
ganitong pagtugon ng mamimili ay makikita sa mga produktong kailangangkailangan tulad ng bigas, asukal at iba pa.
Tandaan ang konsepto ng absolute value (I-I), na kapag ang coefficient ay negative, ito ay
ituturing na positive coefficient.
Atin pang unawain ang elastisidad sa pamamagitan ng pagtalakay sa iba’tibang uri at
halimabawa nito.
URI NG
ELASTISIDAD
1. Elastic
%ΔQd > %ΔP
|ε| > 1
2. Inelastic
|ε| < 1
KAHULUGAN
HALIMBAWA
Price Elastic ang demand kapag
mas malaki ang naging bahagdan
ng pagtugon ng quantity demanded
kaysa sa bahagdan ng pagbabago
ng presyo. Ibig sabihin, sa bawat
1% na pagtaas ng presyo ang
demand
ng
mamimili
ay
mababawasan ng higit sa 1%.
Ang ganitong pagtugon ng mamimili
ay nagagawa dahil maraming
alternatibo o pamalit na produkto.
(Ekonomiks, Modyul para sa
Magaaral, p.133)
Kung tumaas
ang
presyo
ng
karneng
baboy,
bumili na lamang ng
manok o isda na may
mas
mababang
presyo.
Price Inelastic ang demand kapag
mas maliit ang naging bahagdan ng
pagbabago ng quantity demanded
kaysa sa bahagdan pagbabago ng
presyo.
Mga
produktong walang
pamalit
tulad
ng
bigas, asukal, mga
produktong petrolyo
at iba pa.
Mga
produktong
hindi
gaanong kailangan o
luho
tulad
ng
gadgets, mamahaling
pabango at iba pa.
Halimbawa, ang Price Elasticity of
Demand ay 0.5. Ibig sabihin, sa
Ang produkto
bawat
isang
bahagdan
ng
ay
pangunahing
pagbabago sa presyo ay may
pangagailangan.
katumbas na 0.5 na bahagdan ng
pagbabago ng quantity demanded.
Mga serbisyo
Ibig sabihin, ang mamimili ay tulad ng supply ng
walang kakayahan na bawasan ng tubig at kuryente.
mas marami ang demand sa bawat
pagtaas ng presyo dahil kailangangkailangan ang mga produkto o
serbisyo na bibilhin.
(Ekonomiks, Modyul para sa
Magaaral, p.133)
ang
bahagdan
ng
3. Unitary o Unit Pareho
pagbabago ng presyo sa bahagdan
Elastic
ng
pagbabago
ng
quantity
|ε|= 1
demanded.
Sa ganitong sitwasyon, kayang
tumbasan ng pagbaba ng demand
ng mamimili ang anumang pagtaas
ng presyo.
4. Perfectly
Elastic
|ε| = ∞
5. Perfectly
Inelastic
Demand
|ε| = 0
- Mga produktong
maliit lamang ang
kinokonsumo ng mga
mamimili tulad ng
kendi, asin, kandila,
karayom, at iba pa.
Anumang pagbabago sa presyo ay
magdudulot ng
infinite
na
pagbabago sa quantity demanded.
Ipinapakita rito na sa iisang presyo,
ang quantity
demanded ay hindi matanto o
mabilang.
Ang mamimili ay handang bumili ng
maraming produkto sa isang
takdang presyo.
(Ekonomiks, Modyul para sa
Magaaral, p.134)
Nangangahulugan ito na ang -Mga gamot sa sakit
quantity demanded ay hindi na kailangang
tumutugon sa pagbabago ng inumin.
presyo. Ang mamimili ay handang
tumanggap na anumang pagtaas ng
presyo.
Ang dami ng bibilhing
produkto o demand ay hindi
magbabago.
Ang produktong ito ay lubhang
napakahalaga na kahit anong
presyo ay bibilhin pa rin sa
magkaparehong dami.
(Ekonomiks, Modyul para sa
Magaaral, p.134)
Pamprosesong Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isa hanggang dalawang
pangungusap.
1. Bakit mahalaga ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo?
2. Paano ka tumutugon sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga produkto?
GAWAIN Gawain 1: TUKOY-ELASTISIDAD
Panuto: Isulat ang E-kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Elastic, I.E kung Inelastic, Ukung Unitary, P.E kung Perfectly Elastic at P.I.E kung Perfectly Inelastic.
_____ 1. Ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng
quantity demanded ay pareho.
_____ 2. Ang mamimili ay handang tumanggap sa anumang pagtaas ng presyo.
Ang
dami ng bibilhing produkto o demand ay hindi
magbabago.
_____ 3. Ang bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded ay mas malaki kaysa sa
bahagdan ng pagbabago ng presyo.
_____ 4. Ang mamimili ay walang kakayahan na bawasan ng mas marami ang
demand sa bawat pagtaas ng presyo dahil kailangang-kailangan ang mga
produkto o serbisyo na bibilhin.
_____ 5. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang quantity demanded ay hindi
matanto
o mabilang.
GAWAIN 2: PRODUKTO-SURI
Panuto: Tukuyin ang uri ng elastisidad kabilang ang mga sumusunod na produkto.
1. Mga bakuna para sa bagong silang na sanggol. _______________
2. Ang bigas na siyang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. _______________
3. Ang buko juice na mas mura at masustansiya kaysa sa softdrinks.
______________
4. Patuloy ang pagkonsumo ng kuryente sa kabila ng pagtaas ng presyo bawat kilowatt hour.
_______________
5. May bagong labas na modelo ng cellphone na may magandang camera. ___________
Elastic
Inelastic
Perfectly Elastic
Unitary
Perfectly Inelastic
TANDAAN
Ang pagsukat ng bahagdan ng pagtugon o reaksiyon ng mga mamimili sa
bawat pagbabago ng presyo (pagtaas o pagbaba) ay tinatawag na Elastisidad ng
Demand. May iba’t-ibang uri ng elastisidad - ang Elastic, Inelastic, Unitary,
Perfectly Elastic at Perfectly Inelastic. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing
may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula ng
Elastisidad. Nakabatay pa rin sa halaga o presyo ng produkto at serbisyo ang
dami ng maaaring mabili ng isang mamimili. Isinaalang-alang din ng mga mamimili
ang kahalagahan at prayoridad ng mga produkto at serbisyo na bibilhin sa kanyang
pang- araw-araw na pamumuhay.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN Gawain: Computation Time
Panuto: Kompyutin ang Elastisidad ng Demand ng mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay
ang tamang sagot sa kahon.
SITWASYON
SAGOT
URI NG
ELASTISIDAD
1. Bumili si Cita ng 8 pirasong itlog sa halagang Php 6.00
bawat isa. Ngunit, makaraan ng ilang araw, tumaas
ang presyo nito sa Php 8.00 bawat isa.
Nakabili na lamang siya ng 4 na pirasong itlog.
2. May sakit na hypertension si Melo. Araw-araw
umiinom siya ng 3 gamot para rito. Ang presyo ng
gamot sa hypertension ay nagkakahalaga ng Php
10.00 bawat piraso. Makalipas ang isang linggo,
naging Php 12.00 ang halaga ng bawat isang gamot
ni Melo. Hindi nagbago ang dami ng gamot na
kanyang binibili sa kabila ng pababago ng presyo.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Ano ang tawag sa pagsukat ng bahagdan ng pagtugon ng mamimili sa
bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo?
A. Elastic
B. Elastisidad ng Demand C. Inelastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 2. Anong uri ng elastisidad na mas maliit ang naging bahagdan ng
pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo?
A. Elastic
B. Elastisidad ng Demand C. Inelastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 3. Anong uri ng elastisidad ang nagpapakita na ang quantity demanded ay
hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo?
A. Elastic
B. Elastisidad ng Demand C. Inelastic D. Perfectly Inelastic
_____ 4. Anong uri ng elastisidad kabilang mga produktong may pamalit o alternatibo?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
_____ 5. Anong uri ng elastisidad na pareho ang bahagdan ng pagbabago ng
presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
_____ 6. Anong uri ng elastisidad na sa iisang presyo, ang quantity demanded ay
hindi matanto o mabilang.
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Unitary
_____ 7. Anong uri ng elastisidad kabilang ang gamot na bibilhin sa kahit anong
presyo dahil ito ay lubhang mahalaga?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 8. Anong uri ng elastisidad kabilang ang mga produktong walang pamalit
tulad ng bigas, asukal at langis?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 9. Anong uri ng elastisidad na mas malaki ang bahagdan ng pagtugon ng
quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo?
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly Elastic
D. Perfectly Inelastic
_____ 10. Anong uri ng elastisidad kabilang ang mga produktong maliit lamang ang
kinokonsumo ng mga mamimili tulad ng kendi, asin, kandila, karayom, at iba pa?
A. Inelastic
B. Perfectly Elastic
C. Perfectly Inelastic
D. Unitary
Ika-labingisang
Linggo Aralin
3.1
Suplay
INAASAHAN
Ang araling ito ay naglalaman ng mahahalagang konsepto tungkol sa Suplay tulad ng:
Batas ng Suplay, Supply Schedule, at Supply Curve.
Matapos mong maunawaan ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
•
•
•
•
nailalahad ang kahulugan ng Suplay;
natatalakay ang konsepto ng Batas ng Suplay;
naiisa-isa ang pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng Suplay; at
nailalahad ang bahaging ginampanan ng Suplay sa pang araw-araw na pamumuhay
bilang mag aaral at bahagi ng pamilya.
UNANG PAGSUBOK
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng prodyuser
sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon?
a. Demand
b. Pamilihan
c. Stock
d. Suplay
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa Batas ng Suplay?
a. Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang
produkto.
b. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili.
c. Presyo ang pangunahing batayan sa dami ng produkto o serbisyong ipagbibili.
d. Kapag bumababa ang presyo, nadadagdagan ang dami ng nais ipagbili.
3. Ang kurba ng suplay ay gumagalaw mula ibaba, paitaas at pakanan o upward sloping.
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Salungat na ugnayan ng presyo at suplay.
b. Walang pagbabago sa presyo at suplay.
c. Direktang ugnayan ng presyo at suplay.
d. Walang ugnayan ang presyo at suplay.
4. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
c. Supply schedule
b. Demand curve
d. Demand schedule
5. Alin sa mga sumusunod ang grapikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity
supplied?
a. Supply curve
c. Supply schedule
b. Demand curve
d. Demand
BALIKTANAW
A. Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang
sagot.
Inverse o Magkasalungat
Demand Curve
Downward Sloping
Demand
Demand Schedule
Batas ng Demand
Presyo
1. Ang dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa
iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon ay tinatawag na __________.
2. Ang __________ ay isang talahanayang nagpapakita sa dami ng produkto
o serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo.
3. Inihahayag ng Batas ng Demand ang __________ na ugnayan sa pagitan
ng presyo at quantity demanded nito. (ceteris paribus).
4. Ang __________ ay ang grapikong paglalarawan sa demand schedule.
5. Ang kurba ng demand ay kumikilos mula itaas, pababa, at pakanan o
__________.
B. Isulat sa patlang ang D↑ kung ang demand ay tataas at D↓ kung ang demand ay
bababa.
_____ 1. Apektado ng red tide ang mga tahong sa dagat ng Mariveles, Bataan.
_____ 2. Ipinag-utos ng pamahalaan ang pagsusuot ng face mask bilang pagiingat sa Covid-19.
_____ 3. Nawalan ng trabaho si Ariel dahil sa pandemya.
_____ 4. Paglaki ng populasyon.
_____ 5. Naglunsad ng Mega Sale ang isang kilalang mall sa bansa.
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Kahulugan ng Suplay
Tungkulin ng bahay-kalakal na lumikha ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan (demand) ng tao. Ang bahay-kalakal ang bubuo
ng plano ng produksyon na magtatakda ng suplay.
Ang suplay ay ang dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili
ng bahay-kalakal sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Sinasaka ng magbubukid ang kanilang bukirin upang may palay na
maipagbili. Gumagawa ng tinapay ang mga panadero upang may maikalakal ang
mga ito. Nag-aalaga ng baboy, baka at manok ang mga negosyante upang may
maibentang karne. Ang palay, tinapay at karne ay halimbawa ng supply na
makatutugon sa demand ng mga tao.
Batas ng Suplay (Law of Supply)
Ang pagtatakda ng suplay ay nakasalalay sa plano ng produksyon ng
bahaykalakal o prodyuser. Sa tuwing magpapasiya ang prodyuser sa dami ng
produkto na ipagbibili, ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan. Kung kaya’t,
kapag mataas ang presyo ng produkto ay naeengganyo ang prodyuser na taasan
ang supply nang sa gayon ay kumita. Kabaliktaran naman kung mababa ang
presyo ay nawawalan ng gana ang prodyuser na mag-supply ng marami dahil liliit
ang kanyang kita.
Ang Batas ng Suplay ay nagsasaad na may direkta o positibong ugnayan ang
presyo sa quantity supplied. Kapag tumaas ang presyo, tumataas din ang dami ng
produkto o serbisyong handa at kayang ipagbili. Ngunit kapag ang presyo ay
bumaba, bababa din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
Sa nasabing batas, ang presyo lamang ang nakaaapekto sa supply (ceteris
paribus).
Presyo (P) ↑, Supply (Qs) ↑
Presyo (P) ↓, Supply (Qs) ↓
Higit na mauunawaan ang Batas ng Suplay sa pamamagitan ng supply schedule at
supply curve.
Supply Schedule
Talahanayan 1. Supply Schedule ng Produktong
Ang supply
Tsinelas
schedule
ay
isang
Punto
Presyo
Quantity
talahanayan na nagpapakita
Supplied
ng dami ng produkto o
(Php)
serbisyo na handa at kayang
(Qs)
ipagbili ng prodyuser sa
A
80
30
iba’tibang presyo sa isang
takdang panahon.
B
100
40
Batay sa talahanayan,
may tatlong mahahalagang
C
120
50
impormasyon ang supply
D
140
60
schedule. Makikita dito kung
ano
ang
ipinagbibiling
E
160
70
produkto, ang presyo ng
produkto,
at
dami
ng
ipagbibiling produkto.
Halimbawa, sa halagang PHp 80 ay 30 piraso ng tsinelas ang handa at
kayang ipagbili ng prodyuser (punto A). Sa presyong Php 100, 40 piraso naman
ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser (punto B). At sa pagtaas pa ng presyo
ay tataas din ang bilang ng ipagbibiling tsinelas.
Kapansin-pansin sa talahanayan na kapag mataas ang presyo ay mataas
din ang quantity supplied. Samantalang mababa ang quantity supplied kapag
mababa ang presyo. Ito ang nagpapaliwanag sa Batas ng Supply.
Supply Curve
Kapag ang mga datos sa supply schedule ay inilagay sa isang graph o
talangguhit, mabubuo ang supply curve. Ito ay tumutukoy sa grapikong
paglalarawan ng direkta o positibong ugnayan ng presyo at dami ng produkto o
serbisyong handang ipagbili ng prodyuser.
