ANG KALUPI NI: BENJAMIN PASCUAL SURING PAMPANITIKAN IPINASA NI: ALIZA MAE M. DE GUZMAN BS ACCOUNTANCY 4-3 IPINASA KAY: BB. DANIELLA ANTONETTE GARCIA Pamagat: Ang Kalupi Awtor: Benjamin Pascual Si Benjamin P. Pascual ang sumulat ng akdang “Ang Kalupi”. Isa siyang fictionist at playwright. Si Benjamin ay taga Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Ipinanganak siya noong Enero 16,1928. Si Domingo Pascual at Adriana Punong- Bayan ang kanyang mga magulang. Isinulat din niya ang “Huling Kahiligan” na nagwagi noong 1963. Nagtatrabaho din siya sa Liwayway bilang comic editor at copy editor simula 1956- 1981. Tauhan: Aling Marta- Isang tipikal na nanay at asawa ng nagtatrabaho para sa kinabukasan ng pamilya. Siya ang babae na nawalan ng kalupi. Isa rin siyang sinungaling at mapanghusgang tao. Andres Reyes- Ang batang hindi sinadyang mabangga si Aling Marta at pinagbintangang nagnakaw ng kalupi. Isa rin siyang bata na walang permanenteng tirahan. Aling Gondang - Isang tindera na inutangan ni Aling Marta para sa pambili ng panghanda. Pulis- Ang humuli at nag-imbestiga sa hinihinalang pagnakaw ni Andres sa kalupi ni Aling Marta. Asawa ni Aling Marta- Isa rin sa nagsusumikap para sa kanilang pamilya. Mahilig sa yosi at ang talagang kumuha ng kalupi ni Aling Marta na walang paalam. Anak ni Aling Marta- Ang anak ni Aling Marta na magtatapos ng hayskul na pinaghahandaan ni Aling Marta sa araw na iyon ng paboritong garbansos na hilig niya. Tagpuan: Pamilihang Bayan ng Tondo, Maynila Suring Pampanitikan: Sa pananaw ng Naturalismo Hindi na maikakaila na ang kahirapan, kawalang- katarungan at pagiging mapanghusga ay isa sa ating normal na nasasaksihan sa pang araw- araw na buhay. Isa ng nga ito sa mga pangunahing dagok na hinaharap ng isang dukha at maralitang mamamayan. Sa akdang ito nais ipamulat ng may akda ang mga natural na nangyayari at sumasalim sa buhay ng Lipunan. Ang maikling kwento na “Ang Kalupi” ay maaaring masuri at mapalalim sa pananaw ng Naturalismo kung saan isinisiwalat ang katotohanan at reyalidad ng buhay. Kahirapan ang pangunahing nangibabaw na tema ng kwento na siyang pangunahing dahilan ng pagkamatay ni Andres at nagtulak sa iba pang tauhan upang harapin ang buhay na may lupit at rahas. Nang dahil sa kahirapan ito ang nagtulak kay Andres upang hindi makapag-aral dahil sa musmos niyang edad ay namulat na siyang buhayin at tulungan ang kanilang pamilya dahil sa may sakit na rin ang kanyang ama, dito ipinakita na talamak ang ganitong mga eksena sa ating bansa maraming bata ang hindi nakakapag-aral at walang kakayahang mag-aral dahil sa maaga silang iminulat sa hamon ng buhay na tila nagiging isang pribilehiyo ang pagkakata- ong makapag-aral sa kasalukuyan kung kaya ganoon na lamang din ang saya na dulot kay Aling Marta na makapagtapos ang kanyang dalagang anak sa hayskul na nagtulak sa kanya upang paghandaan ang graduation nito sa araw na iyon. Ito rin ang pinaka mapait at kalunoslunos na araw sa buhay na batang si Andres pagtapos siyang paratangan ni Aling Marta na nagnakaw ng kalupi nito. Sa ating bansa isa lamang ito sa mga isyung panlipunan na patuloy na ating nasasaksihan isama pa ang hindi at walang maayos na proseso ng pagbibigay hustisya lalong higit sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan. Patuloy ang kalakaran na kung sinong mas nakatataas ay sila lamang ang tama at pinakikinggan na siyang ipinakita ni Aling Marta bilang mas nakakalamang ng buhay kay Andres may kakayahan na siyang mang gipit ng kapwa at basta na lamang magparatang ng walang anumang matibay na ebidensya na kanya lamang ibinase sa panlabas na itsura ng bata kahit pa pilit nitong itinatanggi ang mga paratang. Isama na rin ang naging parte na ginampanan ng pulis kung saan wala rin itong nagawa upang protektahan ang musmos na batang si Andres na kung titignan sa ating lipunan kadalasan ang mga ganitong tao sana na tutulong sa iyo upang ipagtanggol ay iyong sarili ay wala rin nagagawa lalo na kapag may sapat na kapangyarihan, may kakayahan ang nagiging kasangkot tila natatahimik na lang din sila at hindi naibibigay ang hustisya para sa mga maralita. Katulad ni Aling Marta dahil sa kanyang pagiging ‘entitled’ ay kanyang ipinilit ang pulis sa pagproseso ng paghuli sa musmos na bata. Sa maikling kwento rin na ito lumutang ang isa pa sa negatibo at at patuloy na paglaganap ng mapanising mentalidad ng mga tao dahil sa takot sa responsibilidad ng mga kilos na nagawa ay nagiging daan ang paninisi sa iba upang makatakas sa sitwasyon na tayo rin kadalasan ang mismong gumagawa at kitang-kita ito sa ugali ni Aling Marta na tunay na naglalarawan sa mapanghusgang lipunan na ating ginagalawan kaya marami pa rin ang natatakot magsalita dahil sa ganitong sitwasyon na nahihinuha nila kung kaya nagiging normal na ito sa pang araw-araw na buhay dahil sa ganitong mentalidad na ginagawa rin naman ito ng aking kapwa at ang kagustuhan nating tignan tayo bilang nakatataas dahil ang mga nakatatas ang may kakayahang at kapayangrihang gawin ang lahat ng kanilang ninanais kahit ito ay masama. Ang pagkamatay ni Andres ay nagsiwalat at higit na nagpamulat sa isang gaya kong estudyante na maraming isyu hinggil sa kawalang katarungan na hindi nabibigyan ng sapat na hustisyang nararapat. Nakakalunong isipin na patuloy pa rin ang paglaganap ng pagiging makasarili ng mga tao kung kaya humahantong sa ganitong mga bagay na talagang nakikita sa ating lipunan at isa lamang si Andres na biktima ng ganitong sistema sa libo-libong tao nakaranas ng ganitong karahasang hamon ng buhay. Sa naturalismong pananaw isiniwalat ng may akda mapait na reyalidad sa lipunang ating ginagalawan sa pamagitan ng kalupi na syang sumasalim kung paano ang pera ang nagiging sentro ng mga tao sa isang Lipunan.