Matapang: Babaeng may pangarap Sa lugar na Carat ay marami ang naging ambag ng mga kababaihan, mula sa panahon ng mga digmaan. Sumisimbolo sa kanila ang pagiging matapang para ipaglaban ang kanilang minamahal na lugar. Ngunit, marami paring nang mamaliit sa kanila sa bawat sitwasyon. Ako si Divine, at ako ay isang babae. Tama ba na nangyayari ito sa amin? Masasabi niyo ba na nararapat lang itong mangyari sa amin? “Inay ako po ay papasok na!” saad ko habang kinukuha ang aking mga gamit. “Hindi ka na dapat pumapasok dahil magiging katulong ka lang naman” aniya ng aking nanay habang inaasikaso ang aking kapatid. Mula noon ay kahit ang aking nanay ay minamaliit ang pagiging babae, para sa kaniya ay ang silbi ng isang babae ay ang pag sisilbi sa kaniyang asawa. Nakakalungkot lang ngunit ayokong maging ganon lamang, may mataas ako na pangarap para sa aking sarili at magagawa ko ‘yun kung ako ay mag susumikap at hindi susuko. Hindi ako aasa sa isang lalaki upang maging maganda ang aking buhay, naniniwala ako na magagawa ko yun gamit ang aking talino at sipag. Sa pag pasok ko sa eskwelahan ay sinalubong ako ni Joshua, ang aking kaaway na walang ibang magandang ginawa kundi ang awayin ang mga babae niyang kaklase. “Hoy Divine gawin mo tong pinapagawa sa atin tutal utusan lang naman kayong mga babae” aniya habang dinuduro ako. Hindi ako maka laban dahil pag tatawanan lang ako lalo at pag tutulungan nila ako. Sa pag pasok ko sa eskwelahan ay sinalubong ako ni Joshua, ang aking kaaway na walang ibang magandang ginawa kundi ang awayin ang mga babae niyang kaklase. “Hoy Divine gawin mo tong pinapagawa sa atin tutal utusan lang naman kayong mga babae” aniya habang dinuduro ako. Hindi ako maka laban dahil pag tatawanan lang ako lalo at pag tutulungan nila ako. Bakit ganto ang nangyayari sa akin? Gusto ko lang naman makapag tapos at mabigyan ng magandang buhay ang sarili ko at ang aking pamilya. Maraming nang aaway sakin na lalaki at nakikisali na rin ang mga ibang kababaihan dahil sa pang aasar ng aking mga kaklaseng lalaki. Paulit ulit ang ginagawa nila kaya ako ay napang hihinaan ng loob, minsan ay hindi na ako pumapasok dahil ayoko na marinig ang kanilang mga pang lalait sa akin. “Ano? Susuko ka nalang ba? Hindi ka dapat napang hihinaan ng loob.” Aniya ni Jey, “Oo nga Divine, kung hindi mo pa kayang lumaban sa kanila tutulungan ka namin ‘wag ka lang sumuko dahil alam kong marami kang pangarap.” Aniya ni Rei. Kaya ako ay nakapag isip na tama sila, may sarili akong pangarap at hindi ko sasayangin ‘yon dahil lang sa mga mapang mata na tao. Tinulungan ako ng aking kaibigan na si Jey at Rei upang matutong ipag laban ang aking sarili. Hindi nila hinahayaan na ako ay inaapi at minamaliit. Sila ay nag tanggol sa akin habang kami ay nag aaral at alam kong isa silang tunay na kaibigan. Alam nila ang kahalagahan ng mga babae at natuto ako sa kanilang mga tulong. Kapag nakapag tapos ako ay mabibigyan ako ng magandang trabaho. Ito na ang huling pang mamaliit ng kung sino man sa akin, bilang isang babae alam kong matapang ako at may paninindigan. Ako ay magiging boses ng mga kababaihan na naaapi at hindi nabibigyang hustisya. *Makalipas ang 10 na taon Ako ay isang ganap na abogado at ipinag lalaban ko ang boses ng mga kababaihan na inaalipusta, inaabuso, at inaapi. Hindi natatapos sa salitang ‘babae ka lang’ ang pagiging babae. Ang tunay na problema ay kung lagi nating ipipilit na maliitin ang kakayahan ng mga babae. Kaya ng mga babae ang mga ginagawa ng kalalakihan. Marami silang magagawa hindi lang bilang asawa o bilang utusan. Hindi nasusukat ang kahalagahan ng tao rito. Kagaya ko, ay pwede rin silang maging boses para sa mga karapatan ng tao. Dahil hindi lang tayo basta babae lang. Babae tayo.