Ang bawat kombinasyon ng
presyo at quantity supplied sa
Talahanayan 1 ay may katumbas
na punto sa Pigura 1. Halimbawa,
ang punto A ay naglalarawan na sa
presyong Php 80 ay kaya at
handang magbili ang prodyuser ng
30 piraso ng tsinelas. Sa punto B
ay may 40 quantity supplied sa
halagang Php 100. At kung
pagdurugtungin ang mga punto na
ito
hanggang
punto E
ay makabubuo ng supply curve na
nasa direksyong upward sloping na
nagpapakita ng
pagtaas
ng quantity supplied
kasabay
ng pagtaas ng presyo na isinasaad
din ng Batas ng Supply.
Figure1 Supply Curve ng Produktong Tsinelas
Sa pamamagitan ng supply curve ay makikita ang ugnayan ng presyo ng isang
produkto at quantity supplied nito.
Pagkilos sa Supply Curve
Ipinapakita sa graph ang
paggalaw sa
supply
curve. Mangyayari ang
paggalaw
sa supply
curve kung ang salik na
nakaaapekto ay ang sariling
presyo ng produkto na
nagbabago. Kung ang presyo ng
tsinelas ay tumaas mula Php 80
patungong Php 100, makikita sa
graph na lilipat ang punto A sa
punto B. Kung bababa naman
ang presyo mula Php 160
patungong Php 140, ang punto E
ay lilipat sa punto D.
GAWAIN
A. Supply-an Mo. Isulat sa kahon ang kahulugan ng mga konsepto upang mabuo ang graphic
organizer
B.Pagbuo ng Graph. Ilipat sa graph ang nakasaad sa supply schedule upang
makabuo ng supply curve.
Supply Schedule ng Produktong Bag
Punto
A
B
C
D
E
Presyo (P)
100
150
200
250
300
Quantity Supplied (Qs)
25
30
35
40
45
C.
Ayon sa Graph. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa nabuong
supply curve.
1. Sa anong presyo pinakamalaki ang supply ng produktong bag?
2. Sa anong presyo pinakamababa ang supply ng produktong bag?
3. Ano ang mangyayari sa dami ng supply kung mababa pa sa Php 100 ang magiging
presyo ng bag?
4. Ano ang mangyayari sa dami ng supply kung tataas pa sa Php 300 ang presyo ng
bag?
D.
Aprub o Dis-aprub. Isulat ang like kung aprub at dislike kung dis-aprub sa mga
sumusunod na pahayag.
_____ 1. Iwasan ang pagsasamantala sa panahon ng kagipitan.
_____ 2. Maraming pagawaan ang nagsara dahil sa pandemya.
_____ 3. Dapat ding isipin ng negosyante ang kapakanan ng mga mamimili.
_____ 4. Umangkat ang pamahalaan ng bigas kahit sapat ang supply sa
bansa.
_____ 5. Bumili ng bagong oven si Karen para makagawa ng mas maraming
cake na order ng kanyang mga kaibigan.
TANDAAN
➢ Ang suplay ay ang dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili
ng bahay-kalakal sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
➢ Ang Batas ng Suplay ay nagsasaad na may direkta o positibong ugnayan
ang presyo sa quantity supplied. Kapag tumaas ang presyo, tumataas din
ang dami ng produkto o serbisyong handa at kayang ipagbili. Ngunit kapag
ang presyo ay bumaba, bababa din ang dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili.
Presyo (P) ↑ , Supply (Qs) ↑
Presyo (P) ↓ , Supply (Qs) ↓
➢ Gumagamit ng Supply Schedule at Supply Curve upang mas madaling
masuri ang ugnayan ng presyo (P) at dami ng supply (Qs).
➢ Ang supply schedule ay isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng
produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang
presyo sa isang takdang panahon.
➢ Ang supply curve ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng direkta o
positibong ugnayan ng presyo at dami ng produkto o serbisyong handang
ipagbili ng prodyuser.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Pag-isipan. Sagutin ang mga katanungan batay sa natutuhan. Gumamit ng isa hanggang
dalawang pangungusap.
1. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa suplay ng mga produkto sa pamilihan?
___________________________________________________________________
2. Bakit kailangang mapanatili ang sapat na suplay ng mga produkto sa pamilihan?
___________________________________________________________________
3. Paano nakaaapekto sa iyo bilang mamimili ang kaalaman tungkol sa konsepto ng
suplay?
___________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang dapat mong isaalang-alang maliban sa
kumita? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. Ang konsepto ng supply ay bahagi na buhay ng tao. Ano ang pinakatamang pakahulugan
nito?
a. Dami ng produkto o serbisyong handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’tibang presyo.
b. Dami ng produkto o serbisyong handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iisang presyo.
c. Dami ng produkto o serbisyong handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang
presyo.
d. Dami ng produkto o serbisyo na kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo.
2. Alin ang naglalarawan ng grapikong ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
c. Supply schedule
b. Demand curve
d. Demand schedule
3. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
c. Supply schedule
b. Demand curve
d. Demand schedule
4. Ano ang ipinahihiwatig ng upward sloping na supply curve?
a. Salungat na ugnayan ng presyo at suplay
b. Direkta o positibong ugnayan ng presyo at suplay
c. Walang pagbabago sa presyo at suplay
d. Walang ugnayan ang presyo at suplay
5. Bakit mababa ang quantity supplied kapag mababa ang presyo?
a. Dahil nawawalan ng gana ang prodyuser na gumawa ng mas maraming produkto kapag
mababa ang presyo nito.
b. Dahil konti lang ang magagawang produkto.
c. Dahil mas gusto ng mamimili bumili kapag mababa ang presyo
d. Dahil lalaki ang kita ng prodyuser
6. Ayon sa Batas ng Suplay o Law of Supply, kailan tumataas ang dami ng suplay?
a. Kapag mataas ang presyo
c. Kapag kaunti ang mamimili
b. Kapag mababa ang presyo
d. Kapag marami ang mamimili
7. Ayon sa mga mangingisda kapag kabilugan ng buwan ay nagtatago ang mga isda kaya
mahirap mahuli. Dahil dito ay bumababa ang suplay ng isda. Ano ang ibinubunga nito sa
presyo ng isda?
a. Tataas
c. Pabagu-bago
b. Bababa
d. Hindi magbabago
8. Ano ang pangunahing batayan ng dami ng suplay?
a. presyo
c. bahay-kalakal
b. Mamimili
d. Pamahalaan
9. Ano ang batayan ng pagtaas at pagbaba ng supply (ceteris paribus)?
a. Kakayahan ng prodyuser
c. Presyo ng produkto
b. kagustuhan ng mamimili
d. hilaw na sangkap
10. Ano ang humihikayat sa prodyuser upang magdagdag ng supply?
a. Makilala ang produkto
b. Masiyahan ang mamimili.
c. Magkaroon ng malaking kita
d. Matugunan ang pangangailangan
Ikaalabingdalawang
Linggo
Aralin 3.2
Salik na Nakakaapekto sa Suplay
Ang suplay ay maaaring magbago dulot ng presyo at iba pang salik. Sa araling ito, aalamin
natin ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng suplay na Di-Presyo.
INAASAHAN
Ang modyul na ito binubuo ng apat na paksa:
1. Ang mga Di-Presyong Salik
2. Pagbabago sa Suplay
Matapos mong maunawaan ang nilalalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
•
•
•
•
nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa suplay;
naiiisa -isa at natatalakay ang mga salik na nakakapekto sa suplay;
naiuugnay sa kasalukuyang sitwasyon at realidad ang mga salik na nakaaapekto sa
suplay; at
naipaliliwanag ang iba’t ibang paggalaw ng supply curve
UNANG PAGSUBOK. Basahin ang mga pahayag. Piliin ang titik ng pinaka-tamang
sagot.
1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di-presyong salik na nakakaapekto sa
suplay maliban sa isa:
a. Buwis at Subsidiya
c. Panahon at Klima
b. Dami ng Nagtitinda
d. Presyo
2. Alin ang kabilang sa gastos ng produksyon?
a. Bayad sa upa
c. Halaga ng Impok o Savings
b. Kita ng Entrepreneur
d. Dami ng bumibili ng iyong produkto
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpataas sa suplay ng mga produktong
alternatibo sa langis at coal bilang enerhiya katulad ng solar panel at windmill?
a. Mataas na Buwis
c. Pagbibigay ng Subsidiya
b. Regulasyon sa Enerhiya
d. Pagbabantay sa Kagubatan
4. Ano ang salitang kasing-kahulugan ng espekulasyon?
a. Ekspektasyon
c. Inaasahan
b. Hinuha
d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang mangyayari sa kurba ng suplay kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot
ng di-presyong salik?
BALIKTANAW.
BALIKAN NATIN. Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang.
1.
2.
3.
4.
5.
Siya ang nagsisilbing tagapasimula ng produksyon. E________________
Grapikal na paglalarawan ng ugnayan ng presyo at suplay. K________________
ng S________________
Batas na nagpapakita ng pagbabago sa dami ng suplay sa tuwing nagbabago ang
presyo. B________________ng S________________
Dami ng produkto at serbisyo na gusto at handang ipagbili ng mga manininda sa
itinakda at alternatibong presyo sa isang takdang panahon. S______________
Ano ang tawag sa direksyon na tinutungo ng kurba ng suplay. U______________
S________________
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Ang mga Di Presyong Salik
Kung ang demand ay nagsisilbing tawag sa pag-uugali ng mga mamimili, ang suplay
naman ay para sa mga prodyuser o gumagawa ng produkto. Kung ang motibasyon
ng mga mamimili ay makamit ang pangangailangan at kagustuhan, nakatuon naman
ang mga prodyuser at mga manininda sa pagkakaroon ng kita.
Bukod sa presyo, marami pang salik ang nagpapabago sa dami ng suplay ng
produkto at serbisyo sa mga pamilihan. Dahil walang kinalaman ang mga salik na ito
sa presyo ng produkto, tinatawag itong mga DI-PRESYONG SALIK.
1. Presyo ng Salik ng Produksyon
Kabilang sa isinasaisip sa pagbuo ng produkto ay ang halaga ng mga salik ng
produksyon. Ang mga salik ng produksyon ay may katumbas na gastos para sa
Entrepreneur: Upa para sa Lupa, Sahod para sa Lakas Paggawa, at Interes para
sa perang Kapital. Ang mga ito ang bumubuo sa gastos ng produksyon o Cost of
Production. Kapag nagbago ang presyo ng isa o lahat ng salik ng produksyon,
makakaapekto ito sa dami ng produkto na kakayaning mabuo ng bahay-kalakal.
Kapag ang Cost of Production ay tumaas (↑), Epekto
sa Suplay:
…ang SUPLAY ay bababa (↓). Ang karagdagang gastos para sa isa o higit
pang salik ay maaaring magdulot ng pagpapababa sa gastos para sa ibang salik.
Implikasyon: Kung pipigilan ang pagbaba ng suplay, ipapasa ng entrepreneur
ang dagdag na gastos ng produksyon sa mga mamimili sa pamamagitan ng
pagtatas ng presyo.
Implikasyon: Ang pagtataas ng presyo ay magpapababa sa dami ng demand
ng tao. Upang maiwasan ito, pananatilihin o di kaya ay paliliitin lamang ang
pagtaas sa presyo, ngunit babawasan ang laman, liliitan, o pasisimplehin ang
balot ng produkto upang makabawas sa gastos.
Kapag ang Cost of Production ay bumaba (↓),
Epekto sa Suplay:
…ang SUPLAY ay tataas (↑). Ang pagbaba ng halaga ng isa o higit pang salik
ng produksyon ay makatutulong upang madagdagan ang mga produktong
mabubuo sa mga pagawaan.
Implikasyon: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay bumababa ang presyo ng
produkto. Karaniwan ay dinadagdagan na lamang ng mga bahay-kalakal ang
laman, nilalakihan, o di kaya ay pinapaganda ang balot ng produkto.
Nagsasagawa din sila ng promosyon katulad ng buy-one-take-one at sale.
2. Teknolohiya.
Malaki ang naitutulong ng makabago at maunlad na teknolohiya pagdating sa
produksyon.
Gawain 4.1: Pagtapat-tapatin ang pahayag sa unang hilera sa mga pahayag sa
ikalawang hilera gamit ang linya.
Mapaparami
Mababawasan ang
Mababawasan ang
Mabilis ang
ang nabuong hilaw na materyales sa
gastos sa lupain at
Proseso
produkto
pagbuo ng produkto
lakas-paggawa.
●
●
●
●
○
○
○
○
Ang mabilis na
Mas kakaunting
Maaaring makabuo ng
Automated
proseso ay
lakas paggawa
mas maraming produkto
ang
nakapagpapadoble
ang kakailanganin
gamit lamang ang
Pagbuo sa
kakaunting produktong
ng nagagawang
dahil sa mga
Produkto
agricultural o mineral.
produkto
makina
Implikasyon: Ang halaga ng kabuuan ng produksyon ay nakabatay sa halaga ng
teknolohiya na gagamitin para dito. Isinasang-alang-alang ang gastos para sa
research, gastos para sa pagbili ng mga makina, at gastos para sa pagpapanatili nito.
Dahil sa malaking paunang gastos, maaaring magsimula sa mataas na presyo ang
produktong mabubuo mula dito. Gayunpaman, matapos mabawi ang naunang gastos,
maaaring mapanatili ang presyo ng mahabang panahon.
3. Espekulasyon
Katulad ng mga mamimili, ang mga manininda ay tumitingin din sa
espekulasyon. Sa tuwing may inaasahang pagbabago sa presyo ang mga
prodyuser sa susunod na araw o sa darating na lingo at buwan, binabago nila ang
dami ng suplay na handa nilang itinda sa mga pamilihan sa kasalukuyan.
Kapag inaasahang tataas (↑) 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒂𝒉𝒂𝒓𝒂𝒑, Epekto
sa Suplay:
…ang SUPLAY ay bababa (↓) 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧. Upang maitinda sa mas mataas
na presyo ang produkto ng mga manininda, babawasan nito ang dami ng suplay
na kanilang ititinda sa kasalukuyan. Kapag tumaas na ang presyo
ng produkto, dadamihan naman nila ang suplay nito sa mga tindahan.
Implikasyon: Ang ganitong gawain ay maituturing na halimbawa ng
HOARDING. Isa itong illegal na gawain kung saan ang mga produkto ay
itinatago upang magkaroon ng artipisyal na kakulangan sa suplay. Isinasagawa
ito upang tumaas ang presyo ng produkto na hudyat upang ilabas ang produkto
at muli itong itinda sa mga pamilihan.
Kapag inaasahang bababa (↓) 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒂𝒉𝒂𝒓𝒂𝒑, Epekto
sa Suplay:
…ang SUPLAY ay tataas (↑) 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧. Kukunin ng mga manininda ang
pagkakataon upang maitinda ang produkto.
Implikasyon: Ang ganitong pangyayari ay maaaring magdulot ng bahagyang
pagbaba sa suplay ng produkto sa hinaharap. Kapag bumaba na ang presyo,
maaaring babaan muli ng mga manininda ang suplay ng kanilang produkto.
Magdadala ito ng MALING SIGNAL sa mga mamimili na kailangan nilang mamili
ng higit sa pangangailangan sa kasalukuyan.
