Uploaded by Miel Keira

ARALIN 14 - KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

advertisement
Aralin14
Mga Kayarian ng
Pangungusap
Ano ang Pangungusap?
- Ito ay lipon ng mga salitang may buong diwa.
Simuno at Panaguri
Simuno
- Ito ang bahaging pinag-uusap sa isang
pangungusap.
Panaguri
- Ito ang bahaging naglalarawan sa simuno
o paksa.
AYOS NG PANGUNGUSAP
1. Karaniwan – ayos ng pangungusap na kung saan nauuna ang
panag-uri bago ang simuno sa pangungusap.
Hal.
Mabilis na tumakbo si Juan papunta sa kanyang ina.
Umalis ng maaga si Ana sa kanilang bahay papunta sa kanyang eskwelahan.
Lumahok sa pambansang palaro si Pedro.
2. Di-Karaniwan
- nauuna ang simuno kaysa sa panaguri. Ito ay
ginagamitan ng salitang “ay”.
Hal.
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang uri ng likas
yaman.
Ang guro ay maayos na nmagtuturo sa kanyang klase.
Si Karen ay mahusay sa pakikipagtalakayan sa aming
mga kamag-aral.
Mga Kayarian ng Pangungusap
❑PAYAK
❑TAMBALAN
❑HUGNAYAN
❑LANGKAPAN
PAYAK
- Ito ay may isang diwa lamang o kaisipan
(sugnay na makapag-iisa)
hal.
Masipag mag-aral si Allen.
Malakas kumain si James.
Ang mga bulaklak ay magaganda.
Tambalan – Nagsasaad ng dalawang sugnay namakapag-iisa. Ito
ay pangungusap na may dalawanmg kaisipan na pinag-uugnay o
pinagdudugtong sa tulong ng mga pangatnig na : at, pati, saka, o, ni,
maging, ngunit , upang, kaya, kapag, datapwa’t, samantala at iba
pa…
Hal.
Si Dexter ay malakas mang-asar samantalang si Rex ay
mapagmahal.
Si Jonathan ay nagtatrabaho na habang ang kapatid na si
Hector ay nasa kolehiyo pa lamang.
Hugnayan – Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at
sugnay na di makapag-iisa. Ito ay ginagamitan ng mga pangatnig na
(kung, nang, upang, bago, kapag, dahil sa, sapagkat, kung saan,
hanggang, pagkatapos, kaysa ) upang maikabit sa dalawang sugnay
na di makapag-iisa.
Hal.
Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna
laban sa COVID-19, kailangang manguna sa pagbabakuna ng
mga lider ng bansa.
Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sila sa mga
kapitbahay na nangangailangan.
Langkapan – Ito ay pinagsamang tambalan at hugnayan.
Dalawa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa at isang sugnay
makapag-iisa.
Hal.
Dahil sa kaganapang krimen sa Pilipinas, kailangang kimilos
ang gobyerno at magkaroon ng mga hakbang na
makatutulong sa paglutas nito.
Gumawa ng marangal at magbigay ng tulong sa mga
kababayang naapektuhan ng bagyo dahil ito ang
karapatdapat na Gawain tuwing may kalamidad.
Download