Uploaded by Rio Fionah A. Lopez

MGA MEKANIKS

advertisement
Mga Mekaniks sa Paggawa ng News Broadcasting
1. Bawat miyembro ay kinakailangan na may papel na gagampanan sa gagawing news
broadcasting o pagbabalita.
a. News anchor/s
b. News reporter/s
c. Mga mamamayan na parte ng balita
d. Videographer (tagakuha ng video)
e. Video Editor
f. Scriptwriter
2. Ang gagawing pagbabalita ay may tatlong parte:
a. headline news (pangunahing balita, national o local news)
b. entertainment news (showbiz)
c. sports news
3. Kinakailangan gumawa ng script para sa gagawing pagbabalita. I-highlight ang mga
mahalagang impormasyon tulad ng 5 W's and 1 H: sino, ano, kailan, saan, bakit, at
paano. I-organize ang balita ng ayon sa tamang orden ng kahalagahan ng impormasyon.
4. Iwasan ang paggamit ng komplikadong wika. Piliin ang mga salitang madaling intidihin
ng target audience. Gumamit ng wikang Filipino sa pagbabalita at panayam na gagawin.
5. Piliin ang tamang boses at tono na kaaya-aya sa pandinig ng tagapakinig o manonood.
6. Ang video ay hindi dapat mahigit sa sampung (10) minuto ang haba. Sundin ang
takdang oras para sa pagpapresenta ng balita upang maiwasan ang pag-aalangan.
7. Maaaring lagyan ng sound at technical effects upang maging mas kaaya-aya ang
presentasyon ng balita. Maging malikhain sa presentasyon ng balita upang gawing mas
as nakakaengganyo sa mga tagapakinig o manonood. Maaari din gumamit ng green
screen.
8. Gumawa ng sariling pangalan ng news program gaya ng mga napapanood sa telebisyon
(24 oras, TV Patrol, Bandila)
9. Magsuot ng akmang kasuotan sa pagbabalita lalo na ang mga news anchor at reporter.
10. Iwasan ang pagbabasa ng script habang nagbabalita. Maaaring gumamit ng prompter
ang mga tagapagbalita.
11. Maghanda ng maayos bago mag-record. Siguruhing alam ang script at may
kumpyansang maidedeliver ng maayos.
12. Ipasa ang nagawang video presentation bago matapos ang ikalawang markahan.
Iupload ang video sa YouTube.
KRITERIYA
PUNTOS
15
Kasapatan ng Impormasyon
Ang pangunahing paksang balita ay malinaw at kumpleto.
Ang pagsulat ay sumusunod sa tamang balita ng W at H (who, what,
when, where, why, how).
20
Presentasyon, Estilo at Ayos ng Pagbabalita
Maganda at maayos ang presentasyon ng tagapagsalita o tagapagbalita.
Maayos ang tono at boses ng tagapagsalita.
Ang pagkakapresenta ay may kasanayan at kaalaman.
10
Teknikal na aspeto
Maayos ang background/sound effects at visual na elemento.
Malinaw ang video.
5
Interaksyon
Maayos na napapanatili ang atensiyon ng audience sa buong
pagbabalita.
50
TOTAL
Mga Mekaniks sa Paggawa ng Vlog
1. Bawat miyembro ay kinakailangan na may papel na gagampanan sa gagawing vlog
gaya ng mga sumusunod.
a. Vloggers
b. Content writer
c. Videographer
d. Video Editor
2. Gumawa ng vlog tungkol sa anumang paksa o tema ng inyong napili. Unahin ang
layunin ng iyong vlog.
3. Maaari kang pumili mula sa mga sumusunod na layunin para sa paggawa ng vlog:
a. Mag-aliw (mga biro, pranks, challenge, puns, music playlist, travel bucket list;
review ng pelikula/TV drama/aklat, gaming, fashion, sports, sayaw, mga artistang
nagtatanghal, pag-awit, atbp.)
b. Magbigay-Impormasyon (trivia, katotohanan, konsepto, balita, atbp.)
c. Magturo (mga listahan ng paano-gawin, mga resipe, tagubilin sa paggawa ng DIY
o iba pang bagay)
d. Makumbinsi (opinyon, pananaw, komento, mungkahi, rekomendasyon)
e. Magbahagi (personal na journal/diary, araw-araw na pagbabahagi ng pamumuhay,
mga karanasan, mga paborito, mga hilig, fashion, paglalakbay)
4. Magplano ng script o outline para sa iyong vlog. Siguruhing malinaw at maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
5. Iwasan ang paggamit ng komplikadong wika. Piliin ang mga salitang madaling intidihin
ng target audience o viewers.