4. Dami ng nagtitinda
Nakabatay ang dami ng suplay ng produkto sa dami ng manininda at prodyuser.
Kapag ang dami ng nagtitinda ay tumaas (↑), Epekto
sa Suplay:
…ang SUPLAY ay tataas (↑).
Gawain 4.2: Sa inyong sagutang papel, ano ang dahilan ng pag-dami ng
manininda batay sa mga sumusunod:
1.
Pagdiriwang at Okasyon.
_____________________________________
2.
Pagbabago sa Uso at Demand.
________________________________
3.
Pagbaba ng Regulasyon.
_____________________________________
4.
Paglaki
ng
populasyon.
_______________________________________ Kapag
ang dami ng nagtitinda ay bumaba (↓),
Epekto sa Suplay:
…ang SUPLAY ay bababa (↓).
Sa inyong sagutang papel, ano ang dahilan ng pag-dami ng manininda batay
sa mga sumusunod:
5.
Pagbabago sa Uso at Demand.
________________________________
6.
Pagdami ng Regulasyon.
_____________________________________
7.
Mababang populasyon.
______________________________________ Implikasyon: Malaki ang
epekto ng regulasyon ng pamahalaan sa motibasyon ng entrepreneur para
magsimula ng produksyon. Ang ilan sa mga regulasyon na ito ay buwis,
subsidiya, mga permit at iba pa. Ang buwis ay halagang kinukuha ng
pamahalaan mula sa kita ng isang negosyo. Ang subsidiya ay kabaliktaran
ng buwis. Ito ay halagang nakatakdang bayaran dapat ng tao para sa
produkto at serbisyo ngunit ang pamahalaan ang nagbabayad.
5. Panahon o Klima
Ang Pilipinas ay maituturing na bansang agrikultural dahil hitik ito sa likas na
yaman at lupain maaaring mapagtaniman. Gayunpaman, may panahon ang
pagbunga ng mga produktong agrikultural na tumutubo dito. Kapag in-season, ang
suplay ng bungang produkto ay mataas ↑. Kabaliktaran naman kapag offseason.
May mga bunga naman na maaaring anihin sa buong taon ngunit nagkakaiba-iba
ang dami depende sa buwan. Nauuri ito sa high peek, low peek, at arawan.
Ang pagdating ng mga kalamidad ay higit na nakakapagpababa sa suplay ng
mga produktong agrikultural. Kabilang sa idinudulot nito ay ang pagkasira ng mga
pananim at lupaing taniman, pagkamatay ng mga pagkaing dagat at pagkasira ng
mga kagamitan sa pagtatanim at pangingisda. Inaabisuhan din ang mga
mangingisda na itigil ang pagpapalaot sa dagat dahil sa panganib na banta.
Implikasyon: Ang pagbaba ng suplay tuwing may kalamidad ay may natural na
epekto sa presyo ng produkto. Upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing
pangangailangan,
nagpapatupad
ang
pamahalaan
ng
pansamantalang price freeze. Dahil dito, hindi maaaring itaas o ibaba ang
presyong itinakda ng price freeze.
6. Mga alternatibong produkto
Dahil sa pabago-bagong presyo at kakulangan ng hilaw na materyales
pagbuo ng produkto, ang mga prodyuser at manininda ay nakatuon
paghahanap ng alternatibo. Tinatawag itong substitute goods o kapalit
produkto. Ang kapakinabangan sa mga produktong ito ay halos katulad
nakasanayang produktong ginagamit.
sa
sa
na
ng
Kapag ang presyo ng nakasanayang produkto ay bumaba (↓), Epekto sa
Suplay:
…ang SUPLAY ng alternatibo ay tataas (↑).
Halimbawa: Kapag bumaba ang halaga ng itinatanim ng mga magsasaka,
magsisimula silang maghanap ng alternatibo at magtanim ng ibang halaman.
Maaari ding maghanap ng ibang hanapbuhay ang mga magsasaka o hindi kaya
ay bumuo ng ibang produkto na may mas mataas na halaga.
Kapag ang presyo ng nakasanayang produkto ay tumaas (↑), Epekto sa
Suplay:
…ang SUPLAY ng alternatibo ay bababa (↓). Kapag mataas ang halaga ng
isang produkto, nae-engganyo ang mga negosyanteng itinda ang produktong ito.
Samakatuwid, mababawasan ang mga magtitinda ng mga produktong substitute
o kapalit.
Pagsusuri ng Suplay Gamit ang Kurba
Kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot ng mga di-presyong salik, ang mismong
kurba ng suplay ang nagbabago ng puwesto. Nagdudulot ito ng paggalaw pakaliwa
at pakanan.
Tunghayan ang halimbawa sa ibaba.
.
Kapag ang suplay ay tumaas,
ang kurba ay gagalaw pakanan.
Kapag ang suplay ay bumaba,
ang kurba ng suplay ay
gagalaw pa-kaliwa
Gawain 4.3: KALIWA o KANAN?
Iguhit ang pagbabago ng kurba batay sa mga sumusunod na kaganapan.
1. Kakaunti ang suplay ng bigas na itinitinda ngayon dahil inaasahan ng mga manininda na
tataas ang presyo ng bigas sa susunod na buwan.
2. Mas dumami ang tindahan sa aming lugar pagkatapos maitayo ang bagong mall.
3. Nakaimbento ng makabagong traktora sa Pilipinas na magpapabilis sa pag-aani ng pinya
at makina na magpapabilis ng pagbabalat nito.
4. Panahon ngayon ng ani ng mangga kaya halos mapuno ang mga tindahan nito.
5. Tumaas ang presyo ng butter kaya nagdulot ito ng pansamantalang kakulangan sa suplay
ng margarine.
TANDAAN.
Pagbatayan ang Graphic Organizer para sa paglalahat.
PAG-ALAM SA PAGSUKAT ng NATUTUHAN.
TATAAS o BABABA. Tukuyin kung ano ang pagbabago sa suplay gamit ang mga
salitang tataas o bababa.
1.
Kapag ang Halaga ng Salik ng Produksyon ay tumaas, ang suplay ay
________.
2.
Kapag ang Halaga ng Salik ng Produksyon ay bumaba, ang suplay ay
________.
3.
Kapag ang Presyo ay tataas sa hinaharap, ang suplay ay ________ sa
kasalukuyan.
4.
Kapag ang Presyo ay bababa sa hinaharap, ang suplay ay _______ sa
kasalukuyan.
5. Kapag gumamit ng teknolohiya sa produksyon, ang suplay ay __________.
6. Kapag ang Dami ng Nagtitinda ay tumaas, ang suplay ay ________.
7. Kapag ang Dami ng Nagtitinda ay bumaba, ang suplay ay ________.
8. Kapag ang buwis sa paggawa ng produkto ay tumaas, ang suplay ay ________.
9. Kapag ang buwis sa paggawa ng produkto ay bumaba, ang suplay ay ________.
10. Kapag nagbigay ang gobyerno ng subsidiya sa paggawa ng produkto, ang suplay
ay ________.
11. Kapag ang produktong agricultural ay in-season, ang suplay ay ________.
12. Kapag ang produktong agricultural ay off-season, ang suplay ay ________.
13. Sa panahon ng kalamidad, ang suplay ay ________.
14.
Kapag ang presyo ng nakasanayang produkto ay bumaba, ang suplay ng mga
alternatibo ay ________.
15.
Kapag ang presyo ng nakasanayang produkto ay tumaas, ang suplay ng mga
alternatibo ay ________.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT.
MULTIPLE CHOICE. Basahin ang mga pahayag. Piliin ang titik ng pinaka-tamang
sagot.
1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di-presyong salik na nakakaapekto sa
suplay maliban sa isa?
a. Buwis at Subsidiya
c. Panahon at Klima
b. Dami ng Nagtitinda
d. Presyo
2. Ano ang batayan ng espekulasyon sa pagbabago ng suplay sa kasalukuyan?
a. Nakatuon sa pagbabago ng presyo sa c. Isinasaisip ang magiging usong
hinaharap
disenyo sa hinaharap
b. Tinutukoy ang dami ng manininda sa d. Tinataya kung gaano kalaki ang
hinaharap
populasyon ng bansa sa
hinaharap
3. Ano ang maaaring gawin ng gobyerno upang mapataas ang suplay ng mga
produktong alternatibo sa enerhiya katulad ng windmill, solarpanel, at biofuel?
a. Bawasan o di kaya ay huwag buwisan ang mga negosyong gumagawa ng
produktong alternatibo sa kuryente at langis bilang enerhiya
b. Pondohan ang mga pananaliksik na magagamit ng mga prodyuser na batayan
ng disenyo at paraan ng pagbuo sa mga produktong ito.
Bigyan ng subsidiya ang mga prodyuser ng alternatibong produkto katulad ng
ayuda sa mga manggagawa at buwis para sa pag-aangkat ng materyales.
d. Lahat ng nabanggit.
4. Paano makatutulong ang pagkakaroon ng iba’t-ibang regulasyon sa pagpaparami
ng suplay sa mga pagawaan?
a. Napapababa nito ang gastos sa produksyon
b. Nahihikayat nito ang mga entrepreneur na palawakin ang operasyon ng
negosyo
c. Nabibigyang pagkataon ang mga tao na magsimula ng sariling produksyon at
negosyo
d. Lahat ng Nabanggit
5. Ano ang implikasyon sa mga magsasaka kapag nagsimulang bumaba ang presyo
ng kanilang mga itinatanim na produkto? a. Manatili sa kahirapan
b. Lumipat ng bayan at lupaing taniman
c. Maghanap ng ibang uri ng hanapbuhay
d. Palawakin ang sakahan at padamihin ang tanim
6. Paano nakakaapekto sa mga tao ang pagbaba ng suplay tuwing may kalamidad?
a. Nagkakaroon ng natural na pagtaas ng presyo
b. Bumabagal ang transportasyon sa lugar na apektado
c. Humihinto ang operasyon ng mga tindahan at opisina
d. Nababawasan ang kalidad ng mga produktong mula sa mga pagawaan
7. Paano nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapataas ng suplay?
a. Napapaganda ng state-of-the-art technology ang kalidad ng mga produkto
b. Nakalilikha ito ng mataas na demand para sa microchip at computer
c. Napapabilis ang proseso ng produksyon dahil sa automated system
d. Napapababa nito ang presyo ng mga natapos naprodukto
8. Ano ang pinakahuling solusyon ng pamahalaan sa suliranin ng mababang
suplay ng mga pangunahing bilihin? a. Pag-aangkat
b. Pagpapataas ng buwis
c. Pagsali ng pamahalaan sa kompetisyon
d. Pasiglahin ang bawat industriya sa bansa
9. Ano ang mangyayari sa kurba ng suplay kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot
ng di-presyong salik?
10. Paano naka-ugnay ang dami ng suplay sa kalagayan ng transportasyon sa bansa?
a. Nakasalalay sa transportasyon ang bilis ng pagsasama-sama ng mga salik ng
produksyon
b. Nakapagbibigay ng kasiguraduhan sa kalidad ng produkto ang maayos na
transportasyon
Natutukoy ang kahalagahan ng transportasyon bilang batayan ng dami ng
demand sa isang pamilihan
d. Wala sa nabanggit
Ikalabingdalawang
Linggo Aralin 3.3
Elastisidad ng Suplay
Alam na natin na nagbabago ang suplay dahil sa pagbabago ng presyo ng
produkto at mga di-presyong salik. Gayunpaman, ang magkakaibang reaksyon ng
suplay sa pagbabago ng presyo ay maaaring palaisipan parin sa inyo. Bakit hindi
gaanong tumaas ang suplay kahit tumaas ang presyo? Bakit labis ang pagtaas ng
suplay kahit mababa lamang ang itinaas ng presyo? Bakit nagbabago ang suplay
kahit hindi nagbabago ang presyo? Subukan nating alamin ang kasagutan sa aralin
na ito.
INAASAHAN
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
Elastisidad ng Suplay. Sa araling ito, ating malalaman kung ano ang kahulugan at
implikasyon ng magkakaibang tindi ng pagbabago ng suplay.
Ang aralin na ito ay binubuo ng dalawang paksa:
1. Kahulugan ng Elastisidad ng Suplay batay sa Presyo (Price Elasticity of Supply)
2. Iba’t ibang uri ng Elastisidad ng Suplay
Matapos mong maunawaan ang nilalalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
•
•
•
nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa suplay;
naiuugnay ang elastisidad ng suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod; at
natutukoy ang implikasyon ng elastisidad ng suplay sa pamumuhay ng mga
tao.
UNANG PAGSUBOK
Basahin ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang payak na kahulugan ng elastisidad ng suplay?
a. Tindi ng epekto sa suplay
c. Reaksyon ng Mamimili
b. Agwat ng pagbabago
d. Kakayahan ng manininda
2. Ano ang ginagamit upang masukat ang elastisidad ng suplay?
a. Kita at presyo
b. Presyo at dami ng suplay
c. Pagbabago sa presyo at dami ng suplay
d. Porsyento ng pagbabago sa presyo at dami ng suplay
3. Ano ang salik na sinusukat sa pagbabago ng suplay batay sa income elasticity?
a. Pagtaas ng presyo
c. Karagdagang buwis
b. Pagbabago sa sweldo
d. Pagpasok ng dayuhang produkto
4. Alin sa mga sumusunod na kurba ng suplay ang nagpapakita na: mas malaki
ang porsyento ng pagbabago sa presyo kumpara sa porsyento ng pagbabago sa
dami ng suplay?
5. Ang pagtatayo ng mga gusali sa maliliit na bayan o lungsod katulad ng Malabon
ay mainam na halimbawa para sa anong uri ng elastisidad ng suplay?
a. Elastik
c. Ganap na Elastik
b. Di-elastik
d. Ganap na Di-elastik
BALIKTANAW
Tama o Mali. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat kung TAMA o MALI
ang mga pangungusap.
1. Ang kurba ng suplay ay patungo sa direksyon ng upward sloping.
2. Ang Halaga ng Salik ng Produksyon ay nakabatay sa mga sumusunod: lupa,
lakas-paggawa at kapital.
3. Ang pagkakaroon ng espekulasyon sa pagbabago ng presyo sa hinaharap ay may
epekto sa suplay sa kasalukuyan.
4. Ang pagtatakda ng buwis at subsidiya ay parehong nakakahikayat ng
pagpapalakas ng produksyon.
5. Kapag ang pagbabago sa suplay ay bunga ng mga di-presyong salik, ang kurba
ng suplay ay magpapalit ng direksyon patungong downward sloping.
Gawain 4.4: ReAksyon! ng mga MANININDA
Bago tayo magpatuloy, itanong ang mga pahayag sa iyong kakilalang may-ari ng
tindahan o manininda. Gamitin ang mga sumusunod na salita bilang paglalarawan sa
kanilang reaksyon. Isulat ang iyong sagot sa papel kasama ang bahagi ng sagot ng
iyong tinanong.
