Republic of the Philippines Department of Education Region IV – A CALABARZON CITY SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL Sen. L. Sumulong Mem. Circle Pulong Banal Brgy. San Jose Antipolo City ____________________________________________________________________________ FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK Arjay I. Perez 12-ABM B Ms. Jona Comodas Aralin 5: Pagsulat ng Akademikong Sulatin ( Buod/Sinopsis) Balikan Katangian Ito’y tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita sa mga journal, aklat, atbp. Karaniwan itong isinusulat nang maikli lamang ang nilalaman ngunit nagtataglay ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa indibidwal. Ang bionote ay laging nasusulat sa ikatlong panauhang pananaw, ito man ay tungkol sa sarili o ibang tao. Bilang karagdagan sa pagiging obhektibo ng bionote, isa rin sa mga katangian nito ay ang nakasulat ito sa paraang pabaliktad na piramide o inverted pyramid. Isinasagawa ang ganitong paraan ng paglalahad upang maipakita agad sa mga mambabasa ang pinakamahahalagang impormasyon tungkol sa indibidwal patungo sa mga hindi gaanong mahahalagang detalye. Ang bionote ay naglalaman ng mga impormasyong makatotohanan. Iniiwasan dito ang paglalagay ng mga impormasyong hindi totoo sapagkat ito ay makaaapekto sa kredibilidad ng materyal gayundin ng manunulat o awtor. Kaugnay sa pagiging maikli ng bionote, isa rin sa mga katangian nito ay ang kaangkupan ng kasanayan o katangian ng indibidwal sa paksa. Hindi lahat ng detalye tungkol sa indibidwal ay inilalagay sa bionote. Tanging mahahalagang impormasyon lamang na may kaugnayan sa paksa ang inilalahok dito na makatutulong upang maipakilala ang indibidwal nang mabilisan sa mga mambabasa. Pahina 11 Kahalagahan Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay, pinaikli man ito ngunit ang mga nakapaloob rito ay ang mahahalaga at kasabisabik na pangyayari buhay ng tao kung kaya’t ito ay importante at mahalaga. Nagbibigay rin ng impormasyon tungkol sa buhay o aktibidad ng isang tao. Makakatulong ito upang malaman naatin kung ano ang kanilang personal na buhay at masisiyasat natin kung ano ang mga nakamit nila sa kanilang buhay na dapat nating ipagmalaki. Pagyamanin Pahina 11 I. PAMAGAT: Ang Alibughang Anak II. TAUHAN Bunsong anak - Ang Alibughang Anak Ama Panganay na Anak Mga Alipin Amo III. TAGPUAN - Bahay ng Isang may kaya sa buhay - Labas ng Bahay - Tirahan ng Baboy IV. MAHALAGANG PANGYAYARI: 1. May isang pamilyang may-kaya sa buhay. Ang mag-asawa sa pamilyang ito ay nag karoon ng dalawang lalaking anak. Simula’t sapul, ang ama ay nagbibigay na ng tulong sa kanyang mga anak. Sila rin ay magkasama sa matagal na panahon. Isang araw, nag pasiya ang bunsong anak na kukunin na raw lamang niya ang mana at napag-isipan niyang mamuhay na lamang nang mag-isa. Binigay ito ng kanyang ama at nagsimula nang umalis ang kanyang bunsong anak. 2. Pagkalipas ng panahon, ginastos lamang ng bunsong anak ang kanyang manang pera kaya naubusan siya nito. Bukod rito, nabaon pa siya sa utang. Dahil rito, naghirap ang bunsong anak. Kaya naman naghanap siya ng trabaho upang magkaroon ng kakaunting pera para pantaguyod sa pamumuhay, ngunit ang kanyang amo ay pinagdadamot ang lahat na kanyang gugustuhin. 3. Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain. Kaya naman, minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong lang. 4. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan. Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang kasuotan, bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak. V. WAKAS Ang panganay niyang anak na nasa taniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nang nalaman ito ng kanyang nakakatandan kapatid lumabas ito nang galit sa kanyang ama. Hindi niya matanggap ang kanyang desisyon. Ngunit, pinaliwanag ng kanyang ama ang kanyang desisyon at para malaman niya ang tunay na halaga ng isang pamilya. Pagkatapos nito, nag bago ang kanyang saloobin sa nakababatang kapatid at pinatawad niya ito. Isagawa Pahina 13 Mga Tauhan: Kathryn Bernardo - George Daniel Padilla- Primo Susan Africa- Lola ni George Darren Espanto: Yohan *Note: Ang ibang mga tauhan ay hindi na nabanggit dahil ito na ang pinakabuod ng kuwento. Tagpuan: Amsterdam Tahanan sa Lucban Quezon School Buod: Sina George (Kathryn Bernardo) at Primo (Daniel Padilla) ay magkamagaral na naging magkaibigan. Si George ay isang estudyante ng medisina habang si Primo ay isang musikero na nangangarap na sumikat ang kanyang bandang tumutugtog ng OPM lamang. Masaya silang nanirahan sa bahay na ipinamana sa kanila ng lola ni George (Susan Africa), kung saan sabay silang nangarap ng maginhawang buhay at nangako na susuportahan at mamahalin nila ang isa’t-isa kahit ano man ang mangyari. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. Ang banda ni Primo ay hindi nagtagumpay, na siyang nagdulot sa kanya na mawalan ng pag-asa. Siya ay naging arogante at mahirap pakisamahan, sa puntong pati mga kaibigan at kabanda niya ay naitulak niya palayo. Nag-iba man si Primo, si George ay patuloy parin siyang minahal at sinuportahan kahit na nahihirapan na rin siya. Kaya naman nagkasundo silang dalawa na ibenta nalang ang pinamang bahay para magkaroon sila kahiit papaano ng pera. Gayunpaman, umabot rin siya sa puntong punong-puno na siya dahil sa pagod at paghihirap na itayo ang kanyang sarili kasama ang kanyang kasintahan kaya’t pinaalis niya si Primo sa bahay na iyon. Agaran niyang pinagsisihan iyon ngunit mas mabilis ang walang pagdadalawang-isip na pag-alis ni Primo. Naghanap si Primo ng mga gustong bumili ng kanilang tirahan at nakahanap naman ito. Dalawang taon ang nagdaan, habang unti-unting nakakayanan ni George na tumayo mag-isa pagkatapos ng pagdadalamhati ng kanyang nasaktang puso, .Hanggang sa natagpuan ni George ang sulat mula kay Primo noong araw na nagpasya siyang iwan si Primo. Ang sulat ay nagpaunawa kay George na mayroon pa rin siyang pagmamahal kay Primo. Bumalik ang nagbagong si Primo at sa huli ay namuhay silang masaya. Nagpunta sila ng Amsterdam para doon matupad ang pinapangarap na nakakabatang kapatid ni george na si yohan. Aral: Huwag ipagpaliban ang iyong mga pangarap para sa taong mahal mo