6. Ang video ay hindi dapat mahigit sa sampung (10) minuto ang haba. Sundin ang
takdang oras para sa vlogging upang maiwasan ang pag-aalangan.
7. Gumamit ng video editing software para sa magandang pagkakasunod-sunod ng mga
eksena at pagdagdag ng musika o sound effects.
8. Maaaring lagyan ng sound at technical effects upang maging mas kaaya-aya ang
presentasyon ng inyong vlog. Maging malikhain sa presentasyon ng inyong video
upang gawing mas nakakaengganyo sa mga manonood.
9. Gumawa ng sariling pangalan ng inyong vlog gaya ng mga napapanood sa YouTube o
iba pang social media platforms. Pumili ng maaksyong pamagat na makakaakit ng
pansin ng mga manonood.
10. Ipasa ang nagawang video presentation bago matapos ang ikalawang markahan.
Iupload ang video sa YouTube.
KRITERIYA
PUNTOS
20
Nilalaman
 Ang nilalaman ay may lalim at kahalagahan.
 Ang paksang napili ay kaakit-akit at may koneksiyon sa target audience.
 Maayos ang pagbuo ng kwento o pagtalima ng mga ideya.
 Ang vlog ay nagbibigay ng impormasyon, aliw, o inspirasyon sa audience.
 Malinaw ang layunin ng vlog.
15
Pagsulat at Pagsasalita
 Maayos ang pagsusulat ng script, kung mayroon.
 Ang tagapagsalita ay malinaw, maayos ang tono, at may kasanayan sa
pagsasalita.
 Ang pagsasalita ay kaaya-aya at nakakaengganyo.
 Ang boses at intonasyon ay nagbibigay buhay sa nilalaman.
10
Teknikal na aspeto
 Maayos at malinaw ang audio.
 Ang visual na aspeto ay maayos, may kasaysayan, at kaakit-akit.
 Maganda ang pagkakaedit ng video.
5
Originalidad
 Ang vlog ay nagbibigay ng bagong pananaw o estilo.
Mga Mekaniks sa Paggawa ng Short Film
1. Bawat miyembro ay kinakailangan na may papel na gagampanan sa gagawing short
film gaya ng mga sumusunod.
a. Mga pangunahing aktor/aktres pati mga extra
b. Scriptwriter
c. Direktor
d. Videographer
e. Video Editor
2. Itakda nang maayos ang konsepto ng inyong short film. Maaaring gumawa ng sariling
konsepto ng gagawing short film. Mainam din na gumawa parody ng eksena sa isang
pelikula. Maaari din isagawa ang napiling eskena ng isang pelikula.
3. Iwasan ang paggamit ng komplikadong wika. Piliin ang mga salitang madaling intidihin
ng target audience o viewers.
4. Gumawa ng script para sa bawat eksena. Ito ay magiging gabay sa pagkuha ng mga
eksena at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
5. Magsulat ng maiksi at epektibong script. Iwasan ang pagkakaroon ng masyadong
maraming eksena o paggamit ng sobra-sobrang linya.
6. Pumili ng mga lokasyon na angkop sa iyong kwento. Siguruhing ang mga ito ay
nagbibigay ng tamang atmospera at damdamin.
7. Alamin ng mabuti ang iyong mga tauhan. Siguruhing maayos ang kanilang pagsasanay
at nagbibigay buhay sa karakter.
8. Piliin ng maingat ang tunog at musika. Ang tamang soundtrack ay maaaring magbigay
buhay sa iyong short film.
9. Sundan ang tamang oras para sa inyong short film. Siguruhing maiksi at maayos ang
pagkakatiming ng mga eksena. Ang video ay hindi dapat mahigit sa sampung (10)
minuto ang haba.
10. Ipasa ang nagawang video presentation bago matapos ang ikalawang markahan.
Iupload ang video sa YouTube.