Wala - Walang Epekto Yan Sa Akin
Kaunti - Hindi ako masyadong Naapektuhan
Sapat - Sapat lang at tanggap ko ang Epekto
Maikling Pagpapakilala sa Aralin
Ang Elastisidad ng
Suplay
Ang Suplay (S) at Dami
ng Suplay (QS) ay
nagbabago dahil sa mga
salik katulad ng Presyo at
Di-presyo.
Gayunpaman, ang
tindi ng pagbabago sa
suplay
ay
hindi
nagkakatulad sa lahat ng
pagkakataon.
Presyong Salik
BATAS NG DEMAND
Kapag ↑ ang Presyo (P) = Magakakaroon ng ↑ sa Dami
ng Suplay (Qs)
Kapag ↓ ang Presyo (P) = Magakakaroon ng ↓ sa Dami
ng Suplay (Qs)
Di-Presyong Salik
Nagkakaroon ng PAGBABAGO sa Suplay (S)
1. May
mga
pagkakataon na ang dami ng suplay (Qs) at suplay (S) ay hindi gaaanong
naaapektuhan ng pagbabago sa presyo at mga di-presyong salik.
2. May pagkakataon naman na labis-labis ang epekto sa suplay kahit
napakaliit lang naman ng pagbabago sa presyo.
3. Sa ibang pagkakataon, kahit magkaroon ng pagbabago sa presyo, ang
dami ng suplay (Qs) ay maaaring hindi magbago.
4. Maaari ding magbago ang suplay ng ilang ulit, kahit hindi naman nagbabago
ang presyo.
Ang magkakaibang reaksyon na ito ang sinusukat ng Elastisidad ng Suplay. Ito
ang ginagamit na panukat para mapag-aralan kung gaano katindi ang pagbabago na
naganap sa Suplay.
#
Sa tingin mo, saan nakabatay ang pagkakaiba-iba ng tindi ng pagbabago
sa suplay? Reaksyon ng Tao sa Presyo, Uri ng Produkto at Serbisyo,
Kita ng Bahay-Kalakal
Ang sagot ay sa lahat. Maaaring masukat ang elastisidad o tindi ng pagbabago ng
Suplay gamit ang mga sumusunod na batayan:
• Price Elasticity of Supply. Kapag ang pagbabago sa dami ng suplay ay dulot
ng pagbabago ng presyo
•
Income Elasticity of Supply. Kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot ng
pagbabago sa kita
Iikot ang aralin na ito sa pag-aaral ng tindi ng pagbabago ng suplay batay sa
pagbabago ng presyo. Tinatawag itong Price Elasticity of Supply.
URI NG ELASTISIDAD NG SUPLAY
Sa bahaging ito, aalamin natin ang iba’t ibang uri ng elastisidad. Upang
masukat ito, gumagamit tayo ng porsyento (%) upang masukat ang tindi ng pagbabago
sa Presyo (P) at sa Dami ng Suplay (Qs).
Gawain 4.5: Basahin ang paglalarawan sa bawat bilang at punan ang mga kahon ng
simbolo (<), (=), (>).
1. ELASTIK
Mas mataas ang porsyento ng
pagbabago sa suplay kumpara sa
porsyento
ng
pagbabago
sa presyo.
2. DI-ELASTIK
Mas mataas ang porsyento ng
pagbabago sa presyo kumpara sa
porsyento ng pagbabago sa suplay.
3. UNITARY
Ang porsyento ng pagbabago sa
suplay at presyo ay pantay lamang.
PAGBABAGO
SA PRESYO
PAGBABAGO
SA SUPLAY
PAGBABAGO
SA PRESYO
PAGBABAGO
SA SUPLAY
PAGBABAGO
SA PRESYO
PAGBABAGO
SA SUPLAY
Subukan mong ilarawan ang kurba ng suplay sa pamamagitan ng laki ng
pagbabago sa Presyo at Dami ng Suplay. Pagkatapos ay tukuyin ang uri ng elastisidad
nito.
4. (_______________) na Suplay (ilarawan ang kurba sa patlang sa ibaba)
_____________________________________________________
_____________________________________________________ Mapapansin na
labis ang reaksyon ng pagbabago sa dami ng suplay (QS) sa kabila ng mas maliit
na pagbabago ng presyo.
5. (_______________) na Suplay (ilarawan ang kurba sa patlang sa
ibaba)
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Mapapansin na hindi masyadong naapektuhan ang pagbabago sa dami ng
suplay (QS) sa kabila ng malaking pagbabago sa
Qs1
Qs2
presyo.
P2
P1
Qs1
#
Qs2
6. (_______________) na Suplay (ilarawan ang kurba sa patlang sa
ibaba)
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Mapapansin na sapat at pantay lamang ang reaksyon ng
pagbabago sa dami ng suplay (QS) pagkatapos magbago ng
presyo.
Magaling! Ngayon ay alam mo na ang unang tatlong uri ng
elastisidad ng suplay. Pag-aralan naman natin ang iba pang uri nito.
May pagkakataon na sukdulan ang tindi ng pagbabago sa suplay. Subukan mong
tukuyin ang pagkakaiba ng Ganap na Elastik at Ganap na Di-Elastik.
#
Sa puntong ito, alam na natin na mayroong limang uri ng elastisidad.
Subukan mo ngang banggitin ang mga ito?
IMPLIKASYON NG ELASTISIDAD NG SUPLAY
Ang implikasyon ay pagpapahiwatig ng aralin sa ating karanasan at sa mga
kaganapan sa totoong buhay. Ang mga implikasyon na ito ay nagsisilbing batayan sa
pagbuo ng desisyon ng mga tao. Sa pagtukoy nito, mas madali nating mauunawaan
ang kahalagahan ng pag-aaral ng Elastisidad ng Suplay at kaugnayan nito sa ating
pang-araw-araw na buhay.
Nais ng mga bahay-kalakal na maging handa sila sa tuwing nagkakaroon ng
pagbabago sa presyo. Ang pagtaas ng presyo ng kanilang produkto ay mahalagang
pagkakataon upang mapataas din ang kanilang kita. Upang masigurado na
makakayanan nilang mapabilis at mapadami ang paggawa ng produkto, ang mga
sumusunod ay binibigyan ng pansin ng mga pagawaan:
1. Pagpapaunlad sa teknolohiya
2. Pagtuklas at paggamit ng mga makabagong kagamitan sa produksyon
3. Pagbibigay tuon sa paggamit ng iba’t ibang software para sa mga pamamaraan
katulad ng automation at imbentaryo
4. Pagpapaunlad sa kapasidad ng produksyon katulad ng training sa mga
manggagawa, pagpapalawak ng imbakan ng tapos na produkto at iba pa.
5. Pagpapaunlad sa pamamaraan ng distribusyon ng mga tapos na produkto mula
sa pagawaan patungo sa mga pamilihan.
Tandaan
Pagbatayan ang Graphic Organizer para sa paglalahat.
Pag-alam sa Natutuhan
Gawain: Basahin at suriin ang ugnayan ng mga pahayag. Ipaliwanag ang implikasyon
sa bawat bilang at magbigay ng halimbawa.
KAGANAPAN
Bahay-Kalakal
Batas ng Suplay: Ang pagtaas ng presyo ay signal
upang magdagdag ng suplay ang mga manininda.
Implikasyon: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
Paliwanag /Halimbawa
1.Ang pagpapadami
produkto
ay
nangangailangan
karagdagang lakas-
ng
ng
napadadami kaagad
ng
mga
ang nagagawang produkto.
pagawaan
PABAHAY
Kakapusan ng Lupa: Malaking hadlang sa pagtaas ng
demand ng pagpapatayo ng mga bahay ang kakapusan
ng lupain sa mga lungsod.
Implikasyon: Patuloy na tataas ang gastusin sa
pagpapatayo ng bahay.
Produktong Agrikultural
Batas ng Suplay: Mahihikayat ang mga magsasaka na
padamihin ang kanilang ani kapag nagkaroon ng pagtaas
ang presyo ng mga produktong agrikultural.
Implikasyon: Ang mga produktong agrikultural ay
Inelastik
Shortage o Kakulangan
Epekto ng Demand: Kapag ang demand para sa isang
produkto ay nakakabit na sa nakasanayang presyo nito,
mapipilitang panatilihin ng mangangalakal ang presyo
kahit tumaas pa ang demand para dito.
Implikasyon: Magkakaroon ng kakulangan o shortage sa
suplay ng mga produkto.
Trabaho
Di-Elastik na Suplay: Dahil sa tagal ng pagbuo ng ilang
mga produkto, hindi kaagad mapapataas ang suplay nito
kahit tumaas ang presyo o tumaas ang demand
Implikasyon: Tataas ang bilang ng magkakaroon ng
trabaho, partikular sa sektor ng pagmamanupaktura.
paggawa, mas malawak na
lupain, at karagdagang
materyales at kapital.
2.
3.
4.
5.
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang payak na kahulugan ng elastisidad ng suplay?
a. Tindi ng epekto sa suplay c. Reaksyon ng Mamimili
b. Agwat ng pagbabago
d. Kakayahan ng manininda
2. Ano ang ginagamit upang masukat ang elastisidad ng suplay?
a. Kita at presyo
b. Presyo at dami ng suplay
c. Pagbabago sa presyo at dami ng suplay
d. Porsyento ng pagbabago sa presyo at dami ng suplay
3. Ano ang nagsisilbing salik na nagpapabago sa suplay batay sa income elasticity
of supply?
a. Pagtaas ng presyo
c. Pagbabago sa sweldo
b. Karagdagang buwis
d. Pagpasok ng dayuhang produkto
4. Alin sa mga sumusunod na kurba ng suplay ang nagpapakita ng kalagayang: mas
malaki ang porsyento ng pagbabago sa dami ng suplay kumpara sa porsyento ng
pagbabago sa presyo?
5. Ang pagtatayo ng mga gusali sa maliliit na bayan o lungsod katulad ng Malabon
ay mainam na halimbawa para sa anong uri ng elastisidad ng suplay?
a. Elastik
c. Ganap na Elastik
b. Di-elastik
d. Ganap
na
Di-elastik
Ikalabingtatlong
Linggo Aralin 4.1
Interaksyon ng Demand at Suplay
(Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan)
INAASAHAN
Ang aralin na ito ay may layuning matutuhan mo bilang mag-aaral
ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand
at supply. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang
magagabayan ka sa pagsagot ng katanungan kung paanong ang
interaksiyon ng demand at supply ay nagiging batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng prodyuser at konsyumer tungo sa pambansang
kaunlaran.
Sa aralin ito, inaasahan na :
• natutukoy ng mag – aaral ang kahulugan ng Ekwilibriyo sa
Pamilihan;
• nailalarawan ng mag – aaral ang Ekwilibriyo sa Pamilihan;
• natutukoy ang dalawang uri ng Disekwilibriyo; at
• nakabubuo ng grapikong representasyon ng Ekwilibriyo sa
Pamilihan.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang
bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at
kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho
ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c. Scarcity
d.Disekwilibriyo
2. ______________ ang tawag sa napagkasunduang presyo ng
konsyumer at prodyuser samantalang ang ekwilibriyong dami
naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o
serbisyo.
a. Ekwilibriyong Dami
c. Ekwilibriyong Presyo
b. Sales Retail Price
d. Price Tag
3. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity
demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo ay
tinatawag na ________.
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c. Scarcity
d.Disekwilibriyo
4. Tawag kapag ang sitwasyon sa pamilihan ay mas marami ang
supply kaysa sa demand ng mamimili.
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c. Surplus
d.Disekwilibriyo
5. Tawag kapag ang sitwasyon sa pamilihan ay mas marami ang
demand ng mamimili kaysa sa supply ng mamimili.
a.Ekwilibriyo
b. Shortage
c. Surplus
d.Disekwilibriyo
BALIKTANAW
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod.
Pagkatapos ay piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
1. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin
ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser?
a. demand
b. produksiyon
c. ekwilibriyo
d. supply
2. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at
pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng
___________________.
a. walang kaugnayan ang demand sa presyo
b. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
c. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
d. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
3. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan
na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may
30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos,
mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6
lamang ang nais gumawa ng kabuuang
20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00.
Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
A. 6
B. 20,000
C. 10
D. 30,000
4. ______________ ang tawag sa dami o bilang ng isang produkto na
handang ipagbili sa napagkasunduang presyo sa isang takdang
panahon.
a.Quantity Supply
b. Quantity Demand.
c. Sales Retail Price
d. Wholesale Price
5. _______________ ang tawag sa dami o bilang ng isang produkto na
handang ipagbili sa napagkasunduang presyo sa isang takdang
panahon.
a. Quantity Supply
b. Quantity Demand.
c. Sales Retail Price
d. Wholesale Price
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na
Essentials of Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo
ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay
nabibili ang kanilang nais at ang mga prodyuser naman ay
nakapagbebenta ng kanilang mga produkto.
Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng
handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang
handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay
pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong
presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at
prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang
bilang ng mga produkto o serbisyo.
Ang ekwilibriyo sa pamilihan ay ang punto kung saan ang quantity
demanded at quantity supplied ay pantay o balanse. Upang lubos na
maunawaan ang konseptong ito, gamiting gabay ang graphic organizer.
Tandaan na nagkakaroon lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan kung
balanse ang parehong dami ng supply at dami ng demand at nagaganap
ito sa isang takdang presyo. Kapag alinman sa dalawang panig ang
naging mas malaki o mas maliit ang bilang, hindi na ito magiging balanse.
Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity
demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo ay tinatawag na
disekwilibriyo. Ang pamilihan ay maaaring makaranas ng surplus kung
mas marami ang supply kaysa demand. Sa kabilang banda, ang shortage
ay nararanasan naman kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa
dami ng supply.
(Sipi mula sa Batayang Aklat Araling Panlipunan 9, Ekonomiks)
GAWAIN
Gawain 1: Suriin ang market schedule at sagutan ang pamprosesong tanong.
Pamprosesong tanong
1. Sa aling presyo ng yema makikita ang pantay na bilang ng quantity
demanded at quantity supply?
2. Sa aling mga presyo matutukoy kung ang pamilihan ay may
shortage?
3. Sa aling mga presyo matutukoy kung ang pamilihan ay may
surplus?
Gawain 2:
Panuto: Gamit ang market schedule sa Gawain 1 ilapat sa grapikong
representasyon ang ekwlibriyo ng yema.
Bilang ng QS at QD
TANDAAN
Ang ekwilibriyo sa pamilihan ay ang punto kung saan ang quantity
demanded at quantity supplied ay pantay o balanse. Sa sitwasyong ito
masasabi na ang kasiyahan ng konsyumer at prodyuser ay natatamo.
Tandaan na nagkakaroon lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan kung
balanse ang parehong dami ng supply at dami ng demand at nagaganap
ito sa isang takdang presyo. Kapag alinman sa dalawang panig ang
naging mas malaki o mas maliit ang bilang, hindi na ito magiging balanse.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Buuin ang graphic organizer batay sa isinasaad ng tekstong iyong
nabasa. Upang higit na maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesong
tanong na susukat sa antas ng iyong kaalaman at pang-unawa
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel
1. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang
bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at
kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho
ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c.Scarcity
d.Disekwilibriyo
2. __________ ang tawag kapag ang sitwasyon sa pamilihan ay mas
marami ang demand ng mamimili kaysa sa supply ng mamimili.
