GEED10103 - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran KABANATA 1 - Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng Kamalayang Bayan (Diskursong Makabayan, Mamayan at Agham Bayan) Panimulang Gawain Batay sa iyong mga dating napag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga dayuhan sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag hinggil sa nakikita mong pangkalahatang epekto nito. 1. 2. 3. 4. 5. Relihiyon Sistema ng Edukasyon Transportasyon Pagkain /Pagluluto Pananamit 6. Sistema ng Gobyerno 7. Sistemang Pang-ekonomiya 8. Sining 9. Pamahiin 10. Wika Mula sa ilang siglong pakikipagkalakal ng mga Pilipino sa mga kalapit-bansa nito hanggang sa ilang daang taong pananakop ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon sa Pilipinas, hindi maikakaila na malaki ang naging impluwensya ng mga dayuhang ito sa atin. Maraming magagandang naidulot ang mga impluwensyang ito sa pamumuhay at pagpapayabong ng ating mga kultura at tradisyon, ngunit nagsisilbi rin ang mga itong Gawain 1: Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino? 2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag. 3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino? Gawain 2: GEED10103 - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Mula sa mga talakay sa itaas, pumili sa mga sumusunod na ideya sa ibaba at gumawa ng isang tula. Maaaring kombinasyon ng mga nakalahad na paksa. Huwag kalimutan na maglagay ng pamagat. Malayang pumili kung malayang taludturan o may sukat at tugma. a. b. c. d. e. f. g. h. Wikang Filipino at pambansang pag-unlad Kalinangang bayan Pagmamahal sa sariling bayan Pagpapalaya ng kamalayan Kulturang Filipino Edukasyong may katuturan Paglilingkod Pagpapahalaga at Pagkakakilanlan KABANATA 2 - Filipinolohiya: Pagpapahalaga sa Sitwasyong Pangkultura, Pampulitika, at Pang-ekonomiya Gawain 3: Bigyan ng maayos pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan: 1. 2. 3. 4. Pilipinohiya Pantayong Pananaw Sikolohiyang Pilipino Filipinolohiya Gawain 4: Basahin ang papel na Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya ni Bayani Abadilla: WISYO NG KONSEPTONG FILIPINOLOHIYA (2002) Bayani S. Abadilla ____________ Kapangyarihan ang Karunungan - Francis Bacon Ang Makinig sa Sabi-sabi ay walang bait sa sarili. - Wisyo Pinoy Panggitnang Pagsusulit I. Bigyan ng pagpapakahulugan ang mga sumusunod na konsepto (hindi lalagpas sa limang pangungusap sa bawat pagpapakahulugan): a. Filipinolohiya b. Kalinangang Bayan GEED10103 - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran c. Talinong Bayan d. Sikolohiyang Pilipino e. Pilipinolohiya f. Pantayong Pananaw g. Pambansang Kaunlaran II. Punan ang dayagram ng Filipinolohiya at Pambasang Kaunlaran at bigyan ng maikling paliwanag (hindi lalagpas ng 15 pangungusap). III. Mula sa talakay, tumukoy ng iba pang karanasang bayan at isaad paano mo ito ipoproseso upang maging talinong bayan. Magbigay ng limang halimbawa. Halimbawa: 1. Karanasang Bayan: Pagsusuob bilang paraan ng panggagamot Talinong Bayan: Pag-aaralan ang siyentipikal ng batayan ng suob sa medikal na aspeto. KABANATA 3 - Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran Gawain 5 Basahin ang Primer sa Pambansang Industriyalisasyon ng AGHAM (Advocates of Science and Technology for the People). GEED10103 - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Gawain 6 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang kahulugan ng Pambansang Industriyalisyon? 2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangunahing industriya na mayroon sa Pilipinas. Tukuyin ito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit 3. Batay sa talakay sa itaas, sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang industriya sa ekonomiya ng bansa? 4. Ano-ano pa ang mga industriya sa bansa ang dapat paunlarin? Pinal na Kahingian Mula sa talakay ng Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran, pumili ng isang karanasang bayan at talakayin ang nakikita mong proseso paaano ito magiging talinong bayan gamit ang Filipinolohiya. Maaaring pumili mula sa larangan na may kaugnayan sa kursong kinukuha. Isulat ang iyong talakay sa pormang sanaysay na naaayon sa sumusunod na pormat: Font Style: Arial Font Size: 12 Spacing: 1.5 Paper Size: Short Bilang ng Pahina: o Min. – 3 o Max. – 7 Kailangang mayroong pamagat ang sanaysay Ilagay rin ang ang batayang ginamit sa dulo ng sanaysay Pormat: Juan Dela Cruz Student Number ABF 1-1 Subject Code Pamagat ng Sanaysay