Uploaded by biancajudelle

FILIPINOSTORY

advertisement
“Kaibigan”
ESPS- Kilala si Benjie sa paaralan nila dahil sa kaniyang kakaibang karisma.
Madaming mga babae ang humahanga sakaniya ngunit nakatuon lamang ang
kanyang mata kay Hasmine na isa sa mga kaibigan nina Benjie, Yel, Sammy,
Daniela, Haven at Zel. Ngunit si Hasmine ay mayroon nang nobyo. Habang
patuloy na humahanga si Benjie kay Hasmine ay di nya napapansin ang
namumukod tanging babaeng matagal nang humahanga sakanya.
“Saint Albert ka rin, Dani? Ang saya naman magkakasama parin tayong
magkakaibigan.” Nakangiting banggit ni Yel habang kausap si Daniela sa klase.
“Ah oo.” Sagot ni Daniela. Luminga linga ito na tila may hinahanap. “Oh, Andito
narin si Benjie. Jie! Dito ka na umupo sa tabi ni Hasmine HAHAHA ay este Yel
pala!” Masayang sigaw ni Daniela sa bandang pintuan. Agad namang umupo si
Benjie sa tabi ni Yel. “Oonga pala, nadala nyo na ba yung pinapagawa ni Miss
Anna para sa oryentasyon natin ngayon?” tugon ni Daniela. “Hindi eh,
Manghihiram na lamang ako.” Sagot ni Benjie. “Cora? Pwede manghiram ng
ballpen at isang buong papel? Salamat!” Agad namang sinunod ito ni Cora at
nagpapansin kay Benjie. “Grabe Jie, Ang chachaka naman ng mga babaeng
nagpapapansin sa iyo.” sabay tawang tugon ni Daniela.
*hagdan patungo sa pang-apat na palapag*
(Pananaw ni Daniela)
“Benjie!” Sigaw ko habang humigingal sa paakyat ng hagdan. “Bakit kasi sa
pang-limang palapag pa ang silid-aralan natin eh. Nakita mo ba si Hasmine?”
Kumibit balikat si Benjie. “Siya nga pala, May sasabihin ako sayo sa susunod na
linggo.” Dali-daling umakyat ako patungo sa silid-aralan. Hindi naman umimik si
Benjie buong umaga saakin dahil abala ito sa paggawa ng aming gawain.
Pagkatapos kumain sa aming recess ay pumunta ako sa silid-aklatan upang
manghiram at magbasa ng mga aklat. Hindi ko inaasahan na naroon rin si Benjie.
Tahimik ito at mukhang hindi naman nagbabasa kaya’t nilapitan ko. “Jie, andito ka
pala?” mahinang sabi ko. “Ah oo.” malumanay na sagot nito at bumuntong
hininga. “May natitipuhan kasi akong babae, kahit na anong effort ang ibigay ko
iba parin ang gusto nya. Ikaw ba Dani, nagkagusto ka na rin ba sa isang lalaki?”
Patuloy ni Benjie. “Ako oo, kaso iba rin yung gusto nya. Ang hirap nga eh dahil
kahit anong hirap kong mapansin nya iba parin ang gusto nya. Kung sana nga lang
kasing ganda ako nung babaeng gusto nya eh di sana ang saya, diba?” Sabi ko.
“Ha? Sino ba?” tanong ko. “Si Hasmine. Hindi mo pa ba alam?” Sagot niya. “Ah
ganoon ba?” tilang lantang gulay na wika ko at nagpaalam na “Oonga pala Jie,
aalis na ako”.
* Silid-aralan *
Pagpasok ni Benjie sa silid ay tumabi ito sa tabi ko ngunit hindi ko pa nalilimutan
ang naging usapan namin kanina sa silid-aklatan, hindi pa nga ako nakakaamin ay
nabigo na agad ako. “Yel, samahan mo ako sa palikuran.” Hindi pa nakakasagot si
Yel ay dumiretso na ako palabas ng silid. Wala pa naman kaming guro kaya pwede
pa kaming makalabas basta’t babalik lamang sa tamang oras. Pagpasok namin ng
palikuran ay ibinuhos ko lahat kay Yel ang lahat ng hinanakit ko patungkol kay
Benjie. “Okay lang yan Dani. Hindi lang naman si Benjie ang lalaki sa mundo.”
Niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos ay bumalik na rin sa silid-aralan.
Pagpasok namin ay katabi na nito si Hasmine ay tila masayang nagkukwentuhan.
Isinulat ko sa papel ang mga nais kong aminin at sabihin sakanya. Hi, Jie.
Paumanhin at di ko nasabi sa iyo ito noon pero matagal na kitang tinatangi.
Natatakot ako na masira ang ating pagkakaibigan ng dahil rito. Sa madaming
paraan ko sinusubukan ipakita o ipadama saiyo ang nararamdaman ko ngunit
kahit anong gawin ko ay alam ko na si Hasmine parin ang pipiliin mo. Ginawa
ko lahat para lamang maging karapatdapat.. Galing kay: D
*koridor*
“Dani?” tawag ng kung sino sa likuran ko. Pamilyar ang boses ngunit hindi ko
magawang lumingon. “Dani, iniiwasan mo ba ako? Hindi ka na sumasama sa mga
lakad natin at naging tahimik ka na rin.” tanong nito. “Oo Jie. Ayoko na mailang
tayo sa isa’t isa.” tugon ko. “Dani, Gusto kita. Pasensya at huli ko na itong
napagtanto.” sabi nito. “Huwag mong sasabihin yan, Jie. Ayoko na dahil lamang sa
awa kaya mo ako magugustuhan. Alam kong si Hasmine ang gusto mo. Madami
ring babae ang umaaligid sa iyo” may halong lungkot na sabi ko.
Aral ng istorya: Pahalagahan bago mahuli ang lahat
materials:
alambre
paint
airdry clay
styrofoam
1/8 illus
pebbles
glue gun
Download