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c. Surplus
d.Disekwilibriyo
3. __________ ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer
at prodyuser at
ekwilibriyong dami naman ang tawag sa
napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
a. Ekwilibriyong Dami
b. Ekwilibriyong Presyo
b. Sales Retail Price
d. Price Tag
4. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity
demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo ay
tinatawag na ________.
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c.Scarcity
d.Disekwilibriyo
5. ___________ ang tawag kapag ang sitwasyon sa pamilihan ay mas
marami ang supply kaysa sa demand ng mamimili.
a. Ekwilibriyo
b. Shortage
c. Surplus
d.Disekwilibriyo
Ikalabingtatlong
Linggo Aralin 4.2
Paraan ng Pagtugon/Kalutasan sa mga
Suliraning Dulot ng
Kakulangan(Shortage) at
Kalabisan(Surplus)
INAASAHAN
Ang araling ito ay may layuning matutuhan ng mga mag -aaral ang
kahalagahan ng interaksyon ng demand at supply sa pamilihan. Mula sa
mga inihandang gawain at teksto inaasahang magagabayan ang mga
mag – aaral sa pag sagot sa mga katanungan kung paano nakakaapekto
ang shortage at surplus sa presyo ng kalakal at paglilingkod. Gagabayan
din ng modyul na ito ang mga mag -aaral sa pagtugon sa hamon ng mga
suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan. Sa aralin ito, inaasahang:
•
natutukoy ng mga mag-aaral ang epekto ng Shortage at Surplus sa
presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan;
• nakapagmumungkahi ng mga paraan ng pagtugon / kalutasan sa
mga suliraning dulot ng Kakulangan at Kalabisan; at
• nakabubuo ng mga ideya ng kalutasan na makakatulong sa
suliraning dulot ng Kakapusan at Kalabisan.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Suriin kung ang ano ang tinutukoy ng mga pahayag. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Maaaring manghimasok ang pamahalaan kapag nakita nitong ang
presyo ay labis na mataas para sa konsyumer o labis na mababa
para sa mga prodyuser. Maaaring magpataw ang pamahalaan ng
kung gaano kataas o kababa ang presyo ng mga produktong
maapektuhan nito.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin tulad ng damit, sapatos, at iba
pang mga kagamitan dahil sa nalalapit na kapaskuhan.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
3. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas
tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi
matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa
pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
4. Nagkaroon ng price freeze ang mga pangunahing kalakal sa
pamilihan upang maiwasan ang pananamantala ng mga
negosyante sa panahon ng pandemya.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
5. Nananalasa ang bagyong Carding sa Nueva Ecija nasalanta ang
mga pananim na palay at gulay kaya inaasahan na kakaunti ang
mailuluwas na palay at gulay sa Maynila sa susunod na dalawang
buwan.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
BALIKTANAW
Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang
sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, shortage, o
ekwilibriyo.
1. Kailangan ni Yenyen ng isang dosenang lobo para sa kaarawan ng
kaniyang kapatid ngunit sampung lobo lamang ang natitira sa
birthday shop.
2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php60 at sa
dami na 20.
3. May 120 sako ng palay si Isko ngunit 60 sako lamang ang handang
bilhin ng bumibili nito.
4. May 56 na panindang payong si Beth. Dahil sa biglaang pagbuhos
ng ulan, naubos lahat ang kaniyang paninda.
5. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa
suspensiyon ng klase kaninang umaga.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
PARAAN NG PAGTUGON/ KALUTASAN SA MGA SULIRANING
DULOT NG KAKULANGAN (SHORTAGE) AT KALABISAN
(SURPLUS)
Matatandaan natin na kapag ang presyo sa pamilihan ay mas
mataas kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng surplus ng mga
produkto o serbisyo. Kapag ang presyo sa pamilihan ay mas mababa
kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng shortage ng mga ito.
Sa market schedule para
sa kendi, mapapansin natin na
kapag may shortage ang presyo
ay tumataas.
Ang quantity
demanded bumababa habang
ang presyo sa pamilihan ay
tumataas, ang quantity supplied
ay tataas din dahil ang mga prodyuser ay nagaganyak na lumikha ng mas
maraming produkto. Maaari ding subukan ng mga prodyuser na
dagdagan ang quantity supplied upang matugunan ang quantity
demanded sa mababang presyo. Sa kabilang banda, kapag maraming
surplus ng kendi bumababa ang presyo nito. Kapag ang presyo sa
pamilihan ay bumaba, ang quantity demanded ay tataas. Maaari din
namang bawasan ng mga prodyuser ang dami ng kanilang produkto at
iayon ang mga ito sa quantity demanded na handa at kayang bilhin ng
konsyumer sa mataas na halaga.
Kung gayon, kahit na ang presyo ng isang produkto at serbisyo ay
magsimula sa mataas o mababang halaga, ang mga kilos o gawi ng
konsyumer at prodyuser ang kusang nagtutulak sa presyo sa pamilihan
tungo sa kaniyang ekwilibriyo. Kapag narating na ng pamilihan ang
puntong ekwilibriyo, ipinagpapalagay na parehong nasiyahan ang bahaykalakal at konsyumer. Kung gaano kabilis naaabot ng isang pamilihan
ang ekwilibriyo ay nakabatay rin sa kung gaano kabilis magadjust ang
presyo nito. (Mankiw, 2012) 171
Karamihan ng presyo sa maraming pamilihan ay malayang tumaas
o bumaba sa kaniyang puntong ekwilibriyo, gaano man kataas o kababa
ang halaga nito. Subalit, maaaring manghimasok ang pamahalaan kapag
nakita nitong ang presyo ay labis na mataas para sa konsyumer o labis
na mababa para sa mga prodyuser. Maaaring magpataw ang
pamahalaan ng kung gaano kataas o kababa ang presyo ng mga
produktong maapektuhan nito. (McConnell, Brue & Flynn, 2009).
GAWAIN Gawain 1
Panuto: Mula sa binasang tekto subuking sagutan ang mga kahon ayon
sa hinihingi nitong kasagutan.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang mga maaring maging epekto at kalutasan ng mga
sumusunod na sitwasyon.
PRODUKTO
PAGBABAGO
SA
KONDISYON
SULIRANIN
KALUTASAN
Pananalasa ng
bagyo sa mga
pananim.
PALAY
GASOLINA
GAMOT
Patuloy
na
pagtaas ng
presyo ng kotse
Maraming
generic
gamot
lumalabas
pamilihan
na
ang
sa
TANDAAN
Malaki ang epekto ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan.
Kinakailangan ng matalinong pagdedesisyon upang masolusyunan ang
mga suliraning kaakibat nito. Ang pamahalaan ay naglalaan ng sapat na
panahon sa pagpapatupad ng mga batas upang bigyan kalutasan ang
suliranin sa kakapusan at kalabisan.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Subuking bigyang kalutasan ang mga sitwasyonng mababasa sa
ibaba. Isulat ang sagot sa salungguhit.
Sitwasyon 1: Panahon ng COVID 19 Pandemic nawalan ng trabaho ang
iyong magulang inaasahan na tataas ang presyo ng bilihin at
magkakaubusan ng supply. Magkukulang ang salaping nilaan para sa
pang araw -araw na pangangailangan ng inyong pamilya. Ano ang
nararapat mong gawin upang matugunan ang pangangailangan ng
pamilya?
Kalutasan1:_______________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________ .
Sitwasyon 2: Ang iyong ina ay may gulayan at sa buwan na ito ay sobrasobra ang inyong ani ng kamatis, sibuyas, pipino at iba pang mga gulay.
Ang ilan sa inyong mga ani ay nabubulok at nasisira dahil sa hindi na
makain ang iba.
Ano ang nararapat gawin dito?
Kalutasan2:_______________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung
ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng suliranin o
kalutasan dulot ng shortage o surplus.
1. Nagkaroon ng price freeze ang mga pangunahing kalakal sa
pamilihan upang maiwasan ang pananamantala ng mga
negosyante sa panahon ng pandemya.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
2. Maaaring manghimasok ang pamahalaan kapag nakita nitong ang
presyo ay labis na mataas para sa konsyumer o labis na mababa
para sa mga prodyuser. Maaaring magpataw ang pamahalaan ng
kung gaano kataas o kababa ang presyo ng mga produktong
maapektuhan nito.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
3. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas
tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran
ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng
rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
4. Tumaas ang presyo ng mga bilihin tulad ng damit, sapatos, at iba
pang mga kagamitan dahil sa nalalapit na kapaskuhan.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
5. Nananalasa ang bagyong Carding sa Nueva Ecija nasalanta ang
mga pananim na palay at gulay kaya inaasahan na kakaunti ang
mailuluwas na palay at gulay sa Maynila sa susunod na dalawang
buwan.
a. Suliranin
b. Kalutasan
c. Batas ng Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
Ikalabingapat na
Linggo Aralin 5.1
Konsepto at Estruktura ng Pamilihan
INAASAHAN
Sa pagtahak sa landas ng kaalaman, inihanda ang araling ito upang ikaw ay
iharap sa mga teksto at mga mapanghamong gawain na sadyang magdaragdag sa
iyong kaalaman patungkol sa bahaging ginagampanan ng pamilihan.
Ang
pangunahing pokus ng araling ito ay ang mga konsepto at ang mga estruktura ng
pamilihan bilang isang mahalagang salik sa pagtugon ng walang katapusang
pangangailangan ng tao tungo sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran.
Sa aralin ito, inaasahang :
•
•
natutukoy ang konsepto at kahulugan ng pamilihan;
naiisa-isa ang mga anyo ng pamilihang ganap at di-ganap na kompetisyon;
natutukoy ang mga uri ng estruktura ng pamilihang umiiiral sa bansa; at
nakalilikha ng demographic profiling ng mga uri ng pamilihan sa Pilipinas.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang at piliin ang titik
ng tamang sagot.
1.) Ito ang tauhan sa pamilihan na bumibili ng mga produktong gawa ng prodyuser.
A. Konsyumer
C. Prodyuser
B. Pamahalaan
D. Bahay - kalakal
2.) Ang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations
(1776) ay isang libro na nagsasabing magkakaroon ng magandang ugnayan
ang konsyumer at prodyuser kung ito ay mapupunta sa?
A. Pamahalaan
C. Entablado
B. Pamilihan
D. Bahay - kalakal
3.) Sinasabing ang pamilihan ang siyang mabisang nagpapakita ng ugnayan ng
anong mga konsepto?
A. Demand at Konsyumer
C. Demand and Supply
B. Konsyumer at Prodyuser
D. Surplus and Shortage
4.) Ang mga sari-sari store ay isang uri ng anong klaseng pamilihan?
A. Panrehiyon
B. Lokal
C. Pambansa
D. Pandaigdigan
5.) Alin sa mga ito ang itinuturing na pamilihan na nasasaklaw ng Lokal,
Panrehiyon, Pambansa at Pandaigdigan?
A. Export Products
B. Import Products C. Online shops D. Langis
6.) Ito ay uri ng estruktura na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto
o nagbibigay serbisyo na nagiging dahilan kung bakit wala itong nagiging
pamalit.
A. Monopolyo
C. Monopsonyo
B. Oligopolyo
D. Monopolistikong Kompetisyon
7.) Ito ay isang estruktura na may maliit na bilang o iilan lamang ang prodyuser na
nagbebenta.
A. Monopolyo
C. Monopsonyo
B. Oligopolyo
D. Monopolistikong Kompetisyon
8.) Ito ay gawain sa pamilihan na kung saan ang mga produkto ay itinatago upang
magkulang ang suplay at ilalabas lamang kapag ang demand ay umangat.
A. Copyright
B. Hoarding
C.Patent D. Product Differentiation
9.) Ang pamilihan ay naglalaman ng dalawang uri ng kompetisyon na tinatawag na
ano?
A. Demand and Supply
C. Ganap at Di-Ganap
B. Lokal at Pambansa
D. Wala sa nabanggit
10.)
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng Ganap na
Kompetisyon ayon sa aklat nila Paul Krugman at Robin Wells na Economic 2nd
Edition (2009).
A. Magkakatulad ang produkto
B. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
C. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
D. Maaring magdikta ng presyo ang konsyumer at prodyuser
BALIKTANAW
Panuto: Buuin ang graphic organizer sa ibaba batay sa nakaraang aralin tungkol sa
interaksyon ng demand at supply at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba
gamit ang 2-3 pangungusap.
Pamprosesong Tanong
1. Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?
______________________________________________________________
2. Paano nagkakaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon ng ekwilibriyo
sa pamilihan?
______________________________________________________________
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Sa tulong ng mga grapiko at teksto, tutukuyin sa araling ito ang mga konsepto at
Estruktura ng Pamilihan.
Ang Konsepto ng Pamilihan
Mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer ay ang pamilihan. Ito ay
nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng konsyumer at prodyuser ang kanilang
layunin. Sa pamilihan, nakakamit ng konsyumer ang sagot sa walang katapusan
niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produktong handa
at kaya niyang ikonsumo. Habang ang Prodyuser naman ay siyang nagtutustos ng
mga produkto at serbisyo upang ikonsumo ng mga mamimili. Ang konsyumer at
prodyuser ang pangunahing tauhan sa pamilihan.
Pamilihan ang siyang nagpapakita ng mabisang ugnayan ng demand at supply. Ayon
sa 6th Principle of Economics ni Gregory Mankiw, “Markets are usually a good way to
organize economic activity”. Ito ay pinaliwanag ni Adam Smith sa kanyang aklat na
“An Inquiry Into The Nature And Causes Of Wealth Of The Nations” (1776) na ang
ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. Kaugnay nito, ang
“presyo” ay tinawag na “invisible hand” ni Adam Smith na gumagabay sa ugnayan
ng dalawang aktor ng pamilihan. Ang presyo ay instrumento upang maganap ang
palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser. Dahil dito, naitatakda ang dami at
handang bilhin na produkto at serbisyo ng mga konsyumer. Ito rin ang batayan ng
prodyuser upang maihanda at maipagbili ang itinakdang dami ng mga produkto at
serbisyo.
Ang pamilihan ay maaring matukoy ayon sa lawak. Ito ay maaring lokal, pangrehiyon,
pambansa o pandaigdigan. Saan mang dako ng ating bansa ay kilalang-kilala ang
sari-sari store na isang halimbawa ng lokal na pamilihan. Samantalang ang mga
produkto tulad ng kapeng barako ng batangas, abaka ng Bicol, durian ng Davao, dried
fish ng Cebu at iba pang natatanging produkto ng mga lalawigan ay bahagi ng
pamilihang panrehiyon. Ang bigas, gulay, prutas o produktong petrolyo o langis ay
bahagi naman ng pambansa o pandaigdigang pamilihan. Ang pinakausong onlineshops sa pamamagitan ng internet ay halimbawa ng pamilihang maaring lokal,
panrehiyon, pambansa at pandaigdigan ang saklaw.
Mga Estruktura ng Pamilihan
Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema
ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
Mayroong dalawang estruktura ng pamilihan, ang pamilihan na may ganap na
kompetisyon at pamilihang di-ganap ang kompetisyon.
