Teaching Guide First Quarter – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Dates: ___January 15-19, 2024_____________ NILALAMAN Pagbibigay-Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto . MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCS) 1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. SPECIFIC LEARNING OUTCOMES At the end of this lesson, the learners will be able to: 1. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp. 2. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan nitó. 3. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nitó. 4. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit saiba’t ibang uri ng tekstong binasa 5. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’tibang uri ng tekstong binasa 6. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uring tekstong binasa. TIME ALLOTMENT 4 hours – 2 sessions LESSON OUTLINE: 1. Pagpapakilala : Ipakilala ang balangkas ng paksa ng kursong paksa. 2. Pagganyak 3. Pagtuturo 4. Pagsasanay 5. Pagpapayaman 6. Pagsusuri : Cross Word Activity para sa paglalahad ng paksa. : Pagpapakita at pagtalakay sa panayam ng mga paksa. : Pagsulat ng isang sanaysay sa binigay na mga paksa. : Paggawa ng isang talaan para sa aplikasyon hinggil sa paksa. : Pagsusulit Laptop, Projector, Chalk board, Marker MATERIALS Book: DIWA Senior High School Series: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik May Akda: Alvin Ringgo C. Reyes PROCEDURES MEETING THE LEARNERS’ NEEDS 1. PAGPAPAKILALA Teacher Tip: At the end of this lesson, the learners will be able to: Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan nitó. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nitó. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit saiba’t ibang uri ng tekstong binasa Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’tibang uri ng tekstong binasa Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uring tekstong binasa Teacher Tip: 2. PAGGANYAK Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa COVID-19 sa tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. ___________ 1. Unang kawal RESOURCES ___________ 2. Pangkaraniwan ___________ 3. Daglat ng General Community Quarantine ___________ 4. Paglayo-layo ng mga tao ___________ 5. Bago sa pangkaraniwan ___________ 6. Pananatili sa isang lugar ___________ 7. Paghuhugas ng kamay ___________ 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment ___________ 9. Likidong panlaban sa COVID-19 ___________ 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit ___________ 11.Pagtulong ng walang inaasahang kapalit ___________ 12.Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ___________ 13.Daglat ng Modified Community Quarantine ___________ 14.Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig ___________ 15.Paglakas ng katawan galing sa sakit 3. PAGTUTURO Teacher Tip: Ang pagbibigay-kahulugan ay isang eksposisyon na tumatalakay o naglalahad ng depinisyon o kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larang ay may mga jargon o teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o pagpapalinawanag. Ito ang mga konseptong pangwika na pag-uukulan nang pansin sa bahaging ito: 1. Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang o disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas. 2. Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik 3. Datos Empirikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos. Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa jornal ni Adom (2018), ang balangkas ay nagsisilbing ‘blueprint’ o gabay sa pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Ang balangkas na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik bílang pundasyon ng tila binubuong gusali. Balangkas Teoretikal Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik (Adom, 2018) Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa. Sa pamamagitan nitó mas binigyang-lalim at paglalapat ang ginagawang saliksik. Ayon kina Simon at Goes (2011), narito ang ilan sa mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas: 1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa 2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik 3. Pagbabása at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa 4. Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa 5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa 6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya 7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong papel 8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya 9. Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya Isang halimbawa ng teorya ay Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na ginamit sa pananaliksik na pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni Abadejos. Napili nila ang teorya sapagkat ito ang sumasagot sa baryabol nilang child abuse na pumapaksa sa pagkawalay sa ina bílang isang dahilan ng pagkakaroon ng pang-aabuso sa mga bata. Kung iyong mapapansin, ang Attachment Theory na ginamit sa papel ay isang subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas. Ito rin ay sumasagot sa kung bakit nga ba nagkakaroon ng pangaabuso sa baryabol na “child abuse”. Balangkas Konseptuwal Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos. Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik (Adom, 2018). Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014). Sapagkat ito ay magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa lohikal na estruktura sa tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea (Grant at Osanloo, 2014). Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa “Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan,” mula rito, ito ang iba’t ibang konsepto na nabuo ng mga mananaliksik upang masukat ang kanilang baryabol ukol sa “paraan sa pag-iingat”. “Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan” Kung iyong susuriin, mapapansing nagtataglay ito ng IBA-IBANG konsepto upang matugunan ang baryabol o suliranin hinggil sa kalikasan. Totoong ang ilan dito ay mula sa kilalang batas o pantas ngunit ito ay ISINAMA sa iba pang konsepto at nabuo ng mananaliksik ang konseptong ito na ipinakikita sa dayagram. PAGKAKAIBA NG BALANGKAS NA TEORETIKAL AT KONSEPTUWAL (Adom, 2018) Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptwal Mas malawak ang mga nilalatag na idea Mas tiyak ang mga idea Nakabatay sa mga teoryang umiiral na Nakabatay sa mga konseptong may subok at may balidasyon ng mga pantas kaugnayan sa pangunahing baryabol ng pananaliksik Modelong binuo ng mananaliksik batay sa Isang modelo batay sa isang pag-aaral mga baryabol ng papel. Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at tinatanggap na Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na larang upang masagot ang katanungan Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa proposisyon ng papel Ito ay ginagamit upang subukin ang isang teorya DATOS EMPIRIKAL Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya na aakma sa layunin ng pananaliksik Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng mananaliksik batay sa suliranin ng pananaliksik na ginagawa Balangkas na nagtataglay ng lohika kung paano masasagot ang mga katanungan ng ginagawang saliksik Pinagsasamang mga konsepto na magkakaugnay upang masagot ng mananaliksik ang suliranin o layunin ng papel Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi. TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL 1. Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata. Halimbawa: Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan nang dahil sa 2019 N Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas. 2. Tabular. Paglalarawan sa datos Halimbawa: Ilang Online Television Lalawigan Learning sa Cavite Bacoor 3046 398 Imus 4025 1098 Dasmariñas 3098 1209 gamit ang estadistikal na talahanayan. Radio Modular Learning Blended Learning 120 370 405 5700 7098 9091 6900 8929 10,901 3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph. Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon. Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral. Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing. Halimbawa: í sa Bawat Track sa SHS Bi lang ng mga mag-aaral 600,000 500,000 400,000 300,000 200,000 100,000 0 Luzon Academic Visayas Technical-Vocational-Livelihood Mindanao Sports and Arts Pagtukoy ng Kahulugan at e Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita. Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito. Pagpapakahulugan ng Salita Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap. 1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan. Halimbawa : pambihira - katangi-tangi 2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan Halimbawa : Paghanga- pagmamahal 3.Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isangsalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Halimbawa : Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa. 4.Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ngiba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian. Halimbawa : Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit) Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa) Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan) 5.Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito angpagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit. Halimbawa : Di-maliparang uwak - malawak Kaantasan ng Wika Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito. A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami. 1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat atpambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan 2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaingmanunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining. Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook olalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na) Nakain ka na? (Kumain ka na) Buang! (Baliw) 2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Meron - Mayroon Nasan - Nasaan Sakin - sa akin 3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (bente pesos) Pinoy (Pilipino) Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis) Tong (wheels) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (Crocodile) Bata (Child/Girlfriend) Durog (powdered/high in addiction) Papa (father/lover) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam - paki Malay ko at pakialam ko -ma at pa Anong sinabi -ansabe Anong nangyari -anyare 5. Pagbabaliktad Halimbawa: Etneb- bente Kita- atik Ngetpa- panget Dehin- hindi 6. Paggamit ng Akronim 7. Halimbawa: PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay AWIT- AW ang sakIT 8. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak / palpak -Bigo Torpe / Tyope /Torpe -naduwag 9. Paghahalo ng Salita Halimbawa: Bow na lang ng Bow Mag-MU Mag-jr (joy riding) 10. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45-Baril 143- I love you 50/50- naghihingalo 11. Pagdaragdag Halimbawa: Puti - isputing Kulang -kulongbisi 12. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag) Halimbawa: Hiya-yahi-Dyahi 13. Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino -Pinoy Mestiso-Tiso-Tisoy 14. Pagpapaikli at pagbabaligtad 15. Halimbawa: Pantalon-Talon-Lonta Sigarilyo-Siyo-Yosi 16. Panghihiram at pagpapaikli Halimbawa: Security -Sikyo Brain Damage - Brenda 17. Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get -Gets/Getsing Cry -Crayola Teacher Tip: 4. PAGSASANAY Panuto: Pumili ka ng isang suliranin o paksa sa ibaba. Magsulat ng isang sanaysay mula sa napiling paksa. Mula sa napili mong suliranin magsaliksik ka ng mga teorya o pamamaraan upang mabigyan mo ito ng solusyon o lunas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. A. B. C. D. E. Pagiging Laging Hulí o Liban sa Klase Pagkakaroon ng Mababang Marka Pisikal o Virtwal (Cyber) na Pambubulalas (Bullying) Pagharap sa Hámon ng Covid-19 Depresyon: Dulot ng Covid-19 F. G. Mga Nawalan ng Trabaho Dahil sa Covid-19 Búhay na Kakaharapin ng mga Umuwing OFW dahil sa COVID-19 PAKSANG NAPILI: __________________________________________________ TEORYA o MGA KONSEPTONG NAPILI: _____________________________ 5. PAGPAPAYAMAN Teacher Tip: Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga salita, kabisahin ang kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang salitang binigyang kahulugan upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitan. Magbigay ng sampung salita. Maaaring gumamit ng mga lumang kuwaderno upang doon itala ang lahat ng mga salita na binigyang kahulugan. Maaaring magtala araw- araw ng limang salita na binigyan ng kahulugan at gamitin sa sariling pangungusap. Ito ay sisiyasatin ng guro sa oras na magkita kayo. 6. PAGSUSURI Teacher Tip: Pagsusulit Prepared by: Mrs. Jia Roxanne D. Ramos, LPT Subject Teacher Checked by: Ms. Gadra Baylon, MAEd SHS Program Head