KRITERIYA
Konsepto at Kwento
 Ang konsepto ng short film ay kakaiba at makabuluhan.
 Ang kwento ay maayos na itinatampok at may malinaw na simula, gitna,
at wakas.
 Mayroong malinaw na mensahe o damdamin na nais iparating.
 Ang pagpapahayag ng emosyon at atmospera ay epektibo.
Pagsulat at Pagsasalita
 Ang script ay maayos na isinulat at naglalaman ng malalim na pagsusuri.
 Ang mga dialogo ay natural, malinaw, at nagpapakita ng
karakterisasyon.
 Ang pagsasalita ay sumusunod sa tono ng kwento at tema ng short film.
 Maayos ang pagkakagamit ng wika at bokabularyo.
Teknikal na aspeto
 Ang teknikal na aspeto tulad ng editing at sound design ay maganda at
propesyonal.
 Ang cinematography ay nagbibigay buhay sa kwento at nagpapakita ng
magandang na kalidad.
Pagganap
 Ang mga aktor ay nagbibigay ng maayos na pagganap at may kapanipaniwala sa kanilang mga karakter.
 Ang pagganap ay nag-aambag sa pagbuo ng kwento at damdamin.
TOTAL
PUNTOS
20
10
10
10
50
Mga Mekaniks sa Paggawa ng Patalastas
1.
Bawat miyembro ay kinakailangan na may papel na gagampanan sa gagawing short
film gaya ng mga sumusunod.
a.
Commercial actor/actress
b.
Scriptwriter
c.
Direktor
d.
Videographer
e.
Video Editor
2. Itakda nang maayos ang konsepto ng inyong patalastas. Maging malikhain sa iyong
pagpapatupad ng ideya.
3. Maaaring gumawa ng sariling konsepto ng gagawing patalastas. Maari din na gumawa
parody ng isang patalastas sa telebisyon gaya ng mga napapanood sa Bubble Gang.
3. Pumili ng mga visuals na magpapahayag ng iyong mensahe. Maaaring ito ay mga larawan,
grafiko, o iba pang graphic elements.
4. Iwasan ang paggamit ng komplikadong wika. Piliin ang mga salitang madaling intidihin ng
target audience o viewers.
5. Gumawa ng script para sa gagawing patalastas. Ito ay magiging gabay sa pagkuha ng mga
eksena at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
6. Magsulat ng maiksi at epektibong script. Iwasan ang pagkakaroon ng masyadong maraming
eksena o paggamit ng sobra-sobrang linya.
7. Magsagawa ng maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari o mensahe sa iyong
patalastas. Pumili ng angkop na tagpuan para sa iyong patalastas. Siguruhing makararating ito
sa maraming tao.
8. Iwasan ang paggamit ng komplikadong wika. Piliin ang mga salitang madaling intidihin ng
target audience o viewers.
9. Sundan ang tamang oras para sa inyong patalastas. Siguruhing maiksi at maayos ang
pagkakatiming ng mga eksena. Ang video ay hindi dapat mahigit sa 3 minuto ang haba.
10. Ipasa ang nagawang video presentation bago matapos ang ikalawang markahan. Iupload
ang video sa YouTube.
KRITERIYA
Nilalaman at Layunin:
 Malinaw ang mensahe at layunin ng patalastas.
 Ang paksang itinatampok ay kaakit-akit sa mga tagapanood.
 Ang pangunahing ideya ay naipapahayag ng maayos.
Paraan ng Panghihikayat
 Nakakaengganyo at epektibo ang paraan ng panghihikayat sa mga
tagapanood.
 Ang pagsasalita ay sumusunod sa epektibong paraan ng panghihikayat.
Teknikal na aspeto
 Ang teknikal na aspeto tulad ng editing at sound design ay maganda at
propesyonal.
 Maayos ang cinematography at pagpili ng anggulo.
 Ang video ay malinaw at may mataas na kalidad ng audio.
Pagsasanay ng Tauhan
 Ang mga tauhan ay nagbibigay ng maayos na pagganap.
 Ang emosyon ng mga tauhan ay nararamdaman ng manonood.
 Ang pagsasalita at ekspresyon ay may kasanayan.
TOTAL
PUNTOS
20
10
10
10
50
Download