•
Pamilihan Na May Ganap Na Kompetisyon
estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal.
•
walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa
takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
•
Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
•
Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may kakayahang
idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng
maaaring bumili ng produkto o serbisyo.
ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian:
1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
2. Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
3. Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan
4.Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
5. Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan
Pamilihang Hindi Ganap Ang Kompetisyon
Ito ang pamilihang na walang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa
pamilihang may ganap na kompetisyon.
MGA URI NG PAMILIHAN NA DI- GANAP ANG KOMPETISYON
1.
Monopolyo - uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa
ng produkto o serbisyo.
Halimbawa: Meralco, Maynilad at PLDT
2.
Monopsonyo – ito ay itinuturing na kabaliktaran ng pamilihang monopolyo
sapagkat ito ay mayroon lamang na iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng
produkto o serbisyo. Dahil iisa ang konsyumer, siya ang nakakapagtakda ng presyo,
kasabay nito ay nakakapili siya ng dekalidad na produkto.
Halimbawa ay ang Pamahalaan- itinuturing na isang monopsonist na siyang
nagpapasuweldo sa mga Guro, Pulis, Bumbero at Traffic Enforcer.
3.
Oligopolyo - ito ay may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad na serbisyo at produkto.
Halimbawa: Semento, Bakal at Ginto at mga industriya ng langis
4.
Monopolistikong Kompetisyon - Isang uri ng estruktura ng pamilihan na
maraming kalahok na produsyer ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan
subalit marami rin ang mga konsyumer.
Halimbawa: produktong toothpaste (colgate, hapee, close-up)
MGA GAWAIN
Gawain 1: Weight me Up!
Panuto: Gamit ang timbangan, sukatin natin ang mga pahayag na naglalarawan sa
dalawang pangunahing estruktura ng pamilihan na nasa ibaba ng bawat timbangan.
Isulat sa mataas na bahagi ng timbangan ang salita na tinutukoy ng pahayag, sa
mababang bahagi naman ang hindi. Pagpipiliang sagot:
•
Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
Image link:
https://th.bing.com/th/id/OIP.R7_VDbcqg_OjLJx_pDELNgH
aGZ?pid=Api&rs=1
•
Pamilihang May Di-Ganap na
Kompetisyon
Halimbawa: Estruktura ng pamilihan na 1. Bukod sa maliliit ang mga prodyuser
kinikilala bilang modelo o ideal.
at konsyumer, ang mga tauhan dito ay
marami rin.
2. Estruktura ng pamilihan na may
kakayang diktahan o impluwensyahan 3. Estruktura ng pamilihan na walang
kakayang diktahan o impluwensyahan
ang presyo.
ang presyo.
4. Isa sa mga katangian nito ay 5. Estruktura ng pamilihan na binubuo
maraming produkto rito ang pinagbibili at ng apat
na anyo:
Monopolyo,
ito ay magkakatulad.
Monopsonyo, Oligopolyo at
Monopolitikong Kompetisyon
Gawain 2: Mga Anyo ng Pamilihang Ganap at Di- Ganap na Kompetisyon
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon kaugnay sa mga pangyayari noong
Pandemya at tukuyin kung anong Estruktura at Anyo ng pamilihan ang tinutukoy rito.
TANDAAN
Ilagay natin sa ating isipan na ang pamilihan ay hindi lamang lugar para
pagtagpuin ang mga konsyumer at prodyuser. Ito ay isang mahalagang bahagi ng
ating ekonomiya na maaring magbigay tugon o sagot sa walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao, sa pamamagitan ng paggawa at pagkonsumo
ng mga produkto at serbisyo. Ang bawat produkto at serbisyo ay may kaakibat na
presyo na nag- uugnay sa dalawang pangunahing tauhan ng pamilihan. Bawat
pamilihan ay naayon sa estruktura, uri at anyo nito. Ang pamilihan ay nahahati sa
dalawang Estruktura; ang Pamilihang may ganap na kompetisyon at Pamilihang may
di ganap na kompetisyon. Ang mga anyo ng pamilihan tulad ng monopolyo,
monopsonyo, oligopolyo at monopolistikong kompetisyon ay naayon sa pamilihang
may di ganap na kompetisyon.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
PANUTO: Buuin ang grapiko ng Estruktura ng Pamilihang umiiral sa ekonomiya gamit
ang mga katangian nito at sagutin ang pamprosesong tanong gamit ang 2 hanggang
3 pangungusap.
Katangian ng
mga Estruktura
ng Pamilihan
ayon sa:
May Kontrol sa
presyo
(Konsyumer O
Prodyuser)
Dami ng
Dami ng
Halimbawa
produktong
ng
Kompanya
Inaalok
produkto o
o kalahok
sa
(Iisa O
Kompanya
Pamilihan
Marami)
(Iisa/iilan O
Marami)
1.
2.
3.
4.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong estruktura ng Pamilihan ang sa tingin mo ang may pinakamalaking
partisipasyon sa ekonomiya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
Mahusay! Napagtagumpayan mo ang mga itinakdang gawain para sa
araling ito!
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang at piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Sinasabing ang pamilihan ang siyang mabisang nagpapakita ng ugnayan ng
anong mga konsepto?
A. Demand at Konsyumer
C. Demand and Supply
B. Konsyumer at Prodyuser
D. Wala sa nabanggit
2. Ito ay Isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang
na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto
at serbisyo.
A. Monopolyo
C. Monopsonyo
B. Oligopolyo
D. Monopolistikong Kompetisyon
3. Ito ay uri ng estruktura na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto
o nagbibigay serbisyo na nagiging dahilan kung bakit wala itong nagiging
pamalit.
A. Monopolyo
C. Monopsonyo
B. Oligopolyo
D. Monopolistikong Kompetisyon
4. Ang pamilihan ay naglalaman ng dalawang uri ng kompetisyon na tinatawag
na?
A. Demand at Supply
C. Ganap at Di-Ganap
B. Lokal at Pambansa
D.Konsyumer At Prodyuser
5. Ang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”
(1776) ay isang libro na nagsasabing magkakaroon ng magandang ugnayan
ang konsyumer at prodyuser kung ito ay mapupunta sa?
A. Pamahalaan
B. Ospital
C. Pamilihan
D. Bahay - kalakal
6. Ito ay gawain sa pamilihan na kung saan ang mga produkto ay itinatago upang
magkulang ang suplay at ilalabas lamang kapag ang demand ay umangat.
A. Copyright
B. Hoarding C. Patent
D. Product Differentiation
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng Ganap na
Kompetisyon na ayon sa aklat nila Paul Krugman at Robin Wells na Economic
2nd Edition (2009).
A. Magkakatulad ang produkto
B. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
C. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
D. Maaring magdikta ng presyo ang konsyumer at prodyuser
8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pamilihang may di-ganap na
kompetisyon?
A. Magkakatulad ang produkto
B. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
C. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
D. Maaring magdikta ng presyo ang konsyumer at prodyuser
9. Bakit may kapangyarihan ang mga prodyuser na diktahan ang presyo sa
sistemang monopolistiko kahit sinasabing maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng mga produkto at marami rin ang mga konsyumer?
A. Dahil sa pagtatago ng mga produkto
B. Dahil sa tinatawag na product differentiation
C. Dahil sa pagsasabwatan ng mga prodyuser
D. Dahil sa batas na pumuprotekta rito
10. Bakit hindi nakakapasok ang mga prodyuser na nagnanais mapabilang sa uri
ng pamilihang monopolyo?
A. Mataas ang puhunang kinakailangan sa ganitong uri ng industriya
B. Iilan lamang ang mga konsyumer ng ganitong uri ng pamilihan
C. Ito ay protektado ng batas na nakapaloob sa intellectual property rights
D. Kakaunti lamang ang mga hilaw na materyal sa paggawa ng mga
produkto.
Ikalabinglimang
Linggo Aralin 5.2
Estruktura ng Pamilihan
INAASAHAN
Inihanda ang aralin na ito upang itaya, ihambing at pangkatin ang mga uri ng
estruktura ng pamilihang umiiral sa ekonomiya sa pamamagitan ng iba’t ibang
gawain tulad ng pagsusuri ng teksto, pagbuo ng matrix at iba pang gawain na
maglilinang ng inyong kaalaman sa araling ito. Sa aralin ito, inaasahang:
•
•
•
•
napaghahambing ang mga uri ng estruktura ng pamilihang umiiral sa
ekonomiya;
naipapangkat ang mga pamilihang nakikita sa pamayanan batay sa mga uri ng
estruktura ng pamilihan;
nakabubuo ng sariling matrix sa pamamagitan ng pag-uuri ng mga pamilihang
umiiral sa ekonomiya; at
natataya ang epekto ng iba’t - ibang istruktura ng pamilihan sa ekonomiya ng
isang bansa.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang at piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang epekto sa mga konsyumer, ng pagkakaroon ng maraming mabibilhan
o pagpipilian na pamilihan tulad sa sistema ng pamilihang may ganap na
kompetisyon?
A. Ang mga konsyumer ay makakapili ng pamilihang magbibigay sa kanila
ng dekalidad na produkto o serbisyo
B. Ang mga konsyumer ay may kakayahang madiktahan ang presyo ng
produkto at serbisyo sa pamilihan
C. Ang mga konsyumer ay nakakaranas ng pagkalito dahil sa dami ng
pamilhang mabibilhan ng mga produkto
D. Wala sa nabanggit
2. Ano ang epekto sa mga prodyuser ng pagkakaroon ng maraming mabibilhan o
pagpipilian na pamilihan tulad sa sistema ng pamilihang may ganap na
kompetisyon?
A. Malaki ang kanilang kita dahil sa dami ng mga produkto at serbisyo
B. Malayang nadidiktahan ng mga prodyuser ang mga produkto at serbisyo
C. Mahahati ang kita at lalong wala silang kakayahang diktahan ang presyo
D. Wala sa nabanggit
3. Bakit walang sinoman sa mga prodyuser at konsyumer ng pamilihang may
ganap na kompetisyon ang maaring makaimpluwensya sa presyo ng produkto
o serbisyo?
A. Dahil sa napakaraming pagpipiliang produkto at serbisyong nabibili sa
ganitong uri ng pamilihan
B. Dahil sa napakarami at maliliit lamang ang mga prodyuser at konsyumer
sa ganitong uri ng pamilihan
C. Dahil pareho silang umaayon sa kung ano ang takbo ng presyo ayon sa
ekwilibriyo ng pamilihan
D. Dahil sa walang anoman ang katangian tulad ng nasa pamilihang may
ganap na kompetisyon ang makikita rito.
4. Tinatanggap na lamang ba ng mga konsyumer ang pagiging makapangyarihan
ng mga monopolista?
A. Oo, dahil mas mura ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili rito.
B. Oo, dahil iisa lang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o serbisyo
rito.
C. Hindi, dahil maraming mabibilhan ng produkto at serbiyo ang mga
konsyumer
D. Hindi, dahil ang mga konsyumer ay gumagawa na rin ng mga produkto
o serbisyo
5. Paano nahahadlangan ang ibang prodyuser na nagnanais makapasok sa
sistemang monopolyo?
A. Dahil sa batas na pumuprotekta sa mga itinuturing na imbensyon ng
mga monopolista
B. Dahil sa mataas ang puhunan ang kakailanganin para makabuo ng
isang kompanya sa sistemang monopolyo.
C. Dahil sa mataas ang puhunan at mababa lamang ang kikitain ng
prodyuser sa ganitong uri ng pamilihan
D. Dahil sa katanyagan ng kompanyang monopolista, walang may
kakayahang taasan ang kita nito.
6. Ano ang epekto sa mga konsyumer ng pagkakaroon ng iisang pamilihan
lamang na mayroon ang isang industriya?
A. Nauunawaan ng mga konsyumer ang impormasyon dapat malaman
tungkol sa produkto
B. Natitiyak na de-kalidad ang mga produkto o serbisyo ang nakukuha ng
mga konsyumer
C. Napipilitan silang tangkilikin ang isang produkto o serbisyo kahit mataas
ang presyo
D. Wala sa nabanggit
7. Ano ang kabutihan na iisa lamang ang konsyumer ngunit marami ang
prodyuser tulad sa sistema ng Monopsonyo?
A. Nakakapili o nakakakuha ng dekalidad na presyo
B. Nadidiktahan ang galaw ng prodyuser sa pamilihan
C. Napapababa ang mga presyo sa pagtangkilik ng serbisyo
D. Napapababa ang bilang ng prodyuser ng ganitong pamilihan
8. Bakit hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel o samahan/ sabwatan
ng mga oligopolista sa mga pamilihan sa ating bansa?
A. Upang mapataas ang buwis ng mga prodyuser
B. Upang maiwasan ang pagkalugi ng prodyuser
C. Upang mabigyan ng proteksyon ang mga konsyumer
D. Upang mapadami ang kinokonsumo ng konsyumer
9. Ano ang epekto sa presyo, tuwing nagaganap ang pagtatago ng mga produkto
mula sa mga prodyuser?
A. Upang magkasundo ang prodyuser at konsyumer sa pagtakda ng
presyo
B. Upang maparami ang bilang ng supply sa pamilihan at mapababa ang
presyo
C. Upang magkulang ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas
ng presyo
D. Upang mahikayat ang mga prodyuser na gumawa pa ng mas maraming
produkto
10. Ginagawa ng mga produsyer ang product differentiation sapagkat layunin
nilang kumita at makilala ang kanilang produkto. Sa panig naman ng mga
konsyumer, ano ang naidudulot ng pagkakaroon ng product differentiation?
A. Nagdudulot ng pagkalito sa mga konsyumer.
B. Naitataas ang kasiyahan ng mga konsyumer.
C. Nahahadlangan ang kasiyahan ng konsyumer.
D. Wala sa nabanggit.
BALIKTANAW – Matchy-Market
Panuto: Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan ng bawat bilang sa Hanay A na
matatagpuan sa Hanay B. Isulat ang titik lamang sa patlang.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Ang pamilihan ay may iba’t ibang katangian at estruktura. Ang Estruktura ng
Pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa programa ng merkado kung saan
ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Mayroong dalawang estruktura
ng pamilihan, ang pamilihan na may ganap na kompetisyon at pamilihang di-ganap
ang kompetisyon. Ang uri, anyo at katangian ng Estruktura ng pamilihan ay
mauunawan sa tulong ng teksto sa ibaba.
Mga Estruktura ng Pamilihan
Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema
ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
Mayroong dalawang estruktura ng pamilihan, ang pamilihan na may ganap na
kompetisyon at pamilihang di-ganap ang kompetisyon.
Pamilihang May Ganap Na Kompetisyon - Ito ang estruktura ng pamilihan na
kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa
prodyuser at konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa
presyo. Hindi kayang idikta ng isang prodyuser at konsyumer nang mag-isa ang
presyo.
Ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng
produkto at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ayon kay Paul
Krugman at Robins Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd Edition (2009) ang
pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian.
1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
2. May magkakatulad na produkto
3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon
4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
5. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
Pamilihang May Hindi Ganap Na Kompetisyon- Sa pangkalahatang paglalarawan,
ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. May apat na anyo ng pamilihan ang
nakapaloob sa estrukturang ito, ito ay ang mga sumusunod:
1.
Monopolyo - uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng
produkto at nagbibigay-serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili. Ang mga
halimbawa ng mga prodyuser na nasa ganitong uri ay ang mga kompanya ng
kuryente, tubig at t ren. Isa sa pinakamahalagang katangian ng ganitong uri ng
pamilihan ay kaya nitong hadlangan ang kalaban na pumasok sa ganitong industriya
dahil sa mga patent, copyright at trademark gamit ang intellectual property rights.
•
Copyright ay isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang
pagmamay-ari ng isang tao na maaring kabilang ang akdang pampanitikan o
akdang pansining. (Ekonomiks: Modyul para sa mga magaaral pp. 183)
•
•
Patent ay ang pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
(Ekonomiks: Modyul para sa mga mag-aaral pp. 183)
Trademark paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto o serbisyo
na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanya. (Ekonomiks: Modyul
para sa mga mag-aaral pp. 183)
2.
Monopsonyo - ito ay mayroong iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser
ng produkto at serbisyo. Ibig sabihin, may kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Isang halimbawa ng pamilihan na ito
ay ang ating pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa
mga Pulis, Sundalo, Bumbero at traffic enforcer.
3.
Oligopolyo - isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan
lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto
at serbisyo. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa pamilihan ay ang
bakal, semento, ginto at petrolyo.
Sa ganitong sistema, maaring gawin ang hoarding o pagtatago ng produkto upang
magkulang ang supply at tataas ang pangkalahatang presyo. Maaring magkakaroon
ng pagkontrol o sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na collusion. Ang
konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises,
ngunit hindi ito pinahihintulutan sa ating bansa upang mabigyan ng proteksiyon at
isulong ang kapakanan ng mga konsyumer.
4.
Monopolistikong Kompetisyon - sa ganitong uri ng estruktura ng pamilihan,
maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto subalit marami rin
ang mga konsyumer. May kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na
magtakda ng presyo ng kanilang mga produkto dahil sa product differentiation, ang
katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig sapagkat ang kanilang layunin ay kumita at mas makilala ang kanilang
produkto. Magkapareho sila sa uri ng produkto gaya ng shampoo, conditioner, sabon
panlaba at panligo, toothpaste, softdrinks, cellphone at appliances ngunit nagkaiba
sa packaging, labeling, presentasyon at maging sa lasa o flavor. Ang advertisement
o pag-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga prodyuser
upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo.
GAWAIN
Gawain 1: Compare and Contrast!
Panuto: Paghambingin ang estruktura ng pamilihan sa pamamagitan ng paglalagay
sa Venn Diagram ng pagkakatulad at pagakaiba ng katangian ng bawat estruktura.
Gamitin ang mga gabay na tanong sa pagsagot sa dayagram.
Gabay na tanong:
1. Ano ang dalawang estruktura ng pamilihan at mga uri nito?
2. Ano ang mga katangian na magkatulad at magkakaiba sa dalawang
estruktura ng pamilihan?
Gawain 2
Panuto: Gamit ang grapiko sa ibaba, pangkat- pangkatin ang mga pamilihang nakikita
sa pamayanan batay sa mga uri ng estruktura ng Pamilihan.
Mga Pamilihan sa Pamayanan:
GMA network
Uniliver
Maynilad
Guro
Seaoil Monopolyo
Philippine Airlines
Huawei
Pulis
San Miguel Corp.
Monde
The Coca-cola Company
Traffic Enforcer
Sony Play Station
Meralco Monopsonyo
Bumbero
Microsoft
P&G
Monopolistikong
Kompetisyon
Oligopolyo
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.is
tockphoto.com%2Fvector%2Fmarket
-place - icon - online
vector - illustration
- gm948486940
258946971
&psig=AOvVaw2JRKeSV0f19sgBUJTtQ1CS&ust
23173725000
&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCM
C09oqUh
- sCFQAAAAAdAAAAABAL
- store
-
=15968
TANDAAN
Ang pamilihan ay may iba’t ibang katangian at estruktura. Ito ay nauuri ayon
sa dami ng namimili at nagtitinda, sa pagtatakda ng presyo, sa uri ng produktong
ipinagbibili at kalayaan sa pagpasok at paglabas sa pamilihan. May dalawang uri ng
estruktura ng pamilihan, Pamilihang May Ganap Na Kompetisyon at Pamilihang
May Di-Ganap Na Kompetisyon. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, walang
sino man ang nakakapagtakda ng presyo. Parehong may kalayaan ang mamimili at
nagtitinda. Pagdating naman sa impormasyon, ang mamimili at nagtitinda ay may
sapat na kaalaman rito kung kayat ang pag-aanunsiyo ay hindi na kailangan. Habang
ang pamilihang may di ganap na kompetisyon ay may kakayahang itakda ang presyo
dahil iisa o iilan lamang ang nagbibili at bumibili. Ang monopolyo, monopsonyo,
oligopolyo at monopolistikong kompetisyon ay mga anyo ng pamilihang may di ganap
na kompetisyon.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong
tanong gamit ang 2-3 pangungusap.
Pamprosesong Tanong:
Paano nakakaapekto ang mga estruktura ng pamilihang ito sa ugnayan ng presyo,
demand at supply? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang at piliin ang titik
ng tamang sagot.
1) Ano ang kabutihan na iisa lamang ang konsyumer ngunit marami ang
prodyuser tulad sa sistema ng Monopsonyo?
A. Nakakapili o nakakakuha ng dekalidad na presyo
B. Nadidiktahan ang galaw ng prodyuser sa pamilihan
C. Napapababa ang mga presyo sa pagtangkilik ng serbisyo
D. Napapababa ang bilang ng prodyuser ng ganitong pamilihan
2) Ano ang epekto sa presyo, tuwing nagaganap ang pagtatago ng mga produkto
mula sa mga prodyuser?
A. Upang magkasundo ang prodyuser at konsyumer sa pagtakda ng
presyo
B. Upang maparami ang bilang ng supply sa pamilihan at mapababa ang
presyo
C. Upang mahikayat ang mga prodyuser na gumawa pa ng mas maraming
produkto
D. Upang magkulang ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas
ng presyo
3) Ano ang epekto sa mga konsyumer, nang pagkakaroon ng maraming
mabibilhan o pagpipilian na pamilihan tulad sa sistema ng pamilihang may
ganap na kompetisyon?
A. Ang mga konsyumer ay may kakayahang madiktahan ang presyo ng
produkto at serbisyo sa pamilihan
B. Ang mga konsyumer ay makakapili ng pamilihang magbibigay sa kanila
ng dekalidad na produkto o serbisyo
C. Ang mga konsyumer ay nakakaranas ng pagkalito dahil sa dami ng
pamilhang mabibilhan ng mga produkto at serbisyo
D. Wala sa nabanggit
4) Ano ang epekto sa mga prodyuser ng pagkakaroon ng maraming mabibilhan o
pagpipilian na pamilihan tulad sa sistema ng pamilihang may ganap na
kompetisyon?
A. Malaki ang kanilang kita dahil sa dami ng mga produkto at serbisyo
B. Malayang nadidiktahan ng mga prodyuser ang mga produkto at serbisyo
C. Mahahati ang kita at lalong wala silang kakayahang diktahan ang presyo
D. Wala sa nabanggit
5) Bakit walang sinoman sa mga prodyuser at konsyumer ng pamilihang may
ganap na kompetisyon ang maaring makaimpluwensya sa presyo ng produkto
o serbisyo?
A. Dahil sa napakaraming pagpipiliang produkto at serbisyo ang nabibili sa
ganitong uri ng pamilihan
B. Dahil sa napakarami at maliliit lamang ang mga prodyuser at konsyumer
sa ganitong uri ng pamilihan
C. Dahil pareho silang umaayon sa kung ano ang takbo ng presyo ayon sa
ekwilibriyo ng pamilihan
D. Dahil sa walang anoman ang katangian tulad ng nasa pamilihang may
ganap na kompetisyon ang makikita rito.
6) Tinatanggap na
lamang
ba
ng
mga konsyumer ang
pagiging makapangyarihan ng mga monoplista?
A. Hindi, dahil maraming mabibilhan ng produkto at serbiyo ang mga
konsyumer
B. Hindi, dahil ang mga konsyumer ay gumagawa na rin ng mga produkto
o serbisyo
C. Oo, dahil mas mura ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili rito.
D. Oo, dahil iisa lang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o serbisyo
rito.
7) Paano nahahadlangan ang ibang prodyuser na nagnanais makapasok sa
sistemang monopolyo?
A. Dahil sa mataas ang puhunan ang kakailanganin para makabuo ng
isang kompanya sa sistemang monopolyo.
B. Dahil sa batas na pumuprotekta sa mga tinuturing na imbensyon ng mga
monopolista
C. Dahil sa mataas ang puhunan at mababa lamang ang kikitain ng
prodyuser sa ganitong uri ng pamilihan
D. Dahil sa katanyagan ng kompanyang monopolista, walang may
kakayahan na taasan ang kita nito.
8) Ano ang epekto sa mga konsyumer ng pagkakaroon ng iisang pamilihan
lamang sa isang industriya?
A. Napipilitan silang tangkilikin ang isang produkto o serbisyo kahit mataas
ang presyo
B. Nauunawaan ng mga konsyumer ang impormasyon dapat malaman
tungkol sa produkto
C. Natitiyak na de-kalidad ang mga produkto o serbisyo ang nakukuha ng
mga konsyumer
D. Wala sa nabanggit
9) Bakit hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel o samahan/ sabwatan
ng mga oligopolista sa mga pamilihan sa ating bansa?
A. Upang mapataas ang buwis ng mga prodyuser
B. Upang maiwasan ang pagkalugi ng prodyuser
C. Upang mabigyan proteksyon ang mga konsyumer
D. Upang mapadami ang kinokonsumo ng konsyumer
10) Ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, bagamat
may pagkakataong humaharap ito sa pagkabigo tulad ng paglaganap ng mga
pamilihan tulad ng monopolyo. Ano ang epekto nito sa ekonomiya kung
lumaganap ang sistemang monopolyo?
A. Pagkawala ng kompetisyon sa ekonomiya
B. Pagkayaman ng mga monopolista sa ekonomiya.
C. Pagtaas ng buwis ng mga monopolyong kompanya.
D. Pagtaas presyo ng mga produktong gawa ng monopolista.
Ikalabing-Anim na
Linggo Aralin 6.1
Ang Pamahalaan at Pamilihan
(Price Ceiling at Price Floor)
INAASAHAN
Ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga
teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang
mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa ugnayan ng pamilihan at
pamahalaan. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan
ka sa pagsagot ng katanungan na kung ano ang ugnayan sa pagitan ng pamilihan at
pamahalaan.
Sa aralin ito, inaasahang:
•
•
•
natutukoy ang mga mahahalagang konsepto sa ugnayan ng Pamahalaan at
Pamilihan;
nasusuri ang kahalagahan ng Price Ceiling at Price Floor; at
nakabubuo ng mga ideya tungkol sa Price Ceiling at Price Floor gamit ang Venn
Diagram.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy.
a. Price Ceiling b. Price Floor c. Price Freeze d. Price Wall
2. Isang mahalagang institusyon sa ating bansa, pangunahing tungkulin ng
_______________ na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
a. Simbahan
b. Paaralan
c. Pamilya
d. Pamahalaan
3. Katawagan sa mga pagkakamali at pagkabigong hinaharap ng mga pamilihan
kahit na ito ay isang organisadong organisasyon.
a. Price Failure
b. Market Failure
c. Government Failure
d. Economic Failure
4. Isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang
korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami
namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong iyon.
a. Oligapolyo
b. Kartel
c. Monopolyo
d. Monopsonyo
5. Kilala ito bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa
pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. a.
Price Ceiling
b. Price Floor
c. Price Freeze
d. Price Wall
BALIKTANAW
PANUTO: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod
na pangungusap ay nagsasaad ng suliranin o kalutasan dulot ng shortage o surplus.
1. Nagkaroon ng price freeze ang mga pangunahing kalakal sa pamilihan upang
maiwasan ang pananamantala ng mga negosyante sa panahon ng pandemya.
2. Maaaring manghimasok ang pamahalaan kapag nakita nitong ang presyo ay
labis na mataas para sa konsyumer o labis na mababa para sa mga prodyuser.
Maaaring magpataw ang pamahalaan ng kung gaano kataas o kababa ang
presyo ng mga produktong maapektuhan nito.
3. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit
ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo
ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
4. Tumaas ang presyo ng mga bilihin tulad ng damit, sapatos, at iba pang mga
kagamitan dahil sa nalalapit na kapaskuhan.
5. Nananalasa ang bagyong Carding sa Nueva Ecija, nasalanta ang mga pananim
na palay at gulay kaya inaasahan na kakaunti ang mailuluwas na palay at gulay
sa Maynila sa susunod na dalawang buwan.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa.
Alinsunod sa itinatadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas,
pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang
sambayanan. Sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na Principles of Economics,
ipinaliwanag niya ang Principle 7 na “Government can sometimes improve market
outcomes”. Ayon sa kaniya, bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong
sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o
market failure. Ang halimbawa ng mga ito ay ang paglaganap ng externalities gaya
ng polusyon at pagkakaroon ng monopolyo na nagdudulot ng pagkawala ng
kompetisyon.
Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pakikialam o
panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan. Kaugnay nito, hindi
nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na mapasailalim ang pamilihan sa
panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay ng
subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Upang
mapatatag ang presyo sa pamilihan, ipinapatupad ang price stabilization program
para maiwasan ang mataas na inflation. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo
ng pamilihan ay nahahati sa dalawang uri: ang price ceiling at price floor.
Price Ceiling – ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang
produkto. Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
paksang ugnayan ng pamilihan at pamahalaan, ihanda ang iyong sarili para sa
susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang paksang ito. Matapos
mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon
naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga
gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan.
Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka sa pagsagot
ng katanungan kung ano ang ugnayan sa pagitan pamilihan at pamahalaan.
Umpisahan mo ito sa pamamagitan ng unang teksto na nasa ibaba. Mahigpit na
binabantayan ang mga produktong nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan
gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at maging ang mga instant noodles
na minamarkahan ng pamahalaan ng tinatawag na suggested retail price (SRP). Ang
patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga
mamamayan ang presyo ng nasabing produkto lalo na sa panahon ng krisis.
Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng
bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal
sa pagtataas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang
mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas
na presyo ng kanilang mga produkto. Itinatakda ito kapag ang equilibrium price ay
masyadong mataas sa pananaw ng mga konsyumer. Ang price ceiling ay itinatakda
na mas mababa sa equilibrium price.
Labag sa Anti - Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na
presyo. Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade
and Industry (DTI), bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong ng
mga lokal na pamahalaan (barangay, bayan, o lungsod) upang masigurong ang
galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan ay naaayon sa batas.
Ang graph sa dakong ibaba ay nagpapakita ng halimbawa ng price ceiling.
Presyo
S
Ayon sa graph, Php20 ang ekwilibriyong presyo. Subalit, ang presyong ito ay
maaaring mataas sa tingin ng mga konsyumer. Dahil dito, ang pamahalaan ay
makikialam sa pamamagitan ng pagpapataw ng Php15 bilang price ceiling ng mga
prodyuser. Dahil ang presyong Php15 ay higit na mas mababa kaysa sa ekwilibriyong
presyo na Php20, inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng quantity demanded na
umabot sa 90 na dami. Sapagkat mas mahihikayat ang mamimimili na bumili ng mga
produkto at serbisyo kung mababa ang umiiral na presyo sa pamilihan kumpara sa
ekwilibriyong presyo na Php20 sa 60 lamang na kabuuang dami.
Sa kabilang dako, ang sitwasyong ito naman ay magpapababa ng supply sa
pamilihan sapagkat ang mga prodyuser ay hindi mahihikayat na magprodyus. Kung
minsan, maaari nilang isipin na malulugi sila dahil mababa ang presyo ng kanilang
produkto dulot ng pinaiiral na price ceiling ng pamahalaan. Magkakaroon sila ng
ganitong pag-iisip sapagkat ang kanilang gastos sa produksiyon, gaya ng presyo ng
mga materyales at pasahod sa mga manggagawa, ay fixed ang presyo. Ang
kaganapang ito ay makapagdudulot ng kakulangan (shortage) sa pamilihan.
Price Floor – ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at
serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equilibrium price. Katulad ng price ceiling,
isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser. Kabilang sa
sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawag na price support sa sektor ng agrikultura
at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng minimum wage. Halimbawa, kung
masyadong magiging mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa
pamilihan, ang mga magsasaka ay maaaring mawalan ng interes na magtanim dahil
maliit naman ang kanilang kikitain mula rito. Kung magaganap ang sitwasyong ito,
magdudulot ito ng kakulangan sa supply. Hindi makabubuti sa ekonomiya ang
kalagayang ito kung kaya ang pamahalaan ay magtatakda ng price support/price floor
o ang pinakamababang presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani.
Maliban pa rito, maaaring ang pamahalaan ang magsisilbing tagabili ng mga
aning palay ng mga magsasaka upang masiguro na mataas pa rin ang kanilang
kikitain at upang maiwasan ang kakulangan ng supply sa pamilihan. Maliwanag na
inaako ng pamahalaan ang malaking gastusin upang masiguro ang kapakanan ng
mga magsasaka at ng mga mamamayan.
Presyo
KALABISAN
PRICE FLOOR – 50
EKILIBRIYONG PRESYO-25
0
20
60
100
Batay sa graph, ang ekwilibriyong presyo na Php25 ay mas mababa sa
itinalagang price floor na Php50. Magdudulot ito ng pagtaas ng quantity supplied at
magbubunga ng kalabisan (surplus) sa pamilihan. Higit na mas marami ang supply
na isandaan (100) kung ihahambing sa dami na dalawampu (20) na quantity
demanded. Kapag may kalabisan, maaaring bumaba ang presyo at dami ng supply
patungo sa ekwilibriyong presyo. Subalit dahil may pinaiiral na price floor, hindi
maaaring ibaba ang presyo dahil ito ang itinakda ng batas. Dahil dito, malinaw na ang
price floor ay nagdudulot ng kalabisan (surplus) sa pamilihan.
Sa kabilang dako, ipinatutupad ng pamahalaan ang minimum wage law o batas
sa pinakamababang suweldo sa sektor ng paggawa upang makaiwas ang mga
manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo. Ang patakarang ito ay
naaayon sa Republic Act 602 o Minimum Wage Law of the Philippines na nag-uutos
sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage ang isang
manggagawa. Batay sa Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rates
as of April 2014, ang mga manggagawa sa National Capital Region ay nakatatanggap
ng minimum wage na Php466.00. Samantala, ang minimum wage sa mga probinsiya
ay magkakaiba halimbawa ang Region IV-A-CALABARZON ay mayroong Php362.50
at ang Region VIII---Eastern Visayas ay mayroong Php260.00.
(Sipi mula sa
Batayang Aklat Araling Panlipunan 9, Ekonomiks)
GAWAIN Gawain 1
Panuto: Sa gawain na ito ay subuking sagutan ang mga katanungan mula sa binasang
sipi.
1. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Paano nagkakaroon ng bahagi ang pamahalaan sa pamilihan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang price ceiling? Bakit ito sinasagawa ng pamahalaan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang price flooring? Bakit ito sinasagawa ng pamahalaan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Sa anong mga sitwasyon maaring manghimasok ang pamahalaan sa
pamilihan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Gawain 2: Punan ng mga sagot ang mga hinihingi ng pahayag sa loob ng kahon.
1
1
2
1
1
2
TANDAAN
Ang pamahalaan ay may karapatang maghimasok sa pamilihan ito man ay pribado
o pampubliko kung may mga sitwasyon na pagkakamali o pagkabigo (market failure).
Inaasahan din na maari silang magpatupad ng mga programa, ordinansa at batas
tulad ng price ceiling at price flooring kung kinakailangan para sa ikakauunlad ng
ekonomiya ng bansa.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Mula sa tekstong iyong nabasa, punan ng mahahalagang impormasyon ang
Venn Diagram gamit ang mga pamprosesong tanong upang maipakita ang
pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng price ceiling at price floor.
1
1
1
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Basahin at sagutan ang mga hinihingi ng pahayag isulat sa salungguhit
ang tamang sagot.
___ 1. Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy.
a. Price Ceiling b. Price Floor c. Price Freeze d. Price Wall
___ 2. Katawagan sa mga pagkakamali at pagkabigo hinaharap ng mga
pamilihan kahit na ito ay isang organisadong organisasyon.
a. Price Failure
c. Government Failure
b. Market Failure
d. Economic Failure
____ 3. Isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nagiisang
korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda,
marami namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong iyon.
a. Oligapolyo
b. Kartel
c. Monopolyo
d. Monopsonyo
____ 4. Isang mahalagang institusyon sa ating bansa, pangunahing tungkulin
ng _______________ na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
a. Simbahan
b. Paaralan
c. Pamilya
d. Pamahalaan
____ 5. Kilala ito bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa
pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at
serbisyo.
a. Price Ceiling
b. Price Floor
c. Price Freeze d. Price Wall
Ikalabing-Anim na
Linggo Aralin 6.2
Ang Pamahalaan at Pamilihan
(Patakaran ng Pamahalaan sa
Pamilihan at Price Freeze)
INAASAHAN
Ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga
teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang
mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa ugnayan ng pamilihan at
pamahalaan. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan
ka sa pagsagot ng katanungan na kung ano ang ugnayan sa pagitan ng pamilihan at
pamahalaan.
Sa araling ito inaasahang:
•
•
•
naiisa-isa ang mga paraan ng pakikialam ng Pamahalaan sa Pamilihan;
naipaliliwanag ang layunin ng Pamahalaan sa pakikialam sa presyo sa
Pamilihan; at
natatalakay ang implikasyon ng pakikialam ng Pamahalaan sa presyo sa
Pamilihan.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1.
Ang patakarang ipinapatupad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo
ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan.
a. Tariff
b. Price Stabilization
c. Price Freeze d. Price Ceiling
2.
Ang tawag sa patakarang ipinapatupad ng pamahalaan na nagbabawal sa
pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng
emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa).
a. Price Freeze
b. Price Ceiling
c. Price Floor d. Price Stabilization
3.
Batas na nag-uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum
wage ang isang manggagawa.
a. Minimum Wage Law of the Philippines
b. Solo Parent Law of the Philippines
c. SSS and Medicare Law of the Philippines
d. Anti – Profiteering Law of the Philippines
4.
Ang dalawang uri ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng mga kalakal sa
pamilihan.
a. Inflation at Deflation
c. Kakapusan at Kalabisan
b. Price Ceiling at Price Floor
d. Supply at Demand
5.
Batas na nagbabawal sa sino man ng pagpapataw ng mataas na presyo ng
mga kalakal ito man ay suplay, produksyon, distribusyon, binebenta o anu
mang may kinalaman sa kalakal na ibinebenta sa pamilihan.
a. Minimum Wage Law of the Philippines
b. Solo Parent Law of the Philippines
c. SSS and Medicare Law of the Philippines
d. Anti – Profiteering Law of the Philippines
BALIKTANAW
PANUTO: Basahin at subuking sagutin ang mga hinihinging kasagutan ng mga
pahayag sa ibaba.
1. Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum
___________________________________________.
price
policy
2. Isang mahalagang institusyon sa ating bansa, pangunahing tungkulin nito ay
paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
___________________________________________
3. Katawagan sa mga pagkakamali at pagkabigo hinaharap ng mga pamilihan
kahit na ito ay isang organisadong organisasyon.
___________________________________________
4. Isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang
korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami
namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong iyon.
___________________________________________
5. Kilala ito bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa
pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo
___________________________________________
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na Principles of Economics,
ipinaliwanag niya ang Principle 7 na “Government can sometimes improve market
outcomes”. Ayon sa kaniya, bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong
sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o
market failure.
Ang halimbawa ng mga ito ay ang paglaganap ng externalities gaya ng
polusyon at pagkakaroon ng monopolyo na nagdudulot ng pagkawala ng
kompetisyon. Kaugnay nito, hindi nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na
mapasailalim ang pamilihan sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa
pagtatakda ng buwis at pagbibigay ng subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng
presyo ng mga produkto at serbisyo. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan
ipinapatupad ang price stabilization program at maiwasan ang mataas na inflation.
Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay nahahati sa
dalawang uri: ang price ceiling at price floor.
Price Ceiling – Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang
produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto na kabilang sa mga
pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at
maging ang mga instant noodles na minamarkahan ng pamahalaan at tinatawag na
suggested retail price (SRP).
Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad sa
bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal
sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.
Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga
negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.
Itinatakda ito kapag ang equilibrium price ay masyadong mataas sa pananaw
ng mga konsyumer. Ang price ceiling ay itinatakda na mas mababa sa equilibrium
price.
Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo.
Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade and
Industry (DTI), bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong ng mga
lokal na pamahalaan (barangay, bayan, o lungsod) upang masigurong ang galaw
ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan sa pagpataw ng Price ceiling
Price Floor – Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at
serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equilibrium price. Katulad ng price ceiling,
isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser. Kabilang sa
sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawag na price support sa sektor ng agrikultura
at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng pagpataw ng Price Floor
Sa kabilang dako, ipinatutupad ng pamahalaan ang minimum wage law o batas
sa pinakamababang suweldo sa sektor ng paggawa upang makaiwas ang mga
manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo. Ang patakarang ito ay
naaayon sa Republic Act 602 o Minimum Wage Law of the Philippines na nag-uutos
sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage ang isang
manggagawa.
Ayon kay John Maynard Keynes, ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi
maiiwasang patakbuhin sa ilalim ng mixed economy.
May partisipasyon ang
pribadong sektor o ang mga prodyuser sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Subalit sa
panahon na may krisis pang-ekonomiya, gaya na lamang ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga pangunahing pangangailangan, maaaring makialam
o manghimasok ang pamahalaan upang maisaayos ang pamilihan at kabuuang
ekonomiya.
GAWAIN Gawain 1
Punan ang talahanayan ng mga impormasyong nakalap mula sa binasang
tekto sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan.
3
3
3
Gawain 2
ESSAY: Sumulat ng isang sanaysay na may limang pangungusap na nagpapahayag
ng iyong karanasan sa pamilihan na may kinalaman sa pagtaas at pagbaba ng presyo
ng mga bilihin.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________
TANDAAN
Ang pamahalaan ay may karapatang maghimasok sa pamilihan ito man ay pribado
o pampubliko kung may mga sitwasyon na pagkakamali o pagkabigo (market failure).
Inaasahan din na maari silang magpatupad ng mga programa, ordinansa at batas
tulad ng price ceiling, price floor at price freeze kung kinakailangan para sa
ikakauunlad ng ekonomiya ng bansa.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Sagutan ang mga kahon ayon sa hinihingi ng pahayag.
1
1
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Basahin at sagutan ang mga hinihingi ng pahayag isulat sa salungguhit ang
tamang sagot.
_____1. Ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang
presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan.
a. Tariff
b. Price Stabilization
c. Price Freeze d. Price Ceiling
_____2. Ang dalawang uri ng pag kontrol ng pamahalaan sa presyo ng mga
kalakal sa pamilihan.
a.
Inflation at Deflation
c. Kakapusan at Kalabisan
b.
Price Ceiling at Price Floor
d. Supply at Demand
_____3. Batas na nag babawal sa sino man ng pagpapataw ng mataas na
presyo ng mga kalakal ito man ay suplay, produksyon, distribusyon,
binebenta o anu mang may kinalaman sa kalakal na ibinebenta sa
pamilihan.
a.
Minimum Wage Law of the Philippines
b.
Solo Parent Law of the Philippines
c.
SSS and Medicare Law of the Philippines
d.
Anti – Profiteering Law of the Philippines
_____4. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na
nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa
panahon
ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa).
a. Price Freeze
b. Price Ceiling
c. Price Floor
d. Price Stabilization
_____5. Batas nag-uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa
minimum wage ang isang manggagawa.
a.
Minimum Wage Law of the Philippines
b.
Solo Parent Law of the Philippines
c.
SSS and Medicare Law of the Philippines
d.
Anti – Profiteering Law of the Philippines
SANGGUNIAN
• Araling Panlipunan 9 Ekonomiks; Modyul ng mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon 2015
• https://www.slideshare.net/JajaManalaysayCruz/aralin-1-demand
• https://www.orfonline.org/research/who-moved-my-demand-curve-54737/
• http://autismtank.blogspot.com/2012/09/preference-assessment-step-by-step.html
• https://www.dreamstime.com/shopping-mall-crowd-vector-illustration-family-sale-centerstoreamerican-lifestyle-buying-stuff-money-consumer-image123221304
• https://www.hiclipart.com/search?clipart=Salary
• https://images.bostonprivate.com/Six-Life-Gallery.jpg?mw766-mh431
• https://www.slideshare.net/JajaManalaysayCruz/aralin-1-demand
• https://www.vectorstock.com/royalty-free-vectors/toothbrushand-toothpaste-clipart-vectors
• Ekonomiks, Modyul Para sa Mag-aaral
• Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon,Balitao et.al
• Consuelo Imperial, et.al
• Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad, Balitao et al
www.economist.com
www.investopedia.com
https://www.oxfordeconomics.com/
https://www.economicsonline.co.uk/
www.economist.com
www.investopedia.com
•
•
•
•
https://www.oxfordeconomics.com/
https://www.economicsonline.co.uk/
Araling Panlipunan Gabay ng Guro Yunit 2 Pahina 160-165
Araling Panlipunan 9 Ekonomiks Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 2 Aralin 4. Pahina 170-173
Ekonomiks: Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon Unang
Edisyon 2015: Yunit 2, Aralin 5 Pahina 175-195
Ekonomiks: Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon Unang
Edisyon 2015: Yunit 2, Aralin 5 Pahina 175-195
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Yunit II Aralin 6 Pahina 119-205
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Yunit II Aralin 6 Pahina 119